Share

Chapter 4.1

Author: amvernheart
last update Last Updated: 2021-10-22 14:35:41

Stacey's POV

Pagkarating na pagkarating ko sa kalsada, isang van ang biglang huminto sa harap ko.

"Hurry up and get in, Virgo!"--hoarse voice of Zach.

Walang lingon-lingon akong pumasok sa loob ng van at umupo sa tabi ni Denver. Hinihingal akong napasandal.

Thanks God! I'm safe now.

Napahawak ako sa dibdib na tila ba mababawasan nito ang malakas na kabog ng aking dibdib.

"Okay ka lang ba, Virgo?" Tanong ni Thirdy dahilan para mapatingin ako sa kanya.

Tumango ako bilang tugon.

"Sobra kaming nag-alala sa'yo." Sunod nitong turan.

"Salamat." Pinilit kong ngumiti ng bahagya.

"I'm sorry. I failed you this time,"sunod kong turan. Galing iyon sa aking puso; sinsero.

"Hindi mo kasalanan 'yon. Panira kasi ang bar manager na 'yon eh," turan ni Thirdy.

" I should be the one to say sorry. Ako naman ang nagplano at nagpumilit nito. Muntik ka na tuloy mapahamak," sinserong turan ni Denver na nakayuko.

"Ano ka ba? Danger is a part of our job. So, don't blame yourself, okay?" turan kong bahagyang ngumiti at tinapik siya sa balikat.

"Ano na nga pala ngayon ang gagawin natin. We already lost the oppurtunity," sunod kong turan kasabay ng pagseryoso ng ekspresyon ng mukha ko.

"Two weeks from now, he will be attending an event. Susubukan naming makapasok," turan ni Red habang nasa kalsada pa rin ang atensiyon niya.

"I'll be busy on that week. Sayang naman!" 

"Let's just trust them. I know kaya na nilang tatlo 'yon," turan ni Zach. Agad akong napalingon sa kanya. Ngayon ko lamang naalala na may importante rin pala siyang aayusin. 

"By the way Stacey, sino 'yong lalaking nakabili sa'yo? Hindi kasi siya nakuhanan ng camera. Paano ba naman kasi, kinuha ng bar manager ang mask mo," saad ni Thirdy.

"That pervert!" Agad akong napairap nang maalala ko ang mukha ng lalaking manyak na 'yon.

"I haven't given the chance to know his name. All I want that time is to escape," sunod kong turan habang inaabot ang bottled water na nasa bandang harapan ni Denver.

Ang mga mokong na 'to, wala man lang sa kanila ang nakaisip na mag-offer ng tubig.

"May ginawa ba siya sa'yo?" Zach asked coldly.

"Wala naman," saad ko bago buksan ang tubig.

Sayang nga eh. Mukha pa naman siyang yummy.

Nasamid tuloy ako dahil sa naisip ko.

 Ang halay mo, brain. Errrr... Maghulos-dili ka nga!

"Ako ang may ginawa sa kanya," sunod kong turan nang makabawi ako sa pagkasamid.

"Whoa! 'Yan ang baby girl namin!" Red yelled. Tumawa naman si Thirdy. Nag-high five pa sila pagkatapos.

"Sana nga mabaog siya para magtanda siya," turan ko dahilan para magtawanan muli sila. Si Zach lang yata ang kill joy. Mataman lamang itong nakatingin sa'kin at nakakunot-noo.

Nakakainis din minsan 'tong lalaking 'to eh. Parang robot, hindi yata marunong ngumiti. Pero kahit may KJ na kasama sa biyahe, sa sarap ng usapan, halos 'di namin namalayan na nasa hide out na kami. Pagkarating namin, agad akong nagbihis at pumunta sa parking area at dumiretso ng uwi. Gano'n din silang apat, nagsiuwi na sila sa sari-sarili nilang pamilya. 

Pagkagising ko kinaumagahan, at pagkaupo ko palang sa harap ng hapag-kainan, nangyari ang inaasahan ko.

"Belle, anak. Pagbigyan mo na kami ng daddy mo, okay? Para din naman ito sa pamilya natin. Hindi naman masamang tao ang mapapangasawa mo. Sila na lang makakapagsalba sa nalulugi nating kompanya," mahinahong litanya ni mommy.

 Sa loob ng ilang buwan, para siyang sirang plaka na sa tuwing uuwi ako ng bahay, ito ang linyahan niya.

I rolled my eyes.

"Okay, mom. Kikilalanin ko siya."

Iwas ako ng iwas kaso heto na yata ako sa puntong kailangan ko na talagang sumunod sa kanila.

"Good to hear that. Finally, anak!" segunda ni Dad.

Bigla tuloy akong nawalan ng gana sa pagkain. Ang aga-aga pero ito ang bumungad sa'kin.

"May picture nga pala sa'kin ang future husband mo." Nagtipa si mommy sa kanyang cellphone. "Nandito rin ang basic info tungkol sa mapapangasawa mo, anak." Akmang iaabot niya ang hawak niyang cellphone ngunit bigla akong tumayo at magsalita.

"Busog na ako!" Naging dahilan iyon upang matigil siya sa pag-abot ng phone niya.

"Anak, akala ko ba----"

"Don't worry, Mom! Magpapakasal  ako sa kanya," maagap kong saad bago pa siya magsimulang maglitanya na naman.

"Hindi mo man lang ba aalamin ang mga basic information tungkol sa kanya?"

"I'll just discover that personally. Mas magandang kilalanin ko siya ng personal," turan ko bago tumalikod  at pumanhik sa kwarto ko.

Sa halip na magmukmok ay binuksan ko na lang ang TV sa kwarto ko. Naglabas na lang ako sitsirya at isinawalang bahala ang nararamdaman ko.

Nasa kalagitnaan ako ng panonood nang bumukas ang pinto at pumasok mula roon si mommy.

Hindi ko siya pinansin ngunit naramdaman ko ang paglapit niya sa kinaroroonan ko.


"Tumawag ang future-mother-in-law mo, tinatanong niya kung kailan sila pwedeng bumisita rito para makilala ka ng personal." Malumanay niyang saad.

Sumandal ako sa sofa at saka ipinatong ang paa ko sa center table.

"Masyado ba silang nagmamadali, mom?" turan kong hindi man lang siya nilingon. Nakatuon pa rin sa TV ang atensiyon ko.

Hindi siya umimik pero hindi nakaligtas sa'king pandinig ang pagbuntong-hininga niya.

"Hindi ba pupunta rin naman tayo sa bahay nila next week dahil birthday ng FUTURE-FATHER-IN-LAW ko. Doon niyo na lang ako ipakilala sa kanila." Pinagdiinan ko talaga ang salitang future-father-in-law. Naaasar kasi talaga ako.

Dapat sana,  sa week na iyon, si Mr. Guo ang inaasikaso ko at hindi ang kung sinumang pilato na 'yan.

Muli kong narinig ang pagbuntong-hininga ni Mommy.

"Sana naman, kapag nakaharap mo sila, ayusin mo ang pakikitungo mo sa kanila." Nahagip ng paningin ko ang pag-upo niya sa tabi ko.  Tumagilid din siya at hinarap ako.

"I know what to do, mom. I won't do things that will ruin your reputation." Hindi ko naiwasang sumimangot.  

"I know we are giving too much burden to you. I'm really sorry, anak." Marahan niyang hinaplos ang pisngi ko.

Magmamaldita sana ako kaso kapag ganito ang tono ni mommy, nakokonsensya ako. Buong buhay ko, lahat ng gusto ko ibinigay nila. Sa lahat naman, itong arrange marriage na 'to lang ang pinakapangit na nangyari sa buhay ko.

Paano ako after the wedding? Magiging housewife ba ako? Naku naman! Hindi ako pang-housewife material. Higit sa lahat, ang pinaka ayoko ay ang makulong sa loob ng bahay.

Pa'no ang trabaho ko? Tuluyan ko na bang iiwan? Totoong nakapagpaalam na ako sa grupo kaso parang hindi pa ako handang umalis.

Masaya ako sa trabahong iyon.

"Hindi namin ginusto ng daddy mo ito, anak. Pasensya kana." Napalingon ako kay mommy at kitang-kita ko ang pagtulo ng luha niya.

"You don't need to say sorry, mom. And please, don't worry too much about me, I can handle this."

Ang mga misyon nga naming buwis-buhay nakaya ko, ito pa kaya?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Name Your Price   Epilogue

    Stacey's POV Proposal ng isang CEO palpak matapos muntikang makunan ang girlfriend! When a proposal gone wrong! Trending! The unforgettable proposal! Proposal of the year! Napangiwi na lang ako nang mabasa ko ang mga headline. Viral na rin ang video ng proposal ni Lance. Naka-live pala ang proposal niya kahapon. Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa kama at tinungo ang terrace. Bagot na bagot na ako. Gusto ko sanang lumabas kahit halos kauuwi lang namin mula sa hospital. Ayos na ayos naman ang pakiramdam ko. Para ngang mas lalo akong magkakasakit kung nandito lang ako sa bahay. Ayon sa doctor, ayos lang naman daw ang baby. Huwag lang daw akong bigyan ng stress. At nakita ko kagabi kung paano nagsisi si Lance na gano'n pa ang naisip niyang pakulo sa proposal. "Sweetie, ba't bumangon ka?" Taranta itong lumapit sa'kin. "Hindi ka dapat kilos ng kilos. Baka mapa'no ang baby n

  • Name Your Price   Chapter 33.2

    Stacey's POVNapsulyap ako sa bilog na wall clock na nakasabit sa dingding ng sala. Pasado alas otso na rin ng gabi pero wala pa si Lance. Ngayon lang siya na-late ng uwi. Madalas nga ay under time siya sa trabaho. Minsan half day lang siya o kaya kapag sinumpong ay absent siya. Kapag sobrang importante ay sinasama niya ako.Nabalik-balik ako ng lakad para mabawasan ang pagbayo ng dibdib ko.Ano bang nangyari? Bakit hanggang ngayon, wala pa siya?Muntik na akong mapatili nang biglang mag-ring ang cellphone.Mabilis kong sinunggaban iyon sa pag-aakalang si Lance iyon.Ngunit gano'n na lamang ang pagkadismaya ko nang makita ko ang screen.Red Bernoulli calling...Hindi ko sinagot. Hinayaan kong matapos ang tawag.Kung hindi kasi pang-aasar ang sadya niya, siguradong tsismis lang ang hanap niya.Ilang sandali lang ay muling nag-ring ang cellphone ko.Si Red ulit ang tumatawag.Hays

  • Name Your Price   Chapter 33

    Stacey's POV "Hey, sweetie? Are you alright?" turan ni Lance na hinalikan ako sa noo at lalong niyakap.I can feel his warmth under this white sheets.We are both naked and just done with our multiple orgasm.I felt his hardness poking my thigh.Gagong 'to! May energy pa yatang natitira.Kailan ba siya mapapagod?"Lumayo ka nga ng kaunti sa'kin." Pagsusungit ko sa kanya. Bahagya ko rin siyang itinulak.Defense mechanism lang. Baka mamaya bumigay na naman ang beauty kong marupok. Isang haplos lang niya at siguradong talo na naman ako. "Naaalibadbaran ako sa'yo!" Nakita ko naman ang pagkalukot ng mukha niya."Nagsusungit ka na naman, sweetie. Gusto mo ba pa ng isa pang round?" Nakatawang biro niya.Pinandilatan ko siya."Baka gusto mo ng sapak?" Iniambaan ko siya ng suntok."Ito naman. Joke lang naman."Agad akong tumayo sa kama at hinablot ang robe na nakakalat sa sahig. Kaagad kong isinuot iyon."Huwag mo akong

  • Name Your Price   Chapter 32

    Stacey's POVPagkaalis pa lang ni Lance sa mesa namin ay siya namang paglapit ng waiter sa table namin.May inilapag itong orange juice sa mesa. Matingkad ang kulay no'n. Bigla tuloy akong natakam. Paborito ko pa naman ang orange juice."Para sa inyo daw ma'am" Matamis ang ngiti nito."Salamat." Binigyan ko siya ng tipid na ngiti.Yumukod naman siya bilang tugon bago siya humakbang paalis.Kinuha ko ang juice at tinikman iyon. Matamis at masarap. Nagawa kong mainom ang kulang-kulang na kalahati ng laman ng baso."Pa'no kaya nalaman ni Lance na paborito ko ang orange juice?" Usal ko sa isip ko.Habang hinihintay ko siya ay pasimple kong iginala ang tingin ko sa paligid. Mangilan-ngalan lang ang costumer na pawang magkakapareha.Ipinilig ko ang ulo ko nang maramdam ko ang panlalabo ng paligid. Tila hinihila ang mata kong pumikit.Kumurap-kurap ako. Ramdam kong may mali. Alam kon

  • Name Your Price   Chapter 31.2

    Lance Mcneil's POV Nahilo si Stacey? Nakaramdam ako ng pag-aalala. Mukha naman siyang okay kanina. Parang gusto ko tuloy magsisi na iniwan ko pa siya. Napunta ang tingin ko sa hawak kong calling card. Nandito pala si Yvonne sa restaurant, hindi ko napansin. At siya pa ang tumulong kay Stacey. Hinugot ko ang cellphone ko at kaagad na nagtipa. Bago ko pa magawang tawagan ang number na nasa calling card ay nakatanggap na ako ng mensahe mula kay Yvonne. Nanlamig ako nang makita ko ang litratong ipinadala niya. Litrato iyon ni Stacey. May busal ito sa bibig. Nakaupo ito at nakatali sa silya. Suot pa rin niya ang bestidang suot niya kanina pero magulo ang buhok nito. Sa ibaba ng ipinadala niyang larawan ay may ipinadala siyang mensahe. Come back to me or she will die. Para akong tinakasan ng kaluluwa. Hindi pala tinulungan ni Yvonne si Stacey kundi kinidnap niya. Kaag

  • Name Your Price   Chapter 31

    Stacey's POV Mabilis kong itinulak si Red at umayos ng tayo. Napasipol si Thirdy. Napatikhim naman si Denver. Nanatili namang nakatayo roon si Lance. Nakasimangot. "Aray naman! Matapos kitang saluhin, tratratuhin mo ako ng ganyan!" Humawak ito sa d****b niya kung saan ko siya tinulak. "Sobrang sakit sa heart." Inambaan ko siya ng suntok. "Black eye, gusto mo? Gigil na talaga ako sa'yo eh!" "Ang sama talaga ng ugali mo! Tumanda ka sanang dalaga!" Nakanguso pa ito. Ang sarap niya sanang hambalusin. Bumaling ito kay Zach. "Pa'no, Zach? Uwi na kami. Pinapalayas na kami eh." I rolled my eyes. "Okay. I'll send you outside." Ibinaba ni Zach ang trophy sa mesa. Nagpatiuna na rin ito sa paglalakad. Sumunod sa kanya si Red na bubulong-bulong na napakasama raw ng ugali ko. Sumunod naman si Thirdy sa kanila. "We gotta go, Stacey." Paalam ni Denver na tinugon ko na lang ng tango. Nang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status