“Let’s make a deal. Papayag ka sa kasal—just for show. Para kay grandpa. Name only, no real marriage. No interference in each other’s lives. Kapag gumaling si Lolo, magdi-divorce tayo. Bilang kapalit, bibigyan kita ng financial compensation.” Napamaang si Nathalie. Compensation? Hindi niya naituloy ang pagtanggi. Naalala niya ang kapatid niyang naghihintay ng pambayad para sa gamutan. Isa pa, kaya naman talaga siya pumunta sa Zamora ay para humiram ng pera. Nakita ni Cedric ang pag-aalinlangan niya. Dagdag pa nito, “As long as you agree, kahit magkano—ikaw ang bahala.” Tahimik na nagbilang si Nathalie ng hininga. Ilang sandali pa, tumango na siya. “Okay, I agree.” Bahagyang ibinaba ni Cedric ang paningin, tinatago ang malamig na ngiti sa kanyang mga mata. ‘Isang babaeng kayang ipagbili ang kasal para sa pera… how cheap,’ naisip niya.
Lihat lebih banyakAlas-diyes ng gabi, sa Osana Star Hotel, nakatayo si Nathalie sa harap ng pintuan ng isang presidential suite. Nakatitig siya sa house number.
“Ito na ‘yon,” bulong niya sa kanyang sarili.
Biglang nag-vibrate ang cellphone niya. May bagong mensahe sa messenger mula kay Isagani.
—-Nathalie, pumayag na ang tiyahin mo. Basta samahan mo lang nang maayos si Mr. Soriano ngayong gabi, babayaran na agad ang pagpapagamot ng kapatid mo.
Matapos basahin, nanatiling walang emosyon ang maputlang mukha ni Nathalie. Manhid na siya. Parang hindi na niya kayang makaramdam pa ng sakit.
Simula nang muling mag-asawa ang kanilang ama, tila nagbingi-bingihan na ito sa kanya at sa kanyang nakababatang kapatid. Mahigit sampung taon na silang pinabayaan at pinahirapan ng madrasta nila. Ang kulang sa pagkain at damit ay normal na lang. Ang pananakit, pagmumura, at pambabastos, araw-araw.
Ngayon, dahil sa pagkakautang sa negosyo, tinangka pa siyang ipilit... makipagtalik sa isang lalaki. Tumanggi siya. Kaya pinutol nila ang suporta sa pagpapagamot ng kanyang kapatid. May autism ito, at hindi puwedeng itigil ang gamutan.
"Ni ang tigre, hindi kinakain ang sarili niyang anak... pero si Tatay, mas masahol pa sa hayop." Para sa kapatid niya, wala siyang ibang magawa.
Huminga siya nang malalim sa harap ng pinto at kumatok. Walang nagbukas. At nang bahagya niyang tinulak ang pintuan, bumukas ito. Madilim sa loob.
Napakunot-noo siya at dahan-dahang pumasok. “Mr. Soriano, I'm coming in... Uh, !”
Bigla na lang may humawak ng mahigpit sa leeg niya at isinandal siya sa pader. Napasinghap siya sa sakit sa likod, habang ang matinding presensya ng lalaki ay bumalot sa paligid niya.
Isang mababa at galit na boses ang narinig niya sa dilim. “What did you do to me?”
Nag-panic ang utak ni Nathalie. Hindi niya maintindihan ang nangyayari. Halos hindi na siya makahinga. Umiling siya, nanginginig ang boses. “I-I didn’t... I don’t know... I didn’t do anything...”
Biglang binitawan ng lalaki ang kanyang leeg. Pero sa halip na tumigil, hinawakan nito ang kanyang baywang at hinila siya palapit.
Naramdaman ni Nathalie ang init ng balat ng lalaki, ramdam niya kahit hindi niya makita. Mainit. Parang may lagnat. At nang magsalita ito, lalong uminit ang hininga nito.
“I'm giving you a chance. Push me away. Get out, now!”
Nanlaki ang mga mata ni Nathalie.
Pinapaalis siya? Hindi ba siya kontento? Hindi ba sapat ang effort niya?
Pero hindi siya puwedeng umalis. Hindi ngayon. Para sa kapatid niya, kailangan niyang manatili. Wala nang lugar para sa hiya.
"‘Di ako aalis... Tonight, I'm yours."
Mahina ngunit matatag ang kanyang boses habang iniyakap niya ang mga braso sa leeg ng lalaki. Dahan-dahan niyang hinanap ang labi nito at hinalikan, clumsy, awkward, pero totoo.
Nanlaki ang mata ng lalaki. Halatang nabigla. Pero nang maramdaman niyang totoo ang halik nito, tila nawala ang natitirang kontrol sa sarili.
“Are you clean?”
Hinahabol ng lalaki ang kanyang hininga. May bigat ang tanong, may halong sakit at pagdududa.
Napakagat ng labi si Nathalie. Ayaw na sana niyang sagutin. Pero napilitan siyang pumikit at marahang tumango. “Clean...”
“You better be telling the truth.”
Pagkasabi niyon, binuhat siya ng lalaki at inihagis sa kama. Sinundan siya nito at pumatong. “Good girl. After tonight, you’re mine.”
Hinawakan siya nito sa baywang at mas idiniin sa kama. Uminit pa lalo ang katawan ng lalaki. Ang boses nito’y paos at puno ng pagnanasa. Sunod-sunod ang halik na parang apoy sa kanyang balat.
Nahihiyang pumikit si Nathalie. Kasabay ng init, pumasok ang sakit at bigat ng sitwasyon. Pinilit niyang lunukin ang lahat ng emosyon. Hanggang sa hindi na niya kaya.
Umiiyak siyang nakiusap. Pero tila bingi ang lalaki. Lalo lang itong naging mapusok, parang may hindi nauubos na lakas.
***
Kinabukasan, nagising si Nathalie sa kirot sa katawan. Nasa bisig pa rin siya ng lalaki. May halimuyak itong sigarilyo, halong mint na cologne. Maganda ang amoy. Kakaibang nakakalma.
Sinubukan niyang gumalaw, pero mas lalong humigpit ang yakap sa baywang niya.
“Gising ka na?”
Umikot ang lalaki at muling tumabi sa kanya. Napakapit si Nathalie sa bedsheet, takot na takot.
Ngunit ngumiti lang ito at bumulong. “Good girl. Hindi ka nagsinungaling. Sa akin ka na.”
Dumampi ang malamig na daliri ng lalaki sa kanyang pisngi. Tila kontento ito. “Shower together? Or gusto mong ikaw lang? Or... should I carry you?”
“H-huh?” Napalunok si Nathalie. Hindi niya alam kung paano sasagot. Napalakas ang kapit ni Nathalie sa kumot sa sobrang takot at napapanic siyang tumanggi. "H-hindi... ikaw na muna ang maligo..."
Napangiti ang lalaki sa narinig. Inakala niyang nahihiya lang ito kaya hindi na siya pinilit.
"Okay, I'll wash first," aniya habang kinurot pa nang kaunti ang pisngi niya. "Wait for me."Nagulat si Nathalie, napaisip siya. ‘Wait for him? Nababaliw na ba siya? Hindi pa ba sapat ang halos buong gabing parang kinain at sinuka ako ng pagod?’
Nang marinig ni Nathalie na bumukas na ang ilaw sa banyo, agad siyang kumilos. Sa wakas, hindi na madilim sa kwarto.
Kailangan niyang makaalis. Dahan-dahan siyang tumayo mula sa kama.
"Araay!" Napaigik siya. Sa sakit ng katawan, halatang may pasa o pilay na siyang nakuha.
Pero wala siyang oras para magreklamo. Sinamantala niya ang liwanag mula sa banyo para hanapin ang kanyang mga damit sa sahig. Kahit masakit, mabilis niyang sinuot ang mga ito at agad tumakbo palabas ng silid bago pa lumabas ang lalaki.
Pagkalabas ng hotel, agad na tumunog ang cellphone niya.
Sinagot agad niya iyon. "Tapos ko na ang gusto n’yong ipagawa. Iyong kay Ligaya, ’yong bayad sa treatment niya..."
Pero ang sumagot ay si Matilda, ang kanyang madrasta. Sa halip na pasasalamat, mura ang sumalubong sa kanya.
"Ano ‘yan? Saan ka ba nanggaling buong magdamag? Ipinadala ka para kay Mr. Soriano, tapos ikaw na rin ang pumayag, ‘di ba? Tapos ngayon, may gana ka pang humingi ng pambayad sa gamutan ng kapatid mong abnormal?"
Napasimangot si Nathalie at sagot niya, "Umalis ako habang naliligo si Mr. Soriano. Gusto n’yong hindi tuparin ang usapan?"
"Kalokohan!" galit na sigaw ni Matilda. "Hindi mo sinipot si Mr. Soriano! Paano mababayaran ang utang natin ngayon?!"
At bago pa siya makapagsalita muli, binabaan na siya ng tawag.
Napatigil si Nathalie sa pagkakatayo. Hindi ito mukhang gimik lang ng madrasta niya, seryoso ito. Pero sigurado siyang si Mr. Soriano ang nasa kuwarto kagabi.
“Shit, o baka... hindi siya iyon? So... sinong lalaki ang kasama ko kagabi?!”
***
Sa loob ng hotel room, dumating si Ryuu at binuksan ang kurtina. Medyo maliwanag na, at ang asul-puting liwanag ng umaga ay unti-unting pumuno sa silid.
Tumigil na rin ang tunog ng tubig mula sa banyo. Lumabas si Cedric, balot lang ng puting tuwalya sa baywang.
Matangkad ito at matikas. Malapad ang balikat, makitid ang balakang, at may mala-modelong porma ng katawan. Ang mga facial features nito ay matalim at guwapo, may halong tamad na ekspresyon dulot ng puyat at init ng katawan.
Lumingon ito kay Ryuu at inikot ang tingin sa paligid. Wala ang babae.
Napakunot-noo siya. "Nasaan siya?"
Umiling si Ryuu, gulat sa tanong. "Pagpasok ko, wala na siya."
Napakunot ang noo ni Cedric at napatingin sa kama, kung saan kapansin-pansin ang bright red stain sa puting bedsheet. Napapikit siya ng bahagya, tila inaalala ang nangyari.
"Umalis?" tanong niyang mababa ang tono. “Didn’t I tell her to wait?”
‘Pasaway.’ sabi niya sa sarili. Napangisi siya ng mapanukso.
Simula bata pa siya, madami na ang ipinapadala sa kama niya, pero iyon lang ang unang pagkakataong "nangyari" talaga. At iyon pa ang time na nilagyan siya ng gamot.
Napatanong siya sa isipan, dahil ba sa gamot iyon? O dahil sa babae?
“Ryuu,” tawag niya, “alamin mo lahat ng nangyari kagabi. At hanapin mo ‘yong babae na ‘yon. I want her found.”
“Alam kong buhay ng tao ’to! Mahalaga rin ang oras kaya, kailangan maagapan!” Ang sigaw ni Chesca ay may kasamang kaba at pag-aalala. “Golden three minutes of rescue ‘to. Kapag nadelay pa tayo ng isang segundo, pwedeng mamatay si Mr. Sandoval dito!”Agad siyang lumapit at sinabi, “Kahit pumunta ka pa sa doctor ngayon, gaano kabilis sa tingin mo makakarating ’yon? Bigyan mo ako ng dalawang minuto! Promise, magiging maayos siya!”Dumaan ang ilang segundo. Pawis na pawis na si Chesca habang pilit na kumakalmang nagsalita, “Bilis na! Wala na akong oras para maghintay sa pagdadalawang-isip mo!”Sa huli, pinili ni Cedric na maniwala sa kanya. Hindi niya rin alam kung bakit. "Okay." Mahinang tugon niya habang ibinaba ang kamay.Natuwa si Chesca at agad na iniabot ang kamay sa kanya. “Kutsilyo! Nando’n sa mesa!”“Okay.” Agad kumilos si Cedric bilang assistant niya, kinuha ang kutsilyong pangprutas mula sa mesa at inabot sa kanya.“Cedric, nasisiraan ka na ba ng ulo?!” Biglang sumingit si Cedr
"Pamilya ni Cedric?" Napangiti si Jovencio. Aliw na aliw siya sa sagot ng dalaga kaya't tiningnan niya si Cedric. “Ah gano’n ba? Anong ginagawa mo kasama si Cedric ngayon?”Kilala niya si Cedric bilang apo ng matalik niyang kaibigan, si Robert. Maayos ang lahat sa batang ito, may talento, matalino, ngunit kulang sa pakikisama. Kaya naman bihira ang pagkakataong matuksong kulitin ito.Diretsahang sagot ni Chesca, “Pinapunta po ako ni Grandpa para samahan si Cedric at batiin kayo sa inyong kaarawan, Mr. Sandoval.”“Salamat sa abala, iha,” ani Jovencio, tila may inaabangang kasunod. Ngumiti ito. “Dahil narito ka para batiin ako sa kaarawan ko, may inihanda ka bang regalo para sa akin?”Napailing si Cedric nang marinig iyon. Patay... Sa isip niya, Anong regalo naman kaya ang naihanda nitong si Chesca?Alam niyang hindi gano’n kainit ang pagtanggap ni Jovencio sa kanila, at baka lalo pang lumala kung may maipakitang kahihiyan si Chesca.Ngunit laking gulat niya nang tumango si Chesca. “Me
"Bitawan mo siya."Isa-isang binigkas ang mga salita ni Cedric. Maamo ang tono, pero may bigat na nagdulot ng kaba sa dibdib ni Ryuu."Opo, Sir," sagot niya agad habang maingat na ibinaba si Chesca.Sa kabila ng pagkakabitaw, hindi pa rin nagising si Chesca. Napakunot-noo si Cedric. Siya pa naman ang pinapunta rito ng lolo niya. Kapag nagreklamo pa ito sa matanda, tiyak siya ang mapapagalitan."Ang gulo," bulong niya sa sarili.Napabuntong-hininga si Cedric at dumampot kay Chesca. Inakay niya ito papasok at maingat na inilapag sa kama. Sa pagkilos niya, bahagyang umangat ang palda ng dalaga, at lumitaw ang dalawang pasa sa tuhod nito.Napahinto si Cedric. Ano ‘to? Naalala niyang napasigaw si Chesca kagabi. Ganito ba niya nakuha ‘yon?Nakadikit ang mukha ni Chesca sa kanyang dibdib, tila ayaw pang bumitaw. Mahigpit ang yakap nito sa leeg niya habang mahina itong nagbulong.Napakunot-noo si Cedric. Pangalan ba ‘yon? Mukhang pangalan ng babae. Sino naman ‘yon.Bahagya siyang natigilan hab
Pagpasok sa silid ng ospital, umupo si Chesca sa gilid ng kama. Ngumiti si Robert at tinanong siya, "Chesca, kumusta ang paghahanda mo? Naipack mo na ba ang gamit mo?"Napakunot ang noo ni Chesca. Anong paghahanda? Anong gamit ang kailangang i-pack?Hindi siya agad nakasagot.Agad na napansin ni Robert ang pag-aalinlangan niya. "Ay, hindi ba sinabi sa'yo ni Cedric? Talagang batang 'yon! Alam ko na, hindi ka na naman niya sineryoso!"Napag-alaman ni Chesca na may matandang kaibigan si Robert na may kaarawan. Dahil hindi na kayang bumiyahe ng matanda, pinakiusapan niya si Cedric na samahan si Chesca para bumati.May sariling layunin din si Robert, nakikita niyang may problema sa pagitan nina Cedric at Chesca, kaya gusto niyang mapalapit ang dalawa."Chesca, pakinggan mo si Grandpa," wika ni Robert habang seryosong nakatingin sa kanya. "Alam mo naman ang ugali ni Cedric, ayaw niyang inuutosan siya. Pero kasal na kayo. Dapat niyong pagtrabahuhan ang relasyon ninyo. Dapat n'yong subukang ma
Nawalan ng part-time job si Chesca, kaya't napilitan siyang maghigpit ng sinturon sa pang-araw-araw na gastusin. Kailangan niyang makahanap agad ng bagong trabaho. Pero tulad ng inaasahan, naging mahirap iyon, abala siya sa kanyang internship, kulang sa oras, at hindi rin siya sanay maghanap ng part-time na trabaho.Isang linggo na siyang naghahanap ng trabaho. Kapag nagugutom, tinatabunan na lang niya ng dalawang kagat ng tinapay ang sikmura. Halos hindi na siya kumakain, kaya't labis na siyang pumayat.Galing siya sa night shift ngayon at balak pa sanang maghanap muli ng trabaho nang tawagin siya ng isa pang intern."Chesca," tawag ni Jenna, kasamahan niya sa ospital. Tinapik siya nito sa balikat. "Pinapatawag ka ni Mr. Fabian sa opisina niya."Napakunot-noo si Chesca. “Alam mo ba kung bakit?”Umiling si Jenna. “Hindi rin. Pupunta pa ako sa blood collection. Ikaw na bahala.”Tumango siya. “Okay, salamat.”May kutob na si Chesca, pamilyar ang tagpong ito. Agad siyang tumuloy sa opisin
"Ryuu, umalis ka diyan."Hinawi ni Cedric si Ryuu sa gilid. Wala na ang galit na nasa mukha niya kanina, bumalik sa dati niyang eleganteng anyo. Tahimik pero malamig ang boses niya nang magsalita, “What do you want?”“Ikaw ang nagpaalis sa akin sa trabaho ko?”“Oo.” Walang pakialam na sagot ni Cedric habang tiningnan siya ng mabilis. “I already answered. Ryuu, let’s go.”“Yes, Sir Cedric...”“Sandali lang!” Agad na humarang si Chesca sa harap niya matapos tumakbo ng ilang hakbang. “Kasalanan ko.” Kinagat niya ang ibabang labi niya, pilit na ibinababa ang pride. Wala na siyang ibang maipagmamalaki, handa siyang magpakumbaba.Alam niyang mali siya. Ginamit niya ang kasal para gantihan ang pamilya niya, pero nakalimutan niyang si Cedric ay hindi basta-bastang tao na puwedeng laruanin. Siya ang may pagkukulang, hindi si Cedric.“Please… huwag mo akong paalisin. Kailangan ko talaga ang trabahong ito.” Malapit na siyang grumadweyt sa medisina. Intern pa lang siya ngayon sa ospital at walang
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen