Para na akong nag-ugat sa aking kinatatayuan habang nakatingin kay Cargorios Mertimor. Gustuhin ko mang umatras nang naglakad na siya papalapit sa amin ay hindi ko na rin nagawa. Nakaawang lang ang labi ko na nakatingin sa papalapit na si Cargorios habang tinatanggal nito ang kaniyang sunglasses.
Huminto siya nang nasa harapan ko na siya. Dahil mas matangkad siya sa akin ay kailangan ko pang tumingala para makita ang mukha niya. Ang kayumanggi niyang mga mata ay isa-isang nilakbay ang aking mukha at buong katawan, pero nahinto siya at nagtagal ang paninitig sa aking tiyan.
Ilang sandali lang din ay inangat niya sa aking mga mata ang tingin niya. Yumuko siya upang magpantay ang aming paningin. Bahagya ko namang inatras ang aking ulo dahil sa lapit ng mukha niya sa akin.
“Long time no see, Mallory. I finally found you...” bulong nito sa akin at may munting ngiti sa labi. Pero ang ngiti nito ay hindi palakaibigan, naghatid lang ito ng kilabot sa akin.
Tuluyan na akong napaatras nang hakb