“Ano? Selos na selos yung yelo mo ah.” nakangising sabi ni Henry habang sinasayaw ako.
“Oo, at selos na selos rin ang Johanna mo. Walangya ka talaga! Baka sampalin na naman ako ng girlfriend mo.” mariing bulong ko sa kanya. Ang sama kasi ng tingin sakin ni Johanna, girlfriend ni Henry.
Selosa pa naman si Johanna. Totoo kasi ang kwento ni Henry na sumugod ako sa kanya ng lasing at nakatulog ako sa kwarto niya. Pagkagising ko pa nga no'n, sinalubong ako ng sampal ni Johanna. Lagi ngang masama makatingin ang babaeng 'to eh.
“Ayos nga yo'n eh. Pag nagseselos pa naman si Hanna, nagsesexy time kami.” manyak na sabi nito. Nabatukan ko tuloy siya. Sexy time ang term niya kapag nag-aanuhan daw sila ni Johanna. Manyak talaga!
“Ewan ko sayo! Uupo na nga ako, lambingin mo na si Johanna at baka masampal na naman ako ng wala sa oras.” sabi ko at marahan siyang tinulak. Umupo naman ako sa table namin.
“Ayos ah! May gwapo ka palang kapit bahay sa US.” nanunuyang sabi ni Kyla.
“Loka! May girlfriend na yo'n at selosa pa.” sabi ko at inirapan siya.
“Ay sayang!”
“By the way, nasaan sina Ice at Sarah?” tanong ko habang palinga linga sa paligid.
“Inuwi na ni Prince si Sarah.” napatango tango na lang ako.
Ano siya baby?! Kailangan pang ihatid! Bakit pa naimbento ang taxi kung gano'n?!
***
Pagod na pagod ako nang makarating sa unit. Inintindi ko muna kasi yung restau pagkatapos nung party. Magbubukas na kasi ang restaurant bukas. Buti nga hindi na ko nahirapan maghanap ng mga chef at mga trabahador, inasikaso na kasi yo'n ng Danger Zone.
Papasok na sana ako sa unit ko nang marinig ko ang mahinang pagmumura ni Ice. Napalingon ako sa kabilang pinto. May kinakapa si Ice sa coat niya, parang may hinahanap siya na ewan.
“Damn you Lion.” narinig ko pang mura niya.
“Ice.” natigilan siya at napalingon sakin.
“Nawawala ba yung card mo?” nahihiyang tumango si Ice. Sh¡t ang cute cute talaga ng yelo ko. Akin lang talaga ang yelong 'to.
Bigla ko tuloy naalala na parang napansin kong may hawak na card si Lion kanina. Hinayupak talaga 'yon.
“Gusto mo bang dito muna sa unit ko tumuloy?” umiling naman siya.
“Pupuntahan ko na lang si Lion.” tipid na sagot nito at akmang aalis pero agad ko siyang hinawakan sa braso.
“Baka tulog na si Lion, aabalahin mo pa yung tao.” nakangiting sabi ko. Yes! Thank you Lion! This is my chance!
Hinila ko siya papasok sa unit ko. Wala naman siyang nagawa kundi magpaubaya.
Hinila ko siya hanggang sa kwarto ko. Hay nako! Ang cute cute talaga ni Ice. Gusto ko tuloy siyang i-kiss.
Umupo siya sa malaking couch dito sa kwarto. Umupo naman ako sa kama ko at tinitigan siya. Parang nawala yung pagod ko dahil sa kanya.
“G-Gusto mo bang magshower?” tumayo ako at dumiretso sa may cabinet. Kumuha ako mg malaking t-shirt at short. May ganito ako dahil inilagay ni Henry yan sa bag ko para daw hindi ko siya mamiss. Kapal talaga.
Inabot ko kay Ice ang mga damit. Nag-aalangang kinuha niya naman iyon.
“Malinis yan, hindi naman nasuot nj Henry yan---” natigilan ako nang iabot ulit sakin ni Ice ang mga damit.
“I'm fine.” malamig na sabi nito.
“Sure ka? Kaya mong makatiis?” nanunuksong tanong ko.
Kilala ko si Ice, conscious na conscious 'to sa katawan niya. Medyo amoy alak pa naman siya, hindi yan makakatiis.
“Ano ka ba? Malinis naman 'to eh, sige na magshower ka na. Nga pala, may extra toothbrush do'n, kulay blue.” hinila ko siya patayo at inabot ko sa kanya ang mga damit. Tinulak ko naman siya papasok sa cr. Wala naman siyang nagawa.
Pagkapasok niya sa cr ay agad akong naghanap ng maisusuot sa cabinet. Ano ba yan? Puro shorts nga pala ang pantulog ko. Wala bang mahaba haba dito?!
Pinili ko na lang ang black na sando ko at pink na short. Hindi mahaba yung short na yun pero hindi naman sobrang ikli, tama lang.
Inabot ng twenty minutes si Ice sa banyo. Matagal pa rin talaga siya maligo. Natawa na lang ako sa iniisip ko.
Pagkalabas ni Ice sa banyo ay halos mapanganga ako. Nagpupunas lang siya ng buhok pero ang hot niya tignan.
Napailing na lang ako at dumiretso na sa cr. Pagkatapos kong gawin ang rituals ko sa cr ay lumabas na ko.
Napatingin ako kay Ice. Tinitingnan niya ang mga pictures na nakalagay sa bedside table. Nag-init ang mga pisngi ko nang maalala kong nakadisplay din pala do'n ang picture namin ni Ice three years ago.
“I-Ice.” napalingon naman siya sakin.
Umupo ako sa kama habang pinapatuyo ang buhok ko gamit ang towel. Tinatamad akong kunin yung blower eh.
“Hmm?”
“Okay lang ba sayo na matulog sa couch? Baka hindi ka kasya diyan.” tanong ko.
“I'm fine.” matipid na sagot nito.
“Are you sure? Ayaw mo dito sa kama?” natigilan siya at napatingin sakin.
“Y-You know, nagtatabi na rin naman tayo matulog dati at may tiwala naman ako sayo. Wala ka naman sigurong gagawin na masama.” pagbabaka sakali ko.
“That's the problem. Hindi kita pwedeng tabihan diyan. Baka may gawin akong masama.” sabi nito at tumitig sa mga mata ko. Napalunok naman ako. Iyan na naman siya sa tingin niya, para na namang hinihigop ang pagkatao ko.
“I-Ice.” napakagat na lang ako sa labi ko.
Napailing na lang ako at kumuha ng extra kumot at unan. Inabot ko iyon kay Ice.
“Pag hindi ka k-komportable, pwede ka sa kama.” sabi ko at dumiretso na sa kama saka humiga.
Nagkumot ako hanggang baywang ko. Tumalikod din ako sa pwesto ni Ice, mamaya kasi baka nakatingin siya sakin tapos manghina na naman ako.
Nang hindi ako mapakali ay agad akong bumangon at lumingon kay Ice. Nakaupo pa rin siya habang nakatingin sa pwesto ko.
Dali dali akong tumayo at pumunta sa harapan niya. Nagulat siya nang walang sabi sabing hinalikan ko siya ng mabilis sa labi.
“D-Diba hindi pa tayo nagb-break? Pwede pa kitang halikan.” sabi ko at iniwan siyang tulala.
Dali dali akong humiga sa kama at nagtalukbong ng kumot. Ahhhhh! Bakit ko ba ginawa yo'n?! Nakakahiya!
Nagulat ako nang maramdaman kong may tumabi sakin sa kama. Humiga si Ice sa tabi ko at tinanggal ang pagkakatalukbong ko sa kumot. Nakatalikod pa rin ako sa kanya. Ayoko nga siyang harapin.
Mas nagulat ako nang ipulupot niya ang braso sa baywang ko at hinila ako papalapit sa kanya. Yung likod ko ay nakalapat na ngayon sa matipunong dibdib niya.
“I-Ice.” humarap ako sa kanya at parang maling move yata yo'n dahil ang lapit lapit na ng mukha namin sa isa't isa.
“You'll be the death of me. ” pabulong na sabi nito.
“H-Huh?” tumingala ako sa kanya. Hinigpitan niya na lang ang pagyakap sakin.
“Just sleep.” naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa noo ko.
Nakangiting napapikit na lang ako. Mahal na mahal talaga kita Ice, kahit ang gulo mo minsan.
***
Nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock ko. Napabalikwas ako ng bangon ng maaalala ko si Ice. Pero pagtingin ko sa tabi ko ay wala na siya.
Natigilan ako nang mapansin kong may maliit na piraso ng papel sa bedside table.
Thanks for letting me stay here... 143...
~Ice
Teka! Anong 143? Diba room number niya yo'n? Ay teka! 1413 nga pala yung room number niya. Ah! Baka nakalimutan niya lang lagyan ng '1'.
Third Person's POV***
He's smiling like an idiot right now. Sigurado siyang iniisip ngayon ni Shenna kung ano ang '143'?
Knowing Shenna, slow pa naman ang babaeng yo'n.
“Shenna, 143.” mahinang bulong niya.
Ramdam na ramdam ko ang sakit ng buong katawan ko pagmulat ng mga mata ko. Napapikit ako ng mariin at napahilot sa sentido ko.Pinilit kong bumangon kahit nahihilo pa ko. Parang gusto kong humiga ulit.“S-Shenna, si Prince... W-Wala na si Prince.”Dali dali akong napatayo nang maalala ko iyon. Si Ice! Nasaan si Ice?!“Anak, a-ayos ka na ba?” napatingin ako kay tatay, kasama niya si nanay na nakapikit at mukhang tulog habang nakayakap kay Ochoy.Napatingin ako sa paligid, mukhang nasa ospital ako.Natigilan ako nang may padabog na pumasok sa pinto. Bumungad sakin si Tita Amy, nasa likod niya si Tito King, si Lololo at ang Danger Zone kasama pa si Kyla.Kitang kita na galing sila sa pag-iyak dahil magang maga ang mga mata nila.“T-Tit
“Saan ba tayo pupunta? Bigla ka na lang nanghihila.” nakangusong sabi ko.Nandito kami ngayon ni Ice sa kotse niya at hindi ko alam kung saan niya ko dadalhin. Busy pa man din ako ngayon dahil madaming costumers sa restau.“Just trust me, okay?” tumango na lang ako.“Malayo ba ang pupuntahan natin?” tanong ko pa sa kanya.“No. Malapit lapit lang.” hinawakan niya ang kamay ko habang nasa kalsada pa rin ang tingin niya.Napangiti ako habang nakatitig sa kanya. Hay! Sana lagi na lang kaming masaya.“Ice.”“Hmm?”“Mahal kita.” kitang kita ko ang pagngiti niya dahil sa sinabi ko.“Shenna.”“Hmm?”“I can't wait for our wedding day. Magiging akin ka na talaga.” sabi niya at hinalikan ang kamay kong hawak niya.“Grabe ka talaga noh? Lakas mo magpakilig.” sabi ko at hinampas siya sa braso.
“Tss. Ang arte mo.” bulong ni Henry sa gilid ko. Tiningnan ko siya ng masama.“Kung makasabi ka ng maarte dyan ah! Ikaw nga todo inom pa nung naghiwalay kayo ni Johanna.” sabi ko habang nagpupunas ng luha.“Iba yo'n, nakipagbalikan rin naman siya sakin eh. Gwapo ko kasi.” sabi pa nito. Napairap na lang ako sa kayabangan niya.“Gwapo ka nga, pero walang wala pa rin kay Ice.” bulong ko pero sinigurado kong maririnig niya.“Eh kung pinapalayas kaya kita dito sa pamamahay ko?” binato niya pa ako ng malaking unan, sapul sa mukha ko.“Heh!”Kumain na lang ako ng ice cream. Pa-epal talaga ang Henry na 'to.“Anong ginagawa mo dito?!” napalingon kami ni Henry kay Johanna. Hay nako! Napakaselosa talaga nito.“Hi babe.” agad na lumapit si Henry kay Johanna at niyakap ito sa baywang.“Bakit nandito ang pandak na yan?” nakataas kilay na tanong ni Johanna. Napairap ako, magkapatid ba sila ni Sarah?! Magkaugali sila eh.“Nagd-
“Simple lang naman talaga dapat. Ayoko ng masyadong magara, napag-usapan na namin ni Tita Amy yan.” sabi ko habang nakasalpak ang earphones sa tainga ko. Kausap ko sa phone si Ms. Tejada. Siya ang wedding planner na pinagkakatiwalaan ni Tita Amy.Tumulong ako sa mga waitress sa pags-serve ng pagkain. Marami rin kasing costumers ngayong araw.“Ah okay po Ma'am. Basta po kung may gusto kayong idagdag or baguhin paki-inform niyo lang po ako.” magalang na sabi niya.“Okay. Salamat.” binaba ko na ang tawag.Pagod na umupo ako sa isang sulok pagkatapos. Kailangan ko pa palang mag-ayos dahil pupuntahan ko si Ice sa IPF.Tumayo na ko at pumasok sa office ko. Nagpahinga muna ko saglit pagkat
Nakaawang ang mga labi ko habang nakatitig sa limang taong gulang na bata na kamukhang kamukha ni Lion.“A-Anak niyo ba talaga ni Lion ang batang 'to?” tanong ko pa kay Kyla.“Oo nga, ang kulit.” sabi nito at hinila ang anak niya at pinakandong sa kanya, yumakap naman ang bata sa leeg niya.“A-Ano ulit yung pangalan niya?” tanong ni Sarah. Gaya ko, gulat na gulat din sila ni Ailee.“Leon Scott, Leo na lang.” sabi niya habang hinahaplos ang buhok ni Leo.“Bakit parang anak lang ni Lion yan? Walang nakuha sayo eh, halos lahat kay Lion.” sabi ko pa habang nakatitig sa bata. Sumimangot naman si Kyla.“Alam ko yo'n. Nakakainis nga eh, naghirap ako sa panganganak tapos ni mata hindi man lang nakuha sakin.” nakasimangot na sabi niya.“Bakit? Wala namang masama kung si Lion ang kamukha niya eh.” sabi ni Ailee.“Oo nga. Mas maganda nga na si Lion
Nakatulala ako ngayon sa glass wall ng restaurant ko. Wala akong gana magtrabaho o kumilos. Hays!“Shenna!” napalingon ako kay na papalapit na sakin. Kasama niya si impakta (Sarah) at si Ailee.Hindi ko sila pinansin, wala akong gana eh. At siguradong magungulit lang ang mga yan.“Anong drama yan?” nakataas kilay na tanong ni Sarah.“Wala kang pake! Panget mo.” maarteng sabi ko at inirapan siya.“Eh kung sipain kaya kita? Arte nito.” hirit pa ng impakta.“Paepal.” bulong ko.“Narinig ko yo'n!” sabi niya at dinuro pa ko.“Kayo bang dalawa magbabangayan na lang lagi?” nakasimangot na tanong ni Kyla.“Ikaw kasi!” sabay na sabi namin ni Sarah sa isa't isa.“Homaygulay! Tama na nga yan! Pag-usapan na lang natin kung anong problema niyo ni Prince, Shenna. Bakit isang linggo ko ng hindi naririnig na nagsalita ang yelong yo