Share

Chapter 30

last update Last Updated: 2025-04-26 20:50:03
Ysla

Hindi ko talaga maintindihan kung anong problema ng orangutan na ‘yon at kung bakit ba hindi niya tinatantanan ang paglapit sa akin.

Sa loob ng aming silid, ramdam ko ang matindi at mainit niyang titig sa na parang binabalatan niya ako gamit lamang ang kanyang mga mata. Kaya ang nangyayari tuloy, pinipilit kong umiwas at huwag siyang pansinin. Baka kasi kapag nagkataon, mapahiya pa ako sa sarili ko.

Buong weekend, nagkulong lang ako sa bahay, at syempre, ganoon din siya. Hindi rin kami nagpunta kay Lola Andrea, na sa totoo lang ay mas gusto kong gawin dahil nga ayaw kong mapag-solo kami

Hindi ko alam kung anong pinagkakaabalahan niya sa study room niya, na pinag-pasalamat ko dahil kahit papaano ay hindi ko nakikita ang mapang-akit niyang tingin sa akin.

Mas mabuti na ang ganoon. Dahil kung palagi kaming magkaharap, baka hindi ko na makontrol ang sarili ko at sa isang iglap ay bigla na lang akong kumandong sa kanya at magpaka-baliw. Iba kasi talaga ang epekto niya sa akin. Para ban
Lovella Novela

Tignan nga natin kung hanggang saan ang timpi mo? Hehehe

| 12
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (5)
goodnovel comment avatar
Beth Fier Cabalud
Next episode plss
goodnovel comment avatar
Eniruam L. Omixam
update.nkktamad nmn pg ganyan putol putol
goodnovel comment avatar
ragv
wlang update author..
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 67

    YslaMasaya akong malaman na kahit papaano ay unti-unting bumubuti ang lagay ni Lola Andrea. Hindi pa man siya ganap na magaling, ngunit ayon sa kanyang doktor, may mga palatandaan na ng unti-unting pagbuti ng kanyang kondisyon, isang bagay na sapat na para gumaan kahit paano ang bigat sa dibdib ko.Hindi ko maikakaila, natatakot pa rin ako para sa kanya. Sa tuwing naaalala ko ang mga rebelasyong ibinunyag ni Lola, lalo na ang pagkakabanggit niya kay Blesilda, parang may bumabalot na pangamba sa akin. Hindi ko kayang ipagsapalaran ang kaligtasan ng mahal kong lola, kaya agad kong iminungkahi kay Nathan na isama na namin siya sa bahay upang mas mabantayan namin siya nang mabuti. Hindi na rin ako nagtaka nang mabilis siyang pumayag, alam kong nauunawaan niya ang bigat ng sitwasyon at ang panganib na maaaring sumalubong kay Lola kung mananatili siya sa ospital o sa labas ng aming pangangalaga.Kasama rin naming sinama ang nurse ni Lola Andrea. Hindi ko inakala na magtitiwala ako agad sa

  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 66

    NathanNasa opisina ako ngayon, nakaupo sa likod ng desk na tila mas mabigat kaysa karaniwan. Kailangan kong asikasuhin ang ilang mahahalagang bagay na hindi ko pwedeng ipagpaliban, kahit pa ang isip ko’y paulit-ulit na bumabalik kay Ysla.Naiwan siya sa ospital para bantayan si Lola, salamat sa Diyos at ligtas na ito sa kritikal na kondisyon. Ngunit kahit nakalagpas na sa panganib, kailangan pa rin ng matinding pag-aalaga at masusing monitoring mula sa mga doktor.Naputol ang pag-iisip ko nang pumasok si Damien, dala ang isang folder. Diretsong nilapag niya ito sa ibabaw ng aking mesa.“Sir, may share po talaga si Mr. Borromeo sa kumpanya,” seryoso niyang sambit habang pinapanood akong kunin ang dokumento.Kinuha ko ang folder, binuksan, at sinimulang basahin ang nilalaman. Habang lumalalim ang binabasa ko, unti-unting nabuo ang koneksyon, si Dad. Si Dad mismo ang naging daan upang makabili ng shares si Andres Borromeo.Kumirot ang sintido ko. Hindi ko maintindihan kung anong klaseng

  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 65

    YslaNasa ospital kami ngayon, at pakiramdam ko'y parang may mabigat na batong nakapatong sa dibdib ko. Wala akong ibang magawa kundi sundan ng tingin si Nathan habang pabalik-balik siyang naglalakad sa harap ng pintuan ng emergency room, kung saan kasalukuyang nilalapatan ng lunas si Lola Andrea.Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na ba kaming narito. Tila huminto ang mundo habang naglalaban sa loob ko ang kaba, galit, at awa. Siguro ay hindi na talaga kinaya ng katawan ng matanda ang sunod-sunod na tensyon na binigay ng mag-ama.Napailing na lamang ako habang dumadako ang paningin ko kay Nathaniel, ang ama ni Nathan. Kahit bakas sa mukha nito ang pagkabalisa at pag-aalala, hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng inis o baka galit na rin lalo na at siya ang puno’t dulo kung bakit nangyari ang lahat ng ito.Today was supposed to be Lola Andrea’s 70th birthday. Dapat sana’y masaya kami ngayon na sine-celebrate iyon, nakikipagdaupang palad ang matanda sa kanyang mga kaibigan.Pero h

  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 64

    YslaAno raw? Engaged to be married?Napakunot ang noo ko. Anong kabaliwan na naman ito? Hindi ba’t malinaw na malinaw na tapos na sina Nathan at Blythe? Ano ang iniilusyon ng ama niyang si Nathaniel?Napailing na lang ako habang lihim na pinipigilan ang inis na bumalot sa akin. Kung patuloy na pangungunahan ng matandang iyon ang anak niya, malabo talagang magkaayos pa silang mag-ama. Hindi ba niya alam kung gaano kasalimuot ang emosyon ni Nathan tuwing siya ang usapan?At si Blythe? Gosh, ilang beses na siyang tinanggihan ni Nathan, diretsahan, harapan, walang pasikot-sikot. Pero andito parin siya, nakangiti, umaasa, at parang walang naririnig. Ang tibay ng mukha, ‘ika nga.Nagtama ang mga mata namin ni Nathan sa gitna ng kaguluhan. Hindi pa pwedeng ipagsigawan ang totoo tungkol sa amin, hindi pa panahon. Pero kilala ko siya. Alam kong makakaisip siya ng paraan para pabulaanan ang mga kalokohang binitiwan ng kanyang ama.“Nathaniel, anong kalokohan ‘yan?” singhal ni Lola Andrea. “Baki

  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 63

    NathanPagkarating namin sa hotel ay dumiretso kami ni Ysla sa waiting area kung saan naroon si Lola na nakaupo, nakaayos ang buhok, at may banayad na ngiti sa labi. Sa kabila ng kanyang edad ay nanatili pa rin ang likas niyang karisma. Agad kaming sinalubong ng kanyang mga mata, at bahagyang kumislap ang mga ito nang makita kaming mag-asawa.“Mabuti naman at nakasama ka, hija,” masayang bati ni Lola kay Ysla, at kitang-kita sa kanyang mukha ang saya ng tumayo ito para salubungin kami.“Happy birthday po, Lola,” nakangiting tugon ni Ysla habang marahang yumuko bilang paggalang. Napansin kong pinisil niya pa ang kamay ni Lola, isang simpleng kilos pero puno ng pagmamahal at respeto.Paglingon ko sa direksyon ng pamilya ng aking ama, agad kong napansin ang mabigat na hangin sa paligid nila. Pawang mga nakakunot-noo at halatang pilit ang mga ngiti. Walang nagsalita, pero sapat na ang mga tinginan nila upang iparamdam na hindi nila kami gustong makita, ako man o si Ysla.Napabuntong-hinin

  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 62

    Ysla“Sigurado ka ba na okay lang na magsabay tayo ng punta sa venue?” tanong ko kay Nathan habang nagbibiyahe kami papunta a hotel. Kaarawan ngayon ni Lola Andrea, at sa totoo lang, mas gusto ko sanang sumabay na lang sa matanda. Mas panatag sana ang loob ko kung siya mismo ang kasama ko. Pero ayon sa asawa ko, kasama na raw ng kanyang Lola ang kanyang ama, si Blesilda, at ang kapatid nitong si Nathalie.Napakunot ang noo ko. Kung ako lang ang masusunod, matapos ang huling pagtatalo nilang iyon, hinding-hindi ko na hahayaang makalapit pa ang mga ‘yon kay Lola. Hindi ko alam, o baka ayoko na lang talagang malaman kung ano pa ang kayang gawin ng mga taong ‘yon sa isang matanda.Pero si Nathan, kampanteng-kampante. Aniya, hinding-hindi magagawang saktan ng kanyang ama ang Lola niya. At sa kabila ng lahat, hindi naman talaga umalis ang pamilya sa poder ng matanda. Kahit papaano, kahit konting porsyento lang, napapanatag din ang loob ko sa tiwalang iyon ng asawa ko.Kung meron man magpapa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status