Sorry at masama ang pakiramdam ko kaya hindi nakakapagsulat. Salamat po sa pang-unawa.
YslaAno raw? Engaged to be married?Napakunot ang noo ko. Anong kabaliwan na naman ito? Hindi ba’t malinaw na malinaw na tapos na sina Nathan at Blythe? Ano ang iniilusyon ng ama niyang si Nathaniel?Napailing na lang ako habang lihim na pinipigilan ang inis na bumalot sa akin. Kung patuloy na pangungunahan ng matandang iyon ang anak niya, malabo talagang magkaayos pa silang mag-ama. Hindi ba niya alam kung gaano kasalimuot ang emosyon ni Nathan tuwing siya ang usapan?At si Blythe? Gosh, ilang beses na siyang tinanggihan ni Nathan, diretsahan, harapan, walang pasikot-sikot. Pero andito parin siya, nakangiti, umaasa, at parang walang naririnig. Ang tibay ng mukha, ‘ika nga.Nagtama ang mga mata namin ni Nathan sa gitna ng kaguluhan. Hindi pa pwedeng ipagsigawan ang totoo tungkol sa amin, hindi pa panahon. Pero kilala ko siya. Alam kong makakaisip siya ng paraan para pabulaanan ang mga kalokohang binitiwan ng kanyang ama.“Nathaniel, anong kalokohan ‘yan?” singhal ni Lola Andrea. “Bak
NathanPagkarating namin sa hotel ay dumiretso kami ni Ysla sa waiting area kung saan naroon si Lola na nakaupo, nakaayos ang buhok, at may banayad na ngiti sa labi. Sa kabila ng kanyang edad ay nanatili pa rin ang likas niyang karisma. Agad kaming sinalubong ng kanyang mga mata, at bahagyang kumislap ang mga ito nang makita kaming mag-asawa.“Mabuti naman at nakasama ka, hija,” masayang bati ni Lola kay Ysla, at kitang-kita sa kanyang mukha ang saya ng tumayo ito para salubungin kami.“Happy birthday po, Lola,” nakangiting tugon ni Ysla habang marahang yumuko bilang paggalang. Napansin kong pinisil niya pa ang kamay ni Lola, isang simpleng kilos pero puno ng pagmamahal at respeto.Paglingon ko sa direksyon ng pamilya ng aking ama, agad kong napansin ang mabigat na hangin sa paligid nila. Pawang mga nakakunot-noo at halatang pilit ang mga ngiti. Walang nagsalita, pero sapat na ang mga tinginan nila upang iparamdam na hindi nila kami gustong makita, ako man o si Ysla.Napabuntong-hinin
Ysla“Sigurado ka ba na okay lang na magsabay tayo ng punta sa venue?” tanong ko kay Nathan habang nagbibiyahe kami papunta a hotel. Kaarawan ngayon ni Lola Andrea, at sa totoo lang, mas gusto ko sanang sumabay na lang sa matanda. Mas panatag sana ang loob ko kung siya mismo ang kasama ko. Pero ayon sa asawa ko, kasama na raw ng kanyang Lola ang kanyang ama, si Blesilda, at ang kapatid nitong si Nathalie.Napakunot ang noo ko. Kung ako lang ang masusunod, matapos ang huling pagtatalo nilang iyon, hinding-hindi ko na hahayaang makalapit pa ang mga ‘yon kay Lola. Hindi ko alam, o baka ayoko na lang talagang malaman kung ano pa ang kayang gawin ng mga taong ‘yon sa isang matanda.Pero si Nathan, kampanteng-kampante. Aniya, hinding-hindi magagawang saktan ng kanyang ama ang Lola niya. At sa kabila ng lahat, hindi naman talaga umalis ang pamilya sa poder ng matanda. Kahit papaano, kahit konting porsyento lang, napapanatag din ang loob ko sa tiwalang iyon ng asawa ko.Kung meron man magpapa
YslaAng kabang saglit na sumilay sa kanilang mga mukha ay mabilis na naglaho matapos kong bitawan ang mga salitang iyon. Ngunit sa kabila ng kanilang pilit na pagpapanatili ng composure, hindi ko na naiwasang mapansin ang bahagyang pagkislot ng kanilang mga labi at ang panlalalim ng hininga ni Lizbeth.Mas lalo kong napatunayan na marahil nga ay tama ang hinala ni Nathan, may tinatago sila na tungkol sa akin, at ayaw nilang mabunyag ito. Ngumiti ako, hindi lang basta ngiti, kundi isang ngiting puno ng lambing, kumpiyansa, at bahagyang panunuya. Parang sinasabi ng aking mata, “Alam ko na ang totoo.” Nagpatuloy ako sa pagsasalita, ngunit hindi pinilit kong huwag magpahalata.Kung sakaling tama nga ang tingin namin ni Nathan, hindi ko pwedeng ilantad sa kanila na may alam na ako. Hindi pwede hangga't wala pa akong matibay na katibayan. Sa ngayon, tanging panunukso lamang ang pwede kong maibigay sa kanila. Threat sa vlogging career ni Lizbeth.“Tsaka, hindi naman totoo na maliit ang sah
Nathan“Ano ba ang ginagawa natin dito?” tanong ni Ysla. Nasa isang boutique kami ng kilalang fashion designer na si Melai.“Hindi ba obvious, bibili ng damit mo.”“Para saan?” takang tanong niya.“Magbi-birthday na si Lola at plano ko na i-celebrate ‘yon. She’s getting better and better, according to her doctor ay pwede naman daw basta ‘wag lang magpapakapagod.”“Hindi mo sinabi agad,” tugon niya kaya napailing na lang ako.“Hi, Mr. Del Antonio.” Nakangiti ang designer na si Melai na palapit sa amin. “Please make something for Ysla,” sabi ko sabay turo sa aking asawa na katabi ko lang din. Nagbaling ng tingin ang designer at ngumiti bago tumugon.“No problem. Meron akong bagong gawa lang, pwede mong tignan at baka sakaling magustuhan mo.”“Sige,” nakangiting tugon naman ni Ysla.Niyaya na siya ni Melai na pumasok sa isang silid habang ako naman ay naiwan at naghintay. Sa palagay ko ay matatagalan pa sila kaya naman nagdesisyon akong tawagan muna si Damien na siya namang naghahanap ng
Third Person“Dad, ano ba? Wala ka bang balak gawin sa Ysla na ‘yon?” reklamo ni Lizbeth habang walang tigil sa paglalakad paikot-ikot sa harapan ng mga magulang niya, tila ba isang tigre sa loob ng hawla na hindi matahimik sa galit at inis sa kanyang pinsan.Kanina pa siya daldal nang daldal, paulit-ulit ang hinaing, habang ang ama ay napapahilot na lang sa sentido. Halata ang pamumuo ng inis sa kanyang mukha, waring pinipilit huwag sumabog kahit pa ilang ulit nang pinapatahimik ang anak.“Dear, tumigil ka muna,” singit ni Betchay habang pinipilit manatiling kalmado. “Hindi mo ba nakikita? Nag-iisip na nga ang ama mo, dinadagdagan mo pa ang sakit ng ulo niya.”“Pero Mommy!” halos sigaw na ni Lizbeth, sabay bagsak ng katawan sa sofa. “Naiinis na ako sa Ysla na ‘yon! Gumawa na naman siya ng bagong account, tapos pinangalanan pa niya na ‘The Original Masked Singer.’ Obvious na kalaban ‘yon sa branding ko!”Napatingin si Sandro sa anak, kumunot ang noo, at sumabog ang inipon na galit.“T