Ysla“Sigurado ka ba na okay lang na magsabay tayo ng punta sa venue?” tanong ko kay Nathan habang nagbibiyahe kami papunta a hotel. Kaarawan ngayon ni Lola Andrea, at sa totoo lang, mas gusto ko sanang sumabay na lang sa matanda. Mas panatag sana ang loob ko kung siya mismo ang kasama ko. Pero ayon sa asawa ko, kasama na raw ng kanyang Lola ang kanyang ama, si Blesilda, at ang kapatid nitong si Nathalie.Napakunot ang noo ko. Kung ako lang ang masusunod, matapos ang huling pagtatalo nilang iyon, hinding-hindi ko na hahayaang makalapit pa ang mga ‘yon kay Lola. Hindi ko alam, o baka ayoko na lang talagang malaman kung ano pa ang kayang gawin ng mga taong ‘yon sa isang matanda.Pero si Nathan, kampanteng-kampante. Aniya, hinding-hindi magagawang saktan ng kanyang ama ang Lola niya. At sa kabila ng lahat, hindi naman talaga umalis ang pamilya sa poder ng matanda. Kahit papaano, kahit konting porsyento lang, napapanatag din ang loob ko sa tiwalang iyon ng asawa ko.Kung meron man magpapa
YslaAng kabang saglit na sumilay sa kanilang mga mukha ay mabilis na naglaho matapos kong bitawan ang mga salitang iyon. Ngunit sa kabila ng kanilang pilit na pagpapanatili ng composure, hindi ko na naiwasang mapansin ang bahagyang pagkislot ng kanilang mga labi at ang panlalalim ng hininga ni Lizbeth.Mas lalo kong napatunayan na marahil nga ay tama ang hinala ni Nathan, may tinatago sila na tungkol sa akin, at ayaw nilang mabunyag ito. Ngumiti ako, hindi lang basta ngiti, kundi isang ngiting puno ng lambing, kumpiyansa, at bahagyang panunuya. Parang sinasabi ng aking mata, “Alam ko na ang totoo.” Nagpatuloy ako sa pagsasalita, ngunit hindi pinilit kong huwag magpahalata.Kung sakaling tama nga ang tingin namin ni Nathan, hindi ko pwedeng ilantad sa kanila na may alam na ako. Hindi pwede hangga't wala pa akong matibay na katibayan. Sa ngayon, tanging panunukso lamang ang pwede kong maibigay sa kanila. Threat sa vlogging career ni Lizbeth.“Tsaka, hindi naman totoo na maliit ang sah
Nathan“Ano ba ang ginagawa natin dito?” tanong ni Ysla. Nasa isang boutique kami ng kilalang fashion designer na si Melai.“Hindi ba obvious, bibili ng damit mo.”“Para saan?” takang tanong niya.“Magbi-birthday na si Lola at plano ko na i-celebrate ‘yon. She’s getting better and better, according to her doctor ay pwede naman daw basta ‘wag lang magpapakapagod.”“Hindi mo sinabi agad,” tugon niya kaya napailing na lang ako.“Hi, Mr. Del Antonio.” Nakangiti ang designer na si Melai na palapit sa amin. “Please make something for Ysla,” sabi ko sabay turo sa aking asawa na katabi ko lang din. Nagbaling ng tingin ang designer at ngumiti bago tumugon.“No problem. Meron akong bagong gawa lang, pwede mong tignan at baka sakaling magustuhan mo.”“Sige,” nakangiting tugon naman ni Ysla.Niyaya na siya ni Melai na pumasok sa isang silid habang ako naman ay naiwan at naghintay. Sa palagay ko ay matatagalan pa sila kaya naman nagdesisyon akong tawagan muna si Damien na siya namang naghahanap ng
Third Person“Dad, ano ba? Wala ka bang balak gawin sa Ysla na ‘yon?” reklamo ni Lizbeth habang walang tigil sa paglalakad paikot-ikot sa harapan ng mga magulang niya, tila ba isang tigre sa loob ng hawla na hindi matahimik sa galit at inis sa kanyang pinsan.Kanina pa siya daldal nang daldal, paulit-ulit ang hinaing, habang ang ama ay napapahilot na lang sa sentido. Halata ang pamumuo ng inis sa kanyang mukha, waring pinipilit huwag sumabog kahit pa ilang ulit nang pinapatahimik ang anak.“Dear, tumigil ka muna,” singit ni Betchay habang pinipilit manatiling kalmado. “Hindi mo ba nakikita? Nag-iisip na nga ang ama mo, dinadagdagan mo pa ang sakit ng ulo niya.”“Pero Mommy!” halos sigaw na ni Lizbeth, sabay bagsak ng katawan sa sofa. “Naiinis na ako sa Ysla na ‘yon! Gumawa na naman siya ng bagong account, tapos pinangalanan pa niya na ‘The Original Masked Singer.’ Obvious na kalaban ‘yon sa branding ko!”Napatingin si Sandro sa anak, kumunot ang noo, at sumabog ang inipon na galit.“T
Ysla“Nagtataka ako, bakit laging wala si Damien?” sambit ko habang kumakain kami ng lunch ni Nathan sa kanyang opisina. Hindi ko na naiwasang magtanong dahil bihira ko na talaga siyang makita.Pasubo na si Nathan ng ulam nang bigla siyang napatigil. Dahan-dahan niyang ibinaba ang kutsara, saka ako tiningnan ng diretso.“He’s looking for something,” sagot niya sa maikling paraan, na para bang may tinatago.Napakunot noo ako. “What something?” tanong ko agad. Natural, mas lalo akong na-curious. Hindi ba niya alam na ang mga ganitong bitin na tugon ay lalong nakakakiliti ng isipan?“About your uncle's company,” dagdag niya, ngayon ay mas seryoso na ang tono.Napataas ang kilay ko. “What about it?”“Yung father ng friend ko, sumubok dati na mag-invest sa Cheatime. Pero hindi natuloy ang usapan.”Napahinto ako sa pagkain at tuluyan nang ibinaba ang hawak kong kutsara. Kumunot ang noo ko habang sumandal sa upuan. “Why? Anong nangyari?”Tahimik siyang tumingin sa akin, saglit bago sumagot. “
Ysla“I’m really sorry, pero makulit si miss Blythe. Ang gusto niya ay ikaw ang mag-serve kay Lizbeth.” Mukhang taranta ang mukha ni jette. Halatang hindi alam ang gagawin.“Relax, ano ba ang gusto ni Lizbeth?” tanong ko.“I asked her kung ano ang gusto niya and she said na ikaw nga ang nais niyang magbigay ng pangangailangan niya.”Huminga ako ng malalim at tsaka ngumiti kay Jette. Kawawa naman, sigurado akong litong-lito na siya sa kung sino ang dapat niyang sundin.Tumingin ako sa nakasaradong pintuan ng office ni Nathan. Mamaya lamang ay tatawagin na niya ako, at kapag hindi ako tumugon ay siguradong lalabas siya at hahanapin ako. Let’s see what will happen next lalo na at nandito ang ex niyang dapat ay pakakasalan niya.“Halika na at alamin natin kung ano ang gusto ni Lizbeth.” Nagpatiunan na akong lumakad papunta sa marketing. Ang tigas talaga ng mukha ng Lizbeth na ito.“Good morning, Miss Blythe. Is there anything I can do?” tanong ko ng makalapit na ako sa kanila. Si Jette a