Oops! My Blind Date Turned Out to Be a Billionaire

Oops! My Blind Date Turned Out to Be a Billionaire

last updateLast Updated : 2025-01-22
By:  Athena JadeOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 rating. 1 review
5Chapters
269views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Upang mabawasan ang kanyang responsibilidad, sinet-up si Hestia Vale ng kanyang mapag-malupit na tiyahin sa pamangkin ng kaibigan nito. Nagtungo ang dalaga sa nasabing tagpuan at doon, natagpuan niya ang lalaking inakala niyang ka-blind date niya. Sa pagnanais na makawala sa mapait na pakikitungo ng tiyahin, walang alinlangang pumayag si Hestia ng bigla siyang alukin ng kasal ng binatang nagngangalang Ian Escalera. Sa mundong mahirap magtiwala, ano kaya ang magiging papel ni Ian Escalera kay Hestia: mabuting asawa o demonyong sisira sa buhay niya?

View More

Chapter 1

Chapter 1: Hasty Marriage

Huminga ng malalim si Hestia bago naglakad papasok sa venue ng blind date. Pagbukas pa lang ng pinto, amoy na amoy na kaagad ang mamahaling kape at inumin sa café, gayundin ang mga pastries at iba pang produktong binebenta sa cafe na iyon ay amoy na amoy na sa labas pa lang.

Sa bawat hakbang ni Hestia, paulit-ulit na tumuturan ang galit na si Sabel. “Palamunin ka pa rin hanggang ngayon! Wala ka talagang kwenta! Kaya wala sigurong gusto magpakasal sayo dahil makupad ka at mahina mag-isip, tsk!”

Unti-unting namumuo ang luha sa paligid ng kaniyang mga mata. Sanay na sanay na si Hestia sa masasakit na salitang parating binubuntol sa kaniya ng Tiyahin. Saulado na nga niya ang mga linyahan nito. Grabe siya kung pagmalupitan ng tiyahin kaya nga siya mismo narito para matakasan ang mapang-abuso niyang “pamilya”.

Ang matalim na tunog ng takong ni Hestia ay nagpalingon sa marami. Kuhang-kuha niya ang atensyon ng mga tao sa loob ng nasabing café na iyon. Dahil sa balingkinitan niyang katawan, kumukurba ang dilaw na bistidang binili niya lang sa ukay-ukay. Sa sobrang galing magdala ng damit ng dalaga, hindi mahahalatang mumurahin lang ang suot niya.

Valentines day ngayon at hindi mahirap hanapin ang lalaking pinares sa kaniya ng Tiyahin. Isinalaysay na rin kasi sa kanya ng tiyahin ang itsura't pagkakakilanlan nito. Isa pa, ilang buwan na rin kasi nitong sinusubukang paalisin si Hestia sa bahay, kinailangan niya lang nang magandang dahilan at pagkakataon. Kung magagawang magpakasal ng dalaga, edi hindi na poproblemahin ni Sabel ang pamangkin.

“Siya na siguro ‘yon. Hayst… hindi ko makita ang mukha,” naiinip na sambit ni Hestia nang matanaw ang isang lalaking nag-iisa sa kalapit na table. "Mukhang kanina pa niya ako hinihintay."

Sa oras na maging maayos ang takbo ng blind date, handa siyang magpakasal at tumira kasama ang lalaking ka-date niya ngayon.

Habang palapit nang palapit si Hestia sa pwesto ng lalaki, nanginginig ang mga kamay niya dahil sa labis na kaba. Labis man ang nararamdaman niyang kabog sa dibdib, binilisan na lang ni Hestia ang lakad papunta sa table.

Pagtigil niya sa harap nito, malamig siyang tiningnan kaagad ng lalaki. “Have a seat, the food will be on its way.”

Itsura pa lang ng kaharap ni Hestia, halos lumuwa na ang mga mata niya kakatitig. Kumpara sa mga naunang palpak na blind dates, mukhang wala itong kapansanan o problema sa pag-iisip.

Sumandal ng kaunti ang lalaki bago tuluyang nagpakilala. “Ian, Ian Escalera, and you are?”

“Hestia, Hestia Vale. Nice meeting you, sana magkasundo tayo,” sagot niya habang nakangiti.

Hindi na siya nakipagkamayan dahil mukhang may pagkapihikan ito. Tindig at kilos pa lang, alam na ng dalagang mataas ang katayuan nito sa buhay. Nagtitigan sila ng ilang segundo, sa mga mata pa lang ni Ian, kinikilabutan na si Hestia. Pakiramdam niya hinuhubaran siya nito, o di kaya’y hinuhusgahan batay sa suot.

“Do you wanna get married?” baritonong tanong ni Ian.

“Bakit? Interesado ka bang pakasalan ako?” Imbes na mas magpadala sa takot, sinubukan ni Hestia na makipagsabayan.

Nilaro ng kamay ni Ian ang isang ballpen habang sumasagot. “Hindi ako sisipot dito kung hindi. Sagutin mo ang tanong ko, Hestia.”

Pagkabanggit pa lang nito sa pangalan niya, halos magsitindigan ang lahat ng balahibo sa kaniyang katawan. Hirap na hirap tuloy si Hestia na sagutin ang napakasimpleng tanong.

“O-Oo… gusto ko nang magpakasal,” nauutal niyang sambit.

Tumaas ang gilid ng labi ni Ian sa sagot ng dalaga. Wala siyang pakialam kung mahirap ito o mayaman, nagpapasalamat na lang siya dahil hindi ang babaeng pinagkasundo sa kaniya ang sumipot sa café.

Bago pa dumating ang pagkain, hinila na patayo ni Ian ang dalaga. Halos mawalan ng balanse ang dalawa ng muntik mapasubsob si Hestia. Buti na lamang at nasalo siya ng braso ni Ian. Hindi man nila aminin, pero parehong bumilis ang tibok ng kanilang puso.

Natulala ng ilang segundo si Hestia, pero agad din itong lumayo. Pati si Ian napagtantong yakap-yakap niya ang babaeng ngayon niya lang nakilala.

“I know a Judge near this café. Shall we?” anyaya nito.

Payak na tumango lang si Hestia. Kahit napakadelikado ng isang biglaang kasal, ito na lang ang natitirang paraan para makatakas siya sa mapang-abuso niyang Tiyahin. Sabay nilang tinungo ang Judge na sinasabi ni Ian. Ilang metro lang ang layo nito mula sa pinanggalingang gusali. Kinailangan nga lang nila umakyat ng ikalawang palapag at pumasok sa isang pribadong opisina.

“Open up! I have a surprise for you Jacob!” kumakatok na sigaw ni Ian.

Mabilis namang bumukas ang pinto, at bumungad dito ang isang lalaking nakapang-pormal na suot. Hula ni Hestia nasa edad 40 na ito.

Pinatuloy naman sila kaagad ng Judge. “Come on in. Siya na ba? Wow, you have such a good taste.”

Bahagyang namula ang pisnge ng dalaga sa papuri. Hindi ito ang unang beses na may nagsabi sa kaniya ng ganito, kahit saan kasi pumunta si Hestia noon, palaging lumilitaw ang mala-niyebe niyang kutis at pang-modelong mukha.

Pag-upo nila ni Ian, agad na inilatag ni Jacob ang marriage contract. Ngumisi pa ito sa dalaga sabay umiling. Hindi niya akalain na magtatagumpay si Ian na takbuhan lahat ng pinagkakasundo sa kaniya.

Bago pulutin ni Hestia ang ballpen, pinigilan siya ng magiging asawa. “Marrying the wrong person can be lethal, sigurado ka na ba sa gusto mong pasukin? Ms. Vale, why are you even in a rush?”

Namawis sa kaba ang dalaga, at napadungaw ito sa kontratang maaring magligtas o mas lalong magpahamak sa kaniya. Sa mundong mahirap magtiwala, ano kaya ang magiging papel ni Ian Escalera kay Hestia: mabuting asawa o demonyong sisira sa buhay niya?

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Docky
highly recommended
2025-04-06 15:52:55
0
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status