Chapter 193
Nagtinginan sina Kiera at Jammie bago tumikhim ang asawa ng kakambal ko. "Eh kasi, parang... may gusto yata ‘yon kay Claire noon, di ba?"
Natawa nang mahina si Claire habang sinandalan ako. "Hala, matagal na ‘yon! Crush lang naman niya ako noon, pero wala namang nangyari."
Napangiti ako at inakbayan siya. "Wala akong pake kahit may nagkagusto sa'yo noon, love. Ang importante, ako ang pinakasalan mo!"
"Yieeeeee!" sabay na kantiyaw nina Jenny at John, na ikinatawa naming lahat.
"Grabe, Tito Jimmie, parang hindi tumatanda! Kinikilig pa rin kay Tita Claire!" sabi ni Jenny, na lalo pang nagpasaya sa hapunan namin.
Maya-maya, dumating na ulit ang delivery mula kay Ramon, at agad naming tinikman ang kanyang specialty dessert. Habang kumakain, biglang sumeryoso si Jammie.
"Jimmie, kailan kayo lilipat sa bagong mansyon?" tanong niya.
Napatingin ako kay Claire at ngumiti. "Siguro next week? Para may oras pa kami makapaghanda at para matulungan din sina Tatay at Nanay