"I HAD A HARD TIME STARTING MY CAR, Luke,!" muling saad niya. "I think the starter isn't working. Could you help me to fix it, please?" pakiusap niya pa. Napapitik siya sa hangin nang hindi pa rin siya nito binalikan. Mauubusan na yata siya ng dahilan.
"Shit!" napamura na lang siya. Think, think, think" aniya sa isip. I don't wanna go home na walang nangyayaring maganda ngayong gabi. I even skipped my class para lang makita ang binata, pagkatapus ay ganon na lang siyang i- isnubin niya lang ako ng ganito? Himutok niya at halos magpapadyak na siya sa kinatatayuan. "Luke!" she called again. "Wala na yatang gasolina ang kotse ko, ayaw na talagang mag- start, eh. Ouch! kinagat ako ng mosquito! Ang sakit- sakit!" kunwa'y tinampal niya ng malakas ang braso upang maniwala itong may dumapo ngang lamok doon. "So many ants here," napapahagulhol na niyang dugtong dahil mukhang wala na itong balak pa na balikan pa siya nito. "Duguan na ang katawan ko sa mga kagat nila," exaggerated pa niyang sabi. "Ouch! Ouch! nabagsakan ako ng tree trunk!" Eksakto namang may punong-kahoy sa kinatatayuan niya. "Aren't you gonna help me? Kawawa naman ako dito, Luke!" Halos madismaya siya nang makitang wala na ito. Tuluyan na itong nilamon na ng dilim. Baka nakalabas na ito ng gate ng campus at nakasakay na ng jeep. Ang dilim- dilim pa naman sa parteng iyon dahil pinatay na ang mga ilaw sa mga poste. "Luke," pumiyok ang tinig niya na pagtawag dito. "You're selfish! Wala kang puso! Kung anu ano lang insektong kumagat sa akin pero ayaw mo pa rin akong tulungan. Luke! Luke! Luk--" Bigla siyang natigilan nang makita ang isang lalaking nakatayo sa kanyang harapan at mukha pang addict ang hitsura nito. Good evening, Princess!" nakangising bati ng lalaki sa kanya. Sa tingin niya ay parang sabog pa ang mukha nito na tila kakagaling lang sa isang session. Mayroon pa itong magkakasunod na hikaw sa tenga. Spiky ang buhok nitong hindi man niya malinaw na naaninag ay alam niyang highlighted iyon ng kulay orange. At ang mga mata nitong halos hindi na makakita dahil sa taglay nitong kasingkitan. Kulay itim lahat ng suot nitong damit; t-shirt at pantalon kaya nagmistulang nakalutang sa hangin ang maputing mukha nito. Tumingin ito sa kanya at ngumisi ng nakakaloko. "Ako na lang ang maghatid sa'yo, kesa mawalan ka ng boses sa kakasigaw ng pagmamakaawa sa Prince charming mo," nakangising wika nito sa kanya. "By the way my is Leon and you can call me Roar." Hindi niya mawaring seryoso ba ito sa sinabing pangalan o nagpapatawa lang to. Kakaiba naman kasi ang pangalang iyon. Ngunit kita niya sa mukha nito ang pagiging seryoso at parang nababagay ang pangalang iyon dito dahil mukha nga itong isang leon na anumang oras ay sumusunggab at mangangagat. Nanginig sa takot ang buong katawan niya at hindi niya magawang kumilos para siyang naestatwa ng mga sandaling iyon. Tila may kapangyarihan itong pananatilihin siya sa kanyang kinatatayuan. Nagulat naman siya nang bigla na lamang siya nitong hinawakan sa kamay. "Don't touch me!" singhal niya at mabilis na dumistansiya rito. Nangangatal sa takot na tumingin siya sa unahan nagbaka-sakaling makita niyang muli si Luke o kahit sinong pwede niyang mapaghingan ng tulong, ngunit nabigo siya. "Come with me, princess," muling sabi nito. "I'll bring you to my paradise." Nang humakbang itong papalapit sa kanya ay saka lamang niya nagawang kumilos at mabilis na tumalikod dito at sumakay sa kotse. Ngunit laking takot niya nang maabutan siya nito at bigla siyang pinigilan sa braso. "Guard!" halos mapatid ang litid niya sa leeg nang mapasigaw siya ng malakas. Kung hindi dumating si Luke para saklolohan siya, siguro naman ay may guwardiyang nagbabantay roon kahit hindi naman kasingganda ang paaralang ito sa pinapasukan niya. Nabalitaan pa naman niyang marami raw roong drug addicts at kick outs na mga estudyante. At ngayon, napapatunayan niyang totoo nga ang balitang iyon. "Huwag kang maingay!" agad nitong sabi at tinakpan ang kanyang bibig sa isang kamay nito. Itinulak siya nito papasok sa loob ng kanyang sariling kotse upang ito ang magmamaneho niyon, ngunit agad naman siyang nakalabas sa kabilang pintuan. "Anak ng--! sigaw nito. "Ang lakas ng loob mong tumakas huh!" Hindi natuloy nito ang balak na pagsakay sa driver's seat. Sa halip ay hinabol siya nito sa kanyang pagtakbo. Mas mabilis itong tumakbo sa kanya kaya't naabutan siya agad nito. Nahablot nito ang buhok niya na halos mabunot na ang anit niya nang kaladkarin siya nito pabalik sa kotse. "Guard!" Nagawa niya paring sumigaw. Ngunit wala paring nakarinig sa kanya na tila bingi ang mga guwardiya roon kung mayroon man. Nagawa siyang pasakayin nito sa kotse niya. Uupo na rin sana ito sa driver's seat nang biglang may humablot na mga kamay rito. Nabuhayan siya ng loob nang makita niyang si Luke ang nagmamay-ari ng mga kamay na yon. Bumaba siya ng sasakyan at nakuha niya pang magcheer ng malakas habang nagpapalitan ng suntok ang mga ito. "Sige, Luke!" malakas niyang sigaw na animo'y member ng cheering squad. "Kick him! Beat him! That's it!" isinusuntok suntok pa niya sa hangin ang mga kamay. Lalong naglalabasan ang mga muscles ni Luke sa mga braso habang nakikipagsuntukan sa lalaki. Nakakailang suntok na ito subalit hindi man lang makaisa ang huli dahil mabilis itong naiwasan ni Luke. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang dumukot ito ng patalim sa tagiliran. "Let's go, Luke," takot niyang yakag sa binata upang makaiwas sila sa ano pang posibleng mangyari. Iwinagayway pa ng lalaki ang hawak nitong patalim sa ere. "Tingnan ko lang kung hindi magkakaroon ng butas ang tagiliran mo, nagtatapang- tapangan na lalaki!" nakangising sabi nito. Napasigaw siya ng malakas nang akmang isasaksak na ng lalaki ang patalim kay Luke. "Tigil!" sigaw ng isang lalaki mula sa kung saan. Sabay sialng napatingin sa pinagmulan ng boses. Hindi nagtagal ay iniluwa ng dilim ang nakaunipormeng security guard. Saka lamang napakaripas ng takbo ang lalaking mukhang addict. Hindi na ito naabutan ng guwardiya. "Mag- ingat kayo sa taong 'yon," sabi ng guwardiya pagbalik sa harapan nila. "Dating estudyante yon dito na-kick out dahil naging dealer iyon ng droga." "Bakit ho n'yo pinapapasok pa rito kung addict naman pala?" tanong niya. "Nakatulog kasi ako kanina, eh," sagot nitong napakamot- kamot sa batok. "Nag rounds naman sa campus yong kasamahan ko kaya walang nakapansin sa kanya." sabi nito sabay ng paghingi ng paumanhin. Nagpapailing na lang siyang sasakay na sana kotse nang mapansin niyang paalis na si Luke. "Hindi ka ba talaga sasama sa akin, Luke?" tanong niya rito. "Okay lang naman na kahit ako ang magmamaneho, basta sumabay ka lang sa akin. Mahirap bang gawin iyon?" tunog-pakiusap niyang sabi rito. "I'm sorry, pero hindi ako sasama sa'yo," tugon nito at tahimik ng humakbang paalis. "But why?" nagugulumihang tanong niya. Pero wala siyang narinig na sagot at patuloy parin ito sa paglakad. Napabuntung- hininga na lang siyang tumingin rito. "Thanks for saving me," pahabol niyang sabi. Wala parin itong kibo. Laglag ang mga balikat niyang sumakay sa kanyang sasakyan. Mabagal lamang ang pagpapatakbo niya upang manatiling nakasunod kay Luke. Nilingon siya nito bago ito sumakay sa jeep na pinara nito. Marahil ay upang tiyaking hindi na siya mapapahamak muli. "Hay! naisaisip na lamang niya nang tumakbo na ang jeep na sinakyan nito. Ikaw pa lang ang lalaking nakapagpahirap sa akin ng ganito, Luke. Or should I say, ikaw pa lang ang lalaking hindi kayang bihagin ng charm ko. "What should I do to get your attention? I'm willing to do it, Luke, pansinin mo lang ako," piping tanong niya.IS iT POSSIBLE for me to be discharged right away, Doc? Gusto kong sa bahay na lang ipagpapatuloy ang medication o di kaya sa clinic mo na lang, please? Pakiusap ni Luke sa personal niyang doctor na si Doc Zarah. Tatlong araw na itong namamalagi sa hospital at mismong si Zarah ang naging doctor nito. Pagkatapos ng madugong engkuwentro sa loob ng isla. Sa hospital na muling natagpuan ni Zarah ang binata pagkatapos siyang tawagan ni Briggs. Wala siyang ideya sa mga pangyayari. Gulong-gulo ang isip niya noong araw na yon dahil hindi niya inaasahan ang mga kaguluhang kinasasangkutan ng binata. Inooperahan niya sa balikat si Luke. May tama kasi ito ng bala sa parteng yon. Dagdag pa at nabagsakan pa ito ng lumang kisame sa naturang laboratoryo. Mabuti na lang at hindi naman napuruhan ang ulo ng binata, yon nga lang nawalan na kaagad ng malay. Marami ang naging katanungan sa isip niya kaya pinilit niya si Briggs na sabihin sa kanya ang mga nangyayari kay Luke from the past. Ayaw sana
LUKE "Hello, Cardo?" sagot ni Luke sa tawag ni Cardo. Madaling araw na nang magising siya sa sobrang ingay ng kanyang cellphone. Tulog pa si Zarah sa tabi niya. "Boss, may goodnews at badnews po." "What is it?" "Boss natagpuan na namin si Mrs. Buenaflor pero nakakatakas ang pinakapinuno ng grupo." "What?!" gulat siya sa narinig. Noong isang araw lang binalita ni Cardo sa kanya na nahuli na nga sana raw ang itinuring na pinakapinuno ng grupo na si Sergeant Edgardo Abanselo na kilala sa tawag na Boss Ed ngunit agad rin daw itong nakatakas at maging si Aldo na kaalyado nito ay nakatakas rin. Dating kasama ni Cardo sa Militarya si Edgardo Abanselo. At ito ang nagtraydor sa kaibigan upang iligwak si Cardo sa puwesto. Kaya naisipan ng huli na magreretiro ng maaga kesa patulan ang kahambogan ng dating kaibigan. Kasing-edad lamang ito ni Cardo at magkasabay ang dalawa nang pumasok sa PMA. Ngunit dahi sa galing ni Cardo kaya ito ang mas naunang umangat sa puwesto. Pero lingid sa
MASAKIT ang katawan ni Zarah nang gumising ng umagang iyon. Napahimbing ang tulog niya kaya hindi niya namalayan ang oras. Lumabas na ang sinag ng araw na tumatagos sa bintana. Marahan siyang bumangon at isinandal ang likod sa headboard ng kama. Napahinga siya ng malalim. Muling sumasariwa sa kanyang isip ang mainit na tagpong kanilang pinagsasaluhan ni Luke kagabi. Kinapa niya ang katabing lugar na hinigaan ng binata. Wala na ito sa kanyang tabi, tila maaga itong umalis. Bigla siyang nakakaramdam ng lungkot sa naisip. Hindi man lang nito hinintay ang kanyang paggising. Pagkatapos ng nangyari sa kanila bigla na lang itong nawala na hindi man lang nagpaalam. 'Kainis!' maktol niya. 'Kailan ka lang natutong magsesenti ha?' reklamo ng kanyang kabilang isip. Eh, sino ba kasing hindi magsesenti eh kaytamis ng pinagsaluhan nila kagabi tapos bigla na lang itong aalis kinaumagahana o baka madaling araw pa yon umalis. Napasimangot tuloy siya. Nagmamaktol na bumaba siya sa kama at
TULUYAN nang nawala sa sariling katinuan si Zarah ng sandaling yon. Tila saglit na tumigil sa pag inog ang mundo niya nang tuluyang sakupin ni Luke ang nakaawang niyang mga labi. His lips touching hers with so much love and tender. When Luke was kissing her, she immediately felt a familiar heat that suddenly spread throughout her body. Nagsimulang haplusin nito ng marahan ang bisig niya paakyat sa batok while kissing her passionately. "Ara, I missed you so much. You have no idea how much I long for this to happen between us again." Luke said as they were in the midst of their kisses. Tila unti-unti na ring nalulunod si Zarah sa kakaibang sensasyong nararamdaman. Hinila siya ni Luke sa loob ng bathtub na magkahinang parin ang kanilang mga labi. Ni hindi niya nararamdaman ang lamig na nagmumula sa tubig dahil masyado ng alipin ang kanyang sistema sa kakaibang init na nagsisimulang namumuo sa kanyang katawan. Init na tanging si Luke lamang ang may kakayahang makapagbibigay non
"MAARI bang dito muna ako matutulog kahit ngayong gabi lang, Ara?" Tanong ni Luke sa kanya pagkatapos nilang maghapunan. Kakalabas lang nito mula sa kuwarto ng kanilang anak. Pinatulog muna nito si Leanne bago sila nag pasyang lumabas ng bahay upang makapag-usap. Mas pinili nilang sa labas mag-usap dahil baka magising si Leanne at maririnig nito ang kanilang pag uusapan. "That's what Leanne's asked for so who am I to stop it. I don't want to be the one opposing everything my child wants, Luke. And I also know that my daughter longs for our time, which is why I let it be." marahan ngunit may diin ang mga salitang binitawan niya. "Thank you," Mahinang tugon nito at bakas sa mukha ang kasiyahan sa kanyang sagot. "Ano nga pala ang gusto mong pag usapan natin?" tanong nito. Sinabi niya kasi kanina na may pag usapan sila kapag natulog na ang bata. "Nais ko sanang pag-uusapan ang tungkol kay Leanne. Hinahanap ka ng anak ko lalo na sa tuwing hindi ka makabisita kaya naisip kong ayu
ZARAH"DADDY!!" Masayang sigaw ni Leanne pagkakita nito sa ama sa may hamba ng pintuan. Dalawang linggo nang hindi ito napadalaw. Kaya labis ang pananabik ni Leanne na makita ang ama. Kahit halos araw-araw naman itong ka-usap ang ama sa phone. Pagkatapos ng mga nangyayari sa clinic. Hindi na ito nagpapakita sa kanya. Nakapagdesisyon siyang bumalik sa bahay at dito na matutulog sa gabi. Hindi niya alam kung bakit tila pakiramdam niya ay napapahiya siya sa sarili sa huling turan ni Luke. Na mas pinili niyang magpakalayo at umiwas dito kesa ang makasama ang anak niya. Ilang beses niyang pinag-isipan yon at aminado siyang tama nga ito. Kung bakit niya nagawa yon gayong wala namang ibang mas mahalaga sa kanya maliban sa kanyang anak. Kaya nga niya piniling umuwi sa bansa dahil nais niyang mabigyan ng sapat na oras ang kanyang anak, pero ano itong ginagawa niya. Nandahil lamang sa kakaiwas sa isang tao ay nagawa niya ring tikisin ang anak. Hindi niya ba kayang isaalang-alang ang sarili