CHAPTER 6
Kasalukuyang nasa venue na sila ng seminar at sinisimulan na ang orientation. Kailangan nilang makapaghanap ng makakapares nila from other school. Bunutan ang nangyari, kung sino ang parehong number na mabubunot ay siyang magiging magkapares hanggang sa matapos ang seminar
"Miss, number 75?" usisa nang gwapo rin namang lalaki sa kanya.
"Ahh... Nasa akin nga. Maupo ka," aniya. Naupo naman ito sa kaliwang bahagi ng inuupuan niya. Ang nasa kanan kasi ay si EJ. Katabi na rin nito ang tandem nito.
"I am Paulo from G's University, you are?"
"Alexandra Del Monte from Francisco International School."
"Wow, that school is quite prestigious huh?"
"Sabi nga nila." Nagkangitian lang sila at saka itinuon na ang pansin sa speaker nila kasalukuyang nasa unahan na at nagsasalita.
Wala siya sa mood makinig. Nasa sistema niya pa rin kasi ang nangyari kahapon sa kanya. For heaven sake, may gustong bumundol sa kanya. Mabuti na lang talaga at kasama niya si Edrick.
Siniko siya ni Edrick kaya na