CHAPTER 7
Napabalikwas ng bangon si Alexa. Hina-hunting na naman siya ng isang napaka masamang panaginip na meron siya. O kaya naman tamang sabihin na bangungot.
Hinawakan niya ang kanyang dibdib na para bang pinupokpok na tambol dahil sa sobrang lakas ng tibok niyon.
She’s always been having a bad dreams every night. Himala na ngang nakatulog siya ng maayos nong nasa Tagaytay sila. Siguro ay dahil alam niyang may kasama siya kaya panatag ang loob niya.
Bumaba siya sa kama at dumiretso sa banyo. Naghilamos siya para tuluyang magising ang kanyang natutulog na diwa. Napatingin siya sa salamin at doon nakita na naman ang karumal-dumal na kalagayan ng kanyang mga magulang 13 years ago. She was only 16 when her parents died. No… Her parents were killed by those black men in her memories.
Napaatras siya tsaka napaupo. Nagsimula na naman na sumikip ang dibdib niya. She’s missing her mom and dad so damn. Pero ang tanging magagawa niya lang ay ang umiyak habng yakap ang sariling mga tuhod gay