Share

Chapter 5

Author: Ajai_Kim
last update Last Updated: 2023-10-21 12:47:16

Yareli's POV

NANDITO kami sa bayan kasama sila Mayet, Jestin at Ronnie. Dahil malaki ang kinita ni Mayet sa pag-oonline selling ng mga damit at bags na binebenta niya sa F******k ay nagyaya siyang manlibre sa amin na hindi na namin tinanggihan.

Nasa mall kami ng bayan ng San Felicidad. Hindi ito gaanong kalakihang mall at hanggang 2nd floor lang ang palapag nito. Medyo marami ang mga tao ngayon sa mall at kakatapos lang ng pagdiriwang ng fiesta ng San Felicidad.

"Sa ganda mo girl, center of attention ka na naman. Ikaw na talaga!" nakangising sabi ni Mayet nang mapansin niya ang mangilan-ngilang tao na nandito sa mall na napapatingin sa akin.

Hindi ko alam kung bakit ako tinitingnan ng mga tao e, isang simpleng printed white t-shirt at jeans lang naman ang suot ko na pinaresan ko ng mumurahing sandals. Hindi ako naka-make-up bukod sa pinahid kong liptint sa labi ko para hindi ito magdry. Walang espesyal sa itsura ko pero kagaya nga ng sinasabi ni Mayet ay mukhang center of attention na naman ako na palagi kong nararanasan simula noong bata pa lamang ako.

"Feeling ko talaga sikat na rin ako kapag kasama natin si Yareli. Masyado kasing maganda 'tong kaibigan natin. Tsk!" sabi ni Jestin na sinang-ayunan ni Mayet.

Napailing ako. "Kayo talaga. Saan na pala tayo nito, Mayet?" tanong ko kay Mayet.

"Gusto n'yo bang mag-foodtrip na lang tayo sa food court? Mas mura ang mga pagkain doon at mas marami rin tayong mabibili." suhestiyon niya.

Lahat kami ay sumang-ayon sa sinabi ni Mayet at kaagad kaming nagtungo sa food court at umupo sa may bakanteng upuan. Sila Mayet at Jestin na ang umorder ng mga pagkain namin at iniwan muna nila kami saglit ni Ronnie sa table.

"Kumusta ka na pala, Yareli? Hindi ko alam na kasundo mo pala ang mga pinsan ni Juancho," pag-imik bigla ni Ronnie na may seryosong tingin.

"Ah, nasiraan kasi sila ng kotse sa daan at saktong nakita namin sila ni Kuya Yasewah. Tinulungan ni kuya na maayos ang kotse ng magkakapatid na Steffano. Mabait naman sila sa amin kaya wala akong problema sa kanila." sagot ko.

"Pero hindi ka ba natatakot man lang? Pinsan sila ni Juancho at baka ikapahamak mo pa kung magiging mas malapit ka sa magkakapatid na 'yon." nag-aalalang sabi ni Ronnie.

Ni minsan ay hindi ko naisip na puwede kong ikapahamak ang pakikipaglapit ko sa magkakapatid na Steffano. Mabait sila sa akin at hindi nila ako pinapakitaan nang masama. Isa pa ay wala namang masama na maging kaibigan ko sila dahil hanggang doon lang naman kami hahantong. Mayaman sila samantalang mahirap lang ako at napakalayo ng estado ng buhay nila sa estado ng buhay ko.

"Mabait naman sila sa 'kin at saka hindi naman nila alam ang nakaraan namin ni Juancho. Kung anoman ang mayroon sa amin ni Juancho noon ay labas na sila doon." sabi ko at bumuntonghininga.

Tumango si Ronnie. "Kung sa bagay, pero mag-iingat ka pa rin sa kanila, Yareli dahil hindi mo pa lubos na kilala ang magkakapatid na 'yon."

"Salamat sa pagpapaalala sa akin, Ronnie." nakangiting sabi ko na ikinangiti rin ni Ronnie.

Ilang minuto lang ay dumating na sila Mayet at Jestin dala ang mga in-order nilang pagkain namin. Isang order ng pancit palabok na may lumpia, leche flan, siomai, halo-halo, at coke ang pagkain.

Nag-umpisa na kaming kumain at hindi namin maiwasang matawa ni Ronnie habang nagkukwento sina Mayet at Jestin ng mga nakakatawang pangyayari sa buhay nila noong mga bata pa lang kami.

Bigla ay napahinto sa pagkukwento si Mayet at gulat itong napatingin sa kabilang table. Napatingin ako doon at nagulat rin ako nang makita sila River at Irvin kasama sina Juancho at ang bagong girlfriend nito.

"Yareli?" Biglang lumapit sa akin si Irvin nang makita niya ako kaya napatingin rin sa gawi namin sila River, Juancho at ang girlfriend niya.

Bakas sa mukha ni Juancho ang pagkagulat nang makita ako habang ang nasa tabi niyang si River ay lumapit na sa akin.

"N-Nandito pala kayo," nautal kong sabi at hindi na muling tiningnan si Juancho at bumaling na lang kina Irvin at River.

Wala na akong karapatang masaktan. Hiwalay na kami at may bago na siyang girlfriend na mayaman rin katulad niya.

"Yeah, nabored lang kami sa mansyon at naisipan naming sumama ni River kila Juancho at sa girlfriend niya dito sa mall ng San Felicidad. Hindi na sumama sa amin sila Efraim, Grant, at Amir dahil tinatamad daw silang lumabas." sabi ni Irvin.

Tumango ako at ipinakilala na lang sila Mayet at Jestin sa kanila. Nang ipakilala ko ulit si Ronnie sa kanila ay biglang sumeryoso ang mukha nila Irvin at River at hindi na muling nagsalita pa.

Biglang lumapit sa amin sina Juancho kasama ang girlfriend niya. Nakahapit pa sa baywang ni Juancho ang babae at hindi ko kayang makita iyon kaya iniwas ko ang tingin ko sa kanila. Nakita ko pa ang simpleng pag-irap ni Mayet kay Juancho na nakita naman ng girlfriend nito.

"May problema ka ba sa boyfriend ko?" maarteng tanong ng girlfriend ni Juancho kay Mayet.

"Wala. Bakit naman ako magkakaroon ng problema sa boyfriend mo?" mataray na sagot pabalik ni Mayet na sinita ni Jestin.

Sasagot pa sana ang girlfriend ni Juancho nang napigilan ito ni Juancho. "Don't mind her, babe."

Umirap ang girlfriend ni Juancho sa kanya at padabog itong bumalik sa kabilang table.

Humarap si Juancho kina Irvin at River. "Let's go?"

"Dito na muna kami sa table nila Yareli. Kayo na lang ni Amanda diyan sa kabilang table." sabi ni River.

Hindi na sumagot si Juancho at nakita kong sumulyap ito sa akin bago siya pumunta sa kabilang table kung saan nandoon ang girlfriend niya. Umupo naman sina Irvin at River sa bakanteng upuan na nasa tabi ko.

"Okay lang ba na nandito kami?" tanong ni River kay Mayet na natulala habang tinitingnan siya.

"O-Okay lang," sagot ni Mayet at natauhan lang ito sa pagkakatitig kay River nang mahina siyang siniko ni Jestin.

Maging pati si Mayet ay na-starstruck rin sa kaguwapuhan ni River. Talaga kasing guwapo ito at pansinin nang kahit sinomang makakakita sa kanya. Ganoon rin kay Irvin.

"Hindi ba kayo o-order ng pagkain? Nakakahiya naman na nandito kayo habang kumakain kami?" mahina kong tanong kina Irvin at River.

"It's okay. Kakatapos lang rin naming kumain kanina sa mansyon." nakangiting sabi ni Irvin at napagitla ako nang ipinatong niya ang isang kamay niya sa balikat ko.

Ang katabi kong nasa kaliwa na si Ronnie ay tahimik lang na kumakain at hindi na rin nito pinansin ang magkapatid. Marahil ay nararamdaman niya na hindi siya gusto ng mga ito. Pero bakit naman? May nagawa bang kasalanan si Ronnie sa magkakapatid? Ngayon lang naman sila nagkakilala, ah?

"Gano'n ba?" Tangi kong nasabi at ipinagpatuloy ko ang pagkain ko.

Hinayaan ko si Mayet na kausapin sina Irvin at River habang kumakain kami. Si Jestin naman ay tila nayayamot na dahil nawala na ang atensyon ni Mayet sa kanya. Napailing ako.

"Ngayon ko lang kayo nakita dito at pamangkin pala kayo ni Governor Vicente. Okay lang naman ba kayo sa San Felicidad? Ayos lang rin bang kaibigan 'tong si Yareli?" tanong ni Mayet kina Irvin at River at saka ito ngumisi sa akin.

"Yeah. Yareli is nice and kind. Pinakain nila kami ni Yasewah ng meryenda sa bahay nila." sagot ni Irvin at nginitian ako pagkatapos.

"Nako! Talagang mabait 'yan si Yareli at 'yong guwapo niyang kuya kaya dapat hindi siya sinasaktan ng kung sino-sino lang." medyo napalakas ang pagkakasabi ni Mayet na mukhang narinig ni Juancho sa kabilang table.

Nang mapatingin ako kay Juancho ay laking gulat ko nang nakatingin pala ito sa akin habang nakasandal sa balikat niya ang girlfriend niya at busy ito sa paggamit ng cellphone. Hindi yata nito narinig ang sinabi ni Mayet.

Nakatingin si Juancho ng seryoso sa akin at dahil hindi ko kayang matagalan ang pagtitig niya ay kaagad akong umiwas ng tingin sa kanya.

"You're right. Yareli needs to be treasured because she is precious and very adorable woman." sabi ni River na ikinapula ng buong mukha ko.

Tiningnan ako ni Mayet nang nakakaloko at hindi ko na lang ito pinansin. Alam ko naman kasing aasarin niya lang ako kapag pinatulan ko siya.

Nang matapos kaming kumain na magkakaibigan ay nagpaalam na sa amin si Mayet na mauuna na siyang umuwi dahil nagtext raw ang Mama niya at walang magbabantay ngayon sa sari-sari store nila. Si Jestin naman ay gusto na ring umuwi at nagpresinta na lang itong ihatid si Mayet sa bahay nila. Tumango kami at nagpaalam na hanggang sa tuluyan na silang makaalis.

"Ihahatid na rin kita pauwi mamaya, Yareli." pag-imik bigla ni Ronnie at nginitian ako.

"Baka nakalilimutan mong magkapitbahay lang tayo?" natatawa kong sabi.

Tumawa rin siya sa sinabi ko at napakamot sa ulo niya. "Sabi ko nga."

"Ehem!"

Nawala lang ang atensyon namin ni Ronnie sa isa't-isa nang biglang tumikhim si Irvin na kasama pa rin pala namin katabi si River na kanina pa tahimik.

"Ihahatid ka na namin pauwi, Yareli." nakangiting sabi ni Irvin.

"Ha? Eh paano naman sina Juancho at ang girlfriend niya?" tanong ko.

"They can handle themselves." sagot ni Irvin.

"Teka lang. . .? Kapitbahay ko naman si Yareli kaya ako na lang ang maghahatid sa kanya pauwi. Puwede na kayong makisabay pauwi sa mga kasama ninyo para hindi na namin kayo maabala." pagsabat ni Ronnie.

Bigla ay sumama ang tingin sa kanya ni Irvin na ikinabigla ko. "Ano bang pakialam mo kung ihatid namin si Yareli sa bahay nila? Kaibigan na namin siya kaya walang masama kung ihatid namin siya sa kanila."

"Irvin, calm down!" rinig kong suway ni River kay Irvin.

Hindi pinansin ni Ronnie ang sinabi ni Irvin at walang imik ako nitong hinila papatayo. Akmang aalis na sana kami nang biglang humarang si Irvin sa harapan namin. Nakita naman kami ni Juancho at ng girlfriend niya na parang nagkakagulo na kaya lumapit na rin sila sa puwesto namin.

"Sino ka ba sa akala mo? Bakit mukhang pinagdadamot mo si Yareli sa amin? Kaibigan ka lang naman niya, ah? Kung makaasta ka ay para ka niyang boyfriend, e!" sigaw ni Irvin kay Ronnie dahilan para mapatingin sa kanya ang ibang taong nandito sa food court.

Nagulat ako sa sinabi niya maging pati na si Juancho at ang girlfriend nito.

"Irvin, tumigil ka na! Gumagawa ka ng eksena dito!" pagkausap ni River sa kapatid.

"Hindi ako titigil hangga't hindi ko nasasabi ang gusto kong sabihin sa lalaking 'yan!" maangas na sabi ni Irvin habang tinitingnan nito nang masama si Ronnie na nakatiim-bagang at wala pa ring imik.

Laking gulat ko nang bigla akong hinila ni Juancho hanggang sa makalayo na kami sa kanila. Tinawag pa siya nang ilang beses ng girlfriend niya pero hindi niya ito pinansin. Hinabol kami nila Ronnie, River, at Irvin kaya mas binilisan pa ni Juancho ang paglalakad namin.

"Ano ba!? Bitawan mo nga ako!" reklamo ko habang pilit na inaalis ang kamay ni Juancho sa braso ko.

Hindi niya pinansin ang sinabi ko hanggang sa makalabas na kami sa loob ng mall. Bigla siyang nagpara ng tricycle sa daan at nang huminto ang tricycle sa tapat namin ay kaagad niya akong ipinasok sa loob. Sumunod siya sa akin at pumasok rin sa loob.

Nang pinaandar na ng tricycle driver ang tricycle na sinasakyan namin ay nakita ko sila Ronnie, Irvin, River, at ang girlfriend ni Juancho na nasa labas ng mall at nagpalinga-linga ang mga ito sa paligid para hanapin kami. Ang hindi nila alam ay nasa loob na kami ng tricycle ni Juancho at papaalis na.

"Manong, sa may Tayuman po." sabi ni Juancho sa tricycle driver na tinanguan siya.

"Ano bang problema mo at bigla mo na lang akong hinila at isinakay dito sa tricycle?" galit kong singhal na pilit nilalabanan ang emosyon ko.

"Can you see? Nag-aaway na sila nang dahil sa'yo kaya kailangan kitang ilayo doon." masungit niyang sagot.

"Ano ba talagang problema mo? Iniwan mo pa 'yong girlfriend mo sa mall. Ano na lang ang iisipin niya sa ating dalawa?" tanong ko at napapikit sa inis.

Hindi siya sumagot at humalukipkip lang ito.

"Hindi ka ba talaga-"

"Bakit ka pa kasi nakipagkilala sa mga pinsan ko, ha?" sabi niya na ikinahinto ko.

"Ano'ng ibig mong sabihin?" tanong ko.

Umigting ang panga niya at tinitigan ako nang masama. "Hindi ka naman siguro manhid at nakikita mong interesado sila sa'yo? Bakit ba hindi mo sila magawang layuan at hindi kausapin? Dahil sa'yo ay pwedeng magulo at masira ang lahat!" madiin niyang sabi dahilan para umurong ang dila ko.

"Tandaan mo, Yareli. Mahirap ka lang at hindi ka nababagay sa aming mga Steffano. Huwag kang maghangad na mabibihag mo ang isa sa kanila. Hinding-hindi ko hahayaang mangyari 'yon." banta niya at doon ay tuluyang bumuhos ang mga luha ko.

"Ganyan mo na ba talaga ako kamuhian? Ano bang kasalanang nagawa ko sa'yo, Juancho?" umiiyak kong tanong.

Biglang lumamlam ang pares ng magaganda niyang mata at lumunok ito. "Hindi ko hahayaang tuluyan mong masisira ang mga pinaniniwalaan ko at hinahangad ko noon pa lang. Hindi ikaw ang magiging dahilan." mariin niyang sabi.

"Hindi kita maintindihan," Umiling ako dahil naguguluhan na talaga ako.

"Talagang hindi mo ako maiintindihan kaya sinasabi ko sa'yo to, layuan mo ang mga pinsan ko dahil kung hindi ay pagsisisihan mo 'yon balang araw." huling sabi niya hanggang sa makarating na kami sa daan ng Tayuman. Si Juancho na ang nagbayad ng pamasahe ko at nang makaalis na siya kasama ang tricycle driver ay naiwan akong mag-isa sa daan.

Napansin ko ang isang picture sa sahig na nalaglag pa yata sa wallet ni Juancho nang kumuha siya ng pera para ipambayad sa tricycle driver. Nang pinulot ko ito ay halos manlamig ang mga kamay ko habang tinitingnan ang picture.

Picture namin itong dalawa na magkasama sa parke noong nagdate kami. Kuha ito mula sa cellphone niya noong unang araw na naging magkasintahan kami. Pareho kaming naka-peace sign sa picture at nakalabas pareho ang mga dila. Nang binasa ko ang nakasulat sa likod ng picture ay napatakip ako sa bibig para pigilan ang paghikbi ko.

First photo with my lovely girlfriend. I love you so much, Reli! - J.A

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Steffano Brothers' Obsession   Epilogue

    Yareli's POV After 2 years... "CAN I sit here?" Tumigin ako sa biglang umupo sa bakanteng table sa harapan kung saan ako nakaupo. Si Craig Villaforta ito, ang kaklase ko sa iilang major subjects namin at ang Campus Heartthrob na kinahuhumalingan at kinababaliwan ng mga babaeng estudyante sa university namin. Tumango ako sa sinabi ni Craig dahil paano pa ako makakatanggi sa kanya e, umupo na siya? Nag-aaral ako sa St. Joseph University sa Ermita, Manila at muli kong ipinagpatuloy ang kurso kong Bachelor of Secondary Education. Matapos kong manganak sa anak kong lalaki na si baby Hezekiah na anak namin ni Efraim at maikasal kay Efraim dalawang taon na ang lumipas ay pinagpatuloy ko na ang pag-aaral ko. Alam na siguro ng mga estudyante dito na may asawa't anak na ako. Hatid sundo ba naman ako parati ni River bago siya pumasok at umuwi mula sa trabaho niya at dahil kapansin-pansin ang mamahalin niyang kotse ay palagi kaming nakaw atensyon sa labas ng Campus sa tuwing nakikita kami. K

  • Steffano Brothers' Obsession   Chapter 50

    Juancho's POV "THANKS for coming," I smiled at Ronnie na dumating dito sa bar na pagmamay-ari ng kababata at kaibigan kong si Michael. Mukhang hindi sanay si Ronnie na magpunta sa ganitong klaseng lugar and what do I expect from him? He was like a girl version of Yareli, inosente sa lahat ng bagay at sobrang bait sa mga taong nasa paligid nila kahit hindi na nila alam na niloloko at pinapaikot na pala sila. Pinaupo ko si Ronnie sa stool katabi ko at nag-aalangan ito bago tumabi sa akin. Inabutan ko siya ng drinks na in-order ko para sa kanya pero umiling siya at sinabing hindi siya iinom. "Don't be a killjoy, Ronnie. Samahan mo akong mag-inom!" I said, smiling. He sighed dahil mapilit ako at sumimsim ng kaunti sa binigay kong drinks sa kanya. "Hanggang kailan mo ba gagawin 'to, Juancho?" Ronnie said seriously dahilan para mapahinto ako. I chuckled. "Ang alin? I'm just having fun because I'm single. Bawal na ba akong uminom at magsaya?" Tiningnan niya ako mariin. "Kasal na si Ya

  • Steffano Brothers' Obsession   Chapter 49

    Third Person's POV WALA nang ibang mahihiling si Grant sa buhay niya dahil kasama niya ang pinakamamahal na babae sa iisang bubong at nalaman niyang may nararamdaman din ito para sa kanya. Wala siyang maramdamang inggit at selos kung may apat pang minamahal si Yareli dahil kapatid naman niya ang mga lalaking karibal niya sa puso nito at talagang malalapit sila sa isa't-isa simula noong mga bata pa lang sila. Kung may minsan man silang pagtatalo ay mababaw na dahilan lang iyon. Sa kabila ng ginawa nila noon kay Yareli ay pinatawad pa rin sila nito sa huli at binigyan ng pangalawang pagkakataon para makabawi sila sa mga naging kasalanan at pagkukulang nila rito maging pati na kay Hershe na anak ng kanyang panganay na kapatid na si River. Sa pinaplanong pagpapakasal ni Efraim kay Yareli sa susunod na taon kahit hindi na ito legal katulad nang kay River dahil bawal ang polygamous marriage sa Pilipinas ay nasasabik na si Grant sa oras na siya naman ang maikasal sa babaeng mahal. Sa buong

  • Steffano Brothers' Obsession   Chapter 48

    Yareli's POV MAKALIPAS ang dalawang linggo na pagtuloy namin sa San Felicidad matapos ang kasal namin ni River ay bumalik na kami sa bahay namin sa Maynila. Noong araw din ng kasal ko ay may hindi magandang nangyari sa akin na kagagawan ng kababata kong si Jestin. Matapos ang pangyayaring iyon ay nabalitaan ko na ang hanggang ngayon ay nasa ospital pa rin si Jestin at nagpapagamot ito dahil sa mga natamo niyang sugat at pasa sa katawan na kagagawan ng apat na magkakapatid na Steffano. Sa hindi ko inaasahan ay biglang sumulpot sa bahay namin ang asawa ni Jestin at dala nito ang anak nilang lalaki na isang taong gulang na katulad ni baby Hershe. Humihingi ito ng tawad nang dahil sa ginawa ni Jestin sa akin. Lumuhod sa harapan ko ang asawa ni Jestin at sinabing huwag ko nang ipakulong ang asawa niya dahil wala na raw bubuhay sa anak nila kapag nangyari iyon. Itinakwil na rin daw si Jestin ng mga magulang nito dahil sa gulo at problemang dinadala nito sa pamilya nila kaya siya na lang a

  • Steffano Brothers' Obsession   Chapter 47

    Yareli's POV After 1 month... SA hiling ko ay sa San Felicidad church kami ikinasal ni River. Sa church na kung saan ay iyon na ang kinalakihan kong simbahan at dahil miyembro si Inay ng choir roon ay kilala namin ang mga pari, sakristan, madre, at ibang mga miyembro sa simbahan. Talagang pinaghandaan ng pamilya ni River ang kasal namin at sa tulong na rin nila Inay, Itay, at Kuya Yasewah. Simple lang ito at hindi magarbo. Hindi ko na maidetalye kung ano ang nangyari sa kasal namin ni River pero sa huli ay nagpalitan kami ng "I do's" at pagkatapos ay hinalikan namin ang isa't-isa sa harap ng altar. Sa dami ng pagsubok, problema, sakit, at hirap na naranasan ko ay posible pa pala na sumaya ako nang ganito. Tama nga ang naging desisyon ko na bigyan ang Steffano brothers ng pagkakataon para makabawi sa lahat ng kasalanan nila akin at maalagaan at masuportahan si baby Hershe. Ang reception ng kasal ay ginanap na lang sa bahay. Mabilis na napa-renovate ni Efraim ang bahay at mas lalo i

  • Steffano Brothers' Obsession   Chapter 46

    Yareli's POV NANDITO kami ngayon ni baby Hershe at Daddies niya sa Graduation day ni Amir. Proud na proud ako kay Amir dahil nakagraduate na siya ng kolehiyo. Pagkaakyat ni Amir sa stage para tanggapin ang diploma niya ay kaagad niya kaming tinawag ng mga kapatid niya para mag-picture taking kami. Ramdam ko na habang nasa stage kami ay halos lahat ng tao at estudyanteng grumaduate ay nakatutok sa amin. Hindi na ako magtataka dahil bukod sa may kasama akong mga naggaguwapuhan at matitipunong lalaki ay kasama pa ako at si baby Hershe. Hindi na lang namin pinansin iyon at pagkatapos magpicture taking ay bumaba na kami mula sa stage at bumalik sa puwesto namin. Kinarga ni Amir si baby Hershe na pilit inaabot ang suot niyang itim na toga. Binigay naman ito ni Amir. May mga iilang kaklase ni Amir ang bumabati sa kanya at tinatanong kung sino ang batang karga niya, sinasabi ni Amir na anak niya ito kaya nagulat doon ang mga kaklase niya at hindi raw nila akalain na may anak na ito. Napang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status