Share

Chapter 4

YARELI'S POV

Kasama ko ngayon ang mga magkakapatid at alam kong gusto nilang magtanong sa akin kung bakit umiiyak ako kanina nang makita ako ni Efraim pero hindi ko pa kayang ikwento sa kanila ang lahat na si Juancho ang dahilan kung bakit patuloy pa rin akong nasasaktan.

Hindi na nila kailangan pang malaman iyon dahil kahit masakit ay tatanggapin ko nalang na hinding-hindi ako magugustuhan ni Juancho.

Nailibot ko na ang magkakapatid sa bukirin ng mga Steffano at alas kwatro na ng hapon nang matapos kami. Marahil ay nagtataka na si Inay kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa ako umuuwi kaya magpapaalam na ako sa kanila na uuwi na ako.

"Kailangan ko na palang umuwi, baka kasi hinahanap na ako ni Inay sa bahay. Kailangan ko pang magsaing." sabi ko sa kanila.

"Ihahatid ka na namin pauwi." nakangiti namang sabi ni Grant.

Sa kanilang limang magkakapatid ay si Grant ang pinakamasayahin at palaging nakangiti. Hindi halata sa itsura niyang may pagka badboy. Malaki kasi ang katawan niya at mukhang palagi itong naggygym.

"Nako, hindi na kailangan. Malapit lang naman-"

"We insists. Gusto rin naming makita kung saan ka nakatira." sabi naman ni Amir.

Wala na akong nagawa kundi ang sumang-ayon nalang. Tutal ay magkakaibigan na rin naman kami ay hinayaan ko nalang sila na ihatid ako sa bahay namin.

Habang naglalakad kami ay bigla nalang akong inakbayan ni Grant. Hindi ko na rin siya napigilan sa ginawa niya dahil wala naman sigurong malisya ang ginagawa niya sa akin. Mabait naman siya at natural lang siguro ang pagiging malambing niya.

"I don't want to leave this place anymore." sabi ni Irvin sa gitna ng paglalakad namin. Parehong nakalagay ang mga kamay niya sa likod ng kanyang ulo habang lumilinga-linga ito sa paligid.

"I never thought that I will going to love San Felicidad." sabi naman ni Grant nang nakangiti.

Napangisi naman si River sa sinabi nina Irvin at Grant at nanatili lang itong tahimik. Kahit masayahin at palagi ring nakangiti si River katulad ni Grant ay napansin ko na tahimik lang ito katulad ni Efraim. Sa kanilang magkakapatid daw ay siya ang panganay at tumatayong kuya sa kanila. Hindi naman siya tinatawag na kuya ng mga kapatid niya dahil ayaw niya ng ganon. Hindi naman daw kasi nalalayo ang edad niyang 24 sa mga ito.

Nang makarating na kami sa tapat ng bahay ay saktong lumabas sa loob ng bahay si Kuya Yasewah at nakita niyang kasama ko ang magkakapatid. Kaagad siyang lumapit sa amin at nginitian nito si River.

"Nandito pala kayo, River. Kumusta na?" bati ni Kuya Yasewah kay River.

"Okay lang naman. Ininvite pala namin si Yareli na magbreakfast sa mansyon kasama sina Tito Vicente at Tita Josefina bilang pasasalamat sa pagtulong niyo sa amin na ayusin ang kotse ko. Yayayain ka sana namin na makisalo kaso ay nasa trabaho ka raw," sabi naman ni River.

"Ganon ba? Pasensya na at hindi ako nakasama. May trabaho kasi ako sa bayan at alas tres na ng hapon ang uwi ko." paumanhin naman ni kuya.

"Okay lang 'yon, bro. At least nakasama naman namin 'yung kapatid mo." pagsingit ni Irvin na kaagad namang siniko sa tagiliran ni Amir. Napangiwi naman si Irvin sa ginawa ni Amir at tinitigan niya ito ng masama.

Namula akong bigla sa sinabi ni Irvin habang si Kuya Yasewah naman ay natawa lang doon.

"Mabuti naman kung ganon. Pumasok muna pala kayo sa bahay. May nilutong binignit si Inay. Kumain muna kayo ng meryenda." paanyaya ni Kuya Yasewah at pinapasok na niya sa loob ng bahay namin ang magkakapatid.

Wala namang angal na pumasok sila sa loob ng bahay at sinundan nalang namin si Kuya Yasewah hanggang sa makarating kami sa maliit naming dining room na hindi ganon kaganda.

Nilibot lang ng tingin ng magkakapatid ang kabuuan ng bahay namin at mukhang ngayon lang sila nakapasok sa ganitong klaseng bahay.

Naupo kami sa may upuan na may mahabang lamesa na gawa sa kahoy. Hindi na ako pinakilos ni Kuya Yasewah at siya na ang nag-asikaso sa amin.

Nilagay niya sa gitna ng lamesa ang isang malaking kaserola na may binignit. Siya na rin ang naglagay ng mga mangkok at kutsara sa lamesa namin.

"Kuha nalang kayo, masarap 'yan dahil luto 'yan ni Inay." nakangiting alok ni Kuya Yasewah.

Tumango lang ang magkakapatid sa sinabi niya at nag-umpisa na silang kumuha ng binignit sa kaserola. Bagong luto pa ang binignit at umuusok pa ito.

Kitang-kita ko sa mukha ng magkakapatid na mukhang hindi sila kumakain ng binignit at parang ngayon lang sila nakakita ng ganong klaseng pagkain.

"Is this some kind of soup?" tanong ni Amir habang pinagmamasdan nito ang binignit sa mangkok niya.

"Parang ganon na rin ayon nga lang ay mas malagkit at matamis 'yan." sagot naman ni Kuya Yasewah at nag-umpisa na rin siyang magsalin ng binignit sa mangkok niya pagkatapos ay nilagyan niya rin ang mangkok ko. Nagpasalamat naman ako.

"There's also some banana and sago here. I think it taste delicious." sabi naman ni Grant at nag-umpisa na itong kumain.

Mukha namang nasarapan siya sa binignit dahil nagpatuloy na ang pagsubo niya kahit mainit pa ito.

"Woah! I didn't expect that this is so good." sabi niya.

Inumpisahan na rin kainin ng iba pa niyang magkakapatid ang binignit at katulad ni Grant ay mukhang nagustuhan rin nila ang lasa ng binignit.

"Mabuti naman at nagustuhan niyo ang lasa ng binignit." nakangiting sabi ni Kuya Yasewah sa kanila.

"We've never eat this kind of food before so it's very unusual to us." sabi ni Amir na mauubos na ang binignit na nasa mangkok niya.

"Kung gusto niyo palaging makakain ng binignit, pumunta lang kayo dito sa bahay." sabi ni kuya.

"Sure. We will." sabi naman ni River at nginitian niya ako pagkatapos.

"Yareli! Nandito ka ba-"

Napalingon kami sa nagsalita at nakita ko si Ronnie na tila napahinto nang makita niya ang magkakapatid.

"Ronnie, ikaw pala." sabi ko at tumayo na mula sa pagkakaupo ko para lapitan siya.

Namalik-mata lang ba ako nang makita ko na bigla nalang sumama ang tingin ng magkakapatid kay Ronnie nang makita nila ito?

"Ah, nagluto kasi si Nanay ng paksiw na isda. Pinapabigay lang niya ito para may ulam daw kayo mamayang gabi." sabi ni Ronnie at iniabot nito sa akin ang hawak niyang container ng ice cream na may lamang ulam.

Kinuha ko naman ito at nagpasalamat. "Siya nga pala, mga pamangkin sila nina Governor Vicente at Madam Josefina." pakilala ko kay Ronnie sa magkakapatid at itinuro ko sila.

Mukhang nabigla pa si Ronnie sa sinabi ko pero di kalaunan ay tinanguan niya ang mga ito.

"Ako nga pala si Ronnie, kaibigan ako ni Yareli. Ikinagagalak ko kayong makilala." bati niya at nginitian niya ang magkakapatid pagkatapos.

Hindi nagsalita ang magkakapatid at nanatili lang itong mga tahimik at patuloy pa ring kumakain. Mukha namang napahiya si Ronnie doon at muli siyang bumaling sa akin.

"Sige Yareli, aalis na pala ako." alanganin niyang ngiting sabi sa akin at kaagad na itong umalis nang hindi pa ako nakakasagot sa sinabi niya.

Umupo nalang ulit ako sa may lamesa at tila nag-isip. Bakit mukhang hindi gusto ng magkakapatid na ito si Ronnie? Mabait naman si Ronnie at friendly rin pero baka siguro ay hindi pa palagay ang loob nila dito dahil hindi pa nila ito lubusang kilala.

Pagkatapos naming kumain ng binignit ay nagpaalam na sila River na aalis na. Ipinakilala pa sila ni Kuya Yasewah kay Inay at si Inay naman ay tuwang-tuwa rin sa magkakapatid dahil mababait at magagalang raw ang mga ito. Kasalungat sa naging reaksyon ng mga ito kanina nang makita nila si Ronnie.

"Yareli, can I get your number to contact you?" biglang tanong sa akin ni Grant. Tumango naman ako sa kanya at nang inilabas niya ang cellphone niyang iPhone pa ata at iniabot ito sa akin ay isinulat ko nalang sa contacts ang number ko.

May cellphone naman akong Nokia na de keypad na nabili ko sa halagang 500 pesos sa bayan. Wala pa akong pambili ng mamahaling cellphone dahil kapos rin kami sa budget. Mas uunahin ko pa ang gatas at diaper ni Jingjing kaysa ang bumili ng mamahaling cellphone na touch screen. Ang mahalaga lang naman kasi sa akin ay may pantawag at pantext akong magagamit in case of emergency.

"Ito na." nakangiti kong inabot kay Grant ang cellphone niya matapos kong ilagay doon ang number ko.

"Thanks, Yareli." sabi niya at itinago na nito sa bulsa ng suot niyang pantalon ang cellphone niya.

"Paano po, aalis na po kami." magalang na paalam ni River kay Inay.

"Mag-iingat kayo, hijo, ah? Pakisabi na rin kina Governor Vicente at Madam Josefina na salamat at inimbitahan nila sila Yareli at Yasewah na makisalo ng agahan sa kanila." sabi ni Inay na nakangiti ng malawak.

"Makakaasa po kayo." sagot naman ni River.

Nang maihatid na namin sa labas ng bahay ang magkakapatid at nakaalis na ang mga ito ay nakangiti pa rin si Inay.

"Nakita ko na ang magkakapatid na iyon noong mga bata palang sila nang dumalaw sila dito sa San Felicidad. Sabi ko na nga ba at lalaki silang mga gwapo at matitipuno. Maswerte ang babaeng kanilang iibigin." nakangiting sabi ni Inay.

"Nagpunta na po sila dito noong mga bata palang sila? Pero bakit hindi ko po sila nakita noon?" tanong ko naman.

"Nasa ospital ka nung mga panahon na iyon, Yareli dahil inatake ka ng hika mo. Si Itay mo ang nagbabantay sa'yo sa ospital nung mga panahon na iyon." sagot ni Inay.

Tumango nalang ako sa sinabi niya. Sakitin kasi talaga ako noong bata palang ako at palaging naoospital kaya malaki ang gastos sa akin nina Inay at Itay noon. Mabuti nalang at ngayon ay hindi na ako gaanong nagkakasakit dahil iniiwasan ko na ring masyadong mapagod at magpaka-stress sa pag-aaral ko.

Pumasok na rin si Inay sa loob ng bahay para tignan si Jingjing at kaming dalawa nalang ni Kuya Yasewah nang naiwan.

"Magaan ang loob ko kay River, Yareli. Sana siya ang maging unang nobyo mo." sabi niya dahilan para manlaki ang mga mata ko.

"K-kuya, ano b-bang pinagsasabi mo diyan? Bakit mo kaagad naiisip 'yan?" nauutal ko pang tanong.

Nginitian lang ako ni Kuya Yasewah at pumasok na rin ito sa loob ng bahay.

Naiwan naman akong pulang-pula ang buong mukha at hindi ko alam pero sobrang lakas ng tibok ng puso ko nang dahil sa sinabi niya.

IRVIN'S POV

Nandito kami ngayong apat na magkakapatid kasama si Juancho sa may entertainment room ng mansyon at nag-iinuman. Si Amir ay hindi na naman nakisali sa amin at nagkulong lang ito sa loob ng kwarto niya dahil kasama nga namin si Juancho at hindi sila kahit kailan na nagkasundo.

"Bakit mukhang masayang-masaya yata kayo ngayon?" nakangising tanong ni Juancho sa amin habang nagsasalin ito ng alak sa baso niya.

"You know what, cous? I thought that going here in this province is a worse decision for me but I'm wrong. Very very wrong." umiiling na sabi ni Grant habang nagve-vape ito.

"Why change of heart all of a sudden?" Juancho asked Grant.

Sumandal naman si Grant sa couch. "That Yareli girl, I'm very interested to her. Sa lahat ng mga babaeng nakilala ko sa Maynila ay kakaiba siya sa lahat. Fuck! I think I already like her." ginulo ni Grant ang buhok niya at bumuntong-hininga ito.

Hindi kaagad nakaimik si Juancho sa sinabi ni Grant. Si Efraim naman na tahimik lang na umiinom ay nakatingin ng mariin kay Juancho at mukhang may malalim itong iniisip.

"She's so kind and precious. Hindi namin alam kung bakit umiiyak siya kanina. I don't know but I don't like to see her crying." I said.

Hindi ko alam pero nasasaktan rin ako nung makita ko kaninang umiiyak si Yareli. Kung sinuman ang nagpaiyak sa kanya ay hindi niya deserve ang isang katulad ni Yareli. Walang dapat magpaiyak at manakit sa kanya. Masyado siyang mabait para gaguhin nang kung sinuman.

"What do you mean? Talagang interesado kayo sa babaeng 'yon?" tanong ni Juancho at tumawa ito ng mahina.

"I think we all like her." sagot ni River na ikinagulat ni Juancho.

"R-Really?" gulat na tanong ni Juancho.

Tumango si River habang pinapaikot ang yelo na nasa loob ng baso niya.

"There's something in her that we can't forget and resists. It looks like she's single too so we will do everything to be closer with her. Right, Efraim?" nakangiting sabi ni River at tinapik nito ang balikat ni Efraim na nasa tabi niya.

Hindi sumagot si Efraim sa sinabi ni River pero tinitignan pa rin nito ng mariin si Juancho.

Napalunok naman si Juancho bigla. "Well, if you like that girl then okay-"

"We like her very much and she's ours. If some guy might regret everything he did and try to steal her away from us, we will not allow that, Juancho. Never." seryosong sabi ni Efraim kay Juancho na parang may pinapahiwatig ito.

Hindi na muling nagsalita si Juancho at tahimik nalang itong uminom. Napapansin ko naman ang ilang beses niyang paglunok at parang kinakabahan ito.

"Where's your girlfriend, by the way? Bakit hindi mo man lang iinvite dito sa mansyon para makilala naman namin?" I asked Juancho.

"Ahm, she's busy right now." sagot naman ni Juancho. Tumango nalang ako sa sinabi niya.

Nang matapos na kaming mag-inuman ay kaagad nang nagpaalam si Juancho na magpapahinga na siya. Nang makaalis na siya ay kaming apat na magkakapatid nalang ang naiwan sa may entertainment room.

"Do you think he knows Yareli more than we think?" biglang tanong ni Grant.

"I guess so and we need to find out the truth." mariin namang sabi ni River.

Juancho, we are not dumb. We know that you know Yareli more than us.

-Ajai_Kim

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Emmanuel Sutingco II
maganda ang mga kwento!!!
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status