''Hindi pa nakaabot ng isang taon ang asawa mo nasa limang buwan palang bago ito namatay magpapakasal kana ?" nasa kulungang siya ngayon dinalaw ang kuya Danilo niya dahil ito lang ang bukod tanging makakausap niya ng maayos .Kung kay kuya Danny naman niya ay sermon lang ang aabutin at hindi niya ito mababara sa pagsagot dahil para dito laging ito ang magaling at matino . Samantala ang kuya niya Danilo ay laging nakikinig ito sa kanya . ''wala kana doon kuya para na rin ito sa anak ko '' napanganga si Danilo sa kanyang narinig . ''may anak ka ?" gulat nitong tanong .Bakit wala siyang alam na may anak pala ito. ''yes at bente sais anyos na siya '' ''so matagal mo ng niloko si Aurora ?"" napailing siya dahil talagang manloloko ang kanyang kapatid .Hindi niya akalain na matagal na palang may anak ito pero bakit hindi nito sinabi sa kanilang ama para naman nabigyan ng mana ang anak nito . ''yaman lang ang habol ko sa babaeng iyon kuya at kung tatanungin mo kung bakit hindi
Malungkot na nakauwi si Michelle galing sa pilipinas kung saan lihim niyang kinuha ang abo ng kanyang amo at inuwi sa probinsya at tinabi nito sa abo kay Don De vera. Dalawang buwan siyang nagsiyasat at hinanap ang taong sinabi ng kanyang amo para makausap . Bago namatay ang kanyang amo nakatawag pa ito at binilin sa kanya ang lahat lalong lalo kay Aria . ''totoong aksidente ang nangyari kay ma'am Aurora pero may nakalap akong impormasyon.Gustong tumakas ni Aurora sa araw na iyan pero hindi natuloy dahil sa aksidente.Narinig ng katulong na nagpatakas kay Aurora tumakas ito na nahihilo .Maraming naimon na sleeping pills si ma'am Aurora at nang magising iba na ang epekto at dahil alam nitong nanganganib na ang buhay niya nagpasya siyang tumakas sa tulong ng katulong .'' habang pinapakinggan niya ang bawat salita na lumalabas sa boses ni Michelle nakaramdam siya ng galit kay Dante Clarkson.Kuyom ang kanyang palad habang nakatitig siya sa mukha nito na nasa larawan . '' pinilit niyang
Umuwing mainit ang ulo ni Dante .Wala siyang napala sa lahat . "anong nangyari?" agad na tanong ni Cora sa kanya bigla nalang itong umalis ng walang paalam tapos babalik na mainit ang ulo . "walang nangyari sa plano natin Cora ...walang hiya ka Aurora kung alam ko lang na may anak ka noon sana ito ang inuna ko bago ikaw" kahit anong sigaw niya wala na din silbi dahil hindi siya maririnig ni Aurora. "may anak siya?" gulat na tanong ni Cora.Bigla siyang natakot kay Dante kaya napalayo siya kaunti sa kinatatayuan nito habang nagsisigaw na parang nasa harapan niya si Aurora. "oo Cora may anak siyang kasing edad ni Kriza .Hindi ko akalain na ako ang niloko ni Aurora kung alam ko lang na may plano ito sana hindi pa natapos ang buhay ng babaeng iyon" kung nasa harapan niya lang si Aurora paulit ulit na sana niya ito binugbug .Iba pa naman siya pag galit gusto niyang ilabas . "ano ang plano mo ngayon" malumanay na tanong ni Cora .Nag aalala siya na baka sa kanya ibunton ni Dante
Tatlong buwan ng patay si Aurora nanatili paring nakangiti si Dante . Lahat pulido at walang aberya dahil sa kanyang plano . Pero sa mata ng lahat nanatili siyang nagdadalamhati kaya lagi siyang nakakatanggap ng simpatya ng ibang tao . '' ngayong patay na si Aurora ano ang balak mong gawin ?" tanong ni Cora paglapit niya kay Dante.Nilapag niya muna ang tea na pinagawa sa kanya saka umupo sa tabi ni Dante . '' ano pa nga ba o di kukunin ko lahat ng ari arian na meron ang asawa ko .Ito ang plano Cora '' humagikigik si Cora sa tuwa .Hindi naman masasabing may foul sa pagkaka aksidente ni Aurora dahil talagang tinotoo .Pinakulong lang nila ang driver ng ten wheeler.Balak sana nila pagbalik ni Aurora sa mansion ay doon nila gagawin ang plano. ''ang anak natin kamusta na siya ?" tanong ni Dante kay Cora na natihimik pero nakangiti lang . ''babalik na ito sa susunod na taon pag kinasal na tayo'' pangarap niyang ikasal sila noon pa pero dahil pinaliwanag ni Dante ang tungkol kay Auro
Hindi mapakali si Aria ilang buwan ng hindi nila makontak ang kanyang mommy Aurora. Nag aalala na siya na baka napahamak na ito. Higit isang taon na sila sa America at abala na rin siya sa pag aaral .Pero bigla nalang nawala ang contak nila kay Aurora at iyon ang hindi mawala wala sa kanyang isipan .Nagaalala siya na baka napahamak na ito. "gusto mo bang umuwi ako para tignan siya?" napailing siya agad at lumapit .Pero para kay Tina siya nalang ang uuwi sa ibang bansa dahil siya lang naman ang nakakakilala sa mga Clarkson at may alibi naman siya sakali kung makita siya ng asawa ni Aurora.Buntong hininga siyang nag isip kung ano nga ba ang gagawin . "huwag na nay hintayin nalang natin ang pagtawag niya" kahit ilang buwan na itong hindi tumawag maghihintay pa siya ng araw bago siya gagawa ng hakbang para makagawa ng paraan at makausap niya ang kanyang mommy Aurora.Kahit hindi niya ito tunay na ina may malasakit parin siya at pag aalala dahil sa mata ng batas tunay na ina niya ito .
" hindi ko pa nakikita ang asawa ni tito Dante pwede ba siyang madalaw sa mansion dad .Samahan mo ako hindi ko kasi pwede dalhin si Evie ayaw kong bumalik ang trauma nito sa mansion" maayos naman na ang kalagayan ni Evie kaya pwede na siyang makaalis at makapasok sa kompanya .Ilang araw na din siyang nag aalala sa kanyang asawa mabuti nalang at naging negative na ito sa leukemia.Kung hindi pa nila naagapan baka ano pa ang nangyari sa kanyang asawa . "sige Dreymond sasamahan kita " saad ni Danny sa anak nito .Hindi naman siya busy kaya sasamahan niya ang kanyang anak .Nag paalam muna siya para pumunta sa kwarto dahil nakalimutan niya doon ang kanyang cellphone."sayang kung pwede lang ipasyal dito si Aurora gagawin ko kaso mukhang hindi siya nakakalabas ng mansion" napatingin si Dreymond sa gawi ng kanyang ina .Nagtataka siya bakit nasabi nito ang tungkol sa asawa ng kanyang tiyohin. "what do you mean mom?" naguguluhang tanong nito."tinanong ko sa isang katulong kung ano ginagawa n