May ilang segundong katahimikan sa kabilang linya. Para bang nagugulat din ang kausap.
“Si Belle Smith…?” ulit ng lalaki sa kabilang linya, may halong pagkagulat at hindi makapaniwala. “Yung Belle Smith na taga-Australia? ‘Yung naging medical intern sa Brisbane General Hospital?”
Tumayo si Belle mula sa kinauupuan. Nanlamig ang kanyang batok. Ang puso niya’y tila lalong bumilis ang tibok.
“Oo. Ako ‘yon. Ako nga.” Halos hindi na niya mapigil ang mangiyak-ngiyak. “Paano mo nalaman? Sinabi ba sa’yo ni Ana? Este—ni Sara? Matagal na naming siyang hinahanap. Kung siya nga si Sara… kung siya nga ang kasama mo, kailangan ko siyang makita. Ngayon. Hindi ko na kayang maghintay.”
May sandaling katahimikan bago muling narinig ang tinig ng lalaki.
“Belle… ikaw nga ba talaga? Ako ito… si Adrian Jasendo. Batchmate mo. Naging schoolmate kita sa Australia. Naalala mo pa ba ako? Ako ‘yung nagbigay sa’yo ng pulang rosas noong festival sa university.”
Nanlaki ang mata ni Belle. Napatitig siya sa kawalan.