Pagpasok niya, gulo ang kama; halatang doon nga nahiga si Joon. Agad niyang binuksan ang aparador. Nakita niya roon ang mga damit ni Joon, maging ang mga damit na naiwan niya. Hindi naman siya nakapagdala ng mga damit noong tumakas siya sa ospital. Naroon pa rin ang mga ito at maayos na nakahanay. Sa itsura ng silid nila, para bang ipinaaayos at pinalilinis ito palagi. Mabango ang amoy; walang bakas ng alikabok. Napaupo si Steff sa kama habang hawak niya ang kanyang dibdib na naninikip. Hindi makapaniwala si Steff sa kanyang makikita. Napasulyap siya sa larawan nila ni Joon na nakapatong sa side table sa tabi ng kama. Maganda ang ngiti niya roon, habang nakahalik naman sa pisnge niya si Joon. Kinunan ito ng binata noong kumain sila sa isang restaurant sa bayan. Ngunit nang mapansin ni Steff ang isang maliit na frame na katabi ng picture frame, tumulo ang luha niya. Picture frame ito ng larawan ng ultrasound ng anak nila. Doon na napahagulhol si Steff. Doon na bumigay ang damdam
Halos mamutla si Steff sa request na iyon. Ayon pa dito ay walang ibang maaring magpunta sa Villa sa batuhan kaya tiyak na sila lamang ni Joon ang mapapagisa doon. Pagsapit ng gabi lahat ng pagkakabisihan ay ginawa ni Steff mapabagal lamang ang pag galaw ng orasan. Magaalas sais ng gabi y dumaan sa coffee shop si Jimin at nagpaalam. "Hi, masyado kang busy ah," puna ni Jimin. "Magpahinga ka naman baka kung mapaano ka!" sabi pa ng binata. "Okay lang, magaan lang naman ang gawain diro sa shop." may konting pagaalala ang ngiti ng dalaga. "Siyanga pala okay ka lang ba, kaya mo na ba siyang harapin? kase Steff, uuwi na muna ako sa Maynila dahil ilang araw na akong nasa resorts. dahil sa pagaasikaso kay Joon. Nariyan ka naman na, sa nakita ko naman, hindi ka man niya natatandaan bilang si Steff na fiance niya ay natatandaan ka niya bilang empleyado niya na kahawig ng nawala niyang kasintahan, iyon na lang ang samantalahin mo para maging close sa kanya para makagawa ka ng paraan para maka
"Steff..!!" Namutla si Steff nang marinig na tinawag siya ni Joon. Biglang nanlamig ang buo niyang katawan.Napatingin si Steff kay Jimin na may pag-aalala sa mukha. Maging ito man ay nagulat sa naging reaksiyon na iyon ng kaibigan. Mabilis na siniko ni Jimin si Joon at pasimpleng pinandilatan ng mata. "Bro, mabubuking tayo," saway ni Jimin na ibinulojg bg pasimple kay Joon. Doon natauhan si Joon. Alam niyang nabigla siya dahil sa bugso ng damdamin. "Bakit ba Jimin? Di ba sabi mo ang pangalan ng bagong manager ng coffee shop na ito ay Steff, kaya tinawag ko siyang Steff. Malamang sa ganda niyang iyan, siya ang manager na tinutukoy mo, 'di ba?" palusot ni Joon. Laking pasasalamat niya at nakaisip agad siya ng alibi. Sobrang natuwa kasi siya nang makita si Steff, nag-alab agad ang saya sa dibdib niya. "Pasensya na Miss Steff, kung napalakas ang boses ko. Sumakit kasi ang sugat ko," sabi na lang ng binata. Nakita ni Joon ang biglang pag-aalala sa mga mata ni Steff pero agad din iyong
Bumalik na si Jimin sa loob at naabutan niyang nakatayo at nakatatanaw sa bintana si Joon. "Bro bihis ka na? hindi ka naman excited noh?" "Naiinip na ako at sobrang excited." Tumingala is Jimin sa dextrose na nasa uluhan niya, malapit ng itong maubos , marahil mga thirty minutes pa ay tapos na ito. "Konting tiis na lang mauubos na din, hindi kase pwedeng sayangin dahil may gamot yan"sabi niya sa kaibigan. "You know why Im excite diba?" sabi ni Joon. Nagulat si Jimin ng bigla itong humarap sa kanya. "Tell me Bro, is she really home?Is she really there ha...ha?" bakas ang pangamba at naghahalong takot sa mga mata ni Joon. "Bro, ilang ulit ko na bang sinabi kagabi, diyos ko halos magdamag tayo nagusap Bro paulit-ulit ang tanong mo." "Pasensya na bro, pero paki sampal nga ako, paki sikmuraan na din. Para kase akong nananginip. Did she really came home noong sabihin mong naaksidente ako? Does this means mahal nya pa rin ako ha Bro?" "Hindi ko masasagot yan Bro, but the way she
Kinabukasan sa araw ng discharge ni Joon, kinausap ni Steff ng masinsinan ang kapatid sa pagpapanggap na gagawin. Ibinilin niya sa kapatid na huwag na huwag magbabanggit sa nangyari sa nakaraan lalo na ang tungkol sa kanila. Kinausap din steff ang mga tauhan sa Bar na huwag magbabanggit ng mga nakaaraang issue. Maging isang tanong at isang sagot lamang ang mga ito lalo na kapag nakita nilang nalilito si Joon. Pakapananghali ay nagpunta naman si Steff sa resort at hinanap ang magasawang katiwala ni Joon at ang ilang tapat na tauhan nito. Matagal na ang mga ito sa amo kaya kailangan niyang kausapin dahil tiyak na meron at merong hindi makakatiis dahil tapat ang mga ito kay Joon. Halos maiyak ang magasawa katiwala ng mga Villa nang malamang bumalik na siya. "Naku Ma'am Steff, mabuti naman at balik na kayo. Diyos ko kaawa awa na ai Sir Joon kung alam nyo lang." sabi ng mga ito. "Opo manang, humihingi po ako ng tawad sa inyo dahil sa hindi namin pagkaka intindihan ni Joon noon, pero
"A-Ate Steff...Ikaw nga ikaw nga!" gulat na sabi ni Frits ng mamulatan ang ate niya pag gising niya ng umaga. "Ka-kailan ka pa dumating? Totoo bang bumalik ka na? Babalik ka na ba talaga dito? Sigurado ka? Hindi mapakali si Fritz, hindi niya alam kung iiyak o matutuwa nang makita ang ate niya. Maya-maya ay umiyak na talaga ito at humagulgol pa. "Ate! Salamat at bumalik ka na. Kumusta? Miss na kita! Ang hirap mag-isa rito, lalo na't wala pa rin si Kuya Joon. Mabuti na lang mababait ang mga staff ninyo sa resort at minsan ay binibigyan nila ako ng pagkain." umiiyak na sabi niFrits. "Pasensya na, Frits, ha, pati ikaw nadamay. Oo, huwag kang mag-alala, bumalik na talaga ako. Bumalik na ako for good."sabu niya sa kapatid. Bigla itong tumigil sa pagiyak. "Babawi ako, Frits, babawi ako sa lahat ng pagkukulang ko kay Joon. Pagkatapos mong maayos ang mga bagay-bagay, babawi ako. Dahil hindi ko siya agad pinaniwalaan, hindi ako kumapit sa pagmamahal niya. Sana kahit sa ganitong paraan ay m