Sa mga unang linggo ng kanilang desisyon na subukang magkaroon muli ng anak, punô ng kilig at pag-asa ang bawat umaga nina Ralph at Alexis. Para silang bagong kasal ulit—mas sweet, mas intentional, at mas bukas sa isa’t isa. Ngunit paglipas ng mga buwan, napapansin ni Alexis na tila wala pa ring pagbabagong nangyayari.
Naging tahimik siya sa una. Inilihim ang mga late cycles, ang mga test strips na hindi naglalabas ng dalawang guhit, at ang paunti-unting pag-aalala na pilit niyang itinatago sa likod ng mga ngiti. Pero isang hapon, habang naghahain siya ng tea, napansin ni Ralph ang lungkot sa kanyang mga mata. Hindi na ito kayang itago ni Alexis.
“Love…” bungad niya habang nilalapag ang tasa sa harap ng asawa, “Tatlong buwan na, Ralph. Wala pa rin.”
Tahimik lang si Ralph. Tumayo siya, lumapit, at mahinang hinawakan ang kamay ni Alexis. Hindi ito nagmadaling sumagot. Saka niya mahinang winika, “Kung hindi ngayon, baka next month. Hindi tayo nauubusan ng pag-asa.”
Doon tuluyang pumatak