Dalawang araw matapos ang balita, bigla na lamang nakaramdam ng pananakit ng puson at pagdurugo si Alexis. Kinailangan siyang dalhin ni Ralph sa ospital, hindi alintana ang trabaho, hindi na rin nagdalawang-isip. Hawak niya ang kamay ni Alexis habang nasa ER.
“Tingnan natin kung may maii-save pa,” sabi ng doktor.
Alexis ay walang kibo. Si Ralph naman, punong-puno ng kaba.
Habang hinihintay ang resulta ng ultrasound, hindi bumibitaw si Ralph. Puno ng dasal ang puso niya. “Kaya natin ‘to, Love. Kahit anong mangyari, hindi ka nag-iisa.”
Ngunit dumating ang doktor, at sa isang mahinang tinig, bumagsak ang balita.
“Unfortunately, we couldn’t detect a fetal heartbeat. It may have been a very early pregnancy loss.”
Hindi agad nagsalita si Alexis. Hindi rin agad umiyak. Umupo lang siya roon sa hospital bed, hawak pa rin ang kamay ni Ralph. Gusto niyang magsalita, pero walang lumalabas na tinig. Si Ralph, bagama’t bakas ang lungkot, ay nanatiling kalmado.
“Love,” mahinang sambit niya. “