HAILEY CARLOS POINT OF VIEW
Puro goodjob at papuri ang natanggap ko lay Dra. Selina matapos kong i-send sa kanya ang video namin ni Justine na naghahalikan kahapon.
Its Justine's way para makipag-ayos sa akin matapos nyang magtampo at magwalk-put noong isang araw. Kahit hindi nya sabihin ay alam kong nagseselos sya kay Sir Westly. Ayokong kiligin pero kinilig talaga ako ng husto. Hindi naman ako ganoong kaganda para magselos ang isang guwapong CEO.
Napansin ko rin na medyo possesive na kaagad sya sa akin. Matapos nya kasing marinig na imbitado rin ako sa birthday ni Sir westly ay pinagsabihan nya ako. Noong after nya akong lunurin ng halik. "Don't go to that party. Kahit anong pilit nya ay huwag kang pupunta, okay?"
Actually, hindi naman talaga ako pupunta. Una ay dahil wala akong susuotin, pangalawa ay ayoko ngang makipag-close kay Westly dahil nga alam kong nagseselos sya at pangatlo, hindi ako nababagay sa okasyon na kagaya ng gano'n.
"Okay." Sabi ko na lang para tapos na ang