"Don't worry, Vince. Maayos ang lagay ni Issa dito," si Giselle habang nakikipag-usap sa cellphone. Wala pang isang oras siyang nakakarating sa mansion ng magulang nang tawagan siya ng asawa at hindi iyon sagutin. Five missed calls at ang ina niya ang sunod na tinawagan nito.
Mula sa villa ni Vince ay umalis siya nang hindi nagpapakita rito. Matapos ang kaganapan sa fitness room, naligo siya, nagbihis, at dinala ang kanyang maleta. Bahala na kung maghuramentado ito.
Nasa balkonahe siya sa silid ng mag-asawang Galvez at kasalukuyang sinusubuan ng oatmeal ang kanyang ama para sa agahan nito. She even silent her phone para hindi na marinig ang mga pagtawag ng binata sa kanya.
Nagpaalam ang ina sa kausap bago nag-aalalang nilapitan siya. "Anak, ano ba talaga ang nangyari at alalang-alala sa 'yo ang asawa mo?"
Pinahid ni Issa ang bahagyang kumalat na pagkain sa bibig ng paralisadong ama gamit ang soft towel, pagkuwa'y tumingala sa ina. "Hindi kami totoong mag-asawa, Ma. At hindi ako magtit