HINDI TUMUGON SI Ceska na iniisip pa rin ang hitsura ng galit na si Brian sa kanya kanina. Kahit anong waglit niya ay hindi maalis ng mukha ng bata sa kanyang balintataw. Nagui-guilty siya. Kung kaya lang niyang magsalita, sana ay naipaliwanag niya sa bata na hindi niya inaagaw ang ama nito sa kanya. Kaso ay hindi. Wala siyang kakayahan na ipaliwanag ang kanyang side. Kung kaya lang sana niyang magsalita, hindi ito magagalit nang sobra at sasama pang lalo ang loob.“Ako na ang humihingi ng paumanhin sa inasta ni Brian kanina, Ceska. Galit lang siya dahil alam mo naman na ang dahilan di ba? Naipaliwanag ko na iyon sa’yo dati. Ipinagdadamot niya ang Daddy niya sa’yo o kahit na sa sinong bata. Hindi lang ikaw. Inaaway nga rin noon ang pinsan niyang si Gabe at Bry kapag inaangkin ang Daddy niya.” kwento pa ni Conrad na pampalubag ng loob, “Alam mo kung bakit? Dahil uhaw siya sa atensyon ng Daddy niya. Saka, alam mo ba bata pa si Brian ay hindi na niya nakasama ang Daddy niya kaya ganun si
MAYA-MAYA PA AY pumasok na sa loob ng silid si Brian matapos na sipain niya ang pintuan noon pabukas nang wala man lang paalam. Naka-display na ang hindi niya maipaliwanag na galit sa kanyang mukha habang nakatingin pa rin kay Ceska. Sa labis na gulat ay nabitawan ni Ceska ang kanyang sketchbook at nahulog iyon sa sahig. Hindi niya magawang damputin dahil sa kanyang bali na binti. Nakaburo na ang mga mata niya ngayon sa umuusok sa galit na mukha ni Brian.“Ikaw na naman?!” panduduro nito sa kanya na mariing nakakagat pa ng labi upang ipakita na hindi siya natutuwa na makita siya, “Bakit ba lagi kang nagpapakita kung kailan okay na kami nina Daddy at Mommy? Mang-aagaw ka talaga!” Namutla na doon si Ceska na hindi na napigilan na kabahan sa mga titig nitong matalim na para bang anumang oras ay maaari siyang saktan ng pisikal. Kamukha nito si Mr. Bianchi na dumalaw sa kanya kanina. Hindi naman niya iyon hiniling sa mga magulang na puntahan siya, sa katunayan ay nagulat pa nga siyang nar
ALAM NG DONYA kung nasaan ang kanyang anak na si Giovanni kaya naman nasabi niya ang bagay na iyon.“Pauwiin mo na siya muna dito upang makatulong natin maghanap sa panganay niyo. Mas importante si Brian.” Nanginginig ang mga daliri ni Briel ng i-dial ang number ni Giovanni. Hindi niya matandaan kung paano siya nagkaroon ng courage na sabihin kay Giovanni ang balitang iyon. Sinabihan niya itong siya na ang bahala sa mga anak, tapos heto siya at hindi nila mahanap kung nasaan ngayon si Brian. Bumalik sa kanyang isipan ang nangyari noon. Ang masaklap pa, nasa Baguio sila at hindi naman dito familiar ang kanilang anak. Maluha-luha siya ng sagutin ni Giovanni ang tawag.“H-Hindi namin makita si Brian, kanina pa namin siya hinahanap nina Mama. Giovanni, uwi ka muna, please? Hindi ko na alam ang gagawin ko.” baha na ng kanyang mga luha doon, “Nagtimpla lang naman ako ng gatas ni Gia eh…tapos wala na, paglabas ko ng sala hindi ko na mahagilap ang anak natin na panganay.” nangangatal pa ang
HINDI NA MAPIGILAN ni Giovanni na bahagyang maluha dahil naantig ang damdamin niya sa sinagot na iyon ni Ceska. Alam niya sa kanyang sarili na masaya rin siyang muli itong makita. Hindi niya man iyon sabihin at maiparamdam nang tahasan sa batang kaharap niya, alam niya iyon sa puso niya na maaaring nakikita ng bata at nararamdaman kahit paano.“Talaga? Masaya ka? Ako rin, hija.” kumukurap ang mga matang sambit ni Giovanni, “Masaya akong muli tayong nagkita, Franceska.” muli pang haplos niya sa ulo ng bata na makinang na ang matang nakalapat pa rin sa kanyang mukha noon.Itinango nang sunod-sunod ni Ceska ang kanyang ulo at bahagyang ngumiti na kita ang lahat ng mga ngipin niya. “Magpagaling ka…” Lumapit ang doctor na dala na ang film ng ng x-ray ng binti ng bata. Hinarap sila nina Conrad at Giovanni upang pakinggan ang resulta ng x-ray nito. “Medyo complicated ang injury niya ngunit hindi naman mahirap na e-handle at gamutin.” patiuna nito na pinakinggang mabuti ng dalawa, “Maari k
ILANG DIPA LANG ang layo ni Giovanni. Hindi niya pa magawang makalapit sa kanila dahil hinihintay niya pa ang doctor na ipinakilala ni Briel sa kanya, medyo na-late lang iyon ng dating dahil umano ay na-traffic ito patungo ng hospital na iyon.“Conrad, huwag mo na silang patulan. Hindi abot ng isip nila kahit magpaliwanag ka pa. Masyadong mababa ang memory nila. Sabi nga di ba? Kung ano ang bunga ay siya ‘ring puno. Magsasayang ka lang ng laway at panahon. Nariyan na si Mr. Bianchi, siya na lang ang harapin natin na mas mabuti pa.” ang Misis iyon ni Conrad na inirapan na ang babaeng kaharap.Hindi ipinahalata ni Giovanni na narinig niya ang kanilang usapan kahit na nasa malayo siya. Diretso sa loob ng silid ang doctor na kasama niya upang i-check ang binti ng batang pasyente. Saglit na nilingon ni Giovanni ang babae na agad na napatungo nang makilala kung sino ang dumating. Dating Governor iyon kung kaya kailangan niyang ayusin ang kanyang pananalita at tindig ngayon dahil baka mamaya
BAHAGYANG NAG-ALINLANGAN DOON si Giovanni. Hindi niya gagawin iyon dahil alam niyang magdudulot ito ng gusot na naman sa kanilang pagitan na ayaw niyang muling mangyari. Ilang beses na itong nangyari, ayaw na niyang ulitin pa. Nangako na siyang hindi na gagawin ang maling desisyon niya noong ikinasal sila ni Briel na pinagsisisihan niya pa rin. Hindi na siya gagawa ng masama at magde-desisyon ng siya lang. Dapat ay palaging alam lahat iyon ni Gabriella.“Sige na, Giovanni. Hindi naman ako magagalit. Pumunta ka na.” “Pero Briel—” “Parang kapatid mo na si Conrad kaya alam kong nag-aalala ka sa kanila. Naniniwala naman ako sa’yo na iyong nagawa mo noon ay hindi mo na gagawin ngayon. Saka bata iyon, magiging lakas ka niya kapag nakita ka niyang muli.”Tinapik pa ni Briel ang isang balikat ni Giovanni upang sabihin na pinapayagan niya itong gawin ang nais niya. Tunay naman iyon. Matured na siya ngayon at kaya na niyang kontrolin ang sarili niya. Malawak na rin ang pang-unawa niya. Niyaka