Mag-log inBRYSON'S HEART WAS throbbing in pain. Sakit na noon lang niya naramdaman. Natameme na siya sa mga katanungang binitawan ng asawa na hindi maikubli ang kalakip niyang baha ng emosyon. Gusto na lang kutusan ni Bryson ang ulo sa pagiging gago niya after ng accident. Tuwang-tuwa pa siyang mang-asar sa asawa nang hindi niya kinokonsidera ang tunay nitong saloobin dito.“Piper…”“Ang lakas mo pang mang-asar, kung alam mo lang ang pakiramdam ko kanina. Baka pagsisihan mong kinakatuwaan mo ang lahat. Gusto mo rin siguro akong mapahamak, ano?”“Piper, hindi iyon—”Bago pa makapagsalita si Bryson, bumukas ang pinto at pumasok si Maverick Alvarez. Pilit kinilala ni Bryson ang mga yabag ng dumating Nabalitaan niya ang nangyari kay Bryson at since naroon siya ngayon sa Maynila ay pinili niya ang dumaan upang saglit itong bisitahin. Asawa pa rin ito ng isa sa mga trabahante niya. Kung pwede naman siyang pumunta upang magpakita ng katiting na concern, bakit hindi?“Mr. Dankworth, kumusta ka na? Mukh
NAIWAN ANG MAG-ASAWANG Bryson at Piper sa loob ng silid nang lumabas si Gabe at bumuntot na dito ang kapatid na si Nabe. Hindi siya makita ni Bryson kung kaya naman ayaw nitong bitawan ang kanyang hawak na kamay. “Baby? Anong sagot mo doon sa tanong ko?”Marahang naupo si Piper sa gilid ng kama. Hindi na niya tinangka pang bitawan ang kamay ng asawa dahil sa higpit nito ay alam niya na hindi siya bibitaw. Kinuha niya ang plato ng prutas na binalatan ng pamilya ni Bryson bago sila umalis kanina. Inilagay niya iyon sa kamay ni Bryson. Ayaw pansinin iyon ni Bryson kung kaya naman hindi pinansin ito.“Ayokong kumain, gusto kong marinig ang sagot mo.” ungot ni Bryson na kinapa-kapa kung nasaan ang mukha ng asawa at hinaplos. “Gusto ko ng kiss…”Hindi makapaniwala si Piper na sa kabila ng pagkabulag nito pansamantala ay magagawa pa nitong ganun ang sabihin sa kanya? Pambihira naman. Hindi niya na ito ma-gets. “Bryson,
MULI NA SIYANG niyakap ni Bryson. He felt her body temperature, and Bryson's restless heart calmed down. He shook his head. Paulit-ulit. “Hindi masakit, konting concussion lang ang nangyari kaya wala kang dapat ipag-alala. And these eyes are temporarily blind. Hindi ko kayo nakikita. Mahinang liwanag lang. The doctor said it may take two or three months to recover slowly. Siguro naman ay pwede ka ng mag-resign? Kailangan mo akong alagaan eh.”Bumuhos pang lalo ang mga luha ni Piper sa narinig. Hindi pinansin ang huling litanya na halatang biro lang ni Bryson ukol sa trabaho niya. Oras mismo ay pwede naman siyang mag-resign kung talagang kinakailangan iyon.Tatlong buwan? Ganun katagal iyon? Tapos ay mabagal pa raw ang magiging paggaling niya. Baka nga mamaya ay hindi pa sigurado iyon at sinabi lang ng doctor para mapanatag na sila.“Ano sa palagay mo? Mapagbibigyan mo na ba ako? Ganito ang kalagayan ko oh. Kaya ko pa rin naman kayong suportahan ng mga bata kahit mag-resign ka at sa b
NILINGON NI GAVIN si Bethany. Marami pa siyang nais na sabihin sa anak kung hindi niya pipiliing magtimpi. Gusto niyang ilabas ang lahat dahil ayaw niya itong matulad sa kanya. Noon, naaalala niya pang nasabugan si Bethany habang buntis kay Gabe tapos siya ay naaksidente rin. Sobrang hirap kaya noon ng sitwasyon nila at ayaw niyang danasin ng anak kaya nais niyang pangaralan ito nang malala. “Thanie, ang ibig kong sabihin ay maiiwasan sana kung naging maingat lang ang batang iyan. Wala siyang kabanggaan. Siya mismo ang bumangga. Walang ibang pwedeng sisihin eh!”“Dad, kapag paulit-ulit mo bang sinisi ang kasalanan ni Bryson may magbabago ba?” si Gabe na kanina pa naririndi sa boses ng ama. Hindi na niya napigil ang sarili na hindi sumabat. Isa pa gising si Bryson at naririnig sila. Ano na lang ang iisipin nito ngayon? Wala siyang supportive na pamilya? Panay ang sisi. “Tama si Mommy eh. Tutal nariyan na iyan. Tanggapin na lang natin. Magpagaling na lang siya. Sa sunod ay mag-ingat
MALAKAS NA KUMALABOG noon ang puso ni Piper. Parang may mabigat na invisible ng bagay ang doon ay dumagan. Pakiramdam niya para siyang kandilang unti-unting nauupos. Dama na niya ang paglamig ng pawis sa katawan. Hindi niya malaman kung maiihi ba siya o matatae. Ibang-iba ang hatid nito sa pakiramdam niya. Mariin niyang pinikit ang mga mata. Ilang beses kinalamay ang sarili. Kinausap na kailangan niyang kumalma. Alam niyang safe na ang asawa, pero may bahagi ng utak niya ang nagsasabing hindi siya mapapalagay kung hindi mismo makikita ng kanyang mga mata ang tunay nitong lagay. Sa puntong iyon, kailangan niya itong makita. “N-Nasaan siyang hospital? Gusto ko siyang makita. Sabihin mo sa akin, saang hospital?”Bahagyang nag-alinlangan pa ang assistant kung sasabihin niya ba o hindi. Baka kasi magalit ang kanyang among si Bryson na hinayaan niyang pumunta doon ang asawa, subalit wala siyang choice kundi ang sabihin kay Piper kung nasaang hospital sila. Hindi ito papayag na hindi niya
MADALAS NA MAGLUTO ang kanyang inang si Bethany ng masasabaw na pagkain dahil umano mas healthy kung breastfeed ang parating na bagong magiging apo. Napag-alaman kasi nila na ang triplets ay hindi. Hindi naman kasi kakayanin ni Piper ang tatlong sanggol na dumede ng gatas dati. “Bryson sa labas naman tayo kumain mamaya.” pagdating sa harap ng building ay lambing ni Piper sa kanya, humawak pa ang babae sa isang braso ng asawa at nakangiti na. “Bakit?”“Sawa na kasi ako sa mga gulay na dinadala ni Mommy,” si Bethany ang tinutukoy ni Piper, “Feeling ko tuloy kulang na ako sa protina dahil doon. Sagana nga ako sa ibang vitamins na kailangan ng katawan, pero may kulang pa rin dahil hindi balance ang lahat ng kinakain.”“Okay, saan mo gustong kumain?” “Pag-iisipan ko pa. Mamaya ko sasabihin pagsundo mo sa akin.” maligayang turan ni Piper na humalik na sa asawa at umambang aalis na, pinagmasdan lang siya ditoni Bryson. On Bryson days off, he dresses casually at home, but he still looks g
MALAYO ANG ISIP at walang imik na tinalikuran na ni Briel ang kama kung saan natutulog si Giovanni. Lalabas na siya ng silid bago pa magbago ang isip at halayin ang walang malay na katawan ng Gobernador nang hindi nito nalalaman. Subalit nang akma na siyang hahakbang patungo ng pintuan ay natigilan
SA NARINIG NA dahilan ay bumaba na rin si Giovanni ng kama at hinagilap ang kanyang mga damit na hinubad. Mabilis niyang sinuot iyon. Nagtaka na doon si Briel. Ipinilig niya ang ulo nang maisip na bakit nagmamadali itong magbihis ng damit. Itinuon na lang niya ang pansin sa pamumulot ng mga damit n
PINILI NI BRIEL na huwag na lang patulan ang mga sinabi ni Bethany kahit na hindi siya nakailag at nasapul nitong lahat. Hindi iyon ang tamang oras para makipagbangayan siya sa hipag at ipaintindi dito ang emosyon na nararamdaman niya rin bilang ina. Kailangan nilang mabigyan ng solusyon ang gagawi
SA MGA SANDALING iyon ay nasa garden ang mag-asawang Dankworth. Pasalampak na nakaupo sa bakuran na nalalatagan ng bermuda grass. Libang na libang silang pinagmamasdan habang panaka-nakang nakikipaglaro sa kanilang apong si Brian. Makikita sa kislap ng kanilang mga mata ang galak na kaharap ang pan



![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)



