Vina's POV
Sinundan niya ako hanggang makauwi ako ng bahay, hindi na rin siya nagpatuloy pa ng duty ngayong araw pinili niyang sundan ako at suyuin.
Pagalit akong pumasok sa kwarto namin pagdating ko ng bahay at padabog ako humiga.
Nagpupuyos ang kalooban ko, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.
Nang bumukas ang pinto ng kwarto, Pumasok si Nikolai at naabutan niya ako nakatigilid ng higa at nakatalikod mula sa kanya. Lumapit siya saka malambing niya akong tinawag.
"Vina..." Naupo pa siya sa may gilid ng kama at hinawakan ako sa baywang pero tinabig ko lang lang ang kamay niya.
"H'wag mo 'kong mahawakan!" pagalit kong angil at inis na umayos ako ng higa pero nanatiling nakatalikod mula sa kanya.
I heard him sighed. "Vina, hindi ko naman talaga siya ikinama, hindi na kami nagkita simula noong ni-refer mo siya na maging pasyente ko at nang maabutan mong nilalandi niya ako iyon na iyung huli," paliwanag niya.
Alam ko naman! Pero hindi ko lang talaga mapigilang hindi magpuyo