Share

Chapter 29

Author: Real Silient
last update Last Updated: 2025-01-19 15:45:52

Jessica's POV

Ang sarap ng sandwich na hinanda ni Sir Nick at ang noodles.

Naubos ko ito lahat. Gutom pala talaga ako. Naging ok na ang pakiramdam ko. Wala na ang hilo.

Pagkatapos kumain niligpit ko na ang aking kinain at hinugasan ito.

Umiikot-ikot ako sa condo nito. Ang laki nito. Lalakeng lalake ang interior at minimalist lang. Walang kaartehan ang kanyang condo. Wala man lang wall decor. Halaman lang. Sa isip ko parang walang buhay, parang may kulang. Pero maganda naman ito. May malaking sofa na itim. Sa malaking space sa kanan meron siyang treadmill and gym equipments. Maganda naman ang pagkakaayos ng condo niya. Dalawang kulay lang nakikita ko. Gray at itim.

Nakailang ikot na ako hindi pa rin lumalabas si Nick.

" Baka nakatulog na ito?? " sa isip ko.

Kaya nagdesisyon akong kumatok. Nakadalawang katok na ako di pa rin ito sumasagot.

Pinihit ko ang doorknob at bumukas ito. Ulo ko lang ang pinasok ko sa loob.

" Nick!!!??? " tawag ko.

Lumingon ito Nakita kong may kausap ito
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Unstoppable Desire    Chapter 247

    George’s POV Hapon na. Wala pa rin kaming balita kung saan dinala si Jessica. Nahanap na ang kotseng sinakyan nila, pero wala sila roon. Parang mas lalo akong nilamon ng pagkabahala.“Sir, tubig po.” bigay ng isang imbestigador. “Salamat,” sagot ko habang tinatanggap ito. Uminom ako nang mabilis at muling nagtanong, kahit alam kong ilang ulit ko na itong tinanong.“May balita na ba kung saan sila dinala?”Mabuti na lang at mahaba ang pasensiya nila.“Wala pa rin po, Sir,” mahinang tugon ng isa.Napabuntong-hininga ako at napasandal sa kotse. Parang nauubos na ang lakas ko.“Bhabe… please be strong,” bulong ko sa sarili.“Excuse me po, Sir. Doon lang muna ako.” Tumango ako nang mahina. Nanghihina akong napatingin sa lupa. Wala akong ibang maramdaman kundi takot, kaba, at pagkaubos ng pag-asa.Bigla akong napatigil nang mapansin ko ang isang imbestigador na mabilis na tumatakbo papunta sa akin.“Sir! May lead na po kami!” halos pasigaw niyang sabi. “Ise-send ko po sa inyo. Sundan niy

  • Unstoppable Desire    Chapter 246

    General Reyes’ POVNasa loob kami ng operations room. Ilang oras na kaming nakatitig sa mga screen, binabantayan ang bawat detalye mula sa iba't ibang intel reports. Pero hanggang ngayon, wala pa rin kaming malinaw na lead kung saan dumaan ang sasakyan nila Jessica. Mula nang lumabas ng Cavitex, para silang nalunok ng lupa, nawala sa CCTV, parang multo.“Ilapit mo sa akin ang satellite imagery mula sa South Zone,” utos ko, matalim ang tingin sa screen.Mabilis na sumunod si Lt. Ramirez. Sa loob ng ilang segundo, lumabas sa monitor ang surveillance footage. Pinagmasdan ko ito. Isang puting van, lumihis ng direksyon bago makalusot sa checkpoint. At pagkatapos… nawala. Tuluyang nawala.Napakagat ako sa labi, halatang frustrated. Ipinazoom ko ang bahagi ng kalsada bago ito lumiko. May nakita akong mapunong daan sa gilid. Tahimik. Madilim. Kung gusto nilang umiwas sa mata ng awtoridad, iyon ang daan.“Colonel Javier,” tawag ko, hindi inaalis ang tingin sa mapa. “Pa-confirm sa ground unit

  • Unstoppable Desire    Chapter 245

    Nick’s POVPagpasok na pagpasok ko sa sasakyang humarang sa akin, mabilis nilang tinakpan ang bibig ko gamit ang isang panyo.At doon, nawalan ako ng malay.Hindi ko alam kung gaano ako katagal nawala sa ulirat. Nagising na lang ako nang biglang bumuhos ang malamig na tubig sa mukha ko.“Gising, sleeping handsome… hahaha!”Mabigat ang talukap ng mga mata ko pero pinilit kong dumilat. Nakaupo ako sa isang silya, nakagapos ang aking dalawang kamay sa aking likod. Sa harap ko, may apat na lalaking nakasuot ng bonnet at ang isa ay nakamaskara. Tila nasa underground kame, madilim at tanging isang bombilya lang ang nagbibigay liwanag.Sinubukan kong kumawala, pero mahigpit ang pagkakatali sa akin.“Wag mong sayangin ang lakas mo. Hindi ka makakatakas.”“Sino kayo?! Anong kailangan niyo sa akin?!” galit kong sigaw habang nagpupumiglas.“Pakawalan niyo ako! Pakawalan niyo ako!!!”“Abá, ang tapang pala nito.”“Ugh!”Tila nabingi ako sa lakas ng suntok na dumapo sa aking tainga. Ramdam ko ang p

  • Unstoppable Desire    Chapter 244

    Third Person POV – Wild ColonyNagkakagulo na naman sa Wild Colony matapos ang panibagong pag-atake sa isa sa kanilang sangay sa ibang bansa, isang hakbang na naman ng kalabang organisasyon. Tila hindi tumitigil ang kalaban sa pag-atake. Abalang-abala si Leon at ang mga matataas na miyembro ng kanilang grupo sa pag-aasikaso sa mga nadamay na kasapi. Isang malware attack na naman ang nangyari at malaking halaga ang nakuha sa pera ng organisasyon sa ibang bansa. Kailangan maibalik ang pera para patuloy ang operasyon ng kompanya doon.Patuloy na humihina ang security ng organisasyon. Nakapagtataka. Dahil ang system nila ay ginawa ng may pinakasafe na firewall.“Tawagan ang lahat ng miyembro. Sabihan sila, lahat ay kailangang magpadala ng tulong. Sampung milyon bawat isa! Kailangan nating mailigtas ang ating branch sa labas ng bansa. Kailangang maibalik agad sa normal ang operasyon ng kampo!” Pautos na sigaw ni Leon habang ang mga mata ay halos lumilisik sa galit.“Leon,” sabat ng isa

  • Unstoppable Desire    Chapter 243

    Scarlett’s POVNaramdaman naming biglang tumigil ang sasakyan.“Baba!” sigaw ng isang lalake.Tatanggalin na sana namin ang aming piring, ngunit biglang sumigaw ulit ang isa.“Subukan mong tanggalin ’yan at baka sa dagat ka pulutin.”Natakot ako at agad na napahawak ng mahigpit kay Jessica.“Jes…” nanghihinang bulong ko.“Aah!” hiyaw ni Jessica.“JES!! Please… huwag niyo po kaming sasaktan…” pagmamakaawa ko.“Ang OA, pinapababa ko lang kayo,” sagot ng lalaki, halatang naiinis.“O, ikaw na, baba.”Dahan-dahan akong bumaba ng kotse. Inabot ko muna ang pintuan, hinaplos ang gilid nito para masukat ang taas at layo ng lupa. Ramdam ko ang banayad na ihip ng hangin sa mukha at ang malutong na tunog ng mga tuyong dahon sa paanan.Isinandal ko ang kaliwang kamay sa gilid ng sasakyan, at ang kanan sa aking tiyan habang dahan-dahang inilapat ang mga paa sa lupa. I need to make sure I am okay. I need to protect my baby.“Please be careful, Carly. Slowly…” ramdam ko ang pag-aalala sa boses ni Jes

  • Unstoppable Desire    Chapter 242

    George’s POV Andito ako ngayon sa CCTV room ng airport, kasama ang isang security team. Halos hindi ako makahinga sa kaba habang pinagmamasdan ang mga monitor. Madaming video sa aking paligid. Nahihilo ako kung saan titingin.“Anong flight po ang sinakyan nila, Sir?” tanong ng isang security personnel.Agad kong binigay ang detalye. Ilang minuto pa lang, nagsimula na kaming mag-review ng video.Matiim kong tinititigan ang mga footage. Panay fast forward, rewind, zoom. Tapos..“Ayan! Ayan sila! That’s Scarlett... and that’s Jessica!” halos mapasigaw ako habang tinuturo ang screen. Napatutop ko ang aking bibig, pinigilan ang pag piyok.Kitang-kita ko pa ang mga mukha nila, masaya, tila nagbibiruan pa. Parang ang gaan ng loob nila... walang kaalam-alam sa kapahamakan.“Follow their trail,” sabi ng lead tech. “Track all cameras from the entrance to the vehicle bay.”Napakagat ako sa labi. Tinitigan ko lang ang monitor habang namumuo ang luha ko. Hindi ko kinaya. Naiiyak ako. Kinakbahan,

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status