LOGINDayana, 19 years old. Salat sa salapi ngunit mayaman sa pangarap. Naglalabada silang mag-ina para sa pamilya ng mga Stewart. Logan Stewart, 26 years old. Guwapo, mayaman at ubod ng babaero. Anak ito ng mag-asawang Stewart. Paano kung magkagustuhan ang dalawang tao na langit at lupa ang agwat? Handa kaya nilang ipaglaban ang isa't isa, o pipiliing lumayo at hayaan ang tadhana na gumawa ng paraan...
View MoreDumating si Nanay bandang alas-dose ng tanghali. Dala-dala niya ang isang terno ng damit para may pamalit ako ngayon. May nakapagsabi daw na kapitbahay na nandito ako. Nandito kami ngayon sa likod bahay ng mga Stewart. "Pagpasensyahan mo na ang tatay mo." Hindi ako makapaniwalang tumingin kay nanay. "Sana dinala mo na lang po lahat ng damit ko, nay," sagot ko sa halip. "Hindi na ako uuwi sa bahay."Lumapit si Ma'am sa amin. "Oh, Dina. Kanina pa kita hinihintay na magpunta dito."Nahihiyang ngumiti si Nanay kay Ma'am. "Dito na lang kayo ng anak mo. Sasahuran ko kayo buwan-buwan."Hindi pa din sumagot si Nanay. "Kaysa nagtitiis kayo sa bahay niyo. Magtatrabaho na dito si Dayana. Stay in."Namewang si Ma'am. Para bang problemado siya. "Pagkatapos ng ginawa ng asawa mo sa anak mo, gusto mo pa ding makisama doon?"Naiyak si Nanay dahil sa panenermon ni Ma'am. "Ang lalake, madami iyan diyan. Ang anak, nag-iisa iyan. Kung hindi mo kayang piliin ang sarili mo, piliin mo ang anak mo."N
Hindi na lang ako sumagot pa. "Dalhin kita sa ospital para magamot ang mga pasa at sugat mo."Umiling ako. "Hot compress lang 'to, Sir.""Ihatid na lang kita sa inyo kung ganoon.""Hindi na, Sir."Nagtaas siya ng kilay. "Gabi na, Dayana. At tingnan mo nga ang kalagayan mo.""Kaya ko na po ang sarili ko.""Ang kulit," aniya at basta na lang niya akong binuhat. "Teka, Sir... ibaba mo po ako," reklamo ko. "Hindi. Matigas ang ulo mo. Ihahatid na kita sa inyo.""Sir... Ayaw ko pong umuwi."Natigilan siya. Nakatingin lang siya sa akin ng ilang segundo bago niya ako pinasok sa loob ng kaniyang sasakyan. "Sir..."Umikot siya sa kabila at naupo sa may drivers seat. "Sir, hindi po ako uuwi.""Doon ka na lang muna sa bahay kung ayaw mong umuwi. Para magamot din natin iyang mga sugat mo. Pumutok ang labi at kilay mo."Napatingin ako sa side mirror ng kotse. Tama nga siya. Halos hindi ko na makilala ang aking sarili. Napahikbi ako habang nakatingin sa nakakaawang sarili. Tahimik namang nag-dr
"Uuwi na po ako, Ma'am."Bitbit ko sa kaliwang kamay ang ecobag na may lamang pagkain. May hapunan ulit kami ni Nanay. "Kumusta pala ang nanay mo, hija?"Inabot ko ang bayad niya. May pasobra ulit. Hindi ako agad nakasagot kay ma'am dahil naiiyak ako. Ngumiti si Ma'am. Tinapik niya ang aking balikat. "Ayos ka lang?"Tumango-tango ako. "Opo, Ma'am. Salamat po. Si Nanay po, medyo okay naman na po.""Sabihin mo na magpalakas muna siya ng husto bago bumalik. Baka mamaya ipilit na naman niya.""Opo, Ma'am. Mauuna na po ako. Salamat po sa kabutihan mo sa amin.""Ingat ka, Dayana."Hindi ako nakasabay kay sasakyan ni Sir dahil hinatid niya ang mga kaibigan niya. Wala na akong maupuan. Ngumiti lang ako kay Sir bago ako nagtuloy-tuloy ng labas sa kanilang gate. Masaya akong naglakad pauwi. May ngiti sa aking labi at pakanta-kanta pa. Nasa labas si Nanay at naghihintay sa akin. Kinawayan ko siya. "Nanay!" Ngumiti naman siya at kumaway sa akin. "May dala ka ulit?" Tanong niya habang nak
"Nanay!" Masaya akong pumasok sa loob ng bahay. "Oh, anak! Bakit?" Mukhang nagising lang si Nanay dahil sa pagsigaw ko. Nilabas ko ang mga pagkain mula sa aking tote bag. "Oh, ang dami niyan, ah. Hindi ka ba kumain?" "Kumain po ako, Nay. Madami lang po silang binigay na pagkain sa akin."Nilapag ko din ang ecobag sa mesa. "At heto pa, nay!" Pagmamalaki ko sa kaniya. "Nagbigay pa si Ma'am ng pagkain." Napangiti si Nanay. Excited kaming pareho. Nagmamadali naming nilabas ang pagkain mula sa ecobag. "Ang sasarap nito, Nay!" Tuwang-tuwa kong sambit. Nagmamadali akong kumuha ng mga plato at kutsara para makakain na kami ni Nanay. Tuwang-tuwa kami habang kumakain. Hindi na namin maalala iyong huling beses kaming kumain ng masarap. Siguro last year pa nang naki-birthday kami sa may sentro. Busog na busog kami ni nanay. May natira pa para bukas. Iyong adobo ay iinit na lang ni nanay para may ulam siya bukas. Madami iyong kanin, isasangag ko na lang bukas ng maaga. hindi naman siguro m
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.