
The Zillionaire CEO's Ignored Spouse: A Wife Only by Name
“I never loved you. You were never meant to be in my life—you just showed up, uninvited, and ruined everything like a curse I never asked for.”
Iyon ang pinakamasakit na katagang narinig ni Zenie sa kanyang asawa na si Aice Bustillos, ang CEO ng Nexora, isang leading car company sa Pilipinas.
Isang magandang buhay ang tanging hinangad ni Zenie, kaya’t labis ang kanyang tuwa nang makilala niya si Aice. Ngunit sa loob ng walong taong pagiging mag-asawa nila ay walang ibang hinangad si Zenie kung ‘di ang maging maganda ang kanilang pagsasama, ngunit kabaliktaran iyon sa kanyang inaasam. Simula na maging mag-asawa sila ni Aice ay hindi niya naramdaman ang pagmamahal nito ni kahit isang beses, kung ‘di puro panunumbat dahil sa pagsira sa buhay nito at sa buhay ni Naiana, ang childhood sweetheart ni Aice. Kahit anong gawin niya para tanggapin ng pamilya ni Aice ay hindi siya nito magawang tanggapin, dahil ang gusto rin ng mga ito ay si Naiana para sa kanilang anak.
With all the pain Zenie had endured, where will it lead her? Will she rise and reclaim her worth—or will it destroy her? Or will it ignite a fire in her to make every person who mocked her regret ever crossing her?
Read
Chapter: Chapter 4MAAGANG nagising si Zenie dahil sa alarm ng kanyang phone. Bahagyang nakaramdam ng pagpintig sa kanyang sintido si Zenie.“Shit! I probably caught a chill from standing out in the road last night—it seemed like a cold was on its way,” wika nito habang dumadaing.Hinilot niya ang kanyang sintido para bahagyang mabawasan ang sakit ng ulo na kanyang nararamdaman habang naglakad patungo papalapit sa kanyang maleta. Binuksan niya iyon para kumuha ng damit ngunit sa pagkuha niya ay may nahulog siyang maliit na pulang bagay. Nagpagulong-gulong pa ito sa sahig ng ilang ulit bago tumigil.Napataas ng kilay si Zenie nang makita ang pulang robot na may suot na pulang sumbrero. Sa kanyang pagkakaalala iyon ang kauna-unahang ginawa ni Aice na robot na may AI chat program. Nakakapag-store rin ito ng mga message at pwedeng makapag-reply through voice mail. Binuksan niya ang app sa kanyang phone at ni-link iyon sa sa robot at sinubukang kalikutin. Makalipas ang ilang saglit ay tumunog ito.“Do you lo
Last Updated: 2025-05-22
Chapter: Chapter 3BUSTILLOS’ MANSION,Mabilis na bumaba si Zenie sa kanyang kotse na kung saan agad siyang sinalubong mga katulong.“Good evening, Ma’am Zen,” bati ng mga katulong sa kanya ngunit hindi niya iyon pinansin at dali-daling nagtungo sa kanyang kwarto. Sa kabila ng pagiging mag-asawa nila ay hindi sila natutulog sa isang kwarto.Kinuha niya ang isang maleta at isa-isa roon nilagay ang ilan sa kanyang mga damit at mga alahas na madalas niyang gamitin. Habang nag-iimpake ay nakita niya ang secondary credit card na binigay ni Aice sa kanya na naka-link sa account nito. Buong akala niya ay kaya nagiging mahigpit ang kanyang asawa sa kanyang paggagastos ay dahil sa ayaw nitong abusuhin niya ang pera na meron sila ngunit hindi pala, bahagi iyon ng pagkontrol sa kanya. Alam niyang ganoon ang pagtrato na binibigay nito sa kanya dahil sa pinilit lang ito ng mga magulang na pakasalan siya para iwasan ang malalaking kahihiyan.“Ang tanga ko at nagpakontrol pa ako sa kanya!” mariin niyang pangaral sa s
Last Updated: 2025-05-22
Chapter: Chapter 2HABOL ang paghinga ay natanaw ni Zenie ang kanyang anak sa labas ng restaurant kung saan nakalagay sa GPS na nilagay niya sa phone nito. “Ai—”Hindi nagawang matapos ni Zenie ang kanyang sasabihin nang makita niya ang babaeng katabi ng kanyang anak habang tuwang-tuwa na nakikipag-usap sa kanyang anak.“Naiana…siya nga talaga,” nanghihina niyang bulong.Samu’t saring tanong ang nagsilitawan sa kanyang utak nang sandaling iyon. Anong ginagawa nito sa Pilipinas? Bakit kasama nito ang anak niya? Sino ang nagsama sa kanyang anak para makipagkita kay Naiana? Anong nangyayari nang hindi niya nalalaman.Halos lamunin na ng mga katanungan si Zenie nang sandaling iyon ngunit bigla siya nakakawala sa mga tanong na iyon nang makita niya ang kanyang asawa na lumapit sa kinauupuan ng kanyang anak at saka hinalikan sa pisngi si Naiana. Napasinghap si Zenie sa labis na pagkabigla. Halos dinudurog ang kanyang puso nang masaksihan ang sandaling iyon.“I’m busy...I’m working.”Nanariwa sa kanyang isipa
Last Updated: 2025-05-22
Chapter: Chapter 1Dusit Thani, January 15Suot ang maroon na dress na hapit na hapit sa katawan ni Zenie ay hindi maitago ang ngiti sa mga labi nito nang sandaling iyon. Ngayon kasi ang ika-walong taong anibersaryo nila ng kanyang asawa na si Aice.Kasabay ng malakas na alon ng dagat ay ang banayad na ihip ng hangin na nagbibigay ng kakaibang ginhawa sa katawan.“Hindi na ako makapaghintay na dumating si Aice,” nakangiting wika ni Zenie na nanatili ang mga ngiti sa kanyang mga labi.Maaga niyang tinapos ang kanyang trabaho sa opisina para masiguro na magiging maayos ang hinanda niyang surpresa para sa kanyang asawa. Habang tinatawagan niya si Aice ay hindi niya magawang tigilan na tignan ang mesang pina-reserve nang maaga para sa magiging candlelight dinner nilang mag-asawa.Nagkalat ang mga pulang rose petals sa buhanginan at maliliit na mga scented candle dahilan para magsilbing liwanag nang gabing iyon. “Sana magustuhan ito ni Aice,” nakangiting bulong ni Zenie sa kanyang sarili habang patuloy na t
Last Updated: 2025-05-22