Share

Chapter 16.2: Last Tears

Author: Icy Yeona
last update Last Updated: 2025-09-04 10:46:01

NAGISING si Zenie na mabigat ang mga mata. Hindi niya alam kung kailan siya nawalan ng malay matapos ang ginawa sa kanya ni Aice. Ibinaling niya ang kanyang tingin sa gawing kaliwa niya at doon niya nakita ang kanyang asawa na mahimbing na natutulog. Sa hindi niya alam na dahilan ay may luhang tumukas sa kanyang mga mata. Hindi niya alam pero may kung anong kirot siyang nararamdaman.

Bakit? Bakit ngayon lang, Aice?

Nang sandaling iyon gusto niyang gising ang kanyang asawa—komprontahin sa lahat ng mga ginawa nito sa kanya at kung bakit ngayon gusto niya ng makakawala ay saka naman ito ayaw siyang bitawan. Andaming tanong ang gusto niyang mabigyan ng kasagutan ngunit natatakot siya na baka sa sandaling marinig niya ang sagot ay mas lalo siyang masaktan. Ngunit ang mas kinakatakot niya ay kung ang sagot na marinig niya ay ang pumigil sa kanya para iwanan niya si Aice. Pinunasan niya ang luha sa kanyang pisngi ngunit pinagtataksalin siya ng kanyang mga luha at patuloy pa rin ito sa pag-ag
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Zillionaire CEO's Ignored Spouse: A Wife Only by Name   Chapter 16.3: Her Escape, His Desperation

    NASA biyahe si Zenie ng biglang mag-ring ang kanyang phone at nakita niya ang isang pamilyar na number. Walang alinlangan na sinagot niya ang tawag.“Hello?”“Are you ready?”Napatingin si Zenie sa labas ng bintana ng taxi at humugot ng isang malalim at tahimik na buntong-hininga bago sumagot.“Yes, tita.”“That’s good. See you at the airport.”“Yes, tita.”At matapos noon ay naputol na ang tawag. Muli nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga si Zenie at napatingin sa kanyang phone kung saan naroon ang picture nilang mag-asawa at ng kanyang anak.“Maybe… this really is the best for us.”Nang makarating si Zenie sa kanyang apartment ay kaagad siyang naligo at nag-ayos ng kanyang sarili. Nakaimpake na rin siya ng kanyang mga gamit na kailangan niyang dalhin. Mag-ala singko ng umaga ng makarating siya sa airport. Iginala niya ang kanyang mga mata para hanapin ang kanyang Tita Mercedes.“Zen!” tawag ng kanyang tita dahilan para maituon ang pansin sa direksyon kung saan nagmula ang

  • The Zillionaire CEO's Ignored Spouse: A Wife Only by Name   Chapter 16.2: Last Tears

    NAGISING si Zenie na mabigat ang mga mata. Hindi niya alam kung kailan siya nawalan ng malay matapos ang ginawa sa kanya ni Aice. Ibinaling niya ang kanyang tingin sa gawing kaliwa niya at doon niya nakita ang kanyang asawa na mahimbing na natutulog. Sa hindi niya alam na dahilan ay may luhang tumukas sa kanyang mga mata. Hindi niya alam pero may kung anong kirot siyang nararamdaman.Bakit? Bakit ngayon lang, Aice?Nang sandaling iyon gusto niyang gising ang kanyang asawa—komprontahin sa lahat ng mga ginawa nito sa kanya at kung bakit ngayon gusto niya ng makakawala ay saka naman ito ayaw siyang bitawan. Andaming tanong ang gusto niyang mabigyan ng kasagutan ngunit natatakot siya na baka sa sandaling marinig niya ang sagot ay mas lalo siyang masaktan. Ngunit ang mas kinakatakot niya ay kung ang sagot na marinig niya ay ang pumigil sa kanya para iwanan niya si Aice. Pinunasan niya ang luha sa kanyang pisngi ngunit pinagtataksalin siya ng kanyang mga luha at patuloy pa rin ito sa pag-ag

  • The Zillionaire CEO's Ignored Spouse: A Wife Only by Name   Chapter 16.1: Love or Madness

    MALALIM at marahas ang ginawang paghalik ni Aice kay Zenie. Iyon ang unang beses na nagkaroon silang muli ng physical intimacy ng kanyang asawa sa loob ng walong taon nilang pagsasama. Hindi magawang paliwanag ni Zenie kung ano ba ang dapat niyang maramdaman ng sandaling iyon—tuwa o pandidiri?“No other man can have you except me!” mariing wika ni Aice na muling inangkin ang kanyang mga labi.Nang marinig iyon ni Zenie ay may kung anong kirot at pait siyang naramdaman. Hindi niya inaasahan ang ganoon. Hindi ganoon ang kanyang ginusto. Nangulila siya sa atensyon, pagmamahal at aruga ng kanyang asawa ngunit hindi niya ginusto na umabot sa puntong pupwersahin at babastusin siya ng kanyang asawa.At dahil doon ay buong lakas niyang tinuhod sa maselan na parte si Aice para mapapilipit ito sa sakit.“Fuck! What the—”Hindi nagawang matapos ni Aice ang kanyang sasabihin ng sundan ni Zenie ng isang malakas na sampal ang lumanding sa pisngi nito. Hindi naka

  • The Zillionaire CEO's Ignored Spouse: A Wife Only by Name   Chapter 15.3: Chains of Possession

    LUMIPAS ang mga oras at mas lalong nabalot ng tensyon ang buong kasalahan pasado na alas dose ng madaling araw ngunit wala pa ring naririnig si Aice na balita sa kanyang asawa.Mahigpit niyang ikinuyom ang kanyang mga kamay sa labis na pagkasiphayo na kanyang nararamdaman. “Fuck! Where on earth are you, Zen?” iritang tanong nito sa sarili.Ito ang unang beses na kain siya ng sarili niyang emosyon. Hindi niya magawang malagay at ang alam niyang magpapakalma sa kanya ng sandaling iyon ay ang makita ang presensya ng kanyang asawa.“What the hell is going on in your head, acting like this?”Sa inis ay nilagok nito ng buo ang laman ng kanyang kopita at patuloy na naging ganoon ang senaryo sa mga nagdaang oras. Nakailang bote na ito ng wine at unti-unti na ring tinatalaban ng alak ang kanyang isipan ngunit wala pa rin si Aice naririnig sa kanyang tauhan kung nahanap na ba o may impormasyon na ito sa kanyang asawa. Napatingin ito sa kanyang phone at pasado alas

  • The Zillionaire CEO's Ignored Spouse: A Wife Only by Name   Chapter 15.2: The Vanishing Wife

    “BABE, what’s wrong?” Tanong ni Naiana ng sandaling ibaba ni Aice ang tawag.Hindi sumagot si Aice habang nilalamon ng kanyang isipan. Does it mean she is really serious about filing our divorce. I thought it’s her way to get my attention—that it’s one of her usual sulking games. I didn’t expect that she would not go home up to this point.“She wasn’t like this…” mahinang bulong ni Aice sa sarili.Napakunot ng kanyang noo si Naiana. “Who are you talking about, babe?” Naguguluhang tanong ni Naiana.Hindi sumagot si Aice at napatayo sa kanyang pagkakaupo.“I have to go.”“Why? Where are you going? Bakit bigla ka na lang aalis?” Sunod-sunod na tanong ni Naiana na bakas ang pagkasiphayo ng sandaling iyon.“I have to check something.” Sabay hakbang ngunit mabilis na hinawakan ni Naiana ito sa braso para pigilan.“Are you just going to leave me here? Alone?”Inalis ni Aice ang pagkakahawak ni Naiana sa kanyang braso. “This is important , Naiana. Stop acting like a kid.”Matapos noon ay walan

  • The Zillionaire CEO's Ignored Spouse: A Wife Only by Name   Chapter 15.1: Chances

    NAGISING si Zenie nang marinig niya ang pag-ring ng kanyang phone.“Zen, did I wake you up?”“No, Tita. It’s fine,” sagot nito sabay bangon sa kanyang pagkakahiga para magising ang kanyang diwa.“I will be leaving today. I’m going to Milan to attend the Fashion Week. Also, I’ll be heading to Paris for Haute Couture Week. We’ll go through the details of your situation when I return at the end of the month. Hope to see your latest work with you.”“My latest work?” Pag-uulit na patanong na saad ni Zenie.“Yes. I’m looking forward to seeing how much you improve or the flame of your passion has already died.”Hindi nakaimik si Zenie ngunit gumuhit ang maliit na ngiti sa kanyang labi. “I know it hasn't died yet, so surprise me when I return. The plane will take off in a few seconds. Gotta go. Bye.”With that, the phone call ended and the smile in Zenie’s face goes wider. It’s undeniable to hide her happiness at that moment. Hindi niya lubos akalain na matapos ang ilang taon na hindi sila n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status