
TOUCH ME, NINONG (SSPG)
Ikakasal na dapat si Soraya Sison kay Jonathan Zobel. Akala niya ay iyon na ang simula ng happy ending ng kwento nilang dalawa. Pero gano'n na lamang ang gulat niya nang dumating sa kasal ang babae ni Jonathan at nagwala roon para hindi matuloy ang kasal. At ang masaklap pa, buntis daw ito at si Jonathan ang ama.
Betrayed. Humiliated. Abandoned.
Nagdesisyon si Soraya na gawin ang bagay na akala niya hindi niya kailanman magagawa. Hinanap niya ang comfort sa bisig ng isang lalaki, at lingid sa kaalaman niya na ito ay si Henry De Armas, ang matalik na kaibigan ng daddy niya, at ang Ninong niya.
One night. No names. No promises.
Pero pagdating ng umaga, doon niya nalaman kung sino talaga ang lalaking nagpabaliw sa kanya sa bawat bawal at makasalanang paraan. Hindi lang pala ito kaibigan ng daddy niya o ang Ninong niya, at ito na rin ngayon ang bago niyang boss.
Henry is powerful, merciless, and twice her age. And now that he’s had a taste of her, he’s not willing to let go.
Read
Chapter: Chapter 4“Good morning. My name is Soraya Sison. I’m here to see Mr. De Armas,” sabi ni Soraya sa receptionist habang nakangiti.Tumingala ang babae, at pagtingin sa kanya, halatang naalala siya.“Miss Sison, welcome. Mr. De Armas has been expecting you. I’ll bring you to his office.”“Thank you,” sagot niya habang sinasamahan siya nito.“No need to thank me. I was told to bring you up the moment you arrived.”Napakunot ang noo niya. Talaga bang hinihintay siya agad nito?“Ah, I see. Do you happen to know what I’ll be doing here?” tanong niya, dahil walang sinabi ang daddy niya tungkol sa actual na trabaho niya. Ang sabi lang, dito siya magta-trabaho. Sana naman hindi siya laging makikita ang Ninong niya. ‘Pag ganon, baka atakihin siya.Huminto sila sa tapat ng malaking itim na pinto. Lumingon ang receptionist at ngumiti.“Hindi ko sure, pero ang sabi ay magiging secretary ka ni Mr. De Armas.”Parang binagsakan siya ng langit at lupa. Nanlaki ang mga mata niya.Bago pa siya makapagsalita, kuma
Last Updated: 2025-07-22
Chapter: Chapter 3Dalawang araw na ang lumipas mula nung nangyari 'yon, pero kahit anong pilit ni Soraya, hindi niya pa rin makalimutang lahat. Sinubukan niya, araw at gabi, na itapon sa likod ng isip niya, pero mas madali pa rin talagang sabihin kaysa gawin. Tuwing nagigising siya, 'yon agad ang pumapasok sa isip niya. Hindi rin niya alam kung anong dapat niyang maramdaman.Masaya ba siya na sa Ninong Henry niya ibinigay ang virginity niya? O mas masama ang loob niya dahil wala man lang siyang maalala sa nangyari?Nakakabaliw talaga.“Nabalitaan ko ang nangyari sa kasal mo, kawawa ka naman, sis. Hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa ni Jonathan 'yon sayo. Grabe siguro pakiramdam mo nung araw na 'yon. Sayang, hindi ako naka-attend,” biglang bungad ng stepsister niyang si Cindy, pinutol ang katahimikan ng buong dining area.Napakurap si Soraya. Nakaupo pala sa tapat niya si Cindy, suot ang paborito nitong ngiting-awa na parang sinabayan ng konting yabang. Bagsak sa balikat nito ang kulot at blondeng b
Last Updated: 2025-07-22
Chapter: Chapter 2Saan ka pupunta kapag nasa pinakamababa kang punto ng buhay mo? Kapag wala ka nang ibang makakasama? O baka… pagkatapos mong tumakas mula sa sarili mong kasal?Simple lang ang sagot para kay Soraya.Ang tanging lugar na may saysay sa sandaling iyon ay ang isang spot kung saan puwedeng malunod sa alak, umiyak nang walang humuhusga sa kanya, at hayaang lamunin ng tugtog ang lahat ng iniisip mo.Isang club.Pero hindi lang basta club. Isa sa pinaka-exclusive sa buong Makati, owned by none other than the infamous and dangerous businessman, Henry De Armas.Ang bestfriend ng daddy niya, at ang Ninong niya.Sa totoo lang, hindi rin niya alam kung bakit doon siya napunta sa club na iyon. Ang dami namang club sa Makayi, pero siguro, sa ilalim ng lahat ng sakit at gulo, gusto lang talaga niyang makita ito. Yung isang taong pamilyar. Yung puwedeng magbigay kahit kaunting sense of comfort. Her ruthless father was practically out of the picture, so maybe, in some twisted way, she had sought out hi
Last Updated: 2025-07-22
Chapter: Chapter 1Dahan-dahang dumilat ang mga mata ni Soraya, pero agad din iyong napapikit ulit nang sumakit ang ulo niya nang todo. Parang may malakas na martilyong bumabayo sa sentido niya, kaya napaungol siya sa sakit.“Fuck shit,” mahina niyang mura habang hawak-hawak ang ulo niya, parang umaasa siyang may magbabago. Pero wala. Lalo pa ngang lumala, parang drum na walang tigil sa pag-ingay.At ang mas malala pa ro’n? Masakit ang buong katawan niya. As in, lahat ng parte.“Anong nangyari? Gaano karami ang nainom ko kagabi?” bulong niya habang pilit na tinatantiya ang paligid. Pero dahil wala siyang salamin, halos wala siyang makita nang maayos. Isa lang ang sigurado niya, hindi ito ang kwarto niya. At hindi rin niya maalala kung saan siya, o anong nangyari.Napabuntong-hininga siya at inabot ang salamin niya, umaasa na buo pa ito. Pero imbes na frame ng salamin ang mahawakan niya, ibang bagay ang nadampian ng palad niya.Matigas. Mainit.Parang...Parang katawan.Napakislot siya, natigilan, at nap
Last Updated: 2025-07-22