Share

Chapter 3

last update Last Updated: 2025-07-22 16:01:02

Dalawang araw na ang lumipas mula nung nangyari 'yon, pero kahit anong pilit ni Soraya, hindi niya pa rin makalimutang lahat. Sinubukan niya, araw at gabi, na itapon sa likod ng isip niya, pero mas madali pa rin talagang sabihin kaysa gawin. Tuwing nagigising siya, 'yon agad ang pumapasok sa isip niya. Hindi rin niya alam kung anong dapat niyang maramdaman.

Masaya ba siya na sa Ninong Henry niya ibinigay ang virginity niya? O mas masama ang loob niya dahil wala man lang siyang maalala sa nangyari?

Nakakabaliw talaga.

“Nabalitaan ko ang nangyari sa kasal mo, kawawa ka naman, sis. Hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa ni Jonathan 'yon sayo. Grabe siguro pakiramdam mo nung araw na 'yon. Sayang, hindi ako naka-attend,” biglang bungad ng stepsister niyang si Cindy, pinutol ang katahimikan ng buong dining area.

Napakurap si Soraya. Nakaupo pala sa tapat niya si Cindy, suot ang paborito nitong ngiting-awa na parang sinabayan ng konting yabang. Bagsak sa balikat nito ang kulot at blondeng buhok habang nakatitig sa kanya.

“Ah oo nga pala, napanood ko rin. Haha, grabe ka, umalis ka raw sa mismong venue. Ang tapang mo, sis! Viral ka pa nga ngayon. Pinanood ko 'yung video ilang beses!” sabat naman ni Candice, ang kakambal ni Cindy, habang binaba ang cellphone at ngumiti nang pilyo.

“Matapang? Ang ibig mong sabihin nakakahiya,” sabat ng stepmom nila sabay bagsak ng kubyertos sa plato. “Soraya, bakit ba ganyan ka lagi? Puro ka kahihiyan. Hindi mo ba alam kung anong sinasabi ng mga tao tungkol sa pamilya natin? Iniisip mo ba kahit minsan ang reputasyon ng daddy mo? Dapat hindi ka gumawa ng gulo sa araw ng kasal mo!”

Tahimik lang si Soraya, pero unti-unting humigpit ang hawak niya sa kutsara habang pinakikinggan ang lahat.

Ganito ang pamilya niya. Yung tipong ikaw pa ang sisisihin kahit ikaw na ang niloko. Hindi man lang nagpakita sa kasal niya. Pinili pa ng mga ito ang mag-family vacation nung araw mismo ng kasal.

Labindalawa pa lang siya nung muling nagpakasal ang daddy niya. Akala niya magiging masaya siya. Inisip niyang magkakaroon na siya ng bagong ina, ng mga kapatid kahit hindi nila kadugo. At sa simula, masaya naman talaga. Tawanan, bonding, parang tunay na pamilya.

But then everything changed.

The warmth, the closeness, the kindness... it had all vanished overnight.

Napatingin siya sa ama niyang tahimik na kumakain sa dulo ng lamesa, parang walang naririnig. Pero anong aasahan niya? Hindi naman 'to kailanman nagpakita ng malasakit sa kanya simula pa lang.

“B-Bakit ka ganyan? Wala ka na ngang respeto, hindi ka pa sumasagot kapag kinakausap ka! Tama lang naman sinabi ko!” biglang sigaw ng stepmom niya, galit na galit, habang nanginginig ang daliri nitong nakaturo sa kanya.

“Please, Mom, calm down. Huwag kang sumigaw,” sabing mahinahon ni Cindy. “Soraya, si Mommy gusto ka lang namang itama. Nagkamali ka. Hindi mo dapat iniwan si Jonathan sa altar. Kinausap ko na siya, and he said he’s really sorry. Aayusin daw niya ang tungkol dun sa babae. Sa tingin ko, dapat subukan mong makipag-usap ulit sa kanya.”

Napapikit si Soraya, hindi makapaniwala sa sinabi ng stepsister niya. Makipag-usap kay Jonathan? Seriyoso ba ito?

Ngumiti pa lalo si Cindy habang nagsasalita, parang aliw na aliw sa reaksyon ni Soraya.

“Alam mo, bagay kayo ni Jonatham. Mahal ka nun. Sayang naman kung mawawala ang perfect na relationship niyo dahil lang sa pagkakamali.”

Tumango si Candice sa tabi niya. “Tama. Alam mo naman ang mga lalaki. Minsan talaga nagkakamali, pero hindi ibig sabihin hindi ka niya mahal. Ako nga, ilang beses na niloko pero mahal ko pa rin ang boyfriend ko.”

Tumawa pa ito habang pinakita ang picture nila ng boyfriend niya. “O, kita mo? Bagay kami, 'di ba?”

Kadiri. 'Yun lang ang pumasok sa isip ni Soraya habang nakikinig sa mga ito. Bawat salita ay parang nanliliit ang pagkatao niya. At lalo siyang napupuno.

Huminga siya nang malalim, pinilit pakalmahin ang sarili. Muli siyang tumingin sa daddy niya. Ngayon, nakatingin na ito sa kanya habang pinupunasan ang bibig gamit ang puting napkin.

Kailangan na niyang umalis.

“A-Alis na po ako,” mahinang sabi niya habang inaayos ang salamin at marahang tumayo.

Pero bago pa siya makalayo ay dumagundong ang boses ng ama niya.

“Umupo ka.”

There was no room for argument. Her body obeyed before her mind could even process it. She sank back into her chair, head bowed, feeling the heavy weight of his stare.

Ano na naman kaya? Sasabihan ba siya na patawarin si Jonathan? Na siya ang may mali?

Handa na siyang tumanggi. Kahit anong mangyari, hindi na siya babalik kay Jonathan. Mas gugustuhin pa niyang mawala sa mundo.

Tahimik ang buong mesa. Walang nangahas magsalita.

“Natapos ka na ba sa pag-iinarte mo?” His voice was calm, but the authority in it sent a chill through her bones.

Napakunot ang noo niya. Hindi agad niya nakuha ang ibig sabihin hanggang sa sumunod na sinabi nito.

“Kung tapos ka na, pumasok ka sa De Armas Corporation simula bukas para magtrabaho."

“What?” napabulalas siya, halos hindi makapaniwala. Nanlaki ang mata niya, parang may mabigat na bagay na bumagsak sa dibdib niya.

Hindi. Hindi puwede.

De Armas Corporation. Pag-aari 'yon ng Ninong niyang si Henry. Ang lalaking pilit niyang iniiwasan. Ang lalaking… kasama niya nung isang gabing.

Napalunok siya, biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Napansin ng daddy niya ang reaksyon niya. At alam niya ang tingin na 'yon. 'Yung tipo ng tingin na 'di na dapat pa ulitin ang sinabi niya.

“Dad, akala ko po ako ang magta-trabaho doon! Bakit si Soraya?!” sigaw ni Cindy, galit na galit habang nakatitig sa daddy nila. Pero hindi ito. pinansin. Nakatingin lang ito kay Soraya.

“Alam mo namang may partnership na tayo sa De Armas. At kahapon, ang Ninong Henry mo mismo ang humiling na ikaw ang magtrabaho sa kanya, hindi si Cindy. Naiintindihan mo kung anong ibig sabihin nun?”

Napasinghap si Soraya sa narinig. Ang Ninong Henry niya mismo ang humiling na doon siya magtrabaho? Bakit?

Bago pa siya makapag-isip, nakatayo na siya. Napaurong ang upuan at halos bumagsak.

“H-Hindi ko po kaya. I’m sorry. Hindi ko kayang magtrabaho sa De Armas Corporation. Si Cindy na lang, gustong-gusto naman niya.” Yumuko siya ng bahagya, para humingi ng paumanhin.

Pero bago siya makalakad ng tuluyan, may biglang lumipad na baso sa tabi ng ulo niya. Tumama sa pader at nabasag.

Napahinto siya at napalunok nang sunod-sunod.

“Don’t you dare, Soraya!” her father thundered. “Don’t you dare walk away while I’m talking!”

Napako siya sa kinatatayuan niya habang nakatitig sa basag na baso sa sahig. Sobrang lakas ng tibok ng puso niya, parang naririnig niya sa tenga niya yung tunog.

Hindi na ito ang unang beses na ginawa ito ng daddyy niya. Sanay na siyang ganito ito. He was a man who commanded and demanded respect. But what truly shocked her was the reason behind his rage. He had thrown the glass just because she said she didn’t want to work at her Ninong Henry's company.

Nanghina ang tuhod niya. Bago siya tuluyang matumba, kumapit siya sa pinakamalapit na upuan, pilit na humihinga sa ilong habang sumasabay ang pagkahilo na parang sinabuyan siya ng malamig na tubig.

She wanted to throw up. She wanted to cry.

“Tumingin ka sa’kin!” sigaw ulit ng daddy niya.

Napapikit siya, awtomatikong tumigas ang katawan niya. Huminga siya nang malalim bago pinilit ang sariling humarap. Alam niyang kung hindi siya lilingon ay mas lalo lang magagalit ito.

Nang magtama ang mga mata nila. Galit at poot ang laman ng tingin nito. Hingal ito nang konti habang nakatitig sa kanya, walang kahit anong bakas ng pagmamahal sa mga mata nito.

Wala naman talaga siyang pagmamahal kahit kailan.

“Isa at huling beses mo na itong gagawin, Soraya. Huwag mo akong tatalikuran habang nagsasalita ako. Naiintindihan mo?”

Hindi siya agad nakasagot. Lalo lang lumalim ang kunot ng noo nito, sabay abot sa isa pang baso sa mesa.

“N-Naintindihan ko po,” agad niyang sagot, nanginginig ang boses.

Napangiwi ito pero tumigil din. Naka-cross arms na lang ito habang nakatayo.

“Walang modo,” mariing sabi nito. “Akala mo, dahil pinayagan kitang pakasalan yung maperang mokong na ‘yon, puwede ka nang mag-astang kung sino? Puwede mo na ‘kong bastusin?” Tumawa ito ng malamig. “Swerteng hiniling ka ng Ninong Henry mo. Kung hindi, ibabalik kita kay Jonathan.”

Her heart dropped, but she didn’t lift her head.

“Bukas ay magsisimula ka na magtrabaho sa De Armas Corporation. Hindi ko ito uulitin. Kung ayaw mo magtrabaho roon, ayusin mo ang relasyon niyo ni Jonathan at magpakasal kayo.”

His voice was cold, final. With one last scoff, he turned and walked away.

“Dad! Sandali lang!” tawag ni Cindy, pero hindi ito lumingon. Nagpatuloy lang sa paglalakad at iniwan silang lahat doon.

“Mom, narinig n’yo ‘yon? Sa’kin dapat ‘yong posisyon na ‘yon! Ako dapat! Pinangako niya sa’kin ang trabaho sa De Armas Corporation! Dahil ba hindi ako tunay na anak niya? ‘Yun ba ‘yon?!” mangiyak-ngiyak na sigaw ni Cindy at nagsimula na magdabog.

“Huwag mong sabihin ‘yan! Anak ka niya! Kakausapin ko siya, ‘wag kang mag-alala. Ako ang bahala.” Tumigil siya at biglang hinarap si Soraya. "At ikaw naman—"

"Aakyat na ako sa kwart ko." Mabilis na puhimit patalikod si Soraya. Konti na lang at puputok na siya sa galit at inis. At kung may maririnig pa siyang kahit anong salita mula kay Cindy at sa stepmom niya, siguradong sasabog siya.

Without another glance, she turned and dragged her shaking legs toward her room.

Sa likod niya ay narinig niya si Candice na sarkastikong tumatawa. “Umaga pa lang ang dami nang eksena. Best family ever.”

Pagpasok niya sa kwarto ay binagsak niya agad ang pinto, tapos humiga sa kama at isinubsob ang mukha sa unan, sumigaw nang buong lakas. Pero kahit ganon, hindi gumaan ang pakiramdam niya. Hindi siya mapakali. Sobrang lakas pa rin ng kabog ng dibdib niya, lalo na sa naiisip niyang kailangan niyang magtrabaho sa ilalim ng Ninong niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • TOUCH ME, NINONG (SSPG)   Chapter 4

    “Good morning. My name is Soraya Sison. I’m here to see Mr. De Armas,” sabi ni Soraya sa receptionist habang nakangiti.Tumingala ang babae, at pagtingin sa kanya, halatang naalala siya.“Miss Sison, welcome. Mr. De Armas has been expecting you. I’ll bring you to his office.”“Thank you,” sagot niya habang sinasamahan siya nito.“No need to thank me. I was told to bring you up the moment you arrived.”Napakunot ang noo niya. Talaga bang hinihintay siya agad nito?“Ah, I see. Do you happen to know what I’ll be doing here?” tanong niya, dahil walang sinabi ang daddy niya tungkol sa actual na trabaho niya. Ang sabi lang, dito siya magta-trabaho. Sana naman hindi siya laging makikita ang Ninong niya. ‘Pag ganon, baka atakihin siya.Huminto sila sa tapat ng malaking itim na pinto. Lumingon ang receptionist at ngumiti.“Hindi ko sure, pero ang sabi ay magiging secretary ka ni Mr. De Armas.”Parang binagsakan siya ng langit at lupa. Nanlaki ang mga mata niya.Bago pa siya makapagsalita, kuma

  • TOUCH ME, NINONG (SSPG)   Chapter 3

    Dalawang araw na ang lumipas mula nung nangyari 'yon, pero kahit anong pilit ni Soraya, hindi niya pa rin makalimutang lahat. Sinubukan niya, araw at gabi, na itapon sa likod ng isip niya, pero mas madali pa rin talagang sabihin kaysa gawin. Tuwing nagigising siya, 'yon agad ang pumapasok sa isip niya. Hindi rin niya alam kung anong dapat niyang maramdaman.Masaya ba siya na sa Ninong Henry niya ibinigay ang virginity niya? O mas masama ang loob niya dahil wala man lang siyang maalala sa nangyari?Nakakabaliw talaga.“Nabalitaan ko ang nangyari sa kasal mo, kawawa ka naman, sis. Hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa ni Jonathan 'yon sayo. Grabe siguro pakiramdam mo nung araw na 'yon. Sayang, hindi ako naka-attend,” biglang bungad ng stepsister niyang si Cindy, pinutol ang katahimikan ng buong dining area.Napakurap si Soraya. Nakaupo pala sa tapat niya si Cindy, suot ang paborito nitong ngiting-awa na parang sinabayan ng konting yabang. Bagsak sa balikat nito ang kulot at blondeng b

  • TOUCH ME, NINONG (SSPG)   Chapter 2

    Saan ka pupunta kapag nasa pinakamababa kang punto ng buhay mo? Kapag wala ka nang ibang makakasama? O baka… pagkatapos mong tumakas mula sa sarili mong kasal?Simple lang ang sagot para kay Soraya.Ang tanging lugar na may saysay sa sandaling iyon ay ang isang spot kung saan puwedeng malunod sa alak, umiyak nang walang humuhusga sa kanya, at hayaang lamunin ng tugtog ang lahat ng iniisip mo.Isang club.Pero hindi lang basta club. Isa sa pinaka-exclusive sa buong Makati, owned by none other than the infamous and dangerous businessman, Henry De Armas.Ang bestfriend ng daddy niya, at ang Ninong niya.Sa totoo lang, hindi rin niya alam kung bakit doon siya napunta sa club na iyon. Ang dami namang club sa Makayi, pero siguro, sa ilalim ng lahat ng sakit at gulo, gusto lang talaga niyang makita ito. Yung isang taong pamilyar. Yung puwedeng magbigay kahit kaunting sense of comfort. Her ruthless father was practically out of the picture, so maybe, in some twisted way, she had sought out hi

  • TOUCH ME, NINONG (SSPG)   Chapter 1

    Dahan-dahang dumilat ang mga mata ni Soraya, pero agad din iyong napapikit ulit nang sumakit ang ulo niya nang todo. Parang may malakas na martilyong bumabayo sa sentido niya, kaya napaungol siya sa sakit.“Fuck shit,” mahina niyang mura habang hawak-hawak ang ulo niya, parang umaasa siyang may magbabago. Pero wala. Lalo pa ngang lumala, parang drum na walang tigil sa pag-ingay.At ang mas malala pa ro’n? Masakit ang buong katawan niya. As in, lahat ng parte.“Anong nangyari? Gaano karami ang nainom ko kagabi?” bulong niya habang pilit na tinatantiya ang paligid. Pero dahil wala siyang salamin, halos wala siyang makita nang maayos. Isa lang ang sigurado niya, hindi ito ang kwarto niya. At hindi rin niya maalala kung saan siya, o anong nangyari.Napabuntong-hininga siya at inabot ang salamin niya, umaasa na buo pa ito. Pero imbes na frame ng salamin ang mahawakan niya, ibang bagay ang nadampian ng palad niya.Matigas. Mainit.Parang...Parang katawan.Napakislot siya, natigilan, at nap

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status