Chapter: Chapter 56: Pag-asaNandoon siya samantalang ako bored na bored na dito. Kukuhanin ko na sana ang vodka sa harap ko nang biglang tapikin ng kung sino man ang kamay ko. "What?" Inis kong sambit. "Anong what? Huwag mong sabihin na iinumin mo iyan? Masama iyon para kay baby." Sambit ni Justin at umupo sa tabi ko. Hindi ko napansin na nakabalik na pala siya. "Tsk! Alam ko naman iyon. Hindi ko naman iinumin, eh.” Nakangusong sambit ko. “Sus! Hindi daw,” sambit niya at inayos ang damit niya. “Nakakainip naman dito." Reklamo ko at inikot ang paningin ko sa buong lugar. "Gusto mo bang magsayaw?" Tanong niya sa'kin at nilahad ang kamay niya. Ayiee! Sige, na nga. Inabot ko ang kamay niya saka ngumiti. Wait! Kinikilig ako. Nagpalit ang musika. Slow dance na ito ngayon. Pumunta kami sa gitna, inilagay niya ang kamay ko sa kanyang balikat, ang isang kamay naman ay nasa aking beywang. Nangibabaw sa musika ang malakas na tibok ng puso ko. Napapaisip tuloy ako kung naririnig din ba niya ito? "Nabobored ka na b
Last Updated: 2025-12-20
Chapter: Chapter 55: PartySumakay kami sa sasakyan ni Hiro at agad niyang binuksan ang music player at nagplay ang isang masiglang tugtog. “Kamusta maganda ba?” Tanong niya kaya napalingon ako. “Gawa mo?” Curious kong tanong sa kanya. “Oo, ipapasa ko next week kay Javier once na natapos ko ang lyrics at natapos ang track. “Ang ganda! Buhay na buhay ang tugtog. Mapapasayaw ka kapag narinig. Iba talaga kapag may kaibigan na sikat nauuna ka makinig bago i-release,” humahagikgik na saad ko. “Naku! Ikaw talaga. Hindi pa nga naaprubahan release na agad nasa isip mo,” natatawang saad niya rin. “But seriously, maganda siya. Sikat kaya lahat ng gawa mo. Kaya proud na proud ako sayo, eh,” saad ko sa kanya na taos sa puso ko. “Nga pala…” seryosong saad niya kaya napalingon ako sa kanya. “Bakit ganon? Kanin sa bahay niyo napakatahimik? I mean ang gara ng atmosphere,” sambit niya ng hindi tinatanggap ang paningin sa daan. Napatingin ako sa bintana,”Ganon ba?” Baka dahil ako lang mag-isa…” huminto ako sa pagsasalit
Last Updated: 2025-12-19
Chapter: 54Isabella’s POVNaririnig ko ang mga hakbang ni Justin sa labas ng pintuan, pero hindi ko alam kung pagbubukaan ko ba siya o hindi. Huminga ako ng malalim saka iyon binuksan. Nakita kong naglalakad na siya papunta sa kanyang silid.“Justin?” mahina kong sambit. Wala tugon at patuloy pa rin siya sa paglalakad. Pinikit ko ang mga mata ko at hinaplos ang tiyan ko. “Okay lang marahil ay hindi niya ako narinig,” bulong ko. Subalit kahit paulit-ulit kong sinasabi, ramdam ko ang luhang gustong lumabas sa aking mga mata.Hindi ko alam kung anong nasa isip niya—galit ba? Pagod? O ginagampanan lang niya ang mga iniutos sa kanya?“Isabella,” napasinghap ako ng marinig ang tinig niya. Bumalik siya?“Hindi nga ako nagkamali na gising ka pa. Narito lang ako para siguraduhin kung natutulog ka, marahil ay naninibago ka. Heto ang gatas upang makatulog ka,” seryoso ang boses niya at hindi ko mabasa ang nasa utak niya.“Salamat,” mahina kong sambit. Kinuha ko ang gatas mula sa kanya at tulad kanina ay hi
Last Updated: 2025-12-18
Chapter: 53Napatigil ako sa narinig ko. Hindi ko alam kung bakit mas masakit ang salitang “Act” kaysa sa malamig niyang asal kanina sa bahay. Pilit akong ngumiti sa harap niya ng maka-recover.“Ah—oo,” sambit ko habang sinisikap na magmukhang kalmado. Nararamdaman ko ang mga matang nakatingin sa’min. May mga bulungan. May mga nakataas na cellphone para kunan kami. May mga taong nagtilian din dahil sa ginawa ni Justin.“Kalalabas mo lang ng ospital gumala ka kaagad,” kumunot ang kilay niya saglit bago siya ngumiti ulit. Pilit na ngiti bago niya nilapit muli ang mukha niya sa akin para bumulong.“Naabutan ko pa ang Tito mo sa bahay at pinagalitan ako dahil hindi ko masagot ang tanong niya,” may inis sa boses niya at pa-simpleng tumingin sa akin ng masama. Hinawakan niya ang likod ko, marahan pero may distansya. Para bang sapat lang para magmukha kaming magkasama, pero kulang para maramdaman kong totoo. Pagkaraan ay humarap siya na nakangiti sa mga taong nanonood sa amin.Tsk! Akala ko pa naman! R
Last Updated: 2025-12-17
Chapter: 52Lumabas ako ng silid at nadama ang pag-iisa dahil tahimik ang buong lugar. Hindi ko alam kung bakit ngunit naramdaman kong namasa muli ang aking pisngi. Mabilis ko iyong pinunasan at pilit na ngumiti.“Sanay naman ako dati mag-isa pero bakit ngayon parang ang bigat sa pakiramdam?” Sambit ko sa sarili pagkaraan ay kinuha ang cellphone ko sa bulsa.Si Tito tumatawag…“Isabella,” sambit ni Tito sa kabilang linya ngunit di ako sumagot. Nanatili lang akong nakikinig sa kanya hanggang sa muli siyang magsalita.“Hindi ko ginagawa ’to para parusahan ka,” sabi niya. “Ginagawa ko ’to para hindi ka mag-isa.” Napatigil ako sa narinig ko. Totoo ba? Pero bakit ngayon ay nag-iisa ako?“Naiintindihan ko po,” tanging saad ko sa tawag bago ito tinapos. Napabuntong hininga aoo pagkaraan ay naglakad papunta sa sala."Ano na ngayon ang mangyayari sa amin? Hays!" Kinuha ko ang shoulder bag ko sa sofa bagk muling bumalik sa kwarto ko.Inayos ko ang mga gamit ko pagkaraan ay naligo na upang mahimasmasan. D
Last Updated: 2025-12-16
Chapter: 51Isabella's Pov:Nagising ako nang makaramdam ako ng gutom ngunit paglingon ko sa gilid ay nakita ko si Justin. Kasalukuyan siyang natutulog sa sofa, napakurap-kurap pa nga ako at mahinag tinampal ang mukha ko upang siguraduhin na hindi ako nananaginip. Dali-dali akong tumayo at lumapit sa kanya ng hindi gumagawa ng kahit na anong ingay. Hindi ko napigilang hindi ngumiti ng makita ang guwapo niyang mukha. Totoo ngang nandito siya at hindi ito panaginip. Mas lalong hindi ako namamalikmata. Kanina pa kaya siya dito?Dama ko ang malakas na kabog ng dibdib ko habang dahan-dahan kong nilalapit ang kamay ko sa mukha niya. Nais ko kasing haplusin ang pisnge niya. Pagdating talaga sa kanya ay para bang nagkakarera ang puso ko sa pagtibok. Nakakainis.Malapit na sana dumampi ang kamay ko sa mukha niya nang bigla siyang gumalaw at dahan-dahan dumilat."Anong ginagawa mo?" kunot-noo niyang tanong sa'kin."Ah! Ano... Hehe... Ewan?" patanong na sambit ko dahil hindi ko na malaman ang sasabihin ko.
Last Updated: 2025-12-15