LOGINOne night, one mistake—a baby changes everything. Their lives are intertwined, but will their love survive the storm, or will it drown in the consequences?
View MoreHumahangos akong dumating sa VIP venue na tinext ni Mr. Jung. Late na kasi ako sa event dahil galing pa akong school mabuti na lang at nakasalubong ko si Miguel on the way kaya nadaan niya pa ako sa boutique shop bago kami maghiwalay ng landas. Ang swerte ko talaga magkaroon ng rich kid na kaibigan.
"Sorry po late ako," paghingi ko ng paumanhin kay Mr. Jung na kasalukuyan nang nahlalakad palapit sa akin. "Ayos lang iyon, Isabella. Mabuti nga at Si Justin din ay halos kadarating lang dahil galing din siya sa shooting niya," nakangiting sambit naman ni Mr. Jung. "Dito na kayo maupo, oh." Turo ni Ms. Lee sa dalawang magkatabing upuan at agad naman kaming pumunta doon ni Justin. "Kamusta naman ang exam mo?" Tanong ni Mr. Jung sa'kin at inabutan ako ng kutsara't tinidor. "Okay naman po." Nakangiti kong sagot sa kanya at inabot iyon. Heto at nagugutom na rin ako. "Here's your order," Sabi ng pamilyar na boses. Nilingon ko ang lalaking nagserve ng pagkain namin ngunit hindi ko na nakita pa ang mukha niya, umalis rin kasi siya kaagad matapos ihatid ang mga pagkain. "Eat well everyone. You deserve all of it." Masayang sabi ni Mr. Jung at sumandok ng kanin sa kanyang pinggan. "Salamat sa pagkain." Masaya kong saad at nagsimula nang kumuha ng pagkain. "Ang sarap naman ng tteokbokki nila. Madami na akong nakainan ng ganito ngunit masasabi ko na the best ang tteokbokki na ito." masayang sabi ng Wendy, writer siya ng drama na ginampanan ni Justin. "Here's our special Takoyaki, Ma'am and Sir." Sabi ng babaeng server at binigyan kami isa-isa. "Thank you." Sabi ko ng inabot sa'kin ang takoyaki. After naming kumain ay naglabas naman sila ng wine at liquor. "Pwede ka bang uminom, Samantha?" Tanong ni Ms. Lee sa'kin. "Uhm.. Umiinom naman po ako kaso mga light drinks lang," sabi ko at bahagyang ngumiti sa kanila. "Iyon naman pala. Go for inom na." Sabi ng isang staff. "Basta huwag niyo na lang masyadong bibigyan si Samantha, huh?" Paalala ni Mr. Jung sa kanila. "Wala naman akong pasok bukas kaya okay lang iyan, Mr. Jung." Sabi ko at nagpacute pa sa kanya. Naiiling na lang ito na tumingin sa'kin dahil sa sinabi ko. Nagsimula na kaming uminom at puro light drinks nga lang talaga ang binigay nila sakin. Argh! "Guys, gusto niyo matikman ang special shot ko?" Saad ni Mr. Ho sa'min hawak ang soju, yakult, lemon at grape wine. "Anong special drink naman 'yan?" Tanong ni Ms. Dy sa kanya. "Ang pinagmamalaki kong rainbow shots." sabi nito at nagtaas-baba ang kilay niya. Natawa naman kaming lahat sa kanya. "Wooh! Gusto ko 'yan!" Narinig kong sabi ni Ms. Lee sa hypher na tono. "Basta ako kakain lang," narinig kong sabi naman ni Justun na punong-puno ang bibig. Lihim naman akong napangiti dahil ang cute niyang tignan. "Walang gano’n, Justin. It's our celebration para sa ‘yo kaya dapat kasali ka." Sabi ni Mr. Jung at inakbayan si Justin. "Dahil ikaw ang nagsabi Mr. Jung. Malabong makaayaw ako." Nakangiting sabi ni Justin at niyakap si Mr. Jung. Nilibit ko ang paningin ko at napangiti dahil sa mga nakikita ko. Nagkakatuwaan silang lahat. They are enjoying their moments. Masaya akong maging parte ng masasayang ala-ala nila. Kung hindi ako naging personal assistant ni Justin ay hindi ko mararanasan ito. Being part of this group is the best moment of my life. Hindi ako nagsisisi na I give up modeling for a while para maging personal assistant ni Justin. I know in myself na I need this job too dahil mas mataas ang salary nito kaysa sa pagigung extra ko sa modelling. Being part of this team ay mas na manage ko ang oras ko. "Iyon naman pala, eh. Simulan mo na gawin iyang special shot mo, Mr. Ho." Sabi ni Ms. Lee kay Mr. Ho. May pinagsama-sama siyang mga drinks na hindi ko naman alam kung ano tapos ang galing parang patong-patong yung drinks na hindi naghahalo. Ano kayang lasa no'n? Ito ngang hawak ko ay matamis na mapait ang lasa, eh. Tinikman ko naman ang iniinom nila Justin na sana ay hindi ko na lang pala ginawa dahil napakapait nito. Paano pa kaya 'yong pinagsama-samang limang ibat-ibang uri ng alak sa iisang baso? "Oh, ito tag-isa-isa kayo." Sabi ni Ms. Dy at pinag-aabot sa'min ang ginawa ni Mr. Ho. "Kaya mo ba yan?" Rinig kong bulong ni Justin. Napakagat labi pa nga ako dahil naramdaman kong tumaas ang lahat ng balahibo sa katawan ko. Not because I'm afraid of him but his low voice wakes something inside me. Stop it, Isabella! "Ewan ko? Siguro?" Hindi ko siguradong saad sa kanya. "Tss! Huwag mo nang balakin na inumin baka magkalat ka pa mamaya." Bulong niya at nilagok ang alak na nasa baso niya "Anong lasa?" Curious na tanong ko. "Ayos lang," sabi niya sa'kin habang nakatingin sa baso niya. Lahat sila ay ininom na ang alak na gawa ni Mr. Hu samantalang ako ay tinitigan lang ang laman ng baso. "Hindi mo ba iinumin?" Tanong ni Ms. Dy sa'kin. "Ahh, iinumin ko po," sabi ko at ininom ito. Napangiwi ako ng malasahan ang pait nito saka ito gumuhit sa aking lalamunan. Naramdaman ko din ang init nitong dulot sa aking lalamunan pababa sa aking dibdib. "Hindi mo ba nagustuhan?" Tanong muli ni Ms. Dy dahil nakita niya ang itsura ko. Ang pait kasi talaga ng lasa parang may gumuguhit sa lalamunan ko. Ang lakas ata nito dahil bahagya akong nakaramdam ng hilo. "Medyo po dahil siguro hindi naman talaga ako sanay uminom ng alak," sabi ko at diniretsong lagok ito upang hindi ko malasahan ang alak. Pakiramdam ko ay babaliktad ang sikmura ko dahil sa pag-inom nito. Gusto ko na ito isuka ngunit nakakahiya naman sa kanila. "Okay ka lang?" Muling tanong ni Justin sa'kin. "Oo," sagot ko sa kanya at napapikit pa ng mariin.Nandoon siya samantalang ako bored na bored na dito. Kukuhanin ko na sana ang vodka sa harap ko nang biglang tapikin ng kung sino man ang kamay ko. "What?" Inis kong sambit. "Anong what? Huwag mong sabihin na iinumin mo iyan? Masama iyon para kay baby." Sambit ni Justin at umupo sa tabi ko. Hindi ko napansin na nakabalik na pala siya. "Tsk! Alam ko naman iyon. Hindi ko naman iinumin, eh.” Nakangusong sambit ko. “Sus! Hindi daw,” sambit niya at inayos ang damit niya. “Nakakainip naman dito." Reklamo ko at inikot ang paningin ko sa buong lugar. "Gusto mo bang magsayaw?" Tanong niya sa'kin at nilahad ang kamay niya. Ayiee! Sige, na nga. Inabot ko ang kamay niya saka ngumiti. Wait! Kinikilig ako. Nagpalit ang musika. Slow dance na ito ngayon. Pumunta kami sa gitna, inilagay niya ang kamay ko sa kanyang balikat, ang isang kamay naman ay nasa aking beywang. Nangibabaw sa musika ang malakas na tibok ng puso ko. Napapaisip tuloy ako kung naririnig din ba niya ito? "Nabobored ka na b
Sumakay kami sa sasakyan ni Hiro at agad niyang binuksan ang music player at nagplay ang isang masiglang tugtog. “Kamusta maganda ba?” Tanong niya kaya napalingon ako. “Gawa mo?” Curious kong tanong sa kanya. “Oo, ipapasa ko next week kay Javier once na natapos ko ang lyrics at natapos ang track. “Ang ganda! Buhay na buhay ang tugtog. Mapapasayaw ka kapag narinig. Iba talaga kapag may kaibigan na sikat nauuna ka makinig bago i-release,” humahagikgik na saad ko. “Naku! Ikaw talaga. Hindi pa nga naaprubahan release na agad nasa isip mo,” natatawang saad niya rin. “But seriously, maganda siya. Sikat kaya lahat ng gawa mo. Kaya proud na proud ako sayo, eh,” saad ko sa kanya na taos sa puso ko. “Nga pala…” seryosong saad niya kaya napalingon ako sa kanya. “Bakit ganon? Kanin sa bahay niyo napakatahimik? I mean ang gara ng atmosphere,” sambit niya ng hindi tinatanggap ang paningin sa daan. Napatingin ako sa bintana,”Ganon ba?” Baka dahil ako lang mag-isa…” huminto ako sa pagsasalit
Isabella’s POVNaririnig ko ang mga hakbang ni Justin sa labas ng pintuan, pero hindi ko alam kung pagbubukaan ko ba siya o hindi. Huminga ako ng malalim saka iyon binuksan. Nakita kong naglalakad na siya papunta sa kanyang silid.“Justin?” mahina kong sambit. Wala tugon at patuloy pa rin siya sa paglalakad. Pinikit ko ang mga mata ko at hinaplos ang tiyan ko. “Okay lang marahil ay hindi niya ako narinig,” bulong ko. Subalit kahit paulit-ulit kong sinasabi, ramdam ko ang luhang gustong lumabas sa aking mga mata.Hindi ko alam kung anong nasa isip niya—galit ba? Pagod? O ginagampanan lang niya ang mga iniutos sa kanya?“Isabella,” napasinghap ako ng marinig ang tinig niya. Bumalik siya?“Hindi nga ako nagkamali na gising ka pa. Narito lang ako para siguraduhin kung natutulog ka, marahil ay naninibago ka. Heto ang gatas upang makatulog ka,” seryoso ang boses niya at hindi ko mabasa ang nasa utak niya.“Salamat,” mahina kong sambit. Kinuha ko ang gatas mula sa kanya at tulad kanina ay hi
Napatigil ako sa narinig ko. Hindi ko alam kung bakit mas masakit ang salitang “Act” kaysa sa malamig niyang asal kanina sa bahay. Pilit akong ngumiti sa harap niya ng maka-recover.“Ah—oo,” sambit ko habang sinisikap na magmukhang kalmado. Nararamdaman ko ang mga matang nakatingin sa’min. May mga bulungan. May mga nakataas na cellphone para kunan kami. May mga taong nagtilian din dahil sa ginawa ni Justin.“Kalalabas mo lang ng ospital gumala ka kaagad,” kumunot ang kilay niya saglit bago siya ngumiti ulit. Pilit na ngiti bago niya nilapit muli ang mukha niya sa akin para bumulong.“Naabutan ko pa ang Tito mo sa bahay at pinagalitan ako dahil hindi ko masagot ang tanong niya,” may inis sa boses niya at pa-simpleng tumingin sa akin ng masama. Hinawakan niya ang likod ko, marahan pero may distansya. Para bang sapat lang para magmukha kaming magkasama, pero kulang para maramdaman kong totoo. Pagkaraan ay humarap siya na nakangiti sa mga taong nanonood sa amin.Tsk! Akala ko pa naman! R












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.