Tears In The Rain: The Billionaire's Heartache

Tears In The Rain: The Billionaire's Heartache

last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-24
Oleh:  James0626On going
Bahasa: Filipino
goodnovel18goodnovel
Belum ada penilaian
11Bab
173Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Ang pagmamahal na iniwasan ay siyang pinakamahirap kalimutan… Si Gabriel Navarro ay isang self-made billionaire at CEO ng isang matagumpay na kumpanya, ngunit sa kabila ng lahat ng kanyang tagumpay at yaman, may isang lihim na hindi pa rin niya kayang bitawan—si Sofia Montes, ang unang pag-ibig na iniiwasan niyang muling magmahal. Noong nakaraan, pinili niyang iwan si Sofia, iniisip na mas mahalaga ang kanyang negosyo kaysa sa pusong may sugat. Ngunit sa kanilang muling pagkikita, sa loob ng kanyang kumpanya, muling nabuhay ang mga damdamin na akala niyang matagal nang namatay. Si Sofia, ngayon ay isang malaya at matagumpay na babae, ay hindi na ang dating dalaga. May mga sugat na rin siya mula sa kanilang nakaraan. Ngunit sa bawat titig at bawat salitang nag-uugnay sa kanilang dalawa, unti-unting napapansin ni Gabriel na may nangyaring mas malalim kaysa sa kanyang iniwasan. Habang nagsisimula silang magkasama muli, isang malupit na lihim ang unti-unting lumalabas: si Gabriel ay may malubhang sakit na hindi niya kayang pagdaanan mag-isa. Lihim na siyang nahihirapan at wala pang lakas na aminin kay Sofia na ang bawat araw ay nagiging labanan sa buhay. Ngunit ang takot niyang mawala si Sofia ng hindi nila nasasabi ang mga bagay na hindi nila kailanman natapos, ay nagsisilbing pinakamabigat na hamon ng kanyang buhay. Puwede bang magtagumpay ang pagmamahal nilang nagsimula sa mga unang taon ng kanilang buhay? O magiging alaala na lamang ito, tulad ng ulan na tinatangay ng hangin?

Lihat lebih banyak

Bab 1

CHAPTER 1: Ang Ulan sa Aking Pagbabalik

Gabriel’s POV

May mga araw talagang kahit ayaw mong balikan, kusa pa ring bumabalik—kasabay ng ulan.

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng opisina ko, pinagmamasdan ang mabagal na pagbagsak ng ulan sa salamin. Tahimik ang paligid, pero sa loob ko, parang may naglalaban-labang alaala. Ganitong-ganito rin ang panahon noong huli ko siyang iniwan. Ulan. Lamig. At isang pusong piniling saktan.

“Sir, here’s the file for the new marketing associates,” sambit ng assistant ko, sabay abot ng brown folder.

Kinuha ko iyon, walang imik. Wala naman akong inaasahan—hanggang sa dumapo sa mata ko ang isang pangalang hindi ko inakalang muling makikita.

Sofia Montes.

Napatigil ako. Kumirot ang dibdib ko nang wala sa oras. Hindi puwedeng siya ‘yun. Coincidence lang siguro.

Binuklat ko ang resume. Graduation photo pa lang, ramdam ko nang hindi ako nagkakamali. Siya nga.

Tumayo ako agad. Hindi ko alam kung bakit—kung dahil ba sa guilt o dahil sa kaba. Pero ang sigurado ako, hindi pa ako handa.

Sa Conference Room

Tahimik ang paligid habang nasa orientation ang mga bagong associate. Nasa labas lang ako, nakasilip mula sa kaunting awang ng pinto. Then I heard it.

Her voice.

Malambing. Matatag. Pero may halong lamig. Ibang-iba sa Sofiang iniwan ko noon. Pero alam ko—kilala ko pa rin ang boses na ‘yon, kahit gaano katagal ang lumipas.

Hindi ko siya nakita ng buo. Nakatalikod siya habang nagsasalita sa panel. Pero sapat na ang isang saglit para buhusan ng alaala ang utak ko.

Bakit siya nandito? Bakit ngayon pa?

Flashback – Years Ago

“Sana huwag mong ipagsisigawan na minahal mo rin ako kahit sandali lang,” bulong ni Sofia habang umiiyak sa ilalim ng ulan.

Pero pinili kong tumalikod. Pinili kong iwan siya. Business was more important. That’s what I told myself.

Hindi ko alam na 'yon na pala ang magiging huling beses na maririnig ko ang boses niya—hanggang ngayon.

Balik sa Kasalukuyan

“Sir?”

Napalingon ako. Si Rachel, isa sa mga senior managers ko.

“The new hire, Sofia Montes, is assigned to your department. She’ll be working directly under your project oversight.”

Bumigat ang hangin sa paligid ko. Para akong sinakal ng tadhana.

“...Fine. Set a meeting with her. Tomorrow.”

Pero hindi ko sinabi kung bakit nanginginig ang kamay kong nakakuyom.

Kinabukasan, 8:59 AM. Tumunog ang elevator.

And there she was.

Sofia Montes. Mas elegante, mas matapang, mas malayo sa Sofiang iniwan ko.

Pero may isang bagay akong hindi inaasahan.

May suot siyang wedding ring.

Wala akong nasabi. Nakatayo lang ako roon, tila estatwa habang pinagmamasdan siyang lumalapit.

Sofia Montes. My first love. The woman I once let go.

At ngayon, heto siya—bitbit ang presensya ng isang taong hindi na ako kilala. Mas composed siya. Mas tahimik. Pero sapat ang isang sulyap para malaman kong hindi pa rin siya buo.

Pero ang pinakamalaking tanong sa lahat—bakit may suot siyang singsing?

“Mr. Navarro,” she said, her voice calm, professional, almost unfamiliar.

“It’s an honor to finally meet you again…”

She paused, then added with a faint smile, “As your employee.”

Her eyes didn’t flinch. Walang emosyon, walang alinlangan. Para bang ako ang dayuhan.

Hindi ako agad nakasagot. Pilit kong binalik ang tono ng CEO.

“Welcome back,” mahina kong sabi. “Marketing assigned you to my team. You’ll be directly under the Phoenix Project.”

Ngumiti siya. That same smile I once memorized. Pero ngayon, may halong distansya.

“I’m aware. And I’m ready.”

Tumango lang ako. Pero hindi ko mapigilang mapatingin muli sa daliri niya.

She noticed. Of course she did.

Itinaas niya ang kilay, saka sinundan ng tingin kung saan ako nakatingin.

“Ah,” mahina niyang sabi, pero may halong hamon sa tono.

“Ito ba?”

Hinawi niya ang buhok sa tenga. Tumawa siya, mahina.

“It’s... a reminder.”

“A reminder of what?” tanong ko agad, halos wala sa sarili.

She looked straight into my eyes.

“Na minsan, may mga taong nangakong hindi ako iiwan—pero umalis pa rin.”

Tahimik.

Napatigil ako. Napatayo lang ako roon, napapikit. She still remembers.

“Don’t worry, sir. I won’t let the past get in the way of my job,” dagdag niya, at naglakad na papasok sa conference room. Naiwan ako sa hallway, hawak ang pusong ilang taon nang pinilit kalimutan siya.

Pero bago siya tuluyang lumayo—

“May nakalimutan pala akong itanong.”

Bigla siyang lumingon, malamig ang tingin.

“Umiwas ka pa rin ba tuwing nagiging mahirap ang mga bagay…”

“…Mr. Navarro?”

Tumalikod na siya. At sa bawat hakbang niya palayo, para akong nabura sa sarili kong mundo.

Nakatayo lang ako roon, pilit na inuunawang mga salitang iniwan ni Sofia sa hangin. Ang kanyang tanong ay parang isang matalim na kutsilyo na nag-iiwan ng sugat sa puso ko. Umiwas ka pa rin ba? Hindi ko alam kung anong sagot ang nais niyang marinig. Hindi ko alam kung anong sagot ang kayang ibigay ko.

Naramdaman ko ang sakit na ilang taon ko nang itinago. Para akong nawala sa oras, nawala sa lahat ng nangyayari. Sa bawat hakbang niyang palayo, parang ang mundo ko ay bumangon mula sa mga alon at sumabog. Lahat ng mga alaalang iniwasan ko ay nagbalik.

Hindi ko alam kung gaano katagal ako nakatayo doon. Matapos siyang mawala sa aking paningin, tumagilid ako at muling dumaan sa hallway. Ang mga boses sa paligid ay naging malabo. Hindi ko naririnig ang sinasabi nila. Tanging ang tanong ni Sofia ang patuloy na umuukit sa isip ko.

Pumasok ako sa opisina ko at agad na umupo sa aking mesa. Sinubukan kong magpokus sa trabaho, ngunit kahit anong gawin ko, siya pa rin ang pumapayat sa bawat sulok ng aking utak.

Bakit nga ba siya nandito?

Naiisip ko pa lang na siya ang magiging bahagi ng Phoenix Project, nakakaramdam na ako ng pag-aalala. May mga katanungan sa kanyang mga mata na naiwan na hindi ko alam kung paano sasagutin.

Kumilos ako nang mekanikal. Sinusubukan kong ilihis ang mga iniisip ko. Nag-open ako ng mga email at nag-schedule ng mga meeting, ngunit ang bawat hakbang, bawat pag-click, ay nagiging mabigat. Walang sigla, parang ang bawat galaw ko ay napipilitan lang.

Hindi ko pa rin siya kayang kalimutan.

Habang binabaybay ko ang mga huling pag-uusap namin, sumagi sa aking isipan ang mga unang taon ng aming pagmamahalan. Si Sofia, ang batang babae na lagi kong pinoprotektahan. Si Sofia, ang unang umangkin sa puso ko. Siya na ngayon ay isang babae na may sarili ng buhay at mga sugat na hindi ko kayang buuin muli.

Tinutok ko ang mata ko sa computer screen, ngunit ang mga salita ay nagiging malabo, ang mga numero ay sumasayaw. Inisip ko si Sofia, ang kanyang singsing, ang malamig na tono ng kanyang boses.

Bigla, may kumatok sa pinto ng aking opisina. Tumayo ako agad at bumangon, hindi alam kung anong mukha ang haharapin ko.

I was hoping it wasn’t her.

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

Tidak ada komentar
11 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status