author-banner
E. Lumina Joy
Author

Novels by E. Lumina Joy

She Wasn’t Meant to Be Loved—Until Him

She Wasn’t Meant to Be Loved—Until Him

“Minsan, sa pinaka-wasak na puso, doon pa pumipili ang pagmamahal.” Akala ni Celeste ay siya na ang pakakasalan ng lalaking minahal niya ng buong puso. Pero sa harap mismo niya, ipinagpalit siya nito sa matalik niyang kaibigan. Masakit. Nakakahiya. Nakakawasak. She lost everything—her love, her trust, and herself. Pero sa gitna ng pagbagsak niya, isang lalaking hindi niya inaasahan ang dumating: Eliandro Velasquez—cold, mysterious, at isang powerful businessman na desperado ring maghanap ng mapapangasawa para sa isang kontratang kailangang masunod. Isang kasunduan. Isang papel. Isang fake marriage for 30 days. Walang puso. Walang damdamin. Walang commitments. Pero paano kung habang tumatagal, hindi na peke ang nararamdaman nila? Dahil minsan, kahit ang pusong akala mong hindi na para mahalin… May nakatakdang magmahal muli.
Read
Chapter: Chapter 5
Maagang nagising si Celeste kinabukasan — hindi dahil sa alarm clock, kundi dahil sa amoy ng brewed coffee at faint scent ng toasted bread na bumungad sa kanya.For a moment, nakalimutan niya kung nasaan siya. Akala niya nasa dati pa rin siyang condo. Pero nang bumangon siya’t makita ang glass windows at high-ceilinged kitchen sa ibaba, naalala niyang… kasal na nga pala siya.Technically.Hindi pa siya fully nakaayos nang bumaba siya. Suot niya pa rin ang cotton sleepwear na pinahiram sa kanya ni Manang Delia kagabi. Simple pero disente. Pagdating niya sa dining area, bumungad agad si Eliandro — freshly-showered, may suot na polo na bahagyang nakabukas sa bandang leeg, at abala sa pagbabasa ng tablet habang may hawak na tinapay."Morning, Yllana," bati niya na parang araw-araw silang magkasama.“Umaga,” tugon niya, pilit pa ring pinapakalma ang sarili sa new reality.“I made toast and eggs. Tignan mo, kaya ko rin magluto ‘pag tinatamad si Manang Delia,” sabay kindat ni Eli habang inaa
Last Updated: 2025-08-01
Chapter: Chapter 4
Pagkatapos nilang pumirma sa kontrata, tahimik na lumipas ang ilang minuto. Parang may biglang namuong tension sa hangin — hindi dahil sa kaba, kundi dahil sa bigat ng desisyong kanilang ginawa.“Official na kayo,” ani Migs, sabay tapik sa folder. “Starting today, you’re husband and wife. At least sa papel.”Napatawa nang pilit si Celeste. “Oo nga pala. Congratulations… Mr. Velasquez,” biro niya, kahit medyo nangangapa pa rin ang loob.Ngumiti si Eli. “Congratulations din… Mrs. Velasquez.”May halong biro ang tono, pero hindi nakatakas kay Celeste ang bahagyang paglamlam sa mga mata nito. May tinatago itong lungkot. O baka pagod lang?“May plano na ba tayo para sa living arrangement?” tanong niya, pilit binabago ang usapan.“May bahay akong inihanda. Malapit sa central district pero discreet ang location. Doon ka titira—doon tayo titira habang nasa bisa pa ang kasunduan. Kailangan nating panindigan, kung sakaling may sumubaybay.”“Paninindigan…” she echoed, bahagyang napangiti.“I gue
Last Updated: 2025-08-01
Chapter: Chapter 3
“Celeste, ready ka na ba?” tanong ni Elizabeth habang inaayos ang belo ni Celeste sa harap ng vanity mirror.Suot niya ang simpleng pero eleganteng puting dress. Walang engrandeng beads o makakapal na laylayan—pero sapat na para maramdaman niyang… ibang tao siya ngayon. Isang babaeng papasok sa isang kasinungalingan na kailangang magmukhang totoo.Huminga siya nang malalim. “Wala namang taong ready sa ganitong kasinungalingan, ‘di ba?”Napangiti si Elizabeth, pero kita sa mga mata niya ang concern. “Minsan kailangan mo lang sumugal para makalayo sa mas masakit.”“Ganon din ba ginawa mo noon?” balik ni Celeste.Hindi sumagot si Elizabeth, pero kitang-kita ang lungkot sa mata niya. “Oo. At minsan, kahit pa masaktan ka sa dulo, may matututunan ka rin.”Naudlot ang usapan nila nang bumukas ang pinto.“Celeste, kailangan na nating umalis,” aniya ni Migs na nakasuot na ng formal suit, mukhang manager na may hawak na artistang ikakasal. “Nasa labas na si boss. Ready na rin ang media crew par
Last Updated: 2025-08-01
Chapter: Chapter 2
Celeste’s POV“Kailangan mo ba talagang umalis agad?” tanong ni Laxriel habang inaayos ang zipper ng maliit kong suitcase.Napabuntong-hininga ako. “Oo, Lax. Hindi ako puwedeng manatili sa lugar na puro paalala lang ng sakit. Kailangan kong lumayo… kahit sandali lang.”Mula sa labas ng bintana ng kwarto ko, tanaw ko ang unti-unting pagdilim ng langit. Parang sumasabay ang mundo sa nararamdaman ko—malungkot, magulo, walang direksyon.Kaya nang marinig kong muli ang boses ni Migs sa kabilang linya noong isang gabi, offering something that could change everything… I took the bait.“Thirty days. Contract lang. Ikaw pa rin ang may control sa buhay mo,” sabi niya.Pero alam kong hindi iyon totoo. The moment I step inside the Velasquez estate, I’d be stepping into their world—Eliandro’s world.Eliandro’s POV“Are you serious about this?” tanong ko kay Migs habang tinatapik niya ang lamesa ng marahan, tulad ng ginagawa niya kapag may ideyang ‘crazy’ na naman siyang naiisip.“Yes,” diretsong s
Last Updated: 2025-08-01
Chapter: CHAPTER 1
Celeste… I’m sorry.”Tatlong salitang ‘yon, pero parang libo-libong kutsilyo ang sabay-sabay na tumusok sa dibdib niya. Humarap siya sa lalaking matagal na niyang pinapangarap makasama habang buhay—si Dominique. Ang lalaking minahal niya nang sobra, higit pa sa sarili niya.Pero ngayong nasa harap niya si Dominique, nakayuko, hawak ang kamay ng matalik niyang kaibigan na si Samara, parang tuluyan nang gumuho ang mundo niya.“Akala ko ba… tayo?” paos niyang tanong, pinipilit huwag lumuha sa harap ng maraming bisita. Ito dapat ang engagement party nila. Dapat ito ‘yong simula ng forever nila.Pero bakit ganito ang ending?“Nagbago ang lahat, Celeste,” sagot ni Dominique. “I'm in love with her. I'm sorry.”Mabilis ang paglalakad ni Samara palapit sa kanya, kunwari may concern sa mukha. “Sorry, Les. Hindi ko rin alam kung kailan ito nagsimula, pero ayokong magsinungaling sa'yo.”Celeste stood frozen. Sa loob ng ilang segundo, pakiramdam niya wala siyang marinig. Wala siyang maramdaman. Wa
Last Updated: 2025-08-01
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status