Pagkatapos nilang pumirma sa kontrata, tahimik na lumipas ang ilang minuto. Parang may biglang namuong tension sa hangin — hindi dahil sa kaba, kundi dahil sa bigat ng desisyong kanilang ginawa.
“Official na kayo,” ani Migs, sabay tapik sa folder. “Starting today, you’re husband and wife. At least sa papel.” Napatawa nang pilit si Celeste. “Oo nga pala. Congratulations… Mr. Velasquez,” biro niya, kahit medyo nangangapa pa rin ang loob. Ngumiti si Eli. “Congratulations din… Mrs. Velasquez.” May halong biro ang tono, pero hindi nakatakas kay Celeste ang bahagyang paglamlam sa mga mata nito. May tinatago itong lungkot. O baka pagod lang? “May plano na ba tayo para sa living arrangement?” tanong niya, pilit binabago ang usapan. “May bahay akong inihanda. Malapit sa central district pero discreet ang location. Doon ka titira—doon tayo titira habang nasa bisa pa ang kasunduan. Kailangan nating panindigan, kung sakaling may sumubaybay.” “Paninindigan…” she echoed, bahagyang napangiti. “I guess kailangan ko ring mag-practice tumawag ng 'honey' o 'babe' kapag nasa public tayo?” “Pwede rin ‘asawa ko,’” sagot ni Eli, sabay ayos ng coat niya. “Pero wag kang mag-alala, Yllana. Hindi kita pipilitin sa anumang labas sa napagkasunduan natin.” Natigilan si Celeste sa narinig. Hindi niya alam kung bakit, pero may kakaibang kirot sa dibdib niya nang marinig ang tawag na ‘Yllana’ mula sa kanya. Iba ‘yong dating — parang may lalim, parang may familiarity na hindi pa niya maintindihan. “Salamat,” mahina niyang sagot. Lumapit si Eli sa kanya, may hawak na envelope. “Ito ‘yung initial setup. Cards, ID, shared account — for appearance lang. Ibinigay ko na rin kay Migs ang list ng protocols. Everything will be arranged.” Kinuha niya ito nang marahan. “Ang organized mo pala.” “I need to be,” sagot niya, sabay tiklop ng folder. “Sa mundong ginagalawan ko, isang pagkakamali lang… tapos ang lahat.” Napayuko si Celeste. She realized… hindi lang pala siya ang tumatakas sa sakit. Si Eli rin — may kanya-kanyang dahilan para sumugal. At bago siya tuluyang lumabas ng kwarto, lumingon si Eli at binitiwan ang mga salitang hindi niya inaasahan sa unang araw ng kasunduan. “Yllana… Salamat sa pagtitiwala. Hindi ko ‘to kakalimutan.” Hindi siya nakasagot agad. Pero sa loob-loob niya, alam niyang hindi na magiging pareho ang mga araw niya simula ngayon. Dahil sa bawat salitang pinirmahan nila, may kapalit itong katahimikan, lihim… At isang damdaming unti-unting gigising — sa maling oras, sa maling paraan. Hindi pa man lumalalim ang gabi, pakiramdam ni Celeste ay para na siyang tumalon sa isang alternate reality. Ang dati niyang tahimik na buhay ay bigla na lang naging teleserye — at hindi lang basta teleserye, kundi yung tipo ng soap opera na may kasamang mayaman, kasal, at kontrata. “Ang laki ng bahay...” bulong niya habang sinusundan si Eliandro papasok sa isang modernong mansion sa loob ng private subdivision. Napalingon si Eli habang hawak ang isang maliit na overnight bag. “You’ll get used to it, Yllana.” Yllana. Ilang beses na niya narinig mula sa lalaki ang apelyido niyang ‘yon, pero sa bibig lang ni Eli ito parang nagkakaroon ng ibang lalim. Para bang siya lang ang may karapatang banggitin ito ng ganon — hindi pormal, hindi malamig, kundi parang palihim na malambing. “Pwede namang Celeste na lang, ‘di ba?” iritado pero naiilang niyang tugon. Ngumiti lang si Eli. “Celeste is for strangers. Yllana... that’s mine.” Napabuntong-hininga siya at piniling huwag nang pumatol. Sa dami ng dapat niyang i-adjust, ang pagtatalo tungkol sa tawag ay wala sa priority list niya ngayon. Pagpasok nila sa loob ng bahay, sinalubong sila ng isang matandang babae na naka-uniform. “Sir Eli, ma’am,” bati nito, sabay yuko. “Ako po si Manang Delia. Ako po ang nag-aasikaso rito sa bahay.” “Siya ang bahala sa lahat ng kailangan mo,” sabi ni Eli kay Celeste habang inilalapag ang bag niya sa couch. “Pero kung gusto mong mag-ayos ng sarili mong gamit, the guest room is yours.” “Guest room?” napakunot ang noo ni Celeste. Napalingon si Eli at sandaling natigilan. “Well... technically. Pero hindi mo na kailangan tumira sa ibang bahay. Dito ka na muna habang naka-lock-in ang kasunduan natin.” “Meaning... we’ll be living together?” “Under the same roof. Not the same bed, don’t worry.” May ngiting nakakaloko si Eli habang naglalakad paakyat sa hagdan. Nauna itong lumakad paakyat. Naiwan si Celeste sa sala, nakatayo lang, hawak pa rin ang bag at puso niyang tila naguguluhan sa bagong mundo na ginagalawan niya. Hindi niya alam kung ano ang mas mahirap — ang harapin ang mga multo ng kanyang nakaraan, o ang makisama sa isang lalaking misteryoso, pabiro, at tila mas maraming tinatago kaysa sinasabi. Pero isang bagay ang alam niya sigurado. Nandito na siya. At walang atrasan. Pagkababa ni Eliandro Velasquez mula sa hagdan, bitbit na niya ang dalawang mug ng kape. May suot na siyang simpleng white shirt at gray lounge pants, pero kahit casual ang ayos, hindi maikakailang may aurang hindi basta-basta sa bawat kilos niya. Naabutan niyang nakaupo si Celeste sa gilid ng sofa, hawak ang cellphone pero wala sa focus. Tumigil ito sa pag-scroll nang maramdaman ang presensya ng lalaki. “Hot coffee,” alok ni Eli, sabay abot ng mug. “Thanks,” maikling sagot ni Celeste habang inaabot iyon. Ilang segundong katahimikan ang namagitan bago siya muling nagsalita, “Hindi ko pa rin gets kung bakit mo ‘to ginagawa.” Umupo si Eli sa single chair sa tapat niya. “Alin—ang pakasalan ka, o ang patirahin ka dito?” “Both,” deretsong tugon niya. Napangiti si Eli, pero wala na ang kaninang mapanuksong ngiti. Mas seryoso ang ekspresyon niya ngayon. “Let’s just say... may pakinabang din ako sa setup na ‘to.” Napakunot ang noo ni Celeste. “Business deal ba talaga ‘to para sa’yo?” “In a way, yes,” sagot ni Eli habang sinisip sip ang kape. “But don’t worry. I won’t cross any line. Unless... you want me to.” “Eli!” Natawa lang siya. “Relax, Cruz. You’re safe with me.” “Yllana,” pagwawasto niya, mapungay ang mata. “Kung Cruz na ang hawak mo, edi ‘wag mo na rin gamiting panakot.” Tumigil si Eli. Ilang segundong nagkatitigan lang sila. Mataman ang tingin niya sa dalaga — parang may gustong basahin sa likod ng bawat galaw nito. “Okay,” mahinang sagot niya. “Yllana, then.” Nagsimula siyang magpaliwanag. “Look. Ang kailangan ko lang ngayon ay isang taong pwedeng ipakita sa media as my wife. Someone presentable, smart, and... unpredictable enough para hindi halatang scripted. You check all boxes.” “Wow. What a compliment,” sarcastic na sagot ni Celeste. Ngumiti lang ulit si Eli. “And in exchange, I’ll pay off your debts, keep you safe from any scandal, and give you access to everything you need habang naka-lock-in ang kasunduan.” “May duration ba ‘to?” “One year. After that, we part ways. No attachments. No obligations.” Celeste took a deep breath. Isang taon. Sa loob ng panahong iyon, kailangan niyang matutong makisama, umiwas sa emosyon, at panindigan ang papel na ginampanan niya—isang asawang hindi totoo, sa piling ng isang lalaking totoong delikado sa puso. Tumango siya. “Fine. Pero may terms din ako.” “Shoot.” “Walang biglaang halik sa public events. Walang personal questions tungkol sa past ko. At higit sa lahat...” Tumigil siya at tumitig kay Eli. “No falling in love.” Napangiti si Eli. “Sounds easy enough.” Pero pareho nilang alam na sa ganitong set-up, ang pinakamahirap iwasan ay ‘yung pinakauna nilang pinagbawal.Maagang nagising si Celeste kinabukasan — hindi dahil sa alarm clock, kundi dahil sa amoy ng brewed coffee at faint scent ng toasted bread na bumungad sa kanya.For a moment, nakalimutan niya kung nasaan siya. Akala niya nasa dati pa rin siyang condo. Pero nang bumangon siya’t makita ang glass windows at high-ceilinged kitchen sa ibaba, naalala niyang… kasal na nga pala siya.Technically.Hindi pa siya fully nakaayos nang bumaba siya. Suot niya pa rin ang cotton sleepwear na pinahiram sa kanya ni Manang Delia kagabi. Simple pero disente. Pagdating niya sa dining area, bumungad agad si Eliandro — freshly-showered, may suot na polo na bahagyang nakabukas sa bandang leeg, at abala sa pagbabasa ng tablet habang may hawak na tinapay."Morning, Yllana," bati niya na parang araw-araw silang magkasama.“Umaga,” tugon niya, pilit pa ring pinapakalma ang sarili sa new reality.“I made toast and eggs. Tignan mo, kaya ko rin magluto ‘pag tinatamad si Manang Delia,” sabay kindat ni Eli habang inaa
Pagkatapos nilang pumirma sa kontrata, tahimik na lumipas ang ilang minuto. Parang may biglang namuong tension sa hangin — hindi dahil sa kaba, kundi dahil sa bigat ng desisyong kanilang ginawa.“Official na kayo,” ani Migs, sabay tapik sa folder. “Starting today, you’re husband and wife. At least sa papel.”Napatawa nang pilit si Celeste. “Oo nga pala. Congratulations… Mr. Velasquez,” biro niya, kahit medyo nangangapa pa rin ang loob.Ngumiti si Eli. “Congratulations din… Mrs. Velasquez.”May halong biro ang tono, pero hindi nakatakas kay Celeste ang bahagyang paglamlam sa mga mata nito. May tinatago itong lungkot. O baka pagod lang?“May plano na ba tayo para sa living arrangement?” tanong niya, pilit binabago ang usapan.“May bahay akong inihanda. Malapit sa central district pero discreet ang location. Doon ka titira—doon tayo titira habang nasa bisa pa ang kasunduan. Kailangan nating panindigan, kung sakaling may sumubaybay.”“Paninindigan…” she echoed, bahagyang napangiti.“I gue
“Celeste, ready ka na ba?” tanong ni Elizabeth habang inaayos ang belo ni Celeste sa harap ng vanity mirror.Suot niya ang simpleng pero eleganteng puting dress. Walang engrandeng beads o makakapal na laylayan—pero sapat na para maramdaman niyang… ibang tao siya ngayon. Isang babaeng papasok sa isang kasinungalingan na kailangang magmukhang totoo.Huminga siya nang malalim. “Wala namang taong ready sa ganitong kasinungalingan, ‘di ba?”Napangiti si Elizabeth, pero kita sa mga mata niya ang concern. “Minsan kailangan mo lang sumugal para makalayo sa mas masakit.”“Ganon din ba ginawa mo noon?” balik ni Celeste.Hindi sumagot si Elizabeth, pero kitang-kita ang lungkot sa mata niya. “Oo. At minsan, kahit pa masaktan ka sa dulo, may matututunan ka rin.”Naudlot ang usapan nila nang bumukas ang pinto.“Celeste, kailangan na nating umalis,” aniya ni Migs na nakasuot na ng formal suit, mukhang manager na may hawak na artistang ikakasal. “Nasa labas na si boss. Ready na rin ang media crew par
Celeste’s POV“Kailangan mo ba talagang umalis agad?” tanong ni Laxriel habang inaayos ang zipper ng maliit kong suitcase.Napabuntong-hininga ako. “Oo, Lax. Hindi ako puwedeng manatili sa lugar na puro paalala lang ng sakit. Kailangan kong lumayo… kahit sandali lang.”Mula sa labas ng bintana ng kwarto ko, tanaw ko ang unti-unting pagdilim ng langit. Parang sumasabay ang mundo sa nararamdaman ko—malungkot, magulo, walang direksyon.Kaya nang marinig kong muli ang boses ni Migs sa kabilang linya noong isang gabi, offering something that could change everything… I took the bait.“Thirty days. Contract lang. Ikaw pa rin ang may control sa buhay mo,” sabi niya.Pero alam kong hindi iyon totoo. The moment I step inside the Velasquez estate, I’d be stepping into their world—Eliandro’s world.Eliandro’s POV“Are you serious about this?” tanong ko kay Migs habang tinatapik niya ang lamesa ng marahan, tulad ng ginagawa niya kapag may ideyang ‘crazy’ na naman siyang naiisip.“Yes,” diretsong s
Celeste… I’m sorry.”Tatlong salitang ‘yon, pero parang libo-libong kutsilyo ang sabay-sabay na tumusok sa dibdib niya. Humarap siya sa lalaking matagal na niyang pinapangarap makasama habang buhay—si Dominique. Ang lalaking minahal niya nang sobra, higit pa sa sarili niya.Pero ngayong nasa harap niya si Dominique, nakayuko, hawak ang kamay ng matalik niyang kaibigan na si Samara, parang tuluyan nang gumuho ang mundo niya.“Akala ko ba… tayo?” paos niyang tanong, pinipilit huwag lumuha sa harap ng maraming bisita. Ito dapat ang engagement party nila. Dapat ito ‘yong simula ng forever nila.Pero bakit ganito ang ending?“Nagbago ang lahat, Celeste,” sagot ni Dominique. “I'm in love with her. I'm sorry.”Mabilis ang paglalakad ni Samara palapit sa kanya, kunwari may concern sa mukha. “Sorry, Les. Hindi ko rin alam kung kailan ito nagsimula, pero ayokong magsinungaling sa'yo.”Celeste stood frozen. Sa loob ng ilang segundo, pakiramdam niya wala siyang marinig. Wala siyang maramdaman. Wa