“Minsan, sa pinaka-wasak na puso, doon pa pumipili ang pagmamahal.” Akala ni Celeste ay siya na ang pakakasalan ng lalaking minahal niya ng buong puso. Pero sa harap mismo niya, ipinagpalit siya nito sa matalik niyang kaibigan. Masakit. Nakakahiya. Nakakawasak. She lost everything—her love, her trust, and herself. Pero sa gitna ng pagbagsak niya, isang lalaking hindi niya inaasahan ang dumating: Eliandro Velasquez—cold, mysterious, at isang powerful businessman na desperado ring maghanap ng mapapangasawa para sa isang kontratang kailangang masunod. Isang kasunduan. Isang papel. Isang fake marriage for 30 days. Walang puso. Walang damdamin. Walang commitments. Pero paano kung habang tumatagal, hindi na peke ang nararamdaman nila? Dahil minsan, kahit ang pusong akala mong hindi na para mahalin… May nakatakdang magmahal muli.
View MoreCeleste… I’m sorry.”
Tatlong salitang ‘yon, pero parang libo-libong kutsilyo ang sabay-sabay na tumusok sa dibdib niya. Humarap siya sa lalaking matagal na niyang pinapangarap makasama habang buhay—si Dominique. Ang lalaking minahal niya nang sobra, higit pa sa sarili niya. Pero ngayong nasa harap niya si Dominique, nakayuko, hawak ang kamay ng matalik niyang kaibigan na si Samara, parang tuluyan nang gumuho ang mundo niya. “Akala ko ba… tayo?” paos niyang tanong, pinipilit huwag lumuha sa harap ng maraming bisita. Ito dapat ang engagement party nila. Dapat ito ‘yong simula ng forever nila. Pero bakit ganito ang ending? “Nagbago ang lahat, Celeste,” sagot ni Dominique. “I'm in love with her. I'm sorry.” Mabilis ang paglalakad ni Samara palapit sa kanya, kunwari may concern sa mukha. “Sorry, Les. Hindi ko rin alam kung kailan ito nagsimula, pero ayokong magsinungaling sa'yo.” Celeste stood frozen. Sa loob ng ilang segundo, pakiramdam niya wala siyang marinig. Wala siyang maramdaman. Wala siyang ibang makita kundi ang pagkakanulo. “Best friend kita…” bulong niya. “Best friend mo nga ako, pero tao rin akong marunong magmahal,” sambit ni Samara, at saka walang hiya pang hinila si Dominique palayo. Ang mas masakit pa? Wala isa man sa pamilya niya ang dumipensa sa kanya. Wala. Lahat sila parang natahimik. At doon niya napagtanto: she had no one left. “Hayop sila. Lahat sila,” ani Laxriel, habang pilit na pinapakalma si Celeste sa loob ng kotse. “Kung gusto mo, ako na mismo ang sasapak sa kanila.” Celeste chuckled bitterly. “Anong silbi? Tapos na. Ginawa na nila. At ako? Ako ‘yong tanga sa kwento.” “Hindi ka tanga, Les. Niloko ka. Iba ‘yon.” Hindi na siya sumagot. Ang totoo, pagod na siyang magpaliwanag. Pagod na siyang magmahal. At kung totoo mang may pagmamahal pa sa mundong ‘to, hindi na siya karapat-dapat doon. Pero hindi niya alam… isang pares ng mata ang nakamasid sa kanya mula sa di kalayuan. Eliandro Velasquez. Tahimik lang na naka-upo sa VIP section, hawak ang whiskey habang pinagmamasdan ang gulo sa event. Hindi siya invited, pero may rason kung bakit siya naroon. He saw her break. And maybe, just maybe… that was where the deal would begin. Kinabukasan. Tahimik ang buong bahay ni Laxriel. Kung dati’y puno ito ng tawanan nila ni Celeste tuwing magkakasama sila, ngayon, puro bigat ang bumalot sa paligid. Naka-hoodie si Celeste habang nakahiga sa couch. Wala siyang suot na make-up, walang gana kumain, at wala nang lakas para umiyak. Umiikot pa rin sa isip niya ang eksena kagabi—ang mga salita ni Dominique, ang mga tingin ng tao, at ang panlalamig ng mga dating kakampi niya. Hindi na siya umiiyak ngayon. Ubus na siguro ang luha niya. Laxriel sat beside her, dala ang isang tasa ng mainit na tsokolate. “Bes… kahit kaunti lang, try mong uminom. Mainit ‘to, baka kahit papano, mapawi ang lamig sa loob mo.” Celeste took it, pero hindi siya umimik. “Gusto mo bang pag-usapan?” tanong muli ni Laxriel, maingat ang tono. “Wala namang magbabago ‘di ba?” Mahinang boses ni Celeste. “Alam mo bang iniwan ako sa mismong engagement party ko, Lax? Para sa best friend ko.” Lax closed her eyes. “Alam ko. At alam ko rin na ‘di mo ‘yon deserve.” “Siguro kasi… I’m just hard to love,” bulong ni Celeste. “No, Les. Hindi totoo ‘yan. Sila lang ang may problema. You gave your all. You loved him sincerely.” “Exactly. I gave everything… and I was still not enough.” Saglit na katahimikan. “Saan ba ako nagkulang?” tinig ni Celeste na para bang sinasampal ang sarili. “Mabait naman ako, hindi ako nagloko, I supported him kahit anong mangyari. Bakit ganun, Lax?” Lax took her hand. “You didn’t lack anything. But some people are just too blind to see your worth.” Celeste blinked slowly, then looked outside the window. Umuulan. Parang ang langit mismo ang nakikiramay sa kanya. At doon niya naisip—siguro kailangan na talaga niyang umalis. Kailangan niyang lisanin ang lugar kung saan paulit-ulit siyang nasasaktan. Siguro… panahon na para mamuhay sa mundo kung saan wala si Dominique. Wala si Samara. At higit sa lahat… wala na ‘yung dating siya. She needed to disappear—to start over. Samantala, sa kabilang dulo ng siyudad… “Sir, this is the woman you’re talking about?” tanong ng bodyguard ni Eliandro habang hawak ang photo ni Celeste. “Yes,” malamig na sagot ni Eliandro, habang pinagmamasdan ang profile ng babae sa screen. “She looks… broken.” “That’s why she’s perfect.” And just like that… the first move had been made. Tahimik si Celeste habang nakaupo sa harap ng conference table sa opisina ni Eliandro. Nakaipit pa rin ang mga daliri niya sa pagitan ng kanyang palad—parang paraan para pigilan ang sarili na mag-collapse. Kakaibang katahimikan ang bumalot sa silid, pero hindi iyon komportableng silence. Tila ba punô ng mga tanong at hindi sinasabing intensyon. "Eli..." si Migs ang unang bumasag sa katahimikan. "She deserves to know everything." Tumango si Eliandro. Inayos niya ang pagkakaupo niya, hawak ang isang dokumentong parang kanina pa niya iniikot-ikot sa kamay. Pagtingin niya kay Celeste, hindi niya agad sinabi ang mga salitang iniisip niya. Tiningnan niya muna ito—ang mga mata nito, puno ng sakit pero may tibay pa ring naiiwan. "You’re hurting now, Celeste," ani Eliandro, diretsong tumingin sa kaniya. "But I’m not here para i-take advantage of that pain. I’m here because... I need you." Napakunot ang noo ni Celeste. "What?" Nagpalit ng slide si Migs sa projector screen. Isang dokumento ang lumitaw—Last Will and Testament of Don Eladio Velasquez. "Your father... left a condition," ani Migs. "Before he passed away, he made sure na hindi mapupunta sa ibang kamay ang Velasquez empire. Pero may clause sa will—within 30 days after his passing, Eliandro must be married. Kung hindi, mapupunta kay Tito Leandro ang buong kumpanyang pinaghirapan ng pamilya nila." Celeste blinked, stunned. “And what does that have to do with me?” Tahimik na inilapit ni Eli ang dokumentong hawak niya. "Gusto kong ikaw ang pakasalan ko. Sa harap ng batas, sa papel. Thirty days, Celeste. Kontrata lang. Walang komplikasyon. And after that… tapos na." Celeste's jaw dropped. “Are you seriously offering me a contract marriage?” “Hindi kita pipilitin,” Eliandro replied calmly. “Pero kung papayag ka, mapoprotektahan ko ang kumpanya ng pamilya ko. At ikaw... makakabangon ka uli. I can guarantee your safety, financial stability, and freedom. No strings attached.” Naalala ni Celeste ang mga mata ni Dominique habang yakap si Samara. Yung tawa nilang dalawa. Yung mga salitang hindi sinabi pero bumaon sa puso niya. Ang sakit. Ang pagkabigo. Ang pagkakalimutang may halaga pa siya. “Bakit ako?” tanong niya. “Bakit hindi ibang babae? Someone safer? Someone… less broken?” “Because you were there when everything broke down,” sagot ni Eli. “And you didn’t break.” Nagkatitigan silang dalawa. Tahimik. Mabigat. Pero sa loob ng katahimikang iyon, may binhing unti-unting tumutubo. Celeste took a shaky breath. "Give me the contract."Maagang nagising si Celeste kinabukasan — hindi dahil sa alarm clock, kundi dahil sa amoy ng brewed coffee at faint scent ng toasted bread na bumungad sa kanya.For a moment, nakalimutan niya kung nasaan siya. Akala niya nasa dati pa rin siyang condo. Pero nang bumangon siya’t makita ang glass windows at high-ceilinged kitchen sa ibaba, naalala niyang… kasal na nga pala siya.Technically.Hindi pa siya fully nakaayos nang bumaba siya. Suot niya pa rin ang cotton sleepwear na pinahiram sa kanya ni Manang Delia kagabi. Simple pero disente. Pagdating niya sa dining area, bumungad agad si Eliandro — freshly-showered, may suot na polo na bahagyang nakabukas sa bandang leeg, at abala sa pagbabasa ng tablet habang may hawak na tinapay."Morning, Yllana," bati niya na parang araw-araw silang magkasama.“Umaga,” tugon niya, pilit pa ring pinapakalma ang sarili sa new reality.“I made toast and eggs. Tignan mo, kaya ko rin magluto ‘pag tinatamad si Manang Delia,” sabay kindat ni Eli habang inaa
Pagkatapos nilang pumirma sa kontrata, tahimik na lumipas ang ilang minuto. Parang may biglang namuong tension sa hangin — hindi dahil sa kaba, kundi dahil sa bigat ng desisyong kanilang ginawa.“Official na kayo,” ani Migs, sabay tapik sa folder. “Starting today, you’re husband and wife. At least sa papel.”Napatawa nang pilit si Celeste. “Oo nga pala. Congratulations… Mr. Velasquez,” biro niya, kahit medyo nangangapa pa rin ang loob.Ngumiti si Eli. “Congratulations din… Mrs. Velasquez.”May halong biro ang tono, pero hindi nakatakas kay Celeste ang bahagyang paglamlam sa mga mata nito. May tinatago itong lungkot. O baka pagod lang?“May plano na ba tayo para sa living arrangement?” tanong niya, pilit binabago ang usapan.“May bahay akong inihanda. Malapit sa central district pero discreet ang location. Doon ka titira—doon tayo titira habang nasa bisa pa ang kasunduan. Kailangan nating panindigan, kung sakaling may sumubaybay.”“Paninindigan…” she echoed, bahagyang napangiti.“I gue
“Celeste, ready ka na ba?” tanong ni Elizabeth habang inaayos ang belo ni Celeste sa harap ng vanity mirror.Suot niya ang simpleng pero eleganteng puting dress. Walang engrandeng beads o makakapal na laylayan—pero sapat na para maramdaman niyang… ibang tao siya ngayon. Isang babaeng papasok sa isang kasinungalingan na kailangang magmukhang totoo.Huminga siya nang malalim. “Wala namang taong ready sa ganitong kasinungalingan, ‘di ba?”Napangiti si Elizabeth, pero kita sa mga mata niya ang concern. “Minsan kailangan mo lang sumugal para makalayo sa mas masakit.”“Ganon din ba ginawa mo noon?” balik ni Celeste.Hindi sumagot si Elizabeth, pero kitang-kita ang lungkot sa mata niya. “Oo. At minsan, kahit pa masaktan ka sa dulo, may matututunan ka rin.”Naudlot ang usapan nila nang bumukas ang pinto.“Celeste, kailangan na nating umalis,” aniya ni Migs na nakasuot na ng formal suit, mukhang manager na may hawak na artistang ikakasal. “Nasa labas na si boss. Ready na rin ang media crew par
Celeste’s POV“Kailangan mo ba talagang umalis agad?” tanong ni Laxriel habang inaayos ang zipper ng maliit kong suitcase.Napabuntong-hininga ako. “Oo, Lax. Hindi ako puwedeng manatili sa lugar na puro paalala lang ng sakit. Kailangan kong lumayo… kahit sandali lang.”Mula sa labas ng bintana ng kwarto ko, tanaw ko ang unti-unting pagdilim ng langit. Parang sumasabay ang mundo sa nararamdaman ko—malungkot, magulo, walang direksyon.Kaya nang marinig kong muli ang boses ni Migs sa kabilang linya noong isang gabi, offering something that could change everything… I took the bait.“Thirty days. Contract lang. Ikaw pa rin ang may control sa buhay mo,” sabi niya.Pero alam kong hindi iyon totoo. The moment I step inside the Velasquez estate, I’d be stepping into their world—Eliandro’s world.Eliandro’s POV“Are you serious about this?” tanong ko kay Migs habang tinatapik niya ang lamesa ng marahan, tulad ng ginagawa niya kapag may ideyang ‘crazy’ na naman siyang naiisip.“Yes,” diretsong s
Celeste… I’m sorry.”Tatlong salitang ‘yon, pero parang libo-libong kutsilyo ang sabay-sabay na tumusok sa dibdib niya. Humarap siya sa lalaking matagal na niyang pinapangarap makasama habang buhay—si Dominique. Ang lalaking minahal niya nang sobra, higit pa sa sarili niya.Pero ngayong nasa harap niya si Dominique, nakayuko, hawak ang kamay ng matalik niyang kaibigan na si Samara, parang tuluyan nang gumuho ang mundo niya.“Akala ko ba… tayo?” paos niyang tanong, pinipilit huwag lumuha sa harap ng maraming bisita. Ito dapat ang engagement party nila. Dapat ito ‘yong simula ng forever nila.Pero bakit ganito ang ending?“Nagbago ang lahat, Celeste,” sagot ni Dominique. “I'm in love with her. I'm sorry.”Mabilis ang paglalakad ni Samara palapit sa kanya, kunwari may concern sa mukha. “Sorry, Les. Hindi ko rin alam kung kailan ito nagsimula, pero ayokong magsinungaling sa'yo.”Celeste stood frozen. Sa loob ng ilang segundo, pakiramdam niya wala siyang marinig. Wala siyang maramdaman. Wa
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments