author-banner
AbbeyPen
AbbeyPen
Author

AbbeyPenの小説

The Billionaire's Redemption

The Billionaire's Redemption

Para iligtas ang kanyang pamilya sa matinding pagkakautang ay pumayag si Alia na makipagsundo sa 1 year marriage kay Elias Valiente. Si Elias ay isang bilyonaryo na may malaking pangalan sa buong Asia. Kailangan niya ng heir na magpapatuloy sa kanyang pangalan kaya niya inalok si Alia ng kasal. Ang kanilang kontrata ay may mahigpit na patakaran at iyon ay dapat maging perfect husband and wife sila sa mga mata ng publiko. Bukod doon ay kailangan din nilang tuparin ang lahat ng marital duties kabilang ang pagiging intimate sa isa’t-isa. Gayunpaman, ang kasunduan ay mahigpit na nagbabawal sa pagkakaroon ng anumang emosyonal na damdamin para sa isa’t-isa. Ngunit habang tumatagal ay nagsisimulang makita ni Alia ang lamat sa bakal na pader ni Elias. Nakikita niya ang kalungkutan sa mga mata nito at ang lihim na sakit ng nakaraan. Samantala si Elias na nasanay sa pagkontrol ay naguguluhan na din dahil sa pagiging tunay at pagpapasakop ni Alia sa kanya. Kailangan nilang mamili kung susundin ba nila ang napagkasunduan sa kontrata, o harapin ang bawal at mapanganib na katotohanan na sila ay nahuhulog na sa isa’t-isa.
読む
Chapter: Chapter 12: Night of Connection
Buong araw ay nasa isip ni Elias si Alia. Hindi niya mawari ang kanyang sarili kung bakit tila nag-iba na ang kanyang pagtingin sa pekeng asawa. Hindi iyon basta pag-iisip lang kundi isang pakiramdam na nananatili sa kanyang kaibuturan. Dahan-dahang bumabalik sa tuwing tahimik ang paligid at sa bawat sandaling mag-isa siya. Si Alia ang madalas na bumabalot sa isip niya. Ang natural nitong kilos, ang lambing ng boses na may kasamang kumpiyansa, at ang paraan nitong mag buo ng pananabik sa kanya ng hindi niya namamalayan. Nang tuluyan nang bumagal ang gabi ay doon niya hinayaang lamunin siya ng mga iniisip tungkol sa asawa. Siguro ay dahil na din ito sa kanilang legacy na kailangan nilang isagawa. Nakahiga siya sa master bed at nakatulala sa kisame dala ang imahinasyon kasama si Alia. Iniisip niya si Alia na bagong labas ng banyo habang mainit-init pa ang hangin sa paligid at tahimik ang silid. Nakikita niya sa kanyang isip kung paano ito haharap sa kanya ng hindi nagmamadali at kampa
最終更新日: 2026-02-05
Chapter: Chapter 11: Legacy Pressure
Matapos ang matagumpay na media campaign na inilunsad ni Alia gamit ang kanyang masterpiece na "The Burden of Honor," ay pansamantalang naghari ang katahimikan sa Valiente Mansion. Ang portrait ay naging pambansang usapin dahil binago nito ang image ni Elias mula sa isang walang-pusong tycoon tungo sa isang nagsisising lalaki na nalunod sa guilt ng pag-ibig. Ang art ay naging isang sumpa at isang panalangin. Isang sumpa dahil ibinunyag nito ang vulnerability ni Elias, ngunit isang panalangin dahil ito ang nagligtas sa Valiente Corporation mula sa imminent collapse.Si Elias ay hindi na bumalik sa kanyang dating cold na persona. Ang kanyang pag-amin kay Alia tungkol sa pagkamatay ni Laura ay tila isang malaking bato na inalis sa kanyang balikat, ngunit ang bigat ng pagiging responsible sa trahedya ay nanatili. Sa tuwing nagkikita sila ni Alia sa dining table ay wala na ang mga maskara na matagalk na nagtago sa kanilang dalawa. Sa ngayon ay magkasanib na guilt at kakaibang partnership
最終更新日: 2025-11-04
Chapter: Chapter 10: Drawing Hope
Ang art studio sa Valiente Mansion ay naging kanilang kulungan at sanctuary sa loob ng tatlong araw at tatlong gabi. Ang kontrata na kanilang nilagdaan ay pansamantalang nawala dito at ang tanging nag-uugnay sa kanila ngayon ay ang puting canvas na nakatayo sa gitna. Tinanggal ni Elias ang kanyang armor ng pagiging CEO at isinuot ang mask ng isang lalaking sinira ng guilt.Si Elias ay kasalukuyang nakaupo sa isang matanda at lumang leather armchair. Tila siya ay isang nasirang monumento na pilit pa ring nagtatayo ng kanyang sarili. Sa loob ng maraming oras ay nanatili siyang tahimik at ang kanyang katawan ay kalmado, ngunit ang kanyang mga mata ay parang dalawang malalim na balon na puno ng pighati. Ang perpektong muse para sa isang masterpiece ng pagdurusa na nais iguhit ni Alia.Si Alia naman ay ganap na focused at walang-takot ay nagtatrabaho ng walang-tigil. Ang kanyang mga kamay ay gumagalaw ng may awtoridad at bilis. Ang charcoal ay naglalabas ng mga anino ng kasalanan sa canvas
最終更新日: 2025-11-03
Chapter: Chapter 9: Billionaire's Truth
Ang library ng Valiente mansion ay nanatiling tahimik dahil sa mga kasalukuyang nangyayari. Ang bigat ng katotohanan ay mas mabigat pa sa mga mamahaling aklat na nakahanay sa mga shelves na nakadikit sa dingding. Sa isang malaking mahogany table ay nakasalansan ang mga conflicting evidence: Ang lihim na journal ni Laura, ang detalyadong financial reports ng fraud, at ang opisyal na Police Report na nagsasabing ang pagkamatay ay isang solitary vehicular accident. Sa pagitan ng mga documents na ito ay nagkatinginan sina Alia at Elias. Ang kanilang bargain ay naselyuhan ng katotohanan para sa pag-asa.Si Elias ay nakatayo pa at ang kanyang posture ay matigas pa rin, ngunit ang kanyang mga mata ay parang dalawang sugatang animal na nakulong. Si Alia naman ay nakaupo at ang journal ay mahigpit niyang hawak. Sa ngayon ay hindi na siya ang babaeng may utang dahil siya na ang Judge at ang Confessor.“Umupo ka, Elias,” utos ni Alia. Gamit ang kanyang pangalan ng may isang finality na nagpapah
最終更新日: 2025-11-02
Chapter: Chapter 8: Andrea's Attack
Pagkatapos ng pagtuklas ni Alia sa journal ni Laura ay nagbago ang kanyang pakikitungo kay Elias. Hindi na iyon nababalot ng takot kundi ng tunay na galit at matinding pagdududa. Hindi lamang isang simpleng journal ang hawak niya ngayon dahil tila isa itong bomba na inihagis sa gitna ng kanilang contractual marriage. Malaking tulong ang journal na ito sa kung ano ang nais niyang malaman tungkol kay Elias at Laura, maging ang dahilan sa pagbabalik ni Andrea.Bawat pahina ng journal ay nagpapahiwatig na si Elias ay hindi lamang nagtatago ng isang masakit na alaala, kundi isang posibleng krimen na ginagamit ang kanyang buhay at ang buhay ng kanyang magiging anak bilang shield sa publiko. Ang bawat haplos at halik ni Elias ay naging kasangkapan upang panatilihin siyang tahimik. Ito ay hindi upang ipahayag ang kanyang damdamin. Sa mata ni Alia, si Elias ay isang lalaking nag-aalab sa guilt at kapangyarihan at kailangan niyang makawala sa kahit na anong paraan.Ang bigat ng impormasyong dal
最終更新日: 2025-11-01
Chapter: Chapter 7: The Past
Hindi nagising si Alia dahil sa ingay, kundi dahil sa bigat ng alaala ng nakaraang gabi. Ang silid niya ay tahimik at naliligo sa sinag ng umaga ngunit ang kanyang isip ay maingay at tila naliligalig. Pakiramdam niya ay hindi pa nawawala sa kanyang balat ang init ng pagdikit ni Elias sa kanya habang nagsasayaw sa dance floor. Ang pagnanasa na hindi niya mapigilan nang oras na iyon at ang nag-aalab na banta ng mainit na hininga ni Elias sa kanyang tainga. Ngunit ang pinakamabigat sa lahat ng kanyang nararamdaman ngayon ay ang sulyap ng babaeng nakaitim, si Andrea na dumagdag sa bagabag ng kanyang puso.Batid ni Alia sa kanyang sarili na hindi siya nagkamali. Dama niya ang galit sa mga mata ni Andrea ay totoo. Madilim man ang kinaroroonan niya nung panahong iyon ngunit batid ni Alia na totoo ang kanyang nakita. Ang mabilis na pagkawala ni Andrea sa kanyang paningin ay tila nagpapatunay lamang sa kanyang matagal na hinala. Si Elias ay may itinatagong malaking lihim tungkol sa kanyang nak
最終更新日: 2025-10-30
あなたも気に入るかもしれません
Debt Repayment (Tagalog)
Debt Repayment (Tagalog)
Romance · AtengKadiwa
99.7K ビュー
The Billionaire's Sweet Psycho
The Billionaire's Sweet Psycho
Romance · Pennieee
97.9K ビュー
Accidentally Got Pregnant By The Boss
Accidentally Got Pregnant By The Boss
Romance · incomparablepenumb
97.4K ビュー
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status