Share

Chapter 7: The Past

Author: AbbeyPen
last update Last Updated: 2025-10-30 23:29:12

Hindi nagising si Alia dahil sa ingay, kundi dahil sa bigat ng alaala ng nakaraang gabi. Ang silid niya ay tahimik at naliligo sa sinag ng umaga ngunit ang kanyang isip ay maingay at tila naliligalig. Pakiramdam niya ay hindi pa nawawala sa kanyang balat ang init ng pagdikit ni Elias sa kanya habang nagsasayaw sa dance floor. Ang pagnanasa na hindi niya mapigilan nang oras na iyon at ang nag-aalab na banta ng mainit na hininga ni Elias sa kanyang tainga. Ngunit ang pinakamabigat sa lahat ng kanyang nararamdaman ngayon ay ang sulyap ng babaeng nakaitim, si Andrea na dumagdag sa bagabag ng kanyang puso.

Batid ni Alia sa kanyang sarili na hindi siya nagkamali. Dama niya ang galit sa mga mata ni Andrea ay totoo. Madilim man ang kinaroroonan niya nung panahong iyon ngunit batid ni Alia na totoo ang kanyang nakita. Ang mabilis na pagkawala ni Andrea sa kanyang paningin ay tila nagpapatunay lamang sa kanyang matagal na hinala. Si Elias ay may itinatagong malaking lihim tungkol sa kanyang nakaraan. Malakas ang pakiramdam ni Alia na ang lihim na iyon ay may koneksyon sa trahedya ni Laura at Andrea.

Nang bumangon si Elias ay kalmado na muli ang kanyang pag-iisip. Ang kakaibang sensasyon ng emosyon na sumabog sa kanyang sarili habang nagsasayaw ay isa na lamang panaginip ngayon. Nagsusuot siya ng robe at ang kanyang mukha ay maihahalintulad na naman sa marble dahil ito ay malinis at walang bahid ng pag-aalala. 

Kasalukuyang nag-aayos si Alia sa harap ng kanyang vanity ng tumayo si Elias. Magkatabi silang natulog nung gabi ng ball kaya magkasama sila ngayon sa silid. 

“Ang pagdalo mo kagabi ay nakatulong sa board,” malamig na pahayag ni Elias, habang nag-aayos ng kanyang robe. 

“Ang image ng ating pagmamahalan ay matibay, Alia. Ngayon naman ay maghanda ka dahil may meeting tayo sa hapon kasama ang ilang investors.”

“Bakit po kayo nag-alala nang makita ko siya, Elias?” tanong ni Alia. Ang kanyang boses ay mahina ngunit may bakas ng hamon. Hindi niya pinansin ang bilin ni Elias sa halip ay binago niya ang takbo ng usapan. 

Napahinto si Elias sa kanyang ginagawa. Ang kanyang mga kamay ay nanigas habang hawak ang tali ng kanyang robe. Dahan-dahan siyang lumingon kay Alia at ang kanyang mga mata ay nagliliyab sa apoy na hindi kayang patayin ninuman. 

“Wala kang nakita, Alia!” mariin niyang sagot at binigyang-diin nito ang bawat pantig. 

“Umalis si Andrea sa bansa matapos ang aksidente at wala siyang intensiyong bumalik. Ang tanging dapat mong alalahanin ngayon ay ang ating obligasyon. Huwag mong hayaang ang mga ghost ang magdikta ng ating future.”

“Ang mga ghost ay nagiging real kung patuloy na ikinulong ang katotohanan, Elias. Ang nursery room, ang peklat sa iyong mukha, at ngayon naman ay ang pagbabalik ni Andrea. Hindi pa ba iyon sapat na sign upang harapin mo kung anuman ang nangyari sa iyong nakaraan?”

Naglakad si Elias patungo sa kanya at tila ang kanyang naghihimagsik na puso ay bumalot sa pagkatao ni Alia. 

“Huwag mong subukang baliktarin ang sitwasyon, Alia. Ikaw ay inupahan upang tumulong sa akin at hindi upang magtanong. Ang iyong kalayaan ay bayad na. Magtrabaho ka sa piling ko ng tahimik at hayaan mo akong ayusin ang lahat.”

Ang threat ni Elias ay malinaw ngunit sa puntong iyon ay alam ni Alia na ang paghahanap ng katotohanan ay hindi na tungkol sa pera o utang. Ito ay tungkol sa kanyang karangalan at ang lihim na nagpapabigat sa lalaking pinakasalan niya. Minabuti na lamang niyang hindi magsalita at lumabas na din ng silid si Elias dala ang mabibigat nitong hakbang. 

Simula noon, si Alia ay naging mas observant at naging palakaibigan sa mga staff ni Elias. Alam niya na ang pinakamahusay na clues ay nagmumula sa mga taong matagal ng naninilbihan at nakakita ng lahat sa loob ng mansion. Ang kanyang target ay si Manang Elena, ang head housekeeper na nasa Valiente mansion sa loob ng tatlumpung taon. Si Manang Elena ay may malambot na puso at tinatrato niya si Alia ng may paggalang, hindi tulad ng ibang mga staff na hanggang ngayon ay lihim na humahatol sa kanyang pagkatao.

Isang hapon, habang mag-isa si Manang Elena sa utility room ay nilapitan siya ni Alia dala ang dalawang tasa ng kape. Sa isip niya ay ito na ang pagkakataon na kanyang hinihintay upang makausap ang head housekeeper. 

“Manang Elena halika at magkape tayo,” anyaya ni Alia sa medyo nagulat na housekeeper. 

“Gusto ko lang po magpasalamat sayo. Ang lahat po dito sa mansion ay perpekto dahil sa pangangalaga nyo,” simula ni Alia at umupo sa tabi niya. Hindi niya nais banggitin ang ngalan ni Elias o ang tungkol sa kanilang kontrata.

“Naku, napakabuti mo naman hija. Hindi ka tulad ni— ng iba,” mahinang bulong ni Manang Elena at maingat na tiningnan ang paligid.

“Gusto ko lang po sana magtanong, Manang. Tungkol po kay Ma’am Laura,” patuloy ni Alia habang pinanatili ang kanyang boses na maingat at mababaw lamang. 

“Mahal na mahal po ba niya si Elias?” nagsisiguradong tanong niya sa housekeeper. 

Napatigil si Manang Elena sa paghigop ng kanyang kape. Ibinaba niya ang hawak na tasa at tiningnan si Alia nang may pangamba at habag. 

“Base sa mga nakikita at naririnig ko ay masyadong komplikado ang pag-iibigan nilang dalawa. Mahal ni Mam Laura si Sir Elias ngunit hindi madali ang lahat para sa kanya. Gusto niyang mag-focus sa pagiging artist ngunit hindi niya iyon magawa dahil sa pressure ng pagkakaroon nila ng anak at ng pagiging Mrs. Valiente.” 

"Tila batid ko kung anong pinagdaanan ni Laura. Matanong ko lang din po Manang Elena kung anong katotohanan sa aksidente ni Laura?" tanong ni Alia.  

Hindi na niya napigilan ang sarili na tanungin ang tungkol doon lalo at alam nya na nasa tamang pagkakataon siya. Ang kanyang puso ay kumakabog ng napakabilis ngayon. Idagdag pa na pabulong lang sila kung mag-usap ni Manang Elena ngayon. 

Biglang nanigas si Manang Elena sa kanyang tanong. Tumingin siya sa pinto at sinigurong walang nakakarinig sa kanilang dalawa. 

“May mga bagay hija na mas mabuting kalimutan at wag ng alalahanin pa. Ang katotohanan ay mas masakit pa sa sugat kapag naungkat. Ang alam ko lang ay nagbabalak si Mam Laura na umalis bago nangyari ang aksidente.”

Sa ngayon ay si Alia naman ang tila nagulantang sa kanyang narinig. Bago sa kanya ang impormasyon na iyon at hindi niya akalain na iyon ang kanyang malalaman. 

“Umalis? Bakit po? Saan po siya pupunta?”

“Nagsimula siyang magbenta ng kanyang mga antique at nagtago ng pera sa isang secret fund,” pagtatapat ni Manang Elena, ang kanyang boses ay tila isang bulong ng konsensiya. 

“Ang alam ko ay  mayroon din siyang maliit na kwaderno kung saan siya nagsusulat ng kanyang personal journal ngunit hindi ko na iyon nakita pagkatapos ng nangyaring trahedya.”

“May alam po ba kayo tungkol kay Andrea? Ang kapatid po ni Ma’am Laura?”

“Si Andrea! Malapit sila ni Ma’am Laura dahil dalawa lang silang magkapatid.” tugon ni Manang Elena at naging mas mapait ang kanyang mukha. Tila ba ipinapahiwatig niya na hindi maganda ang dulot ni Andrea sa kung anuman ang kanilang pinag-uusapan. 

“Pero si Andrea ay hindi tulad ni Ma’am Laura. Siya ay mapaghiganti at walang-takot kaninuman. Pagkatapos ng aksidente ay sinisi niya si Sir Elias at ang buong pamilya Valiente sa nangyaring trahedya kay Mam Laura. Umalis siya at nangako na babawiin niya ang lahat.”

Mabilis na pinunasan ni Manang Elena ang kanyang mga kamay matapos sagutin ang tanong ni Alia. 

“Tama na ito, hija at masyadong mapanganib ang mga tanong mo. Huwag mong hayaan ang sarili mo na madawit sa kung ano man ang nakaraan ni Sir Elias. Hindi ka Valiente kaya protektahan mo ang iyong sarili.” bilin sa kanya ng housekeeper at nagmamadali na siyang iniwan nito. 

Kinagabihan, ang tensyon sa dining room ay tila isang pisikal na pader na naman sa pagitan nina Alia at Elias. Nagsimulang magtanong si Elias tungkol sa pag-usad ng portrait ni Alia. Tila ba pilit na ibinabalik ang kanilang relasyon sa professional na panuntunan.

“Ang portrait ay malapit na matapos,” sagot ni Alia. Ang kanyang boses ay walang emosyon na para bang nahawa siya sa kung anong madalas na ginagawa ni Elias. 

“Ang guilt na ipininta ko sa inyong mga mata ay mas malalim na kaysa sa orihinal na subject.” dugtong niya. 

Nanigas si Elias sa kanyang narinig. Hindi niya maintindihan kung bakit nagkakagan

“Huwag mong subukang gamitin ang sining upang manipulahin ako, Alia. Simple lang ang iyong duty at ilang beses ko ba sasabihin sayo na manatili ka sa kung ano lang ang script ng ating relasyon. Ang ating brand ay katatagan.”

“Ang katatagan ba ay nangangahulugan ng pagtago ng katotohanan, Elias?” diretsong tanong ni Alia at tinitigan siya sa mata. 

“Kung ang pundasyon ng Valiente ay kasinungalingan, hindi ito magiging matatag. Sa huli, ang lihim ang magpapabagsak sa iyo at hindi ang inyong mga competitor.”

“Ano ang alam mo tungkol sa aking mga lihim?” mariing tanong ni Elias at ang kanyang tinig ay tumaas nang bahagya na hindi niya karaniwang ginagawa.

“Alam ko na may mga tao na nagbabalak umalis bago ang aksidente,” matapang na sagot ni Alia. 

“Alam ko na may isang kwaderno na naglalaman ng katotohanan. Alam ko na si Andrea ay nagbabalik. At alam ko na mas natatakot kayo sa pagmamahal na hindi ninyo naprotektahan kaysa sa anumang pagkalugi sa negosyo.”

Tumayo si Elias at ang kanyang mga mata ay tuluyan ng nagbaga. 

“Hindi mo dapat kinalikot ang nakaraan, Alia. Hindi mo alam kung anong banta ang hinaharap mo. Ipinapangako ko sa iyo na ako ang maglilinis ng gusot na ito, at walang sinuman ang makakasira sa plano ko.”

Iniwan niya si Alia na nakaupo habang ang kanyang puso ay kumakabog dahil  sa halo-halong emosyon. Alam niya na ang susunod na hakbang niya ay magiging mapanganib, ngunit wala na siyang choice.

Nang sumapit ang gabi ay naghihintay si Alia na makatulog si Elias. Habang naghihintay ay nag-iisip siya.

“Saan posibleng itatago ni Laura ang isang bagay na personal sa kanya at sensitibo?”

Ang sagot ay tila nag-flash sa kanyang isip. Isa sa pinakamalapit at pinaka-ligtas na lugar na mahalaga kay Laura ay ang kanyang art gallery na naging sanctuary nila pareho.

Naglakad siya nang tahimik sa madilim na pasilyo patungo sa lumang art gallery. Ginamit niya ang velvet key na ibinigay ni Elias. Ang amoy ng old paint at varnish ay sumalubong sa kanya.

Sinimulan niyang hanapin ang maliit na kwaderno. Tiningnan niya ang mga old desks, ang drawers, at ang mga storage racks ngunit wala siyang nakita.

Nang mapatingin siya sa isang malaking marble pedestal na dating pinaglalagyan ng sculpture ni Laura ay may napansin siyang dimple sa tabi ng pedestal na hindi akma sa design. Inabot niya ang dimple at pinindot ito.

May narinig siyang soft click at ang pedestal ay umiikot ng bahagya. Naglantad iyon ng isang maliit at  madilim na compartment na sapat lang ang laki para sa isang maliit na bagay.

Sa loob nito ay nakita niya ang isang maliit at itim na leather-bound notebook. Nakatali iyon ng isang ribbon na kupas na. Ang kanyang mga kamay ay nanginginig habang inilabas niya ito. Tama ang kanyang hinala dahil ito ang personal journal ni Laura.

Binuksan niya ang huling mga pahina. Ang sulat-kamay ni Laura ay elegant ngunit nagmamadali, tila may naghahabol sa kanya.

Hulyo 12. Hindi ko na kaya ang lamig ng mundong ito. Sabi niya, para sa business. Ngunit ang pag-ibig ay hindi contractual, Elias. Aalis ako, kasama ang bata. Kukunin ko ang legacy na para sa akin. Hindi niya malalaman.

Hulyo 15. Natuklasan niya ang aking plano at nagalit siya. Tinawagan ko si Andrea. Sinabi ko sa kanya na kapag may nangyari sa akin ay hanapin niya ang aking kwaderno. Hindi niya ako hahayaang umalis ng payapa. Ang aksidente ay hindi…

Doon na naputol ang sulat. Ang ink ay nagdikit sa papel, tila biglang natigil ang pagsulat ni Laura. Ang huling salita ni Laura na hindi ay nanatiling nakabitin sa hangin. Hindi aksidente.

Naramdaman ni Alia na nanlamig siya. Ang lahat ng guilt ni Elias, ang coldness niya, at ang pagtatago niya. Ang lahat ng ito ay may mas malalim at mas madilim na dahilan. Si Laura ay hindi lang namatay dahil siya ay pinigilan na umalis. At si Elias, alam niya ang buong katotohanan tungkol doon.

Ang pagbabalik ni Andrea ay hindi lang threat sa image ni Elias. Ito ay isang threat na maglalabas ng lihim na krimen na kailangan ni Elias na itago gamit ang kanilang kontrata at ang pag-angkin niya kay Alia at sa kanilang magiging anak.

Dinala ni Alia ang Kwaderno at umakyat sa hagdan. Ang kanyang pagtapak ay magaan, ngunit ang kanyang kaluluwa ay nabibigatan ng bagong kaalaman na natuklasan. Alam niya na ang pagpapakasal niya kay Elias ay hindi lang contractual marriage, kundi pagiging pawn sa isang mapanganib na laban.

Kailangan niyang malaman ang buong katotohanan bago maging huli ang lahat. Ganun din bago siya at ang kanyang anak ay tuluyang mabaon sa dilim ng Valiente.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire's Redemption   Chapter 11: Legacy Pressure

    Matapos ang matagumpay na media campaign na inilunsad ni Alia gamit ang kanyang masterpiece na "The Burden of Honor," ay pansamantalang naghari ang katahimikan sa Valiente Mansion. Ang portrait ay naging pambansang usapin dahil binago nito ang image ni Elias mula sa isang walang-pusong tycoon tungo sa isang nagsisising lalaki na nalunod sa guilt ng pag-ibig. Ang art ay naging isang sumpa at isang panalangin. Isang sumpa dahil ibinunyag nito ang vulnerability ni Elias, ngunit isang panalangin dahil ito ang nagligtas sa Valiente Corporation mula sa imminent collapse.Si Elias ay hindi na bumalik sa kanyang dating cold na persona. Ang kanyang pag-amin kay Alia tungkol sa pagkamatay ni Laura ay tila isang malaking bato na inalis sa kanyang balikat, ngunit ang bigat ng pagiging responsible sa trahedya ay nanatili. Sa tuwing nagkikita sila ni Alia sa dining table ay wala na ang mga maskara na matagalk na nagtago sa kanilang dalawa. Sa ngayon ay magkasanib na guilt at kakaibang partnership

  • The Billionaire's Redemption   Chapter 10: Drawing Hope

    Ang art studio sa Valiente Mansion ay naging kanilang kulungan at sanctuary sa loob ng tatlong araw at tatlong gabi. Ang kontrata na kanilang nilagdaan ay pansamantalang nawala dito at ang tanging nag-uugnay sa kanila ngayon ay ang puting canvas na nakatayo sa gitna. Tinanggal ni Elias ang kanyang armor ng pagiging CEO at isinuot ang mask ng isang lalaking sinira ng guilt.Si Elias ay kasalukuyang nakaupo sa isang matanda at lumang leather armchair. Tila siya ay isang nasirang monumento na pilit pa ring nagtatayo ng kanyang sarili. Sa loob ng maraming oras ay nanatili siyang tahimik at ang kanyang katawan ay kalmado, ngunit ang kanyang mga mata ay parang dalawang malalim na balon na puno ng pighati. Ang perpektong muse para sa isang masterpiece ng pagdurusa na nais iguhit ni Alia.Si Alia naman ay ganap na focused at walang-takot ay nagtatrabaho ng walang-tigil. Ang kanyang mga kamay ay gumagalaw ng may awtoridad at bilis. Ang charcoal ay naglalabas ng mga anino ng kasalanan sa canvas

  • The Billionaire's Redemption   Chapter 9: Billionaire's Truth

    Ang library ng Valiente mansion ay nanatiling tahimik dahil sa mga kasalukuyang nangyayari. Ang bigat ng katotohanan ay mas mabigat pa sa mga mamahaling aklat na nakahanay sa mga shelves na nakadikit sa dingding. Sa isang malaking mahogany table ay nakasalansan ang mga conflicting evidence: Ang lihim na journal ni Laura, ang detalyadong financial reports ng fraud, at ang opisyal na Police Report na nagsasabing ang pagkamatay ay isang solitary vehicular accident. Sa pagitan ng mga documents na ito ay nagkatinginan sina Alia at Elias. Ang kanilang bargain ay naselyuhan ng katotohanan para sa pag-asa.Si Elias ay nakatayo pa at ang kanyang posture ay matigas pa rin, ngunit ang kanyang mga mata ay parang dalawang sugatang animal na nakulong. Si Alia naman ay nakaupo at ang journal ay mahigpit niyang hawak. Sa ngayon ay hindi na siya ang babaeng may utang dahil siya na ang Judge at ang Confessor.“Umupo ka, Elias,” utos ni Alia. Gamit ang kanyang pangalan ng may isang finality na nagpapah

  • The Billionaire's Redemption   Chapter 8: Andrea's Attack

    Pagkatapos ng pagtuklas ni Alia sa journal ni Laura ay nagbago ang kanyang pakikitungo kay Elias. Hindi na iyon nababalot ng takot kundi ng tunay na galit at matinding pagdududa. Hindi lamang isang simpleng journal ang hawak niya ngayon dahil tila isa itong bomba na inihagis sa gitna ng kanilang contractual marriage. Malaking tulong ang journal na ito sa kung ano ang nais niyang malaman tungkol kay Elias at Laura, maging ang dahilan sa pagbabalik ni Andrea.Bawat pahina ng journal ay nagpapahiwatig na si Elias ay hindi lamang nagtatago ng isang masakit na alaala, kundi isang posibleng krimen na ginagamit ang kanyang buhay at ang buhay ng kanyang magiging anak bilang shield sa publiko. Ang bawat haplos at halik ni Elias ay naging kasangkapan upang panatilihin siyang tahimik. Ito ay hindi upang ipahayag ang kanyang damdamin. Sa mata ni Alia, si Elias ay isang lalaking nag-aalab sa guilt at kapangyarihan at kailangan niyang makawala sa kahit na anong paraan.Ang bigat ng impormasyong dal

  • The Billionaire's Redemption   Chapter 7: The Past

    Hindi nagising si Alia dahil sa ingay, kundi dahil sa bigat ng alaala ng nakaraang gabi. Ang silid niya ay tahimik at naliligo sa sinag ng umaga ngunit ang kanyang isip ay maingay at tila naliligalig. Pakiramdam niya ay hindi pa nawawala sa kanyang balat ang init ng pagdikit ni Elias sa kanya habang nagsasayaw sa dance floor. Ang pagnanasa na hindi niya mapigilan nang oras na iyon at ang nag-aalab na banta ng mainit na hininga ni Elias sa kanyang tainga. Ngunit ang pinakamabigat sa lahat ng kanyang nararamdaman ngayon ay ang sulyap ng babaeng nakaitim, si Andrea na dumagdag sa bagabag ng kanyang puso.Batid ni Alia sa kanyang sarili na hindi siya nagkamali. Dama niya ang galit sa mga mata ni Andrea ay totoo. Madilim man ang kinaroroonan niya nung panahong iyon ngunit batid ni Alia na totoo ang kanyang nakita. Ang mabilis na pagkawala ni Andrea sa kanyang paningin ay tila nagpapatunay lamang sa kanyang matagal na hinala. Si Elias ay may itinatagong malaking lihim tungkol sa kanyang nak

  • The Billionaire's Redemption   Chapter 6: Valiente Ball

    Bahagyang napapalunok ng laway si Alia dahil kasalukuyang nasa harapan niya ang bilyonarong asawa sa papel. Ang art session nilang dalawa ni Elias ay kanilang ginagawa ngayon. Ang serye ng art sessions na iyon ay nagbigay ng kakaibang experience para kay Alia. Para sa kanya ang art session nila ay naging isang pormalisadong arena para sa kanilang psychological warfare. Tatlong beses sa isang linggo nila ginagawa ang session. Tanging ang tunog lamang ng paghampas ng brush ni Alia sa canvas at ang maingat na paghinga ni Elias ang pumupuno sa dating art gallery ni Laura. Si Alia ay gumagamit ng kulay at texture upang magtanong samantalang si Elias naman ay gumagamit ng kanyang kapangyarihan at katahimikan upang magtago.Sa loob ng maraming oras ay tinititigan ni Alia ang bawat detalye ng mukha ni Elias. Hinahanap niya ang tunay na pagkatao nito sa likod ng perpektong maskara. Ngayon lamang niya napansin na may peklat sa gilid ng kaliwang mata si Elias. Hindi iyon kasing-haba ng daliri

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status