Home / Romance / The Billionaire's Redemption / Chapter 11: Legacy Pressure

Share

Chapter 11: Legacy Pressure

Author: AbbeyPen
last update Last Updated: 2025-11-04 23:32:09

Matapos ang matagumpay na media campaign na inilunsad ni Alia gamit ang kanyang masterpiece na "The Burden of Honor," ay pansamantalang naghari ang katahimikan sa Valiente Mansion. Ang portrait ay naging pambansang usapin dahil binago nito ang image ni Elias mula sa isang walang-pusong tycoon tungo sa isang nagsisising lalaki na nalunod sa guilt ng pag-ibig.

Ang art ay naging isang sumpa at isang panalangin. Isang sumpa dahil ibinunyag nito ang vulnerability ni Elias, ngunit isang panalangin dahil ito ang nagligtas sa Valiente Corporation mula sa imminent collapse.

Si Elias ay hindi na bumalik sa kanyang dating cold na persona. Ang kanyang pag-amin kay Alia tungkol sa pagkamatay ni Laura ay tila isang malaking bato na inalis sa kanyang balikat, ngunit ang bigat ng pagiging responsible sa trahedya ay nanatili. Sa tuwing nagkikita sila ni Alia sa dining table ay wala na ang mga maskara na matagalk na nagtago sa kanilang dalawa. Sa ngayon ay magkasanib na guilt at kakaibang partnership
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Billionaire's Redemption   Chapter 11: Legacy Pressure

    Matapos ang matagumpay na media campaign na inilunsad ni Alia gamit ang kanyang masterpiece na "The Burden of Honor," ay pansamantalang naghari ang katahimikan sa Valiente Mansion. Ang portrait ay naging pambansang usapin dahil binago nito ang image ni Elias mula sa isang walang-pusong tycoon tungo sa isang nagsisising lalaki na nalunod sa guilt ng pag-ibig. Ang art ay naging isang sumpa at isang panalangin. Isang sumpa dahil ibinunyag nito ang vulnerability ni Elias, ngunit isang panalangin dahil ito ang nagligtas sa Valiente Corporation mula sa imminent collapse.Si Elias ay hindi na bumalik sa kanyang dating cold na persona. Ang kanyang pag-amin kay Alia tungkol sa pagkamatay ni Laura ay tila isang malaking bato na inalis sa kanyang balikat, ngunit ang bigat ng pagiging responsible sa trahedya ay nanatili. Sa tuwing nagkikita sila ni Alia sa dining table ay wala na ang mga maskara na matagalk na nagtago sa kanilang dalawa. Sa ngayon ay magkasanib na guilt at kakaibang partnership

  • The Billionaire's Redemption   Chapter 10: Drawing Hope

    Ang art studio sa Valiente Mansion ay naging kanilang kulungan at sanctuary sa loob ng tatlong araw at tatlong gabi. Ang kontrata na kanilang nilagdaan ay pansamantalang nawala dito at ang tanging nag-uugnay sa kanila ngayon ay ang puting canvas na nakatayo sa gitna. Tinanggal ni Elias ang kanyang armor ng pagiging CEO at isinuot ang mask ng isang lalaking sinira ng guilt.Si Elias ay kasalukuyang nakaupo sa isang matanda at lumang leather armchair. Tila siya ay isang nasirang monumento na pilit pa ring nagtatayo ng kanyang sarili. Sa loob ng maraming oras ay nanatili siyang tahimik at ang kanyang katawan ay kalmado, ngunit ang kanyang mga mata ay parang dalawang malalim na balon na puno ng pighati. Ang perpektong muse para sa isang masterpiece ng pagdurusa na nais iguhit ni Alia.Si Alia naman ay ganap na focused at walang-takot ay nagtatrabaho ng walang-tigil. Ang kanyang mga kamay ay gumagalaw ng may awtoridad at bilis. Ang charcoal ay naglalabas ng mga anino ng kasalanan sa canvas

  • The Billionaire's Redemption   Chapter 9: Billionaire's Truth

    Ang library ng Valiente mansion ay nanatiling tahimik dahil sa mga kasalukuyang nangyayari. Ang bigat ng katotohanan ay mas mabigat pa sa mga mamahaling aklat na nakahanay sa mga shelves na nakadikit sa dingding. Sa isang malaking mahogany table ay nakasalansan ang mga conflicting evidence: Ang lihim na journal ni Laura, ang detalyadong financial reports ng fraud, at ang opisyal na Police Report na nagsasabing ang pagkamatay ay isang solitary vehicular accident. Sa pagitan ng mga documents na ito ay nagkatinginan sina Alia at Elias. Ang kanilang bargain ay naselyuhan ng katotohanan para sa pag-asa.Si Elias ay nakatayo pa at ang kanyang posture ay matigas pa rin, ngunit ang kanyang mga mata ay parang dalawang sugatang animal na nakulong. Si Alia naman ay nakaupo at ang journal ay mahigpit niyang hawak. Sa ngayon ay hindi na siya ang babaeng may utang dahil siya na ang Judge at ang Confessor.“Umupo ka, Elias,” utos ni Alia. Gamit ang kanyang pangalan ng may isang finality na nagpapah

  • The Billionaire's Redemption   Chapter 8: Andrea's Attack

    Pagkatapos ng pagtuklas ni Alia sa journal ni Laura ay nagbago ang kanyang pakikitungo kay Elias. Hindi na iyon nababalot ng takot kundi ng tunay na galit at matinding pagdududa. Hindi lamang isang simpleng journal ang hawak niya ngayon dahil tila isa itong bomba na inihagis sa gitna ng kanilang contractual marriage. Malaking tulong ang journal na ito sa kung ano ang nais niyang malaman tungkol kay Elias at Laura, maging ang dahilan sa pagbabalik ni Andrea.Bawat pahina ng journal ay nagpapahiwatig na si Elias ay hindi lamang nagtatago ng isang masakit na alaala, kundi isang posibleng krimen na ginagamit ang kanyang buhay at ang buhay ng kanyang magiging anak bilang shield sa publiko. Ang bawat haplos at halik ni Elias ay naging kasangkapan upang panatilihin siyang tahimik. Ito ay hindi upang ipahayag ang kanyang damdamin. Sa mata ni Alia, si Elias ay isang lalaking nag-aalab sa guilt at kapangyarihan at kailangan niyang makawala sa kahit na anong paraan.Ang bigat ng impormasyong dal

  • The Billionaire's Redemption   Chapter 7: The Past

    Hindi nagising si Alia dahil sa ingay, kundi dahil sa bigat ng alaala ng nakaraang gabi. Ang silid niya ay tahimik at naliligo sa sinag ng umaga ngunit ang kanyang isip ay maingay at tila naliligalig. Pakiramdam niya ay hindi pa nawawala sa kanyang balat ang init ng pagdikit ni Elias sa kanya habang nagsasayaw sa dance floor. Ang pagnanasa na hindi niya mapigilan nang oras na iyon at ang nag-aalab na banta ng mainit na hininga ni Elias sa kanyang tainga. Ngunit ang pinakamabigat sa lahat ng kanyang nararamdaman ngayon ay ang sulyap ng babaeng nakaitim, si Andrea na dumagdag sa bagabag ng kanyang puso.Batid ni Alia sa kanyang sarili na hindi siya nagkamali. Dama niya ang galit sa mga mata ni Andrea ay totoo. Madilim man ang kinaroroonan niya nung panahong iyon ngunit batid ni Alia na totoo ang kanyang nakita. Ang mabilis na pagkawala ni Andrea sa kanyang paningin ay tila nagpapatunay lamang sa kanyang matagal na hinala. Si Elias ay may itinatagong malaking lihim tungkol sa kanyang nak

  • The Billionaire's Redemption   Chapter 6: Valiente Ball

    Bahagyang napapalunok ng laway si Alia dahil kasalukuyang nasa harapan niya ang bilyonarong asawa sa papel. Ang art session nilang dalawa ni Elias ay kanilang ginagawa ngayon. Ang serye ng art sessions na iyon ay nagbigay ng kakaibang experience para kay Alia. Para sa kanya ang art session nila ay naging isang pormalisadong arena para sa kanilang psychological warfare. Tatlong beses sa isang linggo nila ginagawa ang session. Tanging ang tunog lamang ng paghampas ng brush ni Alia sa canvas at ang maingat na paghinga ni Elias ang pumupuno sa dating art gallery ni Laura. Si Alia ay gumagamit ng kulay at texture upang magtanong samantalang si Elias naman ay gumagamit ng kanyang kapangyarihan at katahimikan upang magtago.Sa loob ng maraming oras ay tinititigan ni Alia ang bawat detalye ng mukha ni Elias. Hinahanap niya ang tunay na pagkatao nito sa likod ng perpektong maskara. Ngayon lamang niya napansin na may peklat sa gilid ng kaliwang mata si Elias. Hindi iyon kasing-haba ng daliri

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status