Chapter: Chapter 5Apat na araw na ako dito, at apat na araw ko na rin hindi nakikita ang lalaki. Pagtapos ng pag-uusap naming ‘yon, hindi ko na siya nakikita dito sa penthouse niya. Ang lagi ko lang kasama ay ang nagkalat na iilang tauhan raw nito. At ang madalas ko lang nakakausap ay si Manang Esther at si Mat-Mat—sinabi ko kay Matheo na ‘yun na ang tawag ko sa kaniya ngayon. Halata sa mukha niya ang pag-aalangan at pagkadisgusto sa pangalang ginawa ko, pero wala siyang magagawa. Nakuwento rin sa ‘kin ni Manang na ako pa lang daw ang babaeng nadala ng lalaki dito. Na ako raw ang first girlfriend ng apo niya. Kung bakit ba naman sinabi ng lalaking ‘yon na nobya niya ako. Nalaman ko rin kay Mat-Mat na kaya pala dinukot ako dahil napagkamalan akong girlfriend ng lalaki. “Mat-Mat,” tawag ko ulit sa kaniya. “Ano bang trabaho ng Boss mo na ’yan? Bakit parang lahat ng tao niya may baril? Hindi naman kayo mukhang pulis at sundalo.” Tumikhim muna ito bago sumagot, nagaalangan.. “Ma’am… hindi ko po talag
Last Updated: 2025-08-21
Chapter: Chapter 4Nagmulat ako ng mata nang maramdamang parang may nakatitig sa ‘kin. Bumungad agad ang isang lalaking nakatayo malapit sa may pinto, kaya napabalikwas ako ng bangon. Pero agad din akong napahiga muli nang maramdaman ko ang bigat at sakit ng katawan ko—lalo na sa bandang hita. Narinig ko ang mabibigat na yapak niya papalapit kaya nilingon ko ito. Matangkad siya, nakasuot ng pormal na suit. Saan galing ‘to? Bakit ang formal masyado? Huminto ito sa may gilid ng kama, isang dipa ang layo. Bahagya siyang yumuko, kaya napakunot ang noo ko. Anong problema niya? Napaka weirdo. “Magandang hapon, Ma’am Yshra, ipinag-utos ni Mr. Villarama na bantayan kita,” magalang at mahaba niyang sabi. “Aalis ho ako kung hindi kayo komportable. Sa labas na lang ho ako ng kwarto niyo magbabantay.” Mas lalong kumunot ang noo ko. Paano niya naman nalaman ang pangalan ko? At sinong Mr. Villarama? “Nasaan ba ako? At sino ka? Sino si Mr. Villarama?” sunod-sunod kong tanong. Ang huli kong natatandaan ay ‘yung
Last Updated: 2025-08-21
Chapter: Chapter 3“Miss Yshra, sigurado ka po bang ikaw na ang magsasara ng shop?” tanong ni Ate Elena—isa sa mga nagtatrabho dito sa flower shop ko. Isa siya sa mga nag-aayos ng design na ni-r-request ng mga costumer sa bouquet. “Oo ‘te, ako na pong bahala, pinauwi ko na rin si Jhed at Ayesha,”sagot ko. “Anong oras na rin kasi at kaya ko naman na ligpitin itong konting kalat,” dagdag ko. Nginitian ko rin siya para maramdaman niyang sigurado ako. “Oh siya sige, mag-iingat ka nalang pauwi ah?” Tumango ako. “Oo naman ‘te, malapit lang ang condo ko dito sa shop natin,” sabi ko at sinabayan siya palabas. “Sige, babye,” tuluyang paalam nito habang kumakaway kaya nginitian ko ito’t kinawayan pabalik. Nang mawala na ito sa paningin ko, pumasok na ulit ako sa loob at nagsimulang magligpit. Alas otso kami kadalasang nagsasara pero dahil masyadong marami ang customer ngayon ay nag extend kami ng isang oras. Nang matapos sa pagliligpit, tinignan ko agad ang wrist watch ko. Mag-a-alas nuebe y media na pa
Last Updated: 2025-08-21
Chapter: Chapter 2Nagising ako sa mumunting sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Akmang uupo sana ako nang maramdaman ang pag-kirot ng ulo ko. Hindi lang ‘yon, pati buong katawan ko, animo’y parang binugbog sa sakit. Mahapdi rin ang gitnang parte ko. “Ano bang nangyari?” Gulat at kaba ang naramdaman ko nang may kamay na pumulupot sa bewang ko, siniksik din nito ang sarili sa ‘kin. “Sino ‘yon?” mahinang tanong ko ulit sa sarili. Bahagya ko pang kinurot ang sarili, baka nananaginip lang ako. Pero hindi! Gising na gising at ramdam ko pa rin ang bigat ng braso nito sa ‘kin. Dahan-dahan kong nilingon ang katabi ko. Napasinghap ako nang makita ito. “Sino ‘to?” Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan niya. Wala siyang damit! Natatabunan din ng kumot ang kalahati ng katawan niya. Agad ko namang tinignan ang sarili sa ilalim ng kumot. Nanlumo ako nang makitang wala akong saplot! What have I done? Hindi ako makapaniwang magagawa ko ‘to… I’ve always believed that sex is more than just a physical act.
Last Updated: 2025-08-21
Chapter: Chapter 1Yshra Kataleighia's POV Akala ko noon… pag mahal mo ang isang tao, sapat na para manatili siya. Na kapag binigay mo lahat—oras, tiwala, at puso, wala nang dahilan para iwan at lokohin ka. Pero mali pala ako. Kahit ibigay mo ang lahat, kapag gustong magloko… magloloko ito. Hindi sapat ang pagmamahal sa taong hindi marunong makuntento. Nakakatawa lang dahil ang tanga ko. Pinagmukha niya akong tanga nang paniwalain niya akong ako lang…na ako na ang huli niya. Kung hindi ko pa siya nahuli sigurado akong kami pa rin hanggang ngayon. Masaya, pinagsisilbihan siya at mahal na mahal siya. Fuck those cheaters!! Kaya ayun… kesa magmukha akong tanga sa kwarto, nag-ayos ako, sinama ang kaibigan ko, at lumabas. Kung masaya siya sa bago niya, edi mas masaya ako ngayong gabi. Kahit pa sa alak ko lang maramdaman ‘yung payapa at saya. Kung alak lang ang solusyon para makalimot saglit, iinom ako. “Girl…kalmahan mo lang!” saway ng kaibigan ko saka inagaw sa 'kin ang basong may alak na hawak ko.
Last Updated: 2025-08-21