Nandito ako ngayon sa labas, tulala. Hindi ko pa rin ma-process ang mga narinig. Naiwan naman sa loob ang lalaki, kakausapin daw ng doctor. ‘Positive’ ang salitang paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko. Bawat bigkas nito…magkahalong takot at saya ang nararamdaman ko.Positive.Buntis ako.Marahan kong hinaplos ang tiyan ko. Nanginginig ang kamay.“Anak…” mahinang sambit ko. Naramdaman ko ang pamamasa ng pisnge ko. Bahagya rin akong napangiti. Hindi ko alam. Hindi ako handa. Natatakot ako. May mga tanong agad na pumasok sa isip ko. Nangangamba rin ako dahil baka hindi ko magampanan ang maging mabuting ina. Pero isa lang ang alam ko. Mahal na mahal ko na agad siya…ang anak ko. At gagawin ko ang lahat para sa kaniya.Nang marinig ko ang pagbukas ng pinto, mabilis akong napatingala. Lumabas si Syvastian, hawak ang isang puting medical envelope, mahigpit ang pagkakapit niya ro’n, para bang ayaw niyang pakawalan. May mga papel na bahagyang sumisilip sa loob, at kahit hindi ko nakikita ang l
[dear Readers,thank you so much for adding my story to your library. I truly appreciate your time and effort in reading it. it means a lot and inspires me to keep writing. ♡with gratitude,♡penobscura]I blinked my eyes a couple of times. “Hindi!” agap kong sagot, matapos rumehistro sa utak ko ang sinabi nito. “Tss,” bulalas niya. Agad kong nabawi ang kamay ko at masuri siyang tinignan. Akala ko si Matthew siya. The way he held my hand with gentleness was really him. But the ‘Tss’? It was from Syvastian. Sino ba talaga sa dalawa? Nakakalito. “I think you're pregnant.” siguradong sabi nito. Nagawa niya pang tumango-tango na para bang kumbunsidong-kumbinsido siya sa sinabi niya. “How sure are you?” tanong ko. Halos matawa pa ako. “Because I am the father…” He looked me in the eye. “Malakas ang pakiramdam kong buntis ka the moment manang told me about your vomiting earlier, she thinks you are too. Also…I did my research already.” I rolled my eyes. “I am not.” matigas na sa
[short update ulit hehe. ♡]Lumipas ang ilang araw na puro pag-iwas ang ginagawa ko sa lalaki. Buong isang linggo kong ginagawa iyon. Mabuti na lamang at busy siya sa kung ano man ang ginagawa niya. Nasa living room ako nitong penthouse ngayon at dinadaldal si Matheo kanina pang umaga. Tipid lamang itong sumasagot sa bawat tanong ko kaya naiinip na ako. Akala ko pa naman ay friends na kami. Nagkwento pa akong muli tungkol sa business kong boutique pero nahahalata ko sa mukha niya ang hindi pagka interesado. Pinapaupo ko rin siya kasi ako ang nangangalay sa kaniya. Paano ba naman, kanina pa siya nakatayo sa may gilid. Kahit din tung ibang bantay na pinapaupo ko muna ay hindi man lang ako sinunod. Sabagay hindi rin naman ako ang nagpapasweldo sa kanila. Pero kawawa naman kasi sila. Tumahimik na lamanh ako’t humalukipkip, nag-iisip ng pwedeng gawin. Hindi ko rin nakulit ngayong araw si Manag Esther dahil busy rin siya sa gawaing bahay at pagluluto ng tanghalian namin ngayon. “Hija, Y
[short update muna hehe. ♡] Nang lumabas siya ng kwarto, doon lamang ako nakahinga ng maluwag. Napahiga ako saglit, pinipilit pakalmahin ang sarili, pero hindi mawala-wala sa isip ko ang mga sinabi niya. Buong hapon, pilit akong umiwas. Kapag naririnig kong papalapit ang mga yabag niya, agad akong napapalingon sa ibang direksyon. Kapag napapatingin naman siya, mabilis kong iniiwas ang mga mata ko, kunwari abala sa kung anong hawak ko. Hindi ko alam kung nahahalata niya, pero ramdam kong para akong laging nagtatago. Tuwing may sasabihin siya sa 'kin ay ilag ako. Hindi nagtatagal para makipag k’wentuhan pa. Magtatanong siya, sasagot naman ako at aalis din agad. Gano’n ang nangyari sa magdamag. Kay Manang at Matheo lamang ako nakikipag-usap ng matagal dahil sa pagkailang ko. Dapat siguro ay hindi ko na lang siya tinanong tungkol don. “Hija…” Agad kong nilingon ang pinto. Nakasilip si Manang. Saka lang siya tuluyang pumasok pagkalingon ko. “Gusto mo bang sumabay sa ‘min ni Mat
Umaga na nang magising ako. Una kong naramdaman ang malamig na dampi ng kung anong malagkit sa balat ko. Napabaling ang tingin ko sa gilid ko kung saan naroon si Syvastian. Nakaupo siya, bahagyang nakayuko. Ang isang kamay ay marahang nakadampi sa braso ko habang ang isa’y hawak ang maliit na bote ng ointment. Sa bawat galaw niya, halatang nag-iingat siya, mabagal at mahinahon, para bang natatakot na baka lalo akong masaktan. Napatitig ako. Nanuyo ang lalamunan ko habang pinagmamasdan siya. Kagabi lang, halos durugin niya ako sa higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko, at ngayon…parang ibang tao ang kaharap ko. Ang seryosong mukha na palagi kong nakikita ay may kakaibang lambot. Ang mga mata niya, na puno ng tigas at galit, ngayon ay tila may lungkot at pagod at puno ng pagsisisi. “Sorry…” mahina ang boses niya. Napakurap ako. This man speaks with gentleness. Kaya sigurado akong hindi si Syvastian ang kaharap ko ngayon. I thought Matthew was stern, distant, and unyie
[i did my best researching and writing this chapter with care. if i've gotten anything wrong, i'd truly appreciate it if you could kindly correct me. ♡]After that interaction with Dr. Arcalde, I found myself restless. The weight of our conversation lingered in my mind, pressing heavily on my chest. That night, instead of sleeping, I asked Matheo for a laptop that I could use to research his condition. Ang dami kong nabasang mga articles, pati yung mga kwento ng ibang taong may parehong sitwasyon. The more I read, the more I realized how little I knew. The symptoms, the triggers, the unpredictable shifts…it wasn’t just an illness. It was a battle. A war waged inside his mind that no one else could see, because he chose to keep it with himself. And yet, he carried it with such composure, as if he had mastered the art of hiding the chaos within.As I read more, I came across a line that struck me: “Most people with DID rarely show noticeable signs of the condition. Friends and family