author-banner
Ana
Author

Ana의 작품

My Billionaire Boss Forgot Our First Night

My Billionaire Boss Forgot Our First Night

Dahlia hated her arrogant boss. Sinusumpa niya ang pagiging masungit at magagalitin nito. She promised herself that she wont date anyone like him. Ngunit tila pinaglalaruan siya ng pagkakataon, isang gabi, natagpuan niya na lang ang sarili na nasa kama kasama ang lalaki. At kung may mas magulo pa sa impormasyon na may nangyari sa kanila. Iyon ay ang tila siya lang ang nakakaalala ng nangyari. Kahit anong gawin niya ay tila ba burado sa memorya nito ang gabing may nangyari sa kanila. At ang mas nakakainis pa ay ito rin ang unang nakaalam na tis siya. nagdadalang tao siya. Paano niya sasabihin sa lalaki ang nangyari sa kanila at ipapakilala ang anak niya rito kung wala itong maalala?
읽기
Chapter: kabanata 5
Puti. Purong puti lang ang nakikita ni Dahlia. Nasa langit na ba siya? Impossible. Sa dami ng kasalanan niya sa lupa ay impossibleng sa langit siya mapunta. Nanatili siyang nakatitig sa puting iyon habang inaalala ang nangyari. Ang natatandaan niya ay kausap niya si Damien bago siya mawalan ng malay. Inilibot niya ang paningin hanggang sa makita niya ang lalaki. Nakaupo ito sa isang upuan hindi kalayuan sa kanya. May ginagawa ito sa laptop. Seryosong-seryoso ang mukha nito at nakakunot na naman ang noo. "N-Nasaan ako." marahan niyang tanong sa lalaki. Agad na nag-angat ng tingin si Damien sa kanya. Nang makita nitong gising na siya ay agad nitong isinara ang laptop at tumayo. "Are you feeling okay?" naglakad ito papalapit sa kanya bago pinindot ang button sa itaas ng kama niya para tawagin ang nurse. Ilang sandali lang ay pumasok na ang isang Nurse at doctor. Parehong nakangiti ang mga ito sa kanila. Tumingin muna ang doctor kay Damien bago ito nagsalita. "Congratulations, misis
최신 업데이트: 2025-09-01
Chapter: kabanata 4
Kinabukasan, tahimik lamang si Dahlia sa kanyang mesa. Tulala siya, habang paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang nangyari kagabi—ang pagkakatumba nila ni Damien sa swivel chair. Hanggang sa sa mga katrabaho niya ang lumapit sa kanya. Inabot nito sa kanya ang isang kape mula sa isang sikat na coffeeshop. “Miss Navarro, the boss asked me to give this to you.”"Ha? Para sa akin?" taka niyang tanong."Yes, Para sayo raw.""S-Sige."Nag-aalangan man, kinuha niya ito at binasa ang maikling sulat. Dahlia. I hope you are doing okay now, Have a great day a head—DHindi alam ni Dahlia kung bakit pero tila gusto niyang mapangiti sa inaakto ng binata."Huy ano 'yan?!" usisa ni Agatha nang makita nito ang hawak niyang kape. "Galing kay Sungit?!" Wala sa sariling napatango siya. "Oo." "Seryoso ka? Anong drama niya? Naalala na niya ang nangyari sa inyo? Sinabi mo ba?" Umiling siya bago bumuntong hininga. "Hindi. Hindi ko rin alam kung bakit.”Umunat-unat sa kanyang silya si Dahlia bago p
최신 업데이트: 2025-09-01
Chapter: kabanata 3
Naging mahirap para kay Dahlia ang mga sumunod na sa trabaho. Lalo na’t sa opisina, tila hindi siya tinitigilan ng mga utos mula kay Damien. Kung dati ay limitado lang sa mga basic na administrative tasks ang kanyang ginagawa, ngayon ay halos PA na siya ng CEO. Pagtitimpa ng kape, papi-print ng kung anu-anong dokumento at pati na rin ang pagkuha ng pina-dry clean nitong mga damit. At syempre, hindi rin mawawala ang pago-over time. “Miss Navarro, pakitapos ito bago ka umuwi,” madalas na sambit ni Damien tuwing alas-sais ng gabi, kasabay ng paglagay ng makapal na folder sa kanyang mesa. “Ngayon po?” tanong niya. “May presentation ako bukas ng umaga. Kailangan ko itong perfect. I trust you can handle it.”Hindi niya kayang tumanggi. Kaya kahit na iniisip niya ang mga gagawin niya sa bahay ay hindi niya magawa.Tumagal ng ilang linggo na ganoon at sa araw-araw, mas lalong sumasama ang ugali sa kanya ni Damien. Ganoon naman talaga ito noon pa, walang pakialam at madalas ang sungit-sun
최신 업데이트: 2025-09-01
Chapter: Kabanata 2
CHAPTER TWOMabigat ang ulo ni Dahlia. Para bang may sumusuntok sa loob ng kanyang sentido, at bawat galaw niya ay sumisigaw ng pagod at sakit. Dahan-dahan siyang dumilat, umaasang nasa sariling kama lang siya. Ngunit agad siyang kinabahan. Una niyang napansin ang tila isang expensive na chandelier. Obviously, Hindi ito ang silid niya.Napahawak siya sa kanyang ulo bago niya inilibot ang paningin. Maaliwalas ang kwarto, may malamig itong tone ng kulay asul at puti. Moderno rin ang istilo nito at naaamoy niya ang mabangong amoy ng humidifier na humahalo sa hangin. Dahan-dahan siyang naupo, pinipilit isipin kung bakit siya naroroon.Napamura siya sa isip nang makita ang jacket ni Damien sa upuang malapit sa kama.Biglang pumasok ang ilang alaala mula sa nagdaang gabi—ang bar, ang sigawan, ang alak, at ang galit niya sa lalaki. Pero nangingibabaw sa mga iyon ang halik at yakap na pinagsaluhan nila.“Put—” napabulong siya, sabay takip ng bibig. Hindi siya makapaniwala. Bakit? Paano? Ano
최신 업데이트: 2025-09-01
Chapter: Kabanata 1
CHAPTER ONE DAHLIA HATE HER BOSS. Bukod kasi sa masungit at palagi itong galit ay hindi rin nito alam ang salitang personal space. Nasa leave siya at nagbabakasyon pero tumatawag pa rin ito at inaalam ang update sa kung anong project na naipasa naman na niya a week ago. Halos hindi na tuloy niya ma-enjoy ang bakasyon niya. Idagdag pa na maging ang mommy niya ay tumawag para ibalita sa kanya na kailangan niyang umattend ng kasal ng ex boyfriend niya at pinsan niyang nang-agaw rito. "Naka-move on ka naman na siguro." Iyon ang eksaktong sinabi ng mommy niya. Bagay na nakapagpagalit sa kanya. Move on?! In six months everyone expected her to move on after her long time boyfriend dumped her for her cousin? Although, expected naman niya na hindi siya kakampihan ng mommy niya dahil lumaki siyang hindi paborito ng magulang. Kahit nga mayaman sila at may sariling kumpanya ay nagsumikap pa rin siya para mag-move out pagka-graduate ng college—nang walang tulong ng mga ito. Pero syempre
최신 업데이트: 2025-09-01
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status