Puti. Purong puti lang ang nakikita ni Dahlia. Nasa langit na ba siya? Impossible. Sa dami ng kasalanan niya sa lupa ay impossibleng sa langit siya mapunta.
Nanatili siyang nakatitig sa puting iyon habang inaalala ang nangyari. Ang natatandaan niya ay kausap niya si Damien bago siya mawalan ng malay. Inilibot niya ang paningin hanggang sa makita niya ang lalaki. Nakaupo ito sa isang upuan hindi kalayuan sa kanya. May ginagawa ito sa laptop. Seryosong-seryoso ang mukha nito at nakakunot na naman ang noo. "N-Nasaan ako." marahan niyang tanong sa lalaki. Agad na nag-angat ng tingin si Damien sa kanya. Nang makita nitong gising na siya ay agad nitong isinara ang laptop at tumayo. "Are you feeling okay?" naglakad ito papalapit sa kanya bago pinindot ang button sa itaas ng kama niya para tawagin ang nurse. Ilang sandali lang ay pumasok na ang isang Nurse at doctor. Parehong nakangiti ang mga ito sa kanila. Tumingin muna ang doctor kay Damien bago ito nagsalita. "Congratulations, misis, mister. You guys are pregnant." anito ng nakangiti. Tila naman nabingi si Dahlia. Ilang segundong nagproseso sa utak niya ang sinabi ng doctor. "A-Ano p-po?" naguguluhan niya tanong. "You're three weeks pregnant. Congratulations po." sabat naman ng nurse bago may iniabot kay Damien na papel. "Pakibayaran na lang po ito. And her doctor give her some prescription and vitamins. Monthly po ang checkup niya." Tila wala sa sariling ina-accept ni Damien ang papel. Pinirmahan rin nito iyon bago siya harapin. Buong oras na kausap siya ng doctor ay nakatingin lang si Damien sa kaniya. Nang umalis na ito ay doon lang nagsalita ang lalaki. "That's the reason why you always tired and have headache these days. You're pregnant. Siya ba? Yung lalaki ba na iniwan ka para sa pinsan mo ang tatay?" naguguluhan nito tanong. Hindi siya makasagot. Naroon pa rin sa isip niya ang sinabi ng doctor. Buntis siya.. Three weeks. At ang ama ng dinadala niya ay wala pa rin kaalam-alam na siya ang tatay ng ipinagbubuntis niya. "I know, I'm not in the right position to ask. Sorry. I'll just settle the bill." anito bago lumabas ng kwarto. Doon na tumulo ang pinipigilan na luha ni Dahlia. Hindi na niya alam ang gagawin. Hindi niya alam kung paano niya sasabihin sa ina ang nangyari at kung paano ba niya sasabihin kay Damien ang tungkol sa kanila ng anak nila. Ganoong hindi nga nito maalala ang nangyari? At paano nga ba niya papatunayan sa binata ang lahat? Hindi ba siya magmumukhang baliw sa harap nito? "Bakit ba ako napunta sa ganitong sitwasyon?!" At kung inaakala niya na ang balitang iyon ang highlight ng araw niya, nagkakamali siya. Dahil pag-uwi niya sa apartment ay nakita niya si Annika, ang pinsan niyang ipinalit ni Raven sa kanya. Nakangisi ito nang makita siya. "Dahlia, alam mo naman kung bakit ako nandito diba." Hindi niya sinagot ang babae. Umupo siya sa sofa na katapat nito. Tinitigan ang pinsan na dati ay sobrang close niya, pero ngayon, halos hindi na sila magkakilala. Syempre, alam niya kung bakit ito naririto. Kung si Raven ay ayaw ipaalam sa kanya na ikakasal na ito. Ibahin niya si Anikka. Gustong-gusto ng babae na malaman niyang ikakasal na ito sa ex niyang inagaw nito sa kanya. "Anyway, ikakasal na kami ni Raven this week and I want you there. Isa ka—" Napatingin siya sa babae nang tumigil ito sa pagsasalita. Dahan-dahan nanlaki ang mata niya nang makita kung saan ito nakatingin. Sa test niya at isa ilang maternity pamphlets na bigay ng nurse. "A-Are you…" tumungin si Anikka sa kanya. "I have to go.." Tumayo ang babae at naglakad na papalabas ng apartment niya. Wala nang nagawa pa si Dahlia kung hindi pumikit at bumuntong hininga. Ngayon, malalaman na ng pamilya niya na buntis siya. Hindi pa nga siya nakaka-move on sa gulat ay may bago na naman siyang problema. At hindi nga siya nagkamali. Kinagabihan ay tinawagan siya ng mama niya at tinanong ang tungkol sa sinabi ni Annika. "Are you really pregnant?" Napapikit siya ng mariin bago bumuntong hininga. Wala na siyang pagpipilian pa. Sa huli, pinili niyang sabihin ang totoo. "Yes, mom." Narinig niya ang pagbuntong hininga ng mommy niya. "Ginagawa mo ba ito, Dahlia para magpapansin kay Raven at Anikka? Hindi ka ba nahiya? Nagpabuntis ka sa kung sino para lang kunin ang spotlight na para ay sa pinsan mo?" Napa-kagat labi si Dahlia. Hindi siya nakasagot. "You're such a disappointment. You're nothing compared to Anikka. Kaya ka ipinagpalit ni Raven dahil ganyan ka. I don't want to see your face again. Huwag ka nang pumunta sa kasal ng dalawa." —— Hindi pumasok sa trabaho si Dahlia kinabukasan at noong sumunod pang araw. Tila ba wala siyang ganang tumayo o kahit kumain man lang. All her life, she was compared to her younger sister and Anikka but what happened yesterday is beyond that. She was betrayed by her cousin and Raven two years ago but to her mom, it seems like it is her fault. Is the victim of a cheating relationship is always at fault? Nagkulang ba siya? O talagang hindi lang nakuntento si Raven? Tumayo siya para lumabas sana ng apartment at bumili ng pagkain, kahit naman ayaw niyang kumain ay hindi niya pwedeng pabayaan ang sarili niya. After all, may umaasa na sa kanya ngayon. Ngunit hindi pa siya nakaka-hakbang ng tumunog na ang doorbell ng apartment. Agad na kumunot ang noo niya. Limang taon na siya sa apartment building na iyon at wala ni isang dumalaw sa kanya. Bakit ngayon pa? At sino naman ang dadalaw sa kanya sa gitna ng umaga? Mabilis siyang sumilip sa bintana at nanlaki ang mga mata niya nang makita si Damien. Nakatayo ang lalaki sa tapat ng pintuan at naghihintay sa kanya. Mabilis na tinakpan ni Dahlia ang bibig at walang ingay na naglakad sa loob ng bahay. Balak niyang bumalik sa kama at magpanggap na wala siya roon. “Dahlia…” Napa-hinto siya sa paglakad. Nakagat niya ang sarili labi. Hindi niya alam kung bakit tila lumakad ang kilabot sa buo niyang katawan. Dahil ba iyon ang unang beses na tinawag siya ni Damien sa pangalan niya? o dahil tila naalala niya ang nangyari sa kanila kagabi. Hindi niya sumagot ngunit tila ba na-estatwa siya sa pagkakatayo. “Dahlia… Alam kong nariyan ka sa loob. Talk to me please….”Puti. Purong puti lang ang nakikita ni Dahlia. Nasa langit na ba siya? Impossible. Sa dami ng kasalanan niya sa lupa ay impossibleng sa langit siya mapunta. Nanatili siyang nakatitig sa puting iyon habang inaalala ang nangyari. Ang natatandaan niya ay kausap niya si Damien bago siya mawalan ng malay. Inilibot niya ang paningin hanggang sa makita niya ang lalaki. Nakaupo ito sa isang upuan hindi kalayuan sa kanya. May ginagawa ito sa laptop. Seryosong-seryoso ang mukha nito at nakakunot na naman ang noo. "N-Nasaan ako." marahan niyang tanong sa lalaki. Agad na nag-angat ng tingin si Damien sa kanya. Nang makita nitong gising na siya ay agad nitong isinara ang laptop at tumayo. "Are you feeling okay?" naglakad ito papalapit sa kanya bago pinindot ang button sa itaas ng kama niya para tawagin ang nurse. Ilang sandali lang ay pumasok na ang isang Nurse at doctor. Parehong nakangiti ang mga ito sa kanila. Tumingin muna ang doctor kay Damien bago ito nagsalita. "Congratulations, misis
Kinabukasan, tahimik lamang si Dahlia sa kanyang mesa. Tulala siya, habang paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang nangyari kagabi—ang pagkakatumba nila ni Damien sa swivel chair. Hanggang sa sa mga katrabaho niya ang lumapit sa kanya. Inabot nito sa kanya ang isang kape mula sa isang sikat na coffeeshop. “Miss Navarro, the boss asked me to give this to you.”"Ha? Para sa akin?" taka niyang tanong."Yes, Para sayo raw.""S-Sige."Nag-aalangan man, kinuha niya ito at binasa ang maikling sulat. Dahlia. I hope you are doing okay now, Have a great day a head—DHindi alam ni Dahlia kung bakit pero tila gusto niyang mapangiti sa inaakto ng binata."Huy ano 'yan?!" usisa ni Agatha nang makita nito ang hawak niyang kape. "Galing kay Sungit?!" Wala sa sariling napatango siya. "Oo." "Seryoso ka? Anong drama niya? Naalala na niya ang nangyari sa inyo? Sinabi mo ba?" Umiling siya bago bumuntong hininga. "Hindi. Hindi ko rin alam kung bakit.”Umunat-unat sa kanyang silya si Dahlia bago p
Naging mahirap para kay Dahlia ang mga sumunod na sa trabaho. Lalo na’t sa opisina, tila hindi siya tinitigilan ng mga utos mula kay Damien. Kung dati ay limitado lang sa mga basic na administrative tasks ang kanyang ginagawa, ngayon ay halos PA na siya ng CEO. Pagtitimpa ng kape, papi-print ng kung anu-anong dokumento at pati na rin ang pagkuha ng pina-dry clean nitong mga damit. At syempre, hindi rin mawawala ang pago-over time. “Miss Navarro, pakitapos ito bago ka umuwi,” madalas na sambit ni Damien tuwing alas-sais ng gabi, kasabay ng paglagay ng makapal na folder sa kanyang mesa. “Ngayon po?” tanong niya. “May presentation ako bukas ng umaga. Kailangan ko itong perfect. I trust you can handle it.”Hindi niya kayang tumanggi. Kaya kahit na iniisip niya ang mga gagawin niya sa bahay ay hindi niya magawa.Tumagal ng ilang linggo na ganoon at sa araw-araw, mas lalong sumasama ang ugali sa kanya ni Damien. Ganoon naman talaga ito noon pa, walang pakialam at madalas ang sungit-sun
CHAPTER TWOMabigat ang ulo ni Dahlia. Para bang may sumusuntok sa loob ng kanyang sentido, at bawat galaw niya ay sumisigaw ng pagod at sakit. Dahan-dahan siyang dumilat, umaasang nasa sariling kama lang siya. Ngunit agad siyang kinabahan. Una niyang napansin ang tila isang expensive na chandelier. Obviously, Hindi ito ang silid niya.Napahawak siya sa kanyang ulo bago niya inilibot ang paningin. Maaliwalas ang kwarto, may malamig itong tone ng kulay asul at puti. Moderno rin ang istilo nito at naaamoy niya ang mabangong amoy ng humidifier na humahalo sa hangin. Dahan-dahan siyang naupo, pinipilit isipin kung bakit siya naroroon.Napamura siya sa isip nang makita ang jacket ni Damien sa upuang malapit sa kama.Biglang pumasok ang ilang alaala mula sa nagdaang gabi—ang bar, ang sigawan, ang alak, at ang galit niya sa lalaki. Pero nangingibabaw sa mga iyon ang halik at yakap na pinagsaluhan nila.“Put—” napabulong siya, sabay takip ng bibig. Hindi siya makapaniwala. Bakit? Paano? Ano
CHAPTER ONE DAHLIA HATE HER BOSS. Bukod kasi sa masungit at palagi itong galit ay hindi rin nito alam ang salitang personal space. Nasa leave siya at nagbabakasyon pero tumatawag pa rin ito at inaalam ang update sa kung anong project na naipasa naman na niya a week ago. Halos hindi na tuloy niya ma-enjoy ang bakasyon niya. Idagdag pa na maging ang mommy niya ay tumawag para ibalita sa kanya na kailangan niyang umattend ng kasal ng ex boyfriend niya at pinsan niyang nang-agaw rito. "Naka-move on ka naman na siguro." Iyon ang eksaktong sinabi ng mommy niya. Bagay na nakapagpagalit sa kanya. Move on?! In six months everyone expected her to move on after her long time boyfriend dumped her for her cousin? Although, expected naman niya na hindi siya kakampihan ng mommy niya dahil lumaki siyang hindi paborito ng magulang. Kahit nga mayaman sila at may sariling kumpanya ay nagsumikap pa rin siya para mag-move out pagka-graduate ng college—nang walang tulong ng mga ito. Pero syempre