CHAPTER TWO
Mabigat ang ulo ni Dahlia. Para bang may sumusuntok sa loob ng kanyang sentido, at bawat galaw niya ay sumisigaw ng pagod at sakit. Dahan-dahan siyang dumilat, umaasang nasa sariling kama lang siya. Ngunit agad siyang kinabahan. Una niyang napansin ang tila isang expensive na chandelier. Obviously, Hindi ito ang silid niya. Napahawak siya sa kanyang ulo bago niya inilibot ang paningin. Maaliwalas ang kwarto, may malamig itong tone ng kulay asul at puti. Moderno rin ang istilo nito at naaamoy niya ang mabangong amoy ng humidifier na humahalo sa hangin. Dahan-dahan siyang naupo, pinipilit isipin kung bakit siya naroroon. Napamura siya sa isip nang makita ang jacket ni Damien sa upuang malapit sa kama. Biglang pumasok ang ilang alaala mula sa nagdaang gabi—ang bar, ang sigawan, ang alak, at ang galit niya sa lalaki. Pero nangingibabaw sa mga iyon ang halik at yakap na pinagsaluhan nila. “Put—” napabulong siya, sabay takip ng bibig. Hindi siya makapaniwala. Bakit? Paano? Ano bang nangyari sa kanya? Napansin niyang naka-oversized shirt siya —hindi kanya iyon. Wala rin ang sapatos niya na suot niya kagabi. Naramdaman niya ang pawis sa palad niya, at kahit malamig ang aircon, tila nanlalamig ang kanyang katawan. Napakagat siya ng labi. Nararamdaman niya pagsakit ng bahaging iyon ng katawan niya. Hindi na siya birhen. Nasabunutan niya ang sarili. Paulit-ulit ang tanong niya sa isip. Anong nangyari sa kanya? Bakit niya nagawa ang bagay na iyon? Maya-maya pa, isang kamay ay yumakap sa kanya. Napa-piksi siya at napatingin sa lalaking natutulog sa tabi niya. Humihilik pa ito habang nakayakap sa mga binti niya. Parang biglang nilamig ang buo niyang katawan. Hindi niya alam kung anong mararamdaman—takot, galit, o hiya. "N-No… no… This can't be…" tila nandidiri niyang hinawakan ang braso ni Damien at mabilis itong ini-alis sa binti niya. Narinig pa niya ang ungol ng binata bago ito bumalik sa pagtulog. Dahan-dahan siyang tumayo. Ang mga mata niya ay nakatutok sa binata, sinisigurado na hindi ito magigising sa pagtayo niya. "This is insane! What have you done, Dahlia?!" Paulit-ulit niyang tanong sa sarili habang hinahanap ang phone niya. Nang makita niya ito sa gilid ng kama ay mabilis niya iyon kinuha. Huminga siya nang malalim at tinawagan ang kaibigan. Ilang beses nag-ring ang telepono bago ito sinagot ng kabilang linya. “Hello? Dahlia? Asan ka na? Kanina pa kita tinatawagan! Akala ko ba uuwi ka na ngayon? Girl, may pasok tayo bukas.” bungad sa kanya ng kaibigan niyang si Agatha, halatang nag-aalala ang boses nito. Halos hindi siya makapag-salita. Parang may mabigat na batong nakapatong sa dibdib niya. Muli niyang sinulyapan ang lalaki na ngayon ay nakahilata na at natutulog pa rin. Napapikit siya ng mariin. Pilit winawaksi ang mga imahe na naaalala niya. “A-Agatha…” garalgal ang tinig niya. “Anong gagawin ko?” “Anong ibig mong sabihin?” “May nangyari sa amin.. Hindi na ako birhen.” Tumulo ang luha niya habang hawak ang telepono. Pilit niyang huwag mapahikbi. Ayaw niyang magising niya ang lalaki. Nanginginig na napahawak siya sa bedside table, pinipilit na maging kalmado. Pero bumigay din na ang lahat ng lakas niya. Napa-upo siya sa sahig, tinakpan ang mukha, at tuluyang umiyak. Mahina siyang humikbi, kasabay ng luha na tuloy-tuloy na bumabagsak sa kanyang palad. Hindi niya alam kung galit ba siya sa sarili, sa lalaki, o sa pagkakataon. Basta ang alam lang niya, may nawala sa kanya—isang bagay na hindi na maibabalik kailanman. “H-Ha? Sino?" Garalgal ang boses na sinubukan niyang ikwento ang nangyari sa kaibigan. Nakikinig naman ito sa kanya. "So, ang ibig mong sabihin ay may nangyari sa inyo ni Sungit?!" Halos hindi makapaniwalang tanong nito. Hindi siya halos makasagot. Ilang minuto siyang tulala bago garalgal ang boses na nagkwento. "We drank and…. And…we enter the room.. We kissed… and—" "Dahls, calm down." mahinang utos sa kanya ni Agatha. "Umuwi ka muna, okay? Mag-usap tayo bukas. But for now, please umuwi ka muna." Hindi na nito hinintay ang sagot niya at agad nang namatay ang tawag. Nanginginig siyang bumangon, pinipilit niyang pakalmahin ang sarili. Mabilis niya pinulot ang bag niya, hinanap ang kanyang sapatos, at isinuot ang kahit anong damit na maisusuot niya. Nanginginig ang kamay niya habang binubuksan ang lock ng pinto, pakiramdam niya ay sasabog ang puso sa kaba. Bago lumabas ng kwarto ay muli niyang nilingon ang natutulog na si Damien. Napabuntong hininga siya at napamura. Paano na siya ngayon sa office?! — Tulala si Dahlia sa kanyang mesa. Hindi pa siya nakaka-review ng mga papers at wala pa siyang tulog sa kakaisip ng nangyari noong nakaraan. “Argghhhhhhh.. Sa lahat ng tao sa mundo, bakit si Sungit pa?!” Nasabunutan niya ang sarili. Bakit sa dinami-rami ng tao sa mundo ay sa lalaking iyon pa niya binigay ang pagka-birhen niya?! Narinig niya ang pagtunog ng phone niya. Agad niyang hinanap ito at tinignan, mula iyon kay Agatha. Message: Ayos ka lang, girl? Kita kita rito sa table ko. Mukha kang naka-singhot! No sleep? Napa-pikit siya ng matiim. Hindi niya ngayon alam kung paano haharapin ang lalaki. Hindi naman pwedeng habang buhay niyang iiwasan ang boss niya? At wala rin sa choices niya ang mag-resign. Lalo na ngayon at kailangan niya ng pera dahil kakatapos lang ng travel niya. “Eepekto kaya kung magpapanggap akong lasing ako noon at walang maalala?” tanong ni Dahlia sa sarili habang nakatingin sa kisame. “Arghhhh!!! Bahala na!” Huminga siya nang malalim at nagdasal ng isang milagro na siyang alam niyang hindi darating. Noong lunch ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Damien. Gusto nito ng update tungkol sa pinapagawa nito sa kanya. Halos ayaw niyang pumunta sa opisina nito. Naglulumpasay na siya sa harap ni Agatha na para bang isang batang paslit. "How will I face him?!" halos mangiyak-ngiyak niyang tanong sa babae. Nasa loob sila ng girls restroom at limang minuto na lang ay kailangan na niyang mag-report sa boss niya pero hindi pa rin niya maiwasang mangamba. "You will be fine. Go!" pagbibigay ng suporta ng kaibigan niya. Napabuntong-hininga si Dahlia at humarap sa salamin. "Kaya mo ito, Dahlia Navarro. Fighting!" aniya bago nagpaalam sa kaibigan at lumabas na para pumunta sa office ng boss nila. Nasa bukana pa lang siya ay kitang kita na niya ang mabagsik na mukha ng lalaki. Nagbabasa ito ng mga papeles sa mesa nito habang nakakunot noo. Nang makapasok siya ay doon lang ito nag-angat ng tingin. “Miss Navarro, welcome. Please, have a seat.” malamig na utos nito. "Y-Yes Sir." halos hindi niya mahagilap ang sariling boses. Nanginginig siya habang papalapit sa upuan na nasa tapat lang ng mesa nito. Tumango si Damien sa kanya na para bang wala itong pakialam kung naroon man siya. “Let’s begin, shall we? I’ve read all the papers. Have you talked to the contractors?” “O-Opo, sir,” napahawak siya ng mahigpit sa mga papeles. “That’s good. Do you have any suggestions?” muling tanong ng lalaki. Ilang minuto silang nag-usap na dalawa ngunit sa ilang minuto na iyon ay hindi man lang siya tinignan ni Damien. Busy pa rin ito sa pagpipirma ng kung anong kontrata. Sa huli, tumango lang ito. "Thank you for your work, you can leave." Napa-awang ang labi niya ngunit agad din siyang tumango. Agad siyang nagpaalam sa lalaki ngunit tila ba hindi siya nito narinig—patuloy lang ito sa pagtatrabaho. Tulala siyang Lumabas ng opisina dala-dala ang mas mabigat pang pasanin kaysa noong umagang nagising siya sa tabi ng lalaki. Pagdating niya sa cubicle niya ay sinalubong siya ni Agatha. “Kumusta? Ayos ka lang?” nag-aalalang tanong nito. “Hindi ko alam.” “Eh? bat ganyan mukha mo? Para kang pinagsakluban ng langit at lupa?” “Iba e… Iba ang reaksyon ni Sir." hindi niya halos mabigkas ang gusto niyang sabihin. “Hindi niya man lang ako tinignan, Agatha. Wala siyang sinabi tungkol sa nangyari sa amin.” Halatang nagulat ang babae pero agad din itong nakabawi. “So? Hindi ba mas better na hindi niya banggitin iyon? At least hindi ka na maiilang?” tanong ni Agatha sa kanya. Buong araw na halos hindi makapag-trabaho si Dahlia. Nakikita niya ang boss niya na dumadaan-daan sa cubicle niya pero hindi siya nito kinausap o kahit tinignan man lang. Hindi niya alam kung nahihiya ba ang lalaki dahil sa nangyari sa kanila o talagang nakalimutan nito na siya iyon. Impossible, Ganoon siya ka lasing? Bago umuwi, nagulat siya nang ipatawag siya ng boss niya sa opisina nito. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Halos hindi siya makahinga. Ito na ba ang oras na kakausapin siya ng lalaki sa nangyari? Pagkapasok sa opisina ay nakita niyang nag-aayos ng mga gamit ang lalaki. Naghahanda na sa pag-uwi. "S-Sir? Pinapatawag mo raw ako?" marahan siyang lumapit dito. "Ah. Yeah, I want you to take this to HR." may iniabot itong mga files sa kanya. "Ingat pag-uwi." dagdag pa nito. Napa-awang ang labi ni Dahlia. Ilang segundo siyang nakatingin lang kay Damien. "I-Iyon lang sir?" hesitant na tanong niya. Kunot-noong lumingon sa kanya ang binata bago tumango. "Yeah, That's all. May iba pa ba?" Napalunok siya bago nagpilit ng ngiti. "T-Thank you po." Naglakad palabas ng opisina si Dahlia, tulala siya at hindi makapaniwala. Hindi ba siya nito naaalala?Puti. Purong puti lang ang nakikita ni Dahlia. Nasa langit na ba siya? Impossible. Sa dami ng kasalanan niya sa lupa ay impossibleng sa langit siya mapunta. Nanatili siyang nakatitig sa puting iyon habang inaalala ang nangyari. Ang natatandaan niya ay kausap niya si Damien bago siya mawalan ng malay. Inilibot niya ang paningin hanggang sa makita niya ang lalaki. Nakaupo ito sa isang upuan hindi kalayuan sa kanya. May ginagawa ito sa laptop. Seryosong-seryoso ang mukha nito at nakakunot na naman ang noo. "N-Nasaan ako." marahan niyang tanong sa lalaki. Agad na nag-angat ng tingin si Damien sa kanya. Nang makita nitong gising na siya ay agad nitong isinara ang laptop at tumayo. "Are you feeling okay?" naglakad ito papalapit sa kanya bago pinindot ang button sa itaas ng kama niya para tawagin ang nurse. Ilang sandali lang ay pumasok na ang isang Nurse at doctor. Parehong nakangiti ang mga ito sa kanila. Tumingin muna ang doctor kay Damien bago ito nagsalita. "Congratulations, misis
Kinabukasan, tahimik lamang si Dahlia sa kanyang mesa. Tulala siya, habang paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang nangyari kagabi—ang pagkakatumba nila ni Damien sa swivel chair. Hanggang sa sa mga katrabaho niya ang lumapit sa kanya. Inabot nito sa kanya ang isang kape mula sa isang sikat na coffeeshop. “Miss Navarro, the boss asked me to give this to you.”"Ha? Para sa akin?" taka niyang tanong."Yes, Para sayo raw.""S-Sige."Nag-aalangan man, kinuha niya ito at binasa ang maikling sulat. Dahlia. I hope you are doing okay now, Have a great day a head—DHindi alam ni Dahlia kung bakit pero tila gusto niyang mapangiti sa inaakto ng binata."Huy ano 'yan?!" usisa ni Agatha nang makita nito ang hawak niyang kape. "Galing kay Sungit?!" Wala sa sariling napatango siya. "Oo." "Seryoso ka? Anong drama niya? Naalala na niya ang nangyari sa inyo? Sinabi mo ba?" Umiling siya bago bumuntong hininga. "Hindi. Hindi ko rin alam kung bakit.”Umunat-unat sa kanyang silya si Dahlia bago p
Naging mahirap para kay Dahlia ang mga sumunod na sa trabaho. Lalo na’t sa opisina, tila hindi siya tinitigilan ng mga utos mula kay Damien. Kung dati ay limitado lang sa mga basic na administrative tasks ang kanyang ginagawa, ngayon ay halos PA na siya ng CEO. Pagtitimpa ng kape, papi-print ng kung anu-anong dokumento at pati na rin ang pagkuha ng pina-dry clean nitong mga damit. At syempre, hindi rin mawawala ang pago-over time. “Miss Navarro, pakitapos ito bago ka umuwi,” madalas na sambit ni Damien tuwing alas-sais ng gabi, kasabay ng paglagay ng makapal na folder sa kanyang mesa. “Ngayon po?” tanong niya. “May presentation ako bukas ng umaga. Kailangan ko itong perfect. I trust you can handle it.”Hindi niya kayang tumanggi. Kaya kahit na iniisip niya ang mga gagawin niya sa bahay ay hindi niya magawa.Tumagal ng ilang linggo na ganoon at sa araw-araw, mas lalong sumasama ang ugali sa kanya ni Damien. Ganoon naman talaga ito noon pa, walang pakialam at madalas ang sungit-sun
CHAPTER TWOMabigat ang ulo ni Dahlia. Para bang may sumusuntok sa loob ng kanyang sentido, at bawat galaw niya ay sumisigaw ng pagod at sakit. Dahan-dahan siyang dumilat, umaasang nasa sariling kama lang siya. Ngunit agad siyang kinabahan. Una niyang napansin ang tila isang expensive na chandelier. Obviously, Hindi ito ang silid niya.Napahawak siya sa kanyang ulo bago niya inilibot ang paningin. Maaliwalas ang kwarto, may malamig itong tone ng kulay asul at puti. Moderno rin ang istilo nito at naaamoy niya ang mabangong amoy ng humidifier na humahalo sa hangin. Dahan-dahan siyang naupo, pinipilit isipin kung bakit siya naroroon.Napamura siya sa isip nang makita ang jacket ni Damien sa upuang malapit sa kama.Biglang pumasok ang ilang alaala mula sa nagdaang gabi—ang bar, ang sigawan, ang alak, at ang galit niya sa lalaki. Pero nangingibabaw sa mga iyon ang halik at yakap na pinagsaluhan nila.“Put—” napabulong siya, sabay takip ng bibig. Hindi siya makapaniwala. Bakit? Paano? Ano
CHAPTER ONE DAHLIA HATE HER BOSS. Bukod kasi sa masungit at palagi itong galit ay hindi rin nito alam ang salitang personal space. Nasa leave siya at nagbabakasyon pero tumatawag pa rin ito at inaalam ang update sa kung anong project na naipasa naman na niya a week ago. Halos hindi na tuloy niya ma-enjoy ang bakasyon niya. Idagdag pa na maging ang mommy niya ay tumawag para ibalita sa kanya na kailangan niyang umattend ng kasal ng ex boyfriend niya at pinsan niyang nang-agaw rito. "Naka-move on ka naman na siguro." Iyon ang eksaktong sinabi ng mommy niya. Bagay na nakapagpagalit sa kanya. Move on?! In six months everyone expected her to move on after her long time boyfriend dumped her for her cousin? Although, expected naman niya na hindi siya kakampihan ng mommy niya dahil lumaki siyang hindi paborito ng magulang. Kahit nga mayaman sila at may sariling kumpanya ay nagsumikap pa rin siya para mag-move out pagka-graduate ng college—nang walang tulong ng mga ito. Pero syempre