Kinabukasan, tahimik lamang si Dahlia sa kanyang mesa. Tulala siya, habang paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang nangyari kagabi—ang pagkakatumba nila ni Damien sa swivel chair.
Hanggang sa sa mga katrabaho niya ang lumapit sa kanya. Inabot nito sa kanya ang isang kape mula sa isang sikat na coffeeshop. “Miss Navarro, the boss asked me to give this to you.” "Ha? Para sa akin?" taka niyang tanong. "Yes, Para sayo raw." "S-Sige." Nag-aalangan man, kinuha niya ito at binasa ang maikling sulat. Dahlia. I hope you are doing okay now, Have a great day a head —D Hindi alam ni Dahlia kung bakit pero tila gusto niyang mapangiti sa inaakto ng binata. "Huy ano 'yan?!" usisa ni Agatha nang makita nito ang hawak niyang kape. "Galing kay Sungit?!" Wala sa sariling napatango siya. "Oo." "Seryoso ka? Anong drama niya? Naalala na niya ang nangyari sa inyo? Sinabi mo ba?" Umiling siya bago bumuntong hininga. "Hindi. Hindi ko rin alam kung bakit.” Umunat-unat sa kanyang silya si Dahlia bago pilit na hinihilot ang sentido. Simula nang bumalik siya mula bakasyon, nag-iba na rin ang pakiramdam niya. Hindi lang siya basta napapagod sa maghapon. Madalas siyang nahihilo, lalo na kapag matagal siyang nakatayo o kapag napapasobra ang pagyuko habang naglilinis. May mga araw na bigla na lang siya makakaramdam ng matinding panghihina na para bang mauubusan siya ng lakas. Naisip niya noong una na baka hindi lang siya sanay sa trabaho o baka kulang siya sa tulog. Ngunit kahit magsikap siyang magpahinga at kumain nang tama, hindi rin nawala ang pagkahilo niya. Nagdesisyon na lamang siya na ayusin ang mga papel sa mesa. Sinimulan niyang salansanin ang mga papel nang makaramdam siya ng pagbaliktad ng sikmura. Para siyang naduduwal na hindi maintindihan. Mabilis siyang tumakbo sa CR. Nasalubong pa niya ang boss niya pero hindi niya pinansin ito. Nang matapos sa pagduwal ay mabilis siyang naghugas, Nanginginig pa ang kanyang mga kamay nang humarap siya sa salamin. Maputla siya at may mga butil ng pawis sa kanyang noo. Pinilit niyang ayusin ang sarili. Sakto naman na sumilip noon si Damien sa pinto. “Are you okay?” nag-aalalang tanong ng lalaki. Medyo napatigil pa si Dahlia. Hindi niya inaasahan na makikitaan niya ng pag-aalala ang lalaki. Hindi niya ito sinagot at tinapos na lang ang paghugas. “Go to the office clinic. If it’s that bad. Go home.” Tumalikod na rin ang lalaki kaya naman napa-buntong hininga siya. Kinagabihan ay muli silang naiwan na dalawa. Parehong may tinatapos na kailangan kinabukasan. Habang abala siya sa pag-aayos ng mga kailangan, lumapit si Damien at walang sabi-sabing kinuha ang folder mula sa kanyang mesa. “Perfect, Exactly what I needed.” “Talaga po?” Ngumiti ito. “Oo. And since maaga mo siyang natapos…Come to dinner with me?” Parang tumigil ang paligid niya. “Po?” “Dinner. Hindi business dinner. Just dinner. With me.” Nagkibit-balikat ito. “Kung okay lang sa’yo.” Saglit siyang natigilan pero in the end ay pumayag din siya. “Saan tayo kakain?” “Somewhere quiet. I know a place.” —– “Dito?!” “Yeah. I hope you don't mind?” Napatingin si Dahlia sa ramen place kung saan siya dinala ni Damien. Hindi ito tulad ng ramen place na nasa sosyal na lugar. Nasa tapat lang ito ng kalsada malapit sa opisina. “I’m craving ramen today. Is it okay?” Tumango naman si Dahlia. “Of course, Ayos lang…” “Masarap ang ramen nila dito—.” “Damien?! Jusko kang bata ka mabuti naman at nakadalaw ka sa akin. Sino iyang kasama mo? Girlfriend mo?” Isang matandang babae ang lumabas. Nakasuot ito ng lumang daster at Apron. Agad itong niyakap ni Damien. “Hindi po Nana, si Dahlia po. Secretary ko.” “Ohhh… Kagandang bata. Halika sa loob at kumain kayo.” Umorder sila ng Ramen at nang magsimulang kumain ay lumapit ang matanda sa kanila para makipag-kwentuhan. “Naku, Itong si Damien. Sa akin lang iyan kumakain noong highschool siya. Hindi ko nga alam na sobrang yaman pala niyan. At hindi ko alam na lalaki ng ganyan at gagwapo. Jusko, Mukhang tukmol ‘yan noon.” “Nana naman….” Sabay-Sabay silang nagtawanan. Matapos kumain ay inihatid siya ng lalaki sa parking at hindi talaga ito umalis hanggat hindi siya nakakasakay. “Baka mamaya may stalker ka na naman.” biro nito na siyang tinawanan lang niya. Ngunit kinabukasan nang muli nilang kinailangan mag-overtime ay muli siya nitong hinatid. “Just to be sure.” anito bago sinabihan din ang mga guard na mag-ikot ikot. Hanggang sa mga sumunod na araw ay hindi talaga ito pumayag na hindi siya ihatid. Ayon dito ay hindi ito komportable na mag-isa siyang naglalakad sa gabi. "Alam mo, pakiramdam ko ay may alam ang lalaking 'yan. How come he suddenly become so worried about you?" tinitigan siya ni Agatha. "I'm sure he know what he's doing. Maybe he is testing you if you also remember what happened. You know boys are like that." Ngunit lumipas ang ilang araw ay wala pa ring binabanggit si Damien sa kanya. Napaka-professional pa rin ng lalaki kahit silang dalawa lang. Although, hindi na ito kasing sungit katulad ng dati ay wala pa rin itong nababanggit tungkol sa nangyari. “Hindi ka na ba niya ginulo ulit?” tanong nito sa kanya isang gabi. “No, I’m really fine. You should go.” pagtataboy niya rito. Ngunit namulsa lang ang lalaki sa harap niya. “I’ll go once I see you gone.” ngumiti ito sa kanya. Napatitig naman siya sa lalaki. “Bakit tila ang bait mo na ngayon? You used to shout at me before.” Bahagyang tumawa ang lalaki. “Actually, yeah.” tumingin ito sa kanya. “I actually feel bad.” “Really—.” napatigil sa pagsasalita si Dahlia at napahawak sa sentido niya sa biglang pagsakit noon. Hindi rin niya alam kung bakit ba nitong mga nakaraan ay bigla nalang sumasakit ang ulo niya. “You’re my first employee who shouted at me like that and—are you okay?!” agad na kumapit sa kanya si Damien. Nagsimula nang maging dalawa ang lalaki sa paningin niya. Hanggang sa paunti-unti ay nanlabo na ang paningin niya at ang huling nakita niya bago siya mawalan ng malay ay ang lalaki na nag-aalalang nakatingin sa kanya.Puti. Purong puti lang ang nakikita ni Dahlia. Nasa langit na ba siya? Impossible. Sa dami ng kasalanan niya sa lupa ay impossibleng sa langit siya mapunta. Nanatili siyang nakatitig sa puting iyon habang inaalala ang nangyari. Ang natatandaan niya ay kausap niya si Damien bago siya mawalan ng malay. Inilibot niya ang paningin hanggang sa makita niya ang lalaki. Nakaupo ito sa isang upuan hindi kalayuan sa kanya. May ginagawa ito sa laptop. Seryosong-seryoso ang mukha nito at nakakunot na naman ang noo. "N-Nasaan ako." marahan niyang tanong sa lalaki. Agad na nag-angat ng tingin si Damien sa kanya. Nang makita nitong gising na siya ay agad nitong isinara ang laptop at tumayo. "Are you feeling okay?" naglakad ito papalapit sa kanya bago pinindot ang button sa itaas ng kama niya para tawagin ang nurse. Ilang sandali lang ay pumasok na ang isang Nurse at doctor. Parehong nakangiti ang mga ito sa kanila. Tumingin muna ang doctor kay Damien bago ito nagsalita. "Congratulations, misis
Kinabukasan, tahimik lamang si Dahlia sa kanyang mesa. Tulala siya, habang paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang nangyari kagabi—ang pagkakatumba nila ni Damien sa swivel chair. Hanggang sa sa mga katrabaho niya ang lumapit sa kanya. Inabot nito sa kanya ang isang kape mula sa isang sikat na coffeeshop. “Miss Navarro, the boss asked me to give this to you.”"Ha? Para sa akin?" taka niyang tanong."Yes, Para sayo raw.""S-Sige."Nag-aalangan man, kinuha niya ito at binasa ang maikling sulat. Dahlia. I hope you are doing okay now, Have a great day a head—DHindi alam ni Dahlia kung bakit pero tila gusto niyang mapangiti sa inaakto ng binata."Huy ano 'yan?!" usisa ni Agatha nang makita nito ang hawak niyang kape. "Galing kay Sungit?!" Wala sa sariling napatango siya. "Oo." "Seryoso ka? Anong drama niya? Naalala na niya ang nangyari sa inyo? Sinabi mo ba?" Umiling siya bago bumuntong hininga. "Hindi. Hindi ko rin alam kung bakit.”Umunat-unat sa kanyang silya si Dahlia bago p
Naging mahirap para kay Dahlia ang mga sumunod na sa trabaho. Lalo na’t sa opisina, tila hindi siya tinitigilan ng mga utos mula kay Damien. Kung dati ay limitado lang sa mga basic na administrative tasks ang kanyang ginagawa, ngayon ay halos PA na siya ng CEO. Pagtitimpa ng kape, papi-print ng kung anu-anong dokumento at pati na rin ang pagkuha ng pina-dry clean nitong mga damit. At syempre, hindi rin mawawala ang pago-over time. “Miss Navarro, pakitapos ito bago ka umuwi,” madalas na sambit ni Damien tuwing alas-sais ng gabi, kasabay ng paglagay ng makapal na folder sa kanyang mesa. “Ngayon po?” tanong niya. “May presentation ako bukas ng umaga. Kailangan ko itong perfect. I trust you can handle it.”Hindi niya kayang tumanggi. Kaya kahit na iniisip niya ang mga gagawin niya sa bahay ay hindi niya magawa.Tumagal ng ilang linggo na ganoon at sa araw-araw, mas lalong sumasama ang ugali sa kanya ni Damien. Ganoon naman talaga ito noon pa, walang pakialam at madalas ang sungit-sun
CHAPTER TWOMabigat ang ulo ni Dahlia. Para bang may sumusuntok sa loob ng kanyang sentido, at bawat galaw niya ay sumisigaw ng pagod at sakit. Dahan-dahan siyang dumilat, umaasang nasa sariling kama lang siya. Ngunit agad siyang kinabahan. Una niyang napansin ang tila isang expensive na chandelier. Obviously, Hindi ito ang silid niya.Napahawak siya sa kanyang ulo bago niya inilibot ang paningin. Maaliwalas ang kwarto, may malamig itong tone ng kulay asul at puti. Moderno rin ang istilo nito at naaamoy niya ang mabangong amoy ng humidifier na humahalo sa hangin. Dahan-dahan siyang naupo, pinipilit isipin kung bakit siya naroroon.Napamura siya sa isip nang makita ang jacket ni Damien sa upuang malapit sa kama.Biglang pumasok ang ilang alaala mula sa nagdaang gabi—ang bar, ang sigawan, ang alak, at ang galit niya sa lalaki. Pero nangingibabaw sa mga iyon ang halik at yakap na pinagsaluhan nila.“Put—” napabulong siya, sabay takip ng bibig. Hindi siya makapaniwala. Bakit? Paano? Ano
CHAPTER ONE DAHLIA HATE HER BOSS. Bukod kasi sa masungit at palagi itong galit ay hindi rin nito alam ang salitang personal space. Nasa leave siya at nagbabakasyon pero tumatawag pa rin ito at inaalam ang update sa kung anong project na naipasa naman na niya a week ago. Halos hindi na tuloy niya ma-enjoy ang bakasyon niya. Idagdag pa na maging ang mommy niya ay tumawag para ibalita sa kanya na kailangan niyang umattend ng kasal ng ex boyfriend niya at pinsan niyang nang-agaw rito. "Naka-move on ka naman na siguro." Iyon ang eksaktong sinabi ng mommy niya. Bagay na nakapagpagalit sa kanya. Move on?! In six months everyone expected her to move on after her long time boyfriend dumped her for her cousin? Although, expected naman niya na hindi siya kakampihan ng mommy niya dahil lumaki siyang hindi paborito ng magulang. Kahit nga mayaman sila at may sariling kumpanya ay nagsumikap pa rin siya para mag-move out pagka-graduate ng college—nang walang tulong ng mga ito. Pero syempre