
The Ruthless Zillionaire Contract Wife
Nang mamatay ang ama ni Maureen, halos gumuho ang mundo niya. Naiwan siyang mag-isa, at kasabay nito ay ang milyong-milyong utang na hindi kayang bayaran ng kanilang bahay o negosyo. Ang madrasta niyang ubod ng sama, na tila kamag-anak ni Lucifer, ay sinisi siya sa lahat ng kamalasan. Pinagbantaan pa siya nito na kung hindi makakapangasawa ng mayaman ay papalayasin siya nito, na ikinatakot niya, dahil wala na siyang ibang matatakbuhan.
Parang pinagsakluban siya ng langit ng matanggal pa siya sa trabaho. Pero biglang nagbago ang lahat nang ipatawag siya ng boss niyang ubod ng lamig. Inalok siya ng kasal. “Marry me, I'll pay your debt and I'll introduce you to my family to be able to receive my heritage from them. Just contract marriage, no feelings involved, let's call it business.”
Dalawa lang ang pagpipilian ni Maureen: maging palaboy o tanggapin ang alok. “Deal,” sagot niya. Kahit tatlong taon siyang magtitiis sa pagiging asawa ng boss niyang cold-hearted.
Sa unang buwan ng pagiging mag‑asawa nila sa papel ay naging madali kay Maureen. Naging sekretarya siya ng boss niya at magkasama sila sa iisang bahay. Wala silang pakialaman pagdating sa trabaho; madali lang para sa kanya magpanggap bilang asawa.
Ngunit habang patagal nang patagal ang relasyon nila, nagsimula nang magbago ang nararamdaman nila sa isa't-isa. Nagsimula na ring mag‑alala ang lalaki kay Maureen. Si Maureen ang naging dahilan kung bakit nagbago at lumambot ang naninigas nitong puso.
Dumating na nga sa punto na matatapos na ang kontrata, ngunit hindi ang pagmamahal ni Maureen para sa boss niya. Nagdadalawang‑isip pa siya kung tatanggapin na ba niya sa kanyang sarili na ang boss niyang nyebe ay mahal niya na o tatapusin niya na lang ang kontrata at magsisimulang mamuhay muli na walang boss na nyebe sa kanyang buhay.
Read
Chapter: Chapter 5Matapos ang nangyari sa bahay ni Genovia at mansyon ng mga Andrada, naging abala kami pareho ni Sir Travis dahil sa nalalapit na kasal namin. Biglaan kaya literal na puspusan ang paghahanda namin.Konti lang ang guess na imbitado, hindi magarbo pero nagsusumigaw ang mga presyo ng gown, utensils, food, etc. Kasalukuyan rin akong nakatira sa condo ni Sir Travis, at siya naman ay sa bahay niya mismo. Yes, may sariling bahay si Travis, and sabi niya sa'kin kapag naikasal na kami doon na rin ako titira sa bahay nila. It means magsasama kami sa iisang bahay, my gosh!“Bayad na ang lahat ng utang ng tatay mo sa bangko, Maureen. but sad to say, they take over the company,” nahinto ko ang ginagawa ko at sandaling tumingin sa labas. Tila may libo-libong karayom ang tumutusok sa dibdib ko nang marinig ko ang balita galing kay Sir Travis. Ang kompanya na pinaghirapan ng mommy ko ay napunta lang sa wala, at ang kompanya na pilit na pinaglaban ni Daddy ay nasayang lang dahil sa Genovia at Chantel
Last Updated: 2025-09-24
Chapter: Chapter 4Muling sumibol ang kaba ko ng biglang sumagi sa isip ko na what if nga ma-fall ako sa hambog na to? Edi ang malas ko!“Ano, Maureen. Deal or no deal? My patience is running out.” Napitlag ako sa biglang pagtaas ng boses ulit ni Sir Travis, alanganin pa akong ngumiti sa kanya at nag thumbs up. “What is the meaning of that, Maureen? ” takang tanong niya sakin.“Deal, sir,” diritsong sagot ko. Wala nang patumpik-tumpik pa dahil wala na akong choice! Kailangan kong maisalba ang sarili ko sa mga taong hinihintay ang paglubog ko.“Good. Susunduin ka ng butler ko mamayang gabi para sa dinner with my family. Wear a formal suit, Maureen.” Tumango naman ako sa kanya at wala nang balak magreklamo.—Ganon kabilis ang nangyari dahil ngayon heto ako sa harap ng buong pamilya niya yata? Hindi ako sigurado, pero andami kasi nila. Ang iba natutuwa na makitang ako, at syempre hindi mawawala ang nakataas ang kilay at halatang hinuhusgahan ang buong pagkatao ko, pero deadma sa kanila. Ang importante sa
Last Updated: 2025-09-24
Chapter: Chapter 3“Wait a minute. Are you asking me a favor or what? ” I can't stop myself yelling at him, like, what the heck? Ano bang pumasok sa isipan niya para biglang latagan ako ng sagradong salita?“I'm not asking you, Maureen. I'm giving you a chance to continue to live without thinking about a million debts.” Sandali akong natigilan sa huli niyang sinabi.Kapag lumabas ako ng opisina niya na "no" ang sagot, alam ko na kung saan ako pupulutin, sa lansangan kasama ng mga taong kagaya ko. Wala na rin ibang mapuntahan kundi ang lansangan na bukas para sa lahat ng taong wala nang mauuwian.“Pero bakit ako? Maraming iba dyan sir, mas mayaman kumpara sakin na malapit ng maging pulubi,” hindi ko na mapigilan ang sarili na maging sarkastiko, kahit sino naman siguro magmumukhang baliw dahil sa offer ng isang to.Oo, mayaman siya, gwapo, at maraming babae na nagkakandarapa para mapangasawa siya pero hindi ako kasali ron. Hindi ko naman pinangarap magkagusto sa walang puso, ano. “Wag ka nang maraming ta
Last Updated: 2025-09-24
Chapter: Chapter 2Makalipas ang apat na araw, muli akong pumasok sa trabaho; baon ko ang sakit at mga alaala na, na iwan ni daddy sa akin. Agad rin na inilibing si Daddy dahil ayaw na ni Genovia na patagalin pa ang burol dahil magastos daw. Lumabas rin ang totoo niyang kulay; pera lang ang habol niya sa daddy ko. At ngayon naman she blocked mailing me para hindi siya maglabas ng kahit konting kusing para tumulong sa pagbayad ng utang na naiwan ni Daddy sa ‘min. Masyadong selfish, parang hindi siya nagpakasasa sa pera ni Daddy noon.“Pumasok ka pa, Maureen? A, kukunin mo ba ang mga gamit mo? Naku, baka nasa stocked room nilagay ni ma'am Mina, alam mo naman yun allergic sa kalat,” bungad sakin ni Nathan, isa sa mga katrabaho. “Bakit niya naman ilalagay sa stocked room ang mga gamit ko? May nangyari ba, Nathan? ” tanong ko at nagpatuloy sa paglalakad papasok sa kompanya ng mga Andrada. Napahinto si Nathan sa paglalakad at hinawakan ang magkabilang balikat ko. “Wala kang alam, Maureen? ” Umiling ako sa
Last Updated: 2025-09-24
Chapter: Chapter 1“Good afternoon, I am Harvey, a resident nurse at Clark Hospital, where Mr. Dominador Torres is bedridden and lifeless; he was involved in a car accident. If you are Ma'am Maureen Isabelle Torres, could you please come to the hospital right away so your father's requirements can be processed? ”Sandali pa akong napahinto ng mabasa ko ang text message gamit ang number ni Dad. I can't move my feet, and my hands are starting to tremble slowly. Ayaw mag-sink in sa utak ko ang text message na nabasa ko. “S-Scam ba to? ” I asked myself as if I could answer my own questionI start to dial my stepmom's number.“Where are you? Bakit wala ka pa rito sa bahay, na babae ka? Alam mo bang naaksidente ang daddy mo and he's in Clark Hospital? He's dead, Maureen! ” sigaw sa akin ni Genovia. Ang pangalawang asawa ng tatay ko."I-I'm on my way," sagot ko at agad na pumara ng taxi, hindi ko pa rin magawang umiyak. Hindi ko rin alam kung bakit? Pero mabigat ang dibdib ko at tila isang piitan ng mga nara
Last Updated: 2025-09-24