LOGINAlmost 1 week na kaming kasal ni Travis at almost 1 week na rin akong secretary niya at syempre almost 1 week na rin akong Imbyerna dahil sa Mina na yon! Mabuti na nga lang nandyan palagi si Sir Cameron para pagaanin loob ko; psh, yung Travis kasi na yon palaging deadma lang, puro utos na akala mo personal maid niya ako.“Where's my coffee, Maureen? ” Ayan na naman siya! Hindi pa nga ako nakakaupo.“Kakatapos mo pa lang magkape, ah? Gusto mo na ba talagang mag palpitate, Travis? ” Hindi ko na naman naiwasan ang bibig ko dahil mukha na naman siyang werewolf na galit. “Do what I want, Maureen.” His husky voice made my knee tremble. Palagi naman.No choice ako, kaya lumabas ulit ako ng opisina niya para pumunta ng pantry, and as usual makakasalubong ko na naman si Mina, the evil of the company. Paano ko nasabing evil? Dahil palagi na lang siyang galit sa ‘kin, inggit lang siya.“Maureen, saan ang punta mo? ” Kumaway pa si Sir Cameron habang palapit sa gawi ko na siyang ikinangiti ko at i
Napasinghap ako nang makarating ako sa first floor, halos kasi lahat ng empleyado na nasa limang department ay naroon. Nakita ko pa kung paano manlisik ang mata ni ma'am Mina sa ’kin at sa ibang empleyado.Agad na lumapit si Ma'am Mina sa ‘kin at marahas na hinawakan ako sa braso. “Ano pang ginagawa mo rito? Hindi ba sinabi kong tanggal ka na sa trabaho? Binigay ko na rin sa'yo lahat ng gamit mo, ano pa bang kailangan mo? Alam mo, Maureen, habang wala pa si Sir Travis, umalis ka na. Ayaw kong pareho tayong mapagalitan dahil sa katigasan ng ulo mo,” napapikit naman ako dahil sa sakit ng pagkakahiga niya sa braso ko.Ano bang problema nito? Alam ko naman na may gusto siya kay Sir Travis, at best friend siya ni Chantel, pero what the heck? Bakit ba ganun na lang ang inis nito sa ’kin? At isa pa, bakit siya bothered masyado sa presensya ko? Omg! Don't tell me insecure siya sa ‘kin? My gosh, Ma'am Mina!“Bitawan nyo muna ako, Ma'am Mina. Nasasaktan na kasi ako,” malumanay kong sabi, ngunit
“Anong ginagawa mo rito, Maureen? ” Napitlag ako sa biglang pagyugyog ni Ma'am Mina sa balikat ko.Agad ko siyang pinasadahan ng tingin at nakita ko ang salubong niyang kilay at tila hindi natutuwa sa presensya ko.Kung bakit naman kasi pinapunta pa ako rito ni TravisKasalukuyan akong nasa kompanya ng peke kong asawa. Hindi ako makatanggi nang tumawag siya sa 'kin kaninang tanghali para papuntahin ako rito.“Pinapunta ako ni Tra—... Sir Travis,” napakamot pa ako sa ulo dahil kamuntikan ko nang matawag sa pangalan si Travis sa harap ng magiting niyang head manager na ubod ng sungit. “Bakit? ” tanong pa niya sa ‘kin. Kibit-balikat naman akong tinignan siya at dumiretso na sa mismong opisina ni Travis.Nadatnan ko pa tutok na tutok siya sa binabasa niya na tila ba ayaw magpa istorbo, pero dahil ako si Maureen, hindi pwedeng deadmahin niya lang ang presensya ko, ano! Kahit sobrang awkward pa sa ‘kin ng nangyari kaninang umaga, kailangan niyang sagutin ang tanong ko.“Bakit mo naman ako b
Matapos ang nangyari sa bahay ni Genovia at mansyon ng mga Andrada, naging abala kami pareho ni Sir Travis dahil sa nalalapit na kasal namin. Biglaan kaya literal na puspusan ang paghahanda namin.Konti lang ang guess na imbitado, hindi magarbo pero nagsusumigaw ang mga presyo ng gown, utensils, food, etc. Kasalukuyan rin akong nakatira sa condo ni Sir Travis, at siya naman ay sa bahay niya mismo. Yes, may sariling bahay si Travis, and sabi niya sa'kin kapag naikasal na kami doon na rin ako titira sa bahay nila. It means magsasama kami sa iisang bahay, my gosh!“Bayad na ang lahat ng utang ng tatay mo sa bangko, Maureen. but sad to say, they take over the company,” nahinto ko ang ginagawa ko at sandaling tumingin sa labas. Tila may libo-libong karayom ang tumutusok sa dibdib ko nang marinig ko ang balita galing kay Sir Travis. Ang kompanya na pinaghirapan ng mommy ko ay napunta lang sa wala, at ang kompanya na pilit na pinaglaban ni Daddy ay nasayang lang dahil sa Genovia at Chantel
Muling sumibol ang kaba ko ng biglang sumagi sa isip ko na what if nga ma-fall ako sa hambog na to? Edi ang malas ko!“Ano, Maureen. Deal or no deal? My patience is running out.” Napitlag ako sa biglang pagtaas ng boses ulit ni Sir Travis, alanganin pa akong ngumiti sa kanya at nag thumbs up. “What is the meaning of that, Maureen? ” takang tanong niya sakin.“Deal, sir,” diritsong sagot ko. Wala nang patumpik-tumpik pa dahil wala na akong choice! Kailangan kong maisalba ang sarili ko sa mga taong hinihintay ang paglubog ko.“Good. Susunduin ka ng butler ko mamayang gabi para sa dinner with my family. Wear a formal suit, Maureen.” Tumango naman ako sa kanya at wala nang balak magreklamo.—Ganon kabilis ang nangyari dahil ngayon heto ako sa harap ng buong pamilya niya yata? Hindi ako sigurado, pero andami kasi nila. Ang iba natutuwa na makitang ako, at syempre hindi mawawala ang nakataas ang kilay at halatang hinuhusgahan ang buong pagkatao ko, pero deadma sa kanila. Ang importante sa
“Wait a minute. Are you asking me a favor or what? ” I can't stop myself yelling at him, like, what the heck? Ano bang pumasok sa isipan niya para biglang latagan ako ng sagradong salita?“I'm not asking you, Maureen. I'm giving you a chance to continue to live without thinking about a million debts.” Sandali akong natigilan sa huli niyang sinabi.Kapag lumabas ako ng opisina niya na "no" ang sagot, alam ko na kung saan ako pupulutin, sa lansangan kasama ng mga taong kagaya ko. Wala na rin ibang mapuntahan kundi ang lansangan na bukas para sa lahat ng taong wala nang mauuwian.“Pero bakit ako? Maraming iba dyan sir, mas mayaman kumpara sakin na malapit ng maging pulubi,” hindi ko na mapigilan ang sarili na maging sarkastiko, kahit sino naman siguro magmumukhang baliw dahil sa offer ng isang to.Oo, mayaman siya, gwapo, at maraming babae na nagkakandarapa para mapangasawa siya pero hindi ako kasali ron. Hindi ko naman pinangarap magkagusto sa walang puso, ano. “Wag ka nang maraming ta







