Chapter: Chapter 5: Alpha Car Company Dahil hapon na, nagpasya na si Charmaine na magtungo sa pharmacy store para bumili ng vitamins na kailangan siya. Pinakiusapan rin siya ni Aida na sunduin ang kaniyang pamangkin. Iisa lang ang anak ng Kuya niya at ito ay nasa siyam na taong gulang na. Nag-aaral sa public school. Pumayag siyang daanaan ang pamangkin niya dahil wala naman siyang ibang gagawin ngayong hapon. Sumakay siya ng traysikel at nagtungo sa pharmacy store. Mabilis lamang siyang nakarating ng pharmacy store, lulan ng traysikel. Nasa counter na siya nang biglang dumating ang kapit bahay nila na mukhang bibili rin ng kung ano sa store. “Bakit ka nandito?” tanong ng kapit bahay niyang, ka edad niya. “Hay nako, Lorena. Hindi ako na inform na kailangan ko pang ipaalam sa ‘yo na pupunta ako dito.” Pabirong sagot ni Charmaine. “Syempre, bibili ako,” dugtong pa niya. Napaismid ang nagngangalang Lorena at tinignan siya nito na para bang isa siyang napakababang nilalang. “Hindi ka pa rin nagbabago, Charmaine, masyad
Huling Na-update: 2025-09-23
Chapter: Chapter 4Kaharap ni Charmaine ang kuya Charles niya pati na rin ang sister inlaw niyang si Aida. Close sila ng sister-in-law niya, magkakampi sila sa lahat ng bagay, lalo na kapag may topak ang Kuya Charles niya. Napakagat labi si Charmaine ng tignan siya ng masama ng Kuya niya. Matapos niyang hindi masagot ang maraming tawag ng Kuya niya. Biglang dumating ang Kuya niya kasama ang asawa nitong si Aida. “Huwag kang matakot sa Kuya Charles mo, Charmaine. Ganyan lang ‘yan kasi hindi mo sinagot tawag niya.” Bulong ni Aida sa kaniya. “Bakit hindi mo sinagot ang tawag ko?” tanong ni Charles sa kaniya. “Busy ako kanina, Kuya. Nakipag-meet ako sa tatay ng pinagbubuntis ko.” Sagot ni Charmaine. “kasal na din kami. Kaya hindi na ako pwedeng magpakasal sa matandang nirereto ng Nanay natin,” dugtong pa niya.Napaawang ang labi ng Kuya niya pati na din si Aida. Nagulat sila.“Ganun kabilis? Nasa tamang pag-iisip ka pa ba, Charmaine?” tanong ng kuya niya. “Kuya, pinag-isipan ko naman ito. Sa totoo nga
Huling Na-update: 2025-09-23
Chapter: Chapter 3: Married Sa isang iglap, isa ng ganap na Clarkson si Charmaine. Walang kahirap- hirap silang ikinasal. Tanging isang attorney lamang ang naging daan upang sila ay maikasal. Tanging pirma lamang ng dalawa ang naganap. Ang nakakabinging katahimikan lamang ang tanging naging problema sa pagitan ng dalawa. Dahil sa photo shoot ng dalawang ito, tanging si Charmaine lang ang nagbigay effort sa photo shoot. Samantalang, hindi ngumingiti ang kasama niyang si Evans. “ Pinaglihi ba ito sa sama ng loob?” Di maiwasang tanong ni Charmaine sa sarili. “Hindi man lang marunong ngumiti.” Isinawalang bahala naman na ito ni Charmaine at binigyang pansin ang marriage certificate na hawak niya. “Thank you!” pagbasag ni Charmaine sa katahimikan sa loob ng office ng attorney. Tinignan naman siya ni Evans. Tanging malamig na tingin lamang ang sinagot sa kaniya nito. Pero hindi pa din nagpatinag si Charmaine. “ Thank you sa pagpayag na pakasalan ako, alang-alang sa baby natin.” Sambit niyang muli. “
Huling Na-update: 2025-09-23
Chapter: Chapter 2 : Meet, Evans Clarkson Matapos tawagan ni Charmaine ang lalaking naka one night stand niya. noong gabing nasa vip room siya ng isang hotel kasama ang misteryosong lalaking iyon. Gumapang ang matinding kaba sa kaniyang dibdib.Nagtungo siya sa isang coffee restaurant upang makipag kita sa lalaking nakabuntis sa kaniya. Puno siya ng kaba sa mga oras na ito. Ngunit kailangan niyang harapin ang lalaki, upang makipag kasundo sa kaniya. Kailangan nilang maikasal ng lalaking ito. Kahit na hindi ito mayaman ay okay lang sa kaniya. Hanggang sa masaksihan niya ang magarang sasakyan sa labas ng coffee shop. Wala siyang kaalam- alam na ang lalaking lumabas Sa mamahaling sasakyan na nasa harap ng coffee shop ay ang lalaking hinihintay niyang dumating. Nakatitig lamang siya sa lalaking nakasuot ng formal attire. Sa tingin niya ay nasa edad 25+ na ang lalaki. Namangha si Charmaine, dahil napaka gwapo nito, matangkad at ang lakas ng dating. May dalawang bodyguard pa itong kasama!Sa bilis ng pangyayari, hindi namalay
Huling Na-update: 2025-09-23
Chapter: Chapter 1: Unexpected Pregnancy . "You're pregnant,” sambit ng babaeng doktor, na nasa edad 40. Napatulala si Charmaine, matapos marinig ang anunsyo ng doktora. Kitang kita niya ang resulta ng ultrasound. Tunay ngang buntis siya… Binigyan ng doktora ng malamig na tingin si Charmaine. Marami ng naging pasyente ang doktora na karamihan ay puro kabataan, na nag papa-check up. Mga kabataan na nagugulat sa mga nagiging resulta ng kanilang checkup.“Ito ba ay first baby mo, Miss?” tanong ng doktor kay Charmaine na hindi malaman kung ano ang gagawin. "Ah, eh, first time ko po ito, doc.” Sagot nI Charmaine. "Let me tell you, Ms. Kung iniisip mong ipalaglag ang baby sa tiyan mo, huwag mo ng subukan pa. Maraming consequences kapag ginawa mo iyon.” Paalala ng doktora sa kaniya. Kaagad na umiling si Charmaine upang ipadating sa babaeng doktor na gusto niya ang baby sa tiyan niya. “Hindi ko po ipapalaglag ang baby sa tiyan ko.” Ngumiti ang doktor at napatango. You are five weeks pregnant. At healthy naman ang
Huling Na-update: 2025-09-23