Sa isang iglap, isa ng ganap na Clarkson si Charmaine. Walang kahirap- hirap silang ikinasal. Tanging isang attorney lamang ang naging daan upang sila ay maikasal. Tanging pirma lamang ng dalawa ang naganap.
Ang nakakabinging katahimikan lamang ang tanging naging problema sa pagitan ng dalawa.
Dahil sa photo shoot ng dalawang ito, tanging si Charmaine lang ang nagbigay effort sa photo shoot. Samantalang, hindi ngumingiti ang kasama niyang si Evans.
“ Pinaglihi ba ito sa sama ng loob?” Di maiwasang tanong ni Charmaine sa sarili. “Hindi man lang marunong ngumiti.”
Isinawalang bahala naman na ito ni Charmaine at binigyang pansin ang marriage certificate na hawak niya.
“Thank you!” pagbasag ni Charmaine sa katahimikan sa loob ng office ng attorney.
Tinignan naman siya ni Evans. Tanging malamig na tingin lamang ang sinagot sa kaniya nito.
Pero hindi pa din nagpatinag si Charmaine. “ Thank you sa pagpayag na pakasalan ako, alang-alang sa baby natin.” Sambit niyang muli.
“ Anything you want to say?” sambit ng lalaki.
Umiling si Charmaine at ngumiti. “Wala na naman akong kailangan sa ‘yo. Thankful lang ako dahil pumayag ka. Huwag mag-alala, hindi ako magiging sagabal sa ‘yo. Mayroon naman akong trabaho.”
Hindi naman umimik ang lalaki at hinahayaan lamang nitong magsalita si Charmaine.
"Mr. Evans, please save my phone number. If you need anything from me, please just call me or message me. Magresponse agad ako sa ‘yo.” Saad ni Charmaine.
Hindi naman tumanggi si Evans sa nais ni Charmaine. Matapos makuha ni Evans ang number ni Charmaine. Na- realize ni Charmaine na hindi niya pa pala tunay na kilala ang lalaking pinakasalan niya.
“Bakit nga ba parang sobrang misteryoso ng lalaking ito?” Tanong ni Charmaine sa isip.
"Uhm…”
Tanging lumabas sa bibig ni Charmaine.
"From now on, call me Evans, not Mr.” Sambit ng lalaki, “I'm your husband now.” Dugtong pa nito.
Nakaramdam si Charmaine ng matinding kaba, ang puso niya ay nagsimulang tumibok ng pagkabilis-bilis.
“Sigurado ka Mr. Evans?” paniniguro niya .
“ Call me that again, I will gonna end this marriage.” Saad ng lalaki dahilan upang mapangiwi siya.
“Playing hard to get?” saad sa isip ng lalaki.
“Sige, Evans.” Bawing sabi niya.
Tumayo ang lalaki mula sa pagkakaupo at inayos ang suot. “I'm busy, I need to go now. I can't take you home.” Saad nito.
Tumayo si Charmaine at sinabing "It's okay, Evans. Kaya ko naman umuwing mag-isa. Salamat sa araw na ito, sa pagpayag.”
Naglakad ang dalawa palabas ng office ng attorney. Hanggang sa makarating sila sa parking lot.
"Mauuna na kong umalis!" Pagpapaalam ni Charmaine sa lalaki.
Samantalang hinihintay ng lalaki na may hilingan ang babaeng ito. Dahil kadalasan naman sa mga pangyayaring ito, tulad ng sa pelikula, matapos ikasal ay hihiling na ang babae ng pera o ng yaman. Sa madaling salita, that woman will reveal her true identity.
But the woman walked away without even turning back to him.
Pinagmasdan ni Evans ang likod ng babae. Nagtungo ito sa isang electronic Scooter at sumakay.
“Sasakay siya diyan? Nagpapaawa ba ito sa ‘kin Or tricks lang ng babaeng ito para makuha ang loob ko?” Sambit ni Evans.
Napailing na lamang siya ng tuluyan ng mawala sa paningin niya ang babaeng asawa niya ngayon.
Well, kailangan niyang ibahay ang babaeng ito.
…
Napukaw ang atensyon niya ng bigla siyang tawagan ng sekretarya. Pinaalala lang sa kaniya ng sekretarya na mayroom siyang meeting mamayang hapon.
He's a busy person.
Siya ang nagmamay-ari ng Clarkson Group Corporation.
Sa tuwing trabaho ang usapan, talagang napaka galing niyang presidente. Napaka galing niya sa larangan ng negosyo, kaya hindi nakakapagtaka nz successful ang pamilya nila.
As a president of Clarkson Group, sa murang edad, marami ng achievement sa buhay ang lalaki. Kaya niyang kontrolin ang lahat, ang emosyon siya sa pansariling kapakanan at sa trabaho. Ngunit hindi sa ngayon, bigla atang nagbago ang ihip ng hangin.
Bakit ang bilis lang siyang napapayag sa marriage na hiniling ng babaeng naka one night stand niya?
Maraming pwedeng dahilan.
Dahil siya ang nakauna sa babae.
Dahil may utang na loob siya ng gabing iyon.
Dahil magiging tatay na siya sa pinagbubuntis ng babae.
Matapos sagutin ang phone call, pinatay niya ang tawag at isinilid ang telepono sa kaniyang bulsa.
“I hope you are not the other woman who just only needs money.” Nasambit na lamang ni Evans sa kaniyang sarili, bago sumakay at tuluyang nilisan ang lugar.
...
Samantalang sumalubong naman ang malakas na hangin kay Charmaine ng makauwi sa bahay ng kaniyang magulang.
Naalala niya, may paparating na bagyo sa kanilang lugar. Kaagad niyang kinuha sa sampayan ang mga damit niyang isinampay.
Matapos niyang kunin, pumasok na siya sa loob ng bahay. Hindi pa rin siya makapaniwala na kasal na siya ng ganun kabilis. At ngayon nagdadalang tao na siya.
Ganun pa man, okay lang naman sa kaniya iyon. May maayos naman siyang trabaho, may pera siya. Kaya niyang buhayin ang baby niya. Hindi niya hahayaang maranasan ng magiging anak niya ang naranasan niya noong bata pa siya.
Naalala niya, noong bata pa siya, hindi siya magawang bigyan ng pocket money ng ina. Kahit na ganun, nagtitinda siya ng mga kung ano-ano para maka-survive. Kaya kahit singkong duling ay pinapahalagahan niya ito.
Matapos ang pagbabaliktanaw niya, napukaw ang atensyon niya sa mga missed call. Hindi lang isa o dalawang missed call ang hindi niya nasagot. Kung hindi 20 missed call. Mga tawag na hindi niya nasagot mula sa kaniyang kuya Charles.
Kaya ni Charmaine balewala ang ina, ngunit hindi ang kaniyang Kuya Charles. Napakabuti ng kuya niya sa kaniya, mahal niya ito ng sobra.
Siguro ay makikibalita ang kuya Charles niya sa meetup nila ng lalaking nakabuntis sa kaniya.
Kilala ni Charmaine ang kapatid niyang si Charles. Hindi iyon ang tipo ng tao na walang pakialam sa mga ganitong pangyayari. Tulad ng pag announced niya na buntis siya.
Syempre, gulat na gulat ang pamilya niya. Wala naman din kasi siyang pinakilalang manliligaw. Tapos, ibabalita niyang buntis na siya.
She knows her Kuya Charles is strict. Kaya kaagad niyang pinilit na magpakasal sa lalaking nakabuntis sa kaniya, na hindi niya naman lubusang kilala.
Chapter 4 Charles & Aida
Kaharap ni Charmaine ang kuya Charles niya pati na rin ang sister inlaw niyang si Aida. Close sila ng sister-in-law niya, magkakampi sila sa lahat ng bagay, lalo na kapag may topak ang Kuya Charles niya.
Napakagat labi si Charmaine ng tignan siya ng masama ng Kuya niya. Matapos niyang hindi masagot ang maraming tawag ng Kuya niya. Biglang dumating ang Kuya niya kasama ang asawa nitong si Aida.
“Huwag kang matakot sa Kuya Charles mo, Charmaine. Ganyan lang ‘yan kasi hindi mo sinagot tawag niya.” Bulong ni Aida sa kaniya.
“Bakit hindi mo sinagot ang tawag ko?” tanong ni Charles sa kaniya.
“Busy ako kanina, Kuya. Nakipag-meet ako sa tatay ng pinagbubuntis ko.” Sagot ni Charmaine. “kasal na din kami. Kaya hindi na ako pwedeng magpakasal sa matandang nirereto ng Nanay natin,” dugtong pa niya.
Napaawang ang labi ng Kuya niya pati na din si Aida. Nagulat sila.
“Ganun kabilis? Nasa tamang pag-iisip ka pa ba, Charmaine?” tanong ng kuya niya.
“Kuya, pinag-isipan ko naman ito. Sa totoo nga lang mayroon na kaming Marriage Certificate eh.”
“Marriage Certificate? Kasal ka na, Charm? Sino yung lalaki?!” Gulat na tanong ni Aida sa kaniya.
Tumango siya at napa buntong hininga. “Oo, Ate. Kasal na nga ako. Sorry kung hindi ko kayo agad na sabihan. Masyado kasing mabilis ang mga pangyayari.” Aniya.
Napasapo sa noo ang kuya niyang si Charles, “ sa ina ba natin sinabi mo?” tanong nito sa kaniya. “Bakit padalos-dalos ka kaagad ng decision? Hindi mo man lang iniisip ang magiging resulta ng desisyon na ginawa mo!?” May halong inis na dugtong ni Charles.
“Kahit si Mama, hindi rin alam. Pasensya na kung padalos-dalos ako ng desisyon. Pero, nandito na ito eh. Kailangan ko itong panindigan.” Tanging usal ni Charmaine.
“Charles, hayaan na natin ang kapatid mo. 25 years old na naman siya. Nasa tamang edad niya siya para mag-asawa at mabuntis. Iyon ang realidad ng buhay. We need to accept it.” Payo ni Aida. Wala naman nagawa ang Kuya ni Charmaine kundi mapabuntong hininga.
Tama naman si Aida. Nasa tamang edad na kasi siya. At the age of 25, hindi na masama para magkapamilya.
Ayaw talaga ni Charmaine magpakasal sa matandang mayaman na nirereto ng nanay niya.
Kasal para lang sa marangyang buhay?
Kahit na ganun ang naghihintay sa kaniya, oras na tanggapin niya ang offer ng ina. Para naman siyang nakakulong sa isang selda. Wala siyang karapatan na maging malaya.
Gumawa lang siya ng desisyon ngayon na alam niyang mas makakabuti sa kaniya.
“Ano ang plano mo ngayon? Ngayon na kasal ka na sa lalaking hindi mo pa naman pinapakilala sa amin. Ano ang balak mo?” seryosong tanong ni Charles sa kaniya.
Napakagat labi si Charmaine bago nagsalita,” balak kong magtrabaho at mag-ipon. Para sa sanggol na nasa sinapupunan ko. Bubukod na din ako ng tirahan para naman hindi masyadong masikip ang bahay ni Mama.”
“Titira ka na sa bahay ng asawa mo?” Kailan mo ipapakilala sa amin ang lalaking iyon?”
Hindi siya kaagad nakasagot. Hindi naman kasi niya pwedeng sabihin na hindi niya magiging kasama sa isang bubong ang asawa niya. Dahil sa papel lang naman sila kasal. Hindi nila mahal ang isa't isa.
Pero, gusto na niya talagang makawala sa ina nilang walang ibang inisip kundi ang yumaman. Ayaw na niyang gamitin pa ng ina sa mga bagay na ayaw niyang gawin o sundin.
Mula pagkabata, lagi niyang sinusunod ang ina. Kahit na labag minsan sa kaniyang loob.
“Bakit hindi ka umiimik diyan, Charm?” tawag sa kaniya ni Aida.
Napailing siya. “ Mayroon lamang akong iniisip, Ate Aida. Tungkol naman sa tanong mo Kuya Charles, malapit na naman kayong magkita ng asawa ko. Busy lang siya ngayon sa trabaho,” usal ni Charmaine.
“Okay sige. Dahil nakapag desisyon ka na naman. At alam kong wala ka pang hawak na pera. Isesend ko sa account mo ang kaunting pera,” usal ni Charles.
“Oo nga, Charm. Nabanggit sa akin ng kuya mo na binayaran mo ang loan ng Mama niyo.” Sambit ni Aida.
“No, Kuya. Salamat na lang pero hindi ko matatanggap ‘yan. Mayroon pa naman akong kaunting ipon. Makakapag trabaho pa din naman ako, kahit na buntis na ako.” Saad ni Charmaine.
“Hay na ko Charmaine. Sige na. Basta kapag kailangan mo ng tulong nandito kami ni Aida. Huwag kang maglilihim sa akin, tandaan mo yan ha!” paalala ni Charles sa kaniya.
“Salamat kuya!”
…
Matapos ang pag-uusap nila ng Kuya niya. Umalis din naman ito sa bahay nila. Dahil mayroon ng sariling pamilya ang Kuya niya. Dumadalaw lang paminsan-minsan ang mga ito lalo na kapag hindi busy sa trabaho.
Samantalang habang nagluluto ng hapunan si Charmaine, biglang tumunog ang kaniyang ringtone. Senyales na mayroong nagpadla ng mensahe.
Your Husband; Take vitamins for the baby. Take care of my child.”
Iyon ang nabasa niya mula sa message inbox. Hindi niya mawari ang nararamdaman niya sa oras na ito.
Concern ba ang lalaking iyon sa kaniya?
Mabuti naman pala ang lalaking iyon, kahit na hindi halata…
“Oo, salamat sa pag-alala. Pupunta ako ng Pharmacy Store mamaya.” Balik niyang mensahe sa lalaki.
Hindi mawari ni Charmaine kung bakit bigla siyang napangiti sa mensaheng iyon. Hindi niya iyon ini-expect!
Wala pang ilang saglit ay nakatanggap kaagad siya ng message ulit mula sa lalaki.
“Okay. Send me your bank account.”
Napakunot ang noo niya sa kaniyang nabasa.
Hindi naman siya nanghihingi ng pera?
Bakit ito manghihingi ng Bank Account?
“Bakit? Ano ang kailangan mo sa bank account ko?” — balik niyang mensahe.
“C’mon, ano ba ang ginagawa sa bank account?”
Pilosopong balik na mensahe sa kaniya ng lalaki. Napasapo sa noo si Charmaine, hindi niya mawari kung ano ang trip ng lalaking ito. Alam niya naman kung para saan ang bank account. Hindi niya lang ma-gets bakit hinihingi nito.
“Alam ko kung para saan ang bank account, pero bakit mo ba hinihingi? Hindi naman ako humihingi sa iyo ng pera ah?” — balik ulit na mensahe ni Charmaine dito.
“Paano ka bibili ng vitamins, kung wala ka namang pera?”
Natawa si Charmaine sa bagong mensahe sa kaniya ng lalaki. “Sa tingin ba ng lalaking ito, wala akong pera? Ang liit naman ng tingin niya sa ‘kin?”
Dahil hapon na, nagpasya na si Charmaine na magtungo sa pharmacy store para bumili ng vitamins na kailangan siya. Pinakiusapan rin siya ni Aida na sunduin ang kaniyang pamangkin. Iisa lang ang anak ng Kuya niya at ito ay nasa siyam na taong gulang na. Nag-aaral sa public school. Pumayag siyang daanaan ang pamangkin niya dahil wala naman siyang ibang gagawin ngayong hapon. Sumakay siya ng traysikel at nagtungo sa pharmacy store. Mabilis lamang siyang nakarating ng pharmacy store, lulan ng traysikel. Nasa counter na siya nang biglang dumating ang kapit bahay nila na mukhang bibili rin ng kung ano sa store. “Bakit ka nandito?” tanong ng kapit bahay niyang, ka edad niya. “Hay nako, Lorena. Hindi ako na inform na kailangan ko pang ipaalam sa ‘yo na pupunta ako dito.” Pabirong sagot ni Charmaine. “Syempre, bibili ako,” dugtong pa niya. Napaismid ang nagngangalang Lorena at tinignan siya nito na para bang isa siyang napakababang nilalang. “Hindi ka pa rin nagbabago, Charmaine, masyad
Kaharap ni Charmaine ang kuya Charles niya pati na rin ang sister inlaw niyang si Aida. Close sila ng sister-in-law niya, magkakampi sila sa lahat ng bagay, lalo na kapag may topak ang Kuya Charles niya. Napakagat labi si Charmaine ng tignan siya ng masama ng Kuya niya. Matapos niyang hindi masagot ang maraming tawag ng Kuya niya. Biglang dumating ang Kuya niya kasama ang asawa nitong si Aida. “Huwag kang matakot sa Kuya Charles mo, Charmaine. Ganyan lang ‘yan kasi hindi mo sinagot tawag niya.” Bulong ni Aida sa kaniya. “Bakit hindi mo sinagot ang tawag ko?” tanong ni Charles sa kaniya. “Busy ako kanina, Kuya. Nakipag-meet ako sa tatay ng pinagbubuntis ko.” Sagot ni Charmaine. “kasal na din kami. Kaya hindi na ako pwedeng magpakasal sa matandang nirereto ng Nanay natin,” dugtong pa niya.Napaawang ang labi ng Kuya niya pati na din si Aida. Nagulat sila.“Ganun kabilis? Nasa tamang pag-iisip ka pa ba, Charmaine?” tanong ng kuya niya. “Kuya, pinag-isipan ko naman ito. Sa totoo nga
Sa isang iglap, isa ng ganap na Clarkson si Charmaine. Walang kahirap- hirap silang ikinasal. Tanging isang attorney lamang ang naging daan upang sila ay maikasal. Tanging pirma lamang ng dalawa ang naganap. Ang nakakabinging katahimikan lamang ang tanging naging problema sa pagitan ng dalawa. Dahil sa photo shoot ng dalawang ito, tanging si Charmaine lang ang nagbigay effort sa photo shoot. Samantalang, hindi ngumingiti ang kasama niyang si Evans. “ Pinaglihi ba ito sa sama ng loob?” Di maiwasang tanong ni Charmaine sa sarili. “Hindi man lang marunong ngumiti.” Isinawalang bahala naman na ito ni Charmaine at binigyang pansin ang marriage certificate na hawak niya. “Thank you!” pagbasag ni Charmaine sa katahimikan sa loob ng office ng attorney. Tinignan naman siya ni Evans. Tanging malamig na tingin lamang ang sinagot sa kaniya nito. Pero hindi pa din nagpatinag si Charmaine. “ Thank you sa pagpayag na pakasalan ako, alang-alang sa baby natin.” Sambit niyang muli. “
Matapos tawagan ni Charmaine ang lalaking naka one night stand niya. noong gabing nasa vip room siya ng isang hotel kasama ang misteryosong lalaking iyon. Gumapang ang matinding kaba sa kaniyang dibdib.Nagtungo siya sa isang coffee restaurant upang makipag kita sa lalaking nakabuntis sa kaniya. Puno siya ng kaba sa mga oras na ito. Ngunit kailangan niyang harapin ang lalaki, upang makipag kasundo sa kaniya. Kailangan nilang maikasal ng lalaking ito. Kahit na hindi ito mayaman ay okay lang sa kaniya. Hanggang sa masaksihan niya ang magarang sasakyan sa labas ng coffee shop. Wala siyang kaalam- alam na ang lalaking lumabas Sa mamahaling sasakyan na nasa harap ng coffee shop ay ang lalaking hinihintay niyang dumating. Nakatitig lamang siya sa lalaking nakasuot ng formal attire. Sa tingin niya ay nasa edad 25+ na ang lalaki. Namangha si Charmaine, dahil napaka gwapo nito, matangkad at ang lakas ng dating. May dalawang bodyguard pa itong kasama!Sa bilis ng pangyayari, hindi namalay
. "You're pregnant,” sambit ng babaeng doktor, na nasa edad 40. Napatulala si Charmaine, matapos marinig ang anunsyo ng doktora. Kitang kita niya ang resulta ng ultrasound. Tunay ngang buntis siya… Binigyan ng doktora ng malamig na tingin si Charmaine. Marami ng naging pasyente ang doktora na karamihan ay puro kabataan, na nag papa-check up. Mga kabataan na nagugulat sa mga nagiging resulta ng kanilang checkup.“Ito ba ay first baby mo, Miss?” tanong ng doktor kay Charmaine na hindi malaman kung ano ang gagawin. "Ah, eh, first time ko po ito, doc.” Sagot nI Charmaine. "Let me tell you, Ms. Kung iniisip mong ipalaglag ang baby sa tiyan mo, huwag mo ng subukan pa. Maraming consequences kapag ginawa mo iyon.” Paalala ng doktora sa kaniya. Kaagad na umiling si Charmaine upang ipadating sa babaeng doktor na gusto niya ang baby sa tiyan niya. “Hindi ko po ipapalaglag ang baby sa tiyan ko.” Ngumiti ang doktor at napatango. You are five weeks pregnant. At healthy naman ang