Chapter: CHAPTER 27Pagkalabas nina Silas at Xiandra sa bahay ni Gabriel, hindi na nila napag-usapan agad ang sinabi ng matanda.Pareho silang may iniisip.May bagong pangalan.May bagong dokumentong kailangan hanapin.At higit sa lahat, may taong sumusunod sa kanila.Habang nagmamaneho si Silas, tahimik na nakatingin si Xiandra sa hawak niyang notebook.“Leonard Williams,” sabi niya.“Hmm.”“Hindi ko maalala ang pangalan niya.”“Same.”“Pero sabi ni Gabriel, dating business partner siya ng father mo.”“Then why have I never heard of him?”“That's what we're going to find out.”Tahimik na naman sila.Maya-maya, tumunog ang cellphone ni Silas.Isang mensahe.“You need to talk to me.”Hindi kilala ang numero.“Who is it?” tanong ni Xiandra.Hindi agad sumagot si Silas.Nakatitig lang siya sa screen.“Silas?”“Valerie.”Nanigas ang mukha ni Xiandra.“Valerie?”Tumango siya.“Anong gusto niya?”“Hindi ko alam.”Muling dumating ang isang mensahe.“I know something about your past. Something you were never tol
Last Updated: 2026-08-20
Chapter: CHAPTER 26Hindi agad sila pumasok sa bahay ni Gabriel Navarro.Nakatayo lamang sina Silas at Xiandra sa harap ng lumang gate, parehong tahimik habang naghihintay kung may lalabas.Matapos ang sinabi ni Xiandra sa loob ng sasakyan, parang may nagbago sa pagitan nila.Hindi naman naging awkward.Mas naging tahimik lang.Mas maingat.Hanggang sa si Silas na mismo ang nagsalita.“Xiandra.”“Hm?”“May gusto rin akong sabihin.”Napatingin siya rito.“About what?”“About us.”Bahagyang napakunot ang noo niya.“Akala ko tapos na tayo doon.”“Hindi pa.”Huminga nang malalim si Silas.“May dahilan kung bakit hindi ko agad sinabi sa'yo kung ano talaga ang nararamdaman ko.”“Bakit?”“Natakot ako.”Hindi inaasahan ni Xiandra ang sagot.“Sa akin?”Umiling siya.“Sa magiging epekto nito sa'yo.”Tahimik siyang nakinig.“Simula nang malaman natin ang tungkol sa mga documents, mas lalo kong nakita kung gaano kagulo ang pamilya natin. May pera. May kumpanya. May mga taong nagsisinungaling.”“Alam ko.”“Pero hindi
Last Updated: 2026-08-20
Chapter: CHAPTER 25Tahimik ang biyahe nina Silas at Xiandra papunta sa Batangas.Mula nang malaman nilang hindi sila tunay na magkapatid, parang nagbago ang lahat. Wala namang biglang nangyari sa pagitan nila, pero iba na ang pakiramdam.Hindi na kailangang pilitin ni Xiandra ang sarili niyang umiwas dahil sa takot na baka mali ang nararamdaman niya.Pero hindi rin ibig sabihin na madali na ang lahat.Marami pa rin silang tanong.Maraming lihim ang kailangan nilang alamin.At higit sa lahat, may damdaming matagal nilang pilit na itinatago.Habang nagmamaneho si Silas, tahimik lamang na nakatingin si Xiandra sa labas ng bintana.“Okay ka lang?” tanong ni Silas.“Oo.”“Sure?”Tumango siya.“Medyo nag-iisip lang.”“About the documents?”“Hindi lang iyon.”Napatingin sandali si Silas sa kanya bago muling ibinalik ang tingin sa daan.“Then what?”“Wala.”Hindi na siya pinilit ni Silas.Pero lalo lamang siyang kinabahan.Ilang minuto silang parehong tahimik.Hanggang sa tuluyan niyang naisip na baka wala na s
Last Updated: 2026-08-20
Chapter: CHAPTER 24Hindi nakatulog nang maayos si Xiandra nang gabing iyon.Paulit-ulit sa isip niya ang recording ni Elias.“May isang lihim na nangyari bago pa ipinanganak ang karamihan sa inyo.”At higit sa lahat, hindi niya makalimutan ang sinabi nitong hanapin nila si Gabriel Navarro, ang tinatawag na unang witness.Kinabukasan, maaga silang nagkita ni Silas sa opisina.May dala itong folder at ilang lumang dokumento.“May nahanap ka?” tanong ni Xiandra.Tumango si Silas.“Hindi pa natin nahanap si Gabriel.”“Then?”“May nakita akong mas importante.”Inilapag niya ang isang lumang folder sa mesa.“Family records.”Napakunot ang noo ni Xiandra.“Again?”“Hindi ordinaryong records.”Binuksan ni Silas ang folder.May birth certificate.May marriage certificate.May adoption papers.At may isang dokumentong halos kupas na.Kinuha iyon ni Xiandra.“Ano 'to?”“Original family registry.”Binasa niya ang mga pangalan.Una niyang nakita ang pangalan ng kanilang mga magulang.Pagkatapos ay ang pangalan ni Si
Last Updated: 2026-08-20
Chapter: CHAPTER 23Hindi agad pinakinggan nina Silas at Xiandra ang recording.Pagbalik nila sa opisina, inilagay muna nila sa mesa ang lahat ng nakuha nila mula sa lumang bahay.Mga dokumento.Mga kopya ng financial records.At ang maliit na envelope na may mensaheng nagsasabing hanapin nila ang unang witness.“Ang dami nating hinahanap,” sabi ni Xiandra habang nakatingin sa mga papel.“Pero wala pa rin tayong malinaw na sagot.”“Meron.”Napatingin si Silas.“May recording si Elias.”Tumahimik si Xiandra.“Sigurado kang kanya iyon?”“May pangalan niya sa file.”Kinuha ni Silas ang maliit na storage device na ibinigay sa kanila ni Ramon noong nakaraang araw.Inilagay niya iyon sa computer.May isang audio file.ELIAS_FINAL_01Pareho silang natahimik.“Ready?” tanong ni Silas.“Hindi.”Napangiti siya nang bahagya.“Same.”Pero pinindot pa rin niya ang play.Ilang segundo ng katahimikan ang narinig nila.Pagkatapos, isang pamilyar na boses.“Kung naririnig ninyo ito, ibig sabihin hindi ko na nagawang sabi
Last Updated: 2026-08-20
Chapter: CHAPTER 22Hindi na dumiretso sina Silas at Xiandra sa bahay ni Helena.Habang nasa daan sila, tumawag ang isang hindi kilalang numero sa cellphone ni Silas.“Hello?”“Mr. Cahir?”“Oo. Sino ito?”Sandaling natahimik ang nasa kabilang linya.“May impormasyon ako tungkol sa kumpanya.”Napatingin si Silas kay Xiandra.“Anong impormasyon?”“Hindi ko puwedeng sabihin sa telepono.”“Then tell me where we can meet.”“May isang maliit na coffee shop malapit sa old business district.”“Anong oras?”“Thirty minutes.”“What's your name?”“Pagdating mo, sasabihin ko.”Naputol ang tawag.“Baka trap,” sabi ni Xiandra.“Possible.”“Pupunta ka pa rin?”“Oo.”“Then sasama ako.”“Alam kong sasama ka.”Hindi na siya nakipagtalo.Pagdating nila sa coffee shop, halos walang tao.Umupo sila sa isang sulok na hindi agad mapapansin.Makalipas ang ilang minuto, may lalaking pumasok.Mukhang nasa limampung taon na ito.Simple ang damit at halatang kinakabahan.Tumingin ito sa paligid bago lumapit sa kanila.“Mr. Cahir?”
Last Updated: 2026-08-20
Chapter: Chapter 11Naghihintay na sa rooftop ang chopper na gagamitin, sabay silang pumunta sa rooftop. Nagulat siya nang alalayan siya ni Dominic papasok sa loob nang chopper, nilingon niya ito ngunit nginitian lang siya nito.She feel comfortable, kahit na kanina lang sila nagkita at nagkakilala.Nang makasakay sila at makaupo sa upuan ay nanatili siyang tahimik. She's speechless, nawalan siya nang sasabihin na ngayon lang nangyari sa kaniya, she feel awkward with him.Sa buong biyahe nila sa himpapawid at sa lumipas na oras ay walang nagsalita sa kanilang dalawa pareho silang tahimik, napuyat siya kaya hindi niya napigilan ang sariling makatulog habang nasa biyahe.15 hours and 35 minutes ang biyahe papuntang new york, matagal tagal rin ang magiging biyahe nilang dalawa. At nakakatawang wala man lang silang dalang damit at sumakay na kaagad sila sa chopper.Pero hindi naman 'yon problema, bibili nalang sila. Ang mahalaga para sa kaniya ay ang makapunta kaagad nang New York para asikasuhin ang problem
Last Updated: 2025-10-29
Chapter: Chapter 10MAY balak pa sana siyang puntahan, ang kaso ay pinipilit na siya nang uncle niya na bumalik sa kompanya niya. She plan to go back to her company after lunch.Pero ito siya ngayon at nagmamaneho papuntang kompanya niya, napairap siya sa hangin nang red light kaya inihinto niya ang sasakyan.Napatingin siya sa labas nang bintana, ma-ingay ang busina nang mga sasakyan.Naisip niya tuloy ang bagong secretary niya, ano namang pakialam niya kung naghihintay na ito sa kaniya?Napatingin siya sa relo niya, at nagulat siya nang makitang quarter to eleven na. Gano'n ba talaga siya katagal na nagstay sa kompanya nang kaibigan niya?Nagpatuloy siya sa pagmamaneho nang makitang green light na, nang marating niya ang kompanya ay saka niya pinark ang sasakyan at bumaba doon.Pumasok siya sa loob nang kompanya niya at pumasok sa loob nang elevator, ilang minuto siyang naghintay bago niya narating ang destinasyon niya. Nang tumunog ang elevator hudyat na nasa last floor na siya kung saan ang office ni
Last Updated: 2025-10-29
Chapter: Chapter 9Nagovertime siya sa trabaho, kahit naman CEO siya ay nag-oovertime siya, at madalas niyang gawin yon kapag bored siya. Mabuti nalang at natapos niya ang lahat nang dapat na pirmahan na papeles.Napasandal siya sa swivel chair niya at pinaikot ikot sa palad niya ang ballpen, hinilot niya ang batok gamit ang isang kamay."Ughh, I need to go home." bulong niya sa sarili bago napagpasiyahang tumayo. Inayos niya ang gamit at isinuot ang blazer niya na nakasukbit sa likod nang swivel chair.Lumabas siya nang sariling opisina, halos iilan nalang ang mga empeado na nadadaanan niya pero nagagawa parin siya nang mga itong batiin.Nagpatuloy siya sa paglalakad nang makalabas na siya nang elevator. "Good bye Miss Amara." anang security guard hindi niya ito pinansin, well wala naman siyang pinapansin kung hindi lang tungkol sa trabaho.Sumakay siya sa cadillac niyang sasakyan na isa sa paborito niyang kotse, nagmaneho siya pauwi patungong bahay niya.She feel exhausted with the wholeday work. Nagp
Last Updated: 2025-10-29
Chapter: Chapter 8Nang matapos ang tawag ibinulsa niya ang cellphone niya at parang sira ulong naglakad pabalik balik. "Magkikita na ba talaga ulit kami? Makikita ko na ulit siya?" pagkakausap niya sa sarili.Umuwi siya nang bahay at naiwan ang kapatid niya at ang ama, naconfine ang kapatid niya sa hospital."Niel?" tawag niya sa kapatid pagkarating nang bahay."Bakit kuya? Kamusta si Kian, okay lang ba siya?" tanong kaagad sa kaniya nang kapatid niya."Na confine siya, kukuha ako nang damit para sa kanila. Niel aalis ako at pupunta nang manila, bantayan mo si Tatay at si Niel, maliwanag?" mahinahon niyang pagkausap sa kapatid."Kuya anong sinasabi mo?" nagtatakhang tanong sa kaniya nang kapatid."Magtratrabaho ako sa manila. Naaalala mo pa ba si Ara?" tanong niya .Mabilis namang tumango ang kapatid niya, "Opo, bakit ko naman makakalimutan si Ate Ara?""Sa kompanya niya ako magtratrabaho." nangingiting paliwanag niya na ikinalaki nang mga mata nang kapatid."Talaga kuya? Naalala ka na niya?"Nawala an
Last Updated: 2025-10-29
Chapter: Chapter 7SAAN nalang siya pupulutin ngayon? Tapos na ang kontrata niya sa school na pinapasukan niya bilang Med Teacher.Mababa ang sweldo kaya gusto na niyang lumipat, pero dahil nasa probinsiya siya talagang mababa ang sahod."Dominic?" tawag sa kaniya nang tatay niya.Napalingon siya dito, "Bakit ho Tay?" tanong niya."Dalawang buwan na tayong hindi nakakabayad nang kuryente." sagot sa kaniya nang tatay, malalim siyang napabuntong hininga isa pa ito sa problema niya. Kulang sila sa pampinansyal."Magkano po ba ang babayaran?" napapangiwi niyang tanong."Two thousand mahigit anak." bakas ang hiya sa tono nang boses nang tatay niya."Saglit lang ho, kukuha ako nang pera." sagot niya at tumayo."Pero hindi ba't wala ka nang pera-?" pinutol niya ang sinasabi nang tatay niya."Tay meron pa po." sagot niya at iniwan ito sa sala para kumuha nang pera sa kwarto niya, meron pa naman siyang natitirang pera at maliit na savings sa bangko.Sa tatlong taong nakalipas napakarami naring nagbago sa buhay n
Last Updated: 2025-10-29
Chapter: Chapter 6AMARA is always be Amara. Three years had been pass and she's now back for being ruthless, fearless and fierce. Well, she use to be like that ever since."Get out!" malakas niyang sigaw sa isang employee niya, tumalima ito at mabilis na lumabas ng office niya. Ibang iba sa Amara na nakasama ni Dominic noon, three years ago. Pinaglaruan niya ang ballpen na hawak sa kamay niya pagkatapos ay pabagsak niya itong inilapag, ang aga-aga ay ang init na nang ulo nito paano ba naman kasi nalaman lang naman niya na bumaba ang shares nang kompanya niya.At 'yon ang ikinagagalit niya. Wala siyang maalala sa nangyari dahil ang sabi sa kaniya nang uncle niya ay three years daw siyang comatose dahil sa aksidente. Naiinis siya dahil naaksidente siya at napabayaan ang kompanya. At ang mas ikinagagalit niya ay napagalaman niyang ninanakawan pala siya ng Vice President nang kompanya niya, noon pa man ay hindi na niya ito pinagkakatiwalaan. Sobrang galit ang lumukob sa kaniya dahil sa nangyayari ang ila
Last Updated: 2025-10-18